Disin Sana

Sa pag-aapuhap ng mga sagot

Ulo ay mistulang nalagot

Kung mangyari lamang sanang akin nang tinanggap

Na ang buwan ay di kayang masuntok ng mga pangarap


Ngayon buhay ay napariwara

Sa paghahanap ng mga bagay na sadyang wala

Pinuno ang sariling salop

Kaya sa dagat ng kawalan ay nalugmok


Kung natutunan lamang magbukod ng tama sa mali

O kaya'y mamaluktot sa tuwing kumot ay maiksi

Di sana sinapit ang ganitong sandali

Ngayon ang naiwang damdamin ay awa sa sarili


Kung nakisakay lamang sa mapayapang alon

O binigyang halaga ang buhay ng dahon

Marahil sumibol sa puso ang tamang binhi

Disin sana'y maaliwas na ngayon ang inaani...


2015

����4!�

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top