Butil Na Ipinunla
Di ako literal na magsasaka, ngunit ako ay nagtanim
Naghasik ng ibat-ibang klaseng binhi, sa kagubata't bukirin
Bawat butil nagsasagisag, nang lasang natikman
Ang iba'y matamis, ilan naman ay may kaasiman
Libre ang mamitas, kung sakali mang ito'y lumago
Konting ingat lang dahil nakakalason, ilang itinanim kong buto
Kaya bago kainin ang nilalaman, dapat munang suriin
Ibukod ang tama sa mali, ang nararapat ay piliin
Mariin kong uulitin, di ako literal na magsasaka
Kung paano ako nagtanim, sana'y maunawa ng iba
Mayroon akong dalangin, marinig sana ng mga anghel
Nawa'y sumibol at magbunga, ang mga butil na ipinunla ko sa papel
written: April 22, 2015 @ 11:30 am
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top