Anong Tagumpay
ano nga bang napala
ano ang nahukay
sabi nila ay wala
ni kusing rito ang tagumpay
mga kakilala'y nagtatanong
may pera bang kapalit
pagwaldas ng sandali't sa panulat magpayabong
dahil kung wala ay bakit
hindi lang nasusukat
sa ginto ang tagumpay
di kung ano ang nakamit
kundi kung ano ang naialay
bawat sulat ko'y
puso'y isinama ang pintig
saya't pasakit nito'y
sana'y tumulong at humulma ng bagong daigdig
gawing itong paaralan
kunin nila ang aral
dalhin sa simbahan
isangguni sa dasal
kung patuloy nilang tatanungin
kung anong tagumpay
marahil ito'y kanilang aalalahanin
kapag lapis at papel ko'y tuluyan nang nahimlay
Written: August 19, 2015 @9:06am
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top