Alaala ng Buhay Ko [Lumang Sulatin 1998]
Nalimutan ko na ang iba
Karamiha'y laging naaalala
Ang iba'y ako'y pinatawa
Ang ilan ay ako'y pinaluha
Mga alaala ng buhay ko
Sila'y bumubuo sa aking pagkatao
Alaala ninyo'y naglalakbay sa'king mundo
Alaala ng buhay ko
Mula noong aking pagkabata
Di ako nawalan ng pag-asa
Marami akong nakasama
Ewan ko kung naaalala pa nila
Ngayong ako'y binata na
Ang ilang nagdulot ng alaala'y naglaho na
Nagdulot sila ng luha
Kung iipunin ay isang timba na
Sinubukan kong tumawa't lumuha
Pati ang pagpayat at pagtaba
Nakipag-usap sa maraming tao
Lahat tayo'y di naubusan ng kwento
Maaalala mo pa ako
Kung ako'y biglang mawala't maglaho
Iiwan ko'y alaala
Na minsan ako'y inyong nakasama....
Written: December 15, 1998
Pasyensya na sa kasimplehan ng tula...
This is my poem 16 years ago...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top