Anime chuchu rant ._.


Favorite anime?


Kung sa pangkalahatan at sa genre na adventure,

Eh di yung papatunayang may forever pero wala.. ONE PIECE!

Sabihan nang mainstream? panget ang animation? dami-daming episodes? Well, haha ganun din naman ang tingin ko dito dati..

Isa sa dahilan kung bakit ko sya tinry talaga panuorin is curiosity. "Bakit sya humaba nang ganun at minahal ng mga tao kung hindi maganda?"


Kaya nung sinimulan ko hindi na ako tumigil. XD lul 


Sobrang nakaka-excite yung mga nagiging adventure nila. Pamula kay Zoro hanggang kay Brook. Lahat na ata nang emosyon eh nadama ko habang pinapanuod to.


INIYAKAN KO PA BARKO? PUNSHETE XD

Yung piling na, umiiyak ka na nga tapos natatawa ka pa at medyo naiinis hanggang sa di mo na talaga alam kung anu bang dapat maramdaman. xD Bwisit kasi, bat nagpapatawa pag nag-iiyakan na.


EXACTLYYYY!

Itong anime na to, parang may mga tinitira talaga sa real world. Ang lalalim ng paksa.


Nung 2013 ata sinabi na nung author na 10 years pa ang OP. So.. 2016 na ngayon O____O 7 years na lang? NOOOOO AYOKO MATAPOS!!! Wala talagang forever.



Anime with 12, 25 or 100+ episodes?


Masarap kaya talaga manuod ng mahahabang anime. Yung hindi ako iiwan basta-basta.. yung sobrang haba at linggo-linggo ka mag-aabang ng episode pero worth it paghihintay.  

Masarap din namang manuod ng mga maiikli.. pero YANG MGA YAN NA NANG-IIWAN SA ERE! Ang gaganda ng kwento tapos walang season 2! Yang mga paasa! ANG SAKIT SA KOKORO! LAHAT NANG IIWAN! UHUHUH yung feeling na yun!


Meron din namang ayos lang so... LAHATTT!!!


Pero bakit ganun? Yung ibang mga nanunuod ng anime katulad ng mga classmates ko. Nagrereklamo rin sila dun sa maiikling episodes dahil wala daw kasunod. Pero pag sobrang dami naman tinatamad? Ayaw nila yun..? TULOY-TULOY! xD


Tapos yung iba kung maka judge. Feeling alam na lahat. Nagfi-feeling absolute or I-am-smarter-than-all-of-you kind of people. Hindi pa naman napapanuod or nakapanuod lang ng mga 3 episodes, sasabihang pangit agad. ._____. Mga tao talaga. Try nyo muna panuorin lahat ng episode bago nyo sabihin yan. HAHAHA. At kung hindi mo talaga trip, eh di respect na lang. DUHH!


At yung mga nagcocompare.. Kunwari, mas maganda daw si Anime A kesa dun sa Anime B.

Eh ang matindi! Yung Anime A lang naman ang napanuod nya at hindi pa napapanuod yung Anime B! Anung karapatang mag compare kung hindi mo naman alam ang lahat nung nangyari sa parehas na anime na yun. At respetuhin mo na lang kung anu ding tingin nung iba. Hindi yung ipagsisiksikan mo ang isang bagay na ayaw nga nila.

Parang sa pakikipagkaibigan o pag-ibig lang yan eh! Wag mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo. -___- Humanap ka nang taong tanggap ka ng buong puso, hindi yung mga balasubas na plastik! Bwiset na mga yan eh. Nauso pa.//SLAPPED/


Yun lamang at maraming salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top