KILL036
Kleo's POV
Napakalakas ng hangin. Ang mga ulap ay tila nagbabadya ng malakas na pag-ulan. Hindi pa nga tapos ang Mayo, may bagyo na agad. Wala pa man din akong dalang payong.
"Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yon?" inis na sambit ko sa'kin sarili.
Kasalukuyan akong naghihintay ngayon sa aking best friend na si Klaryn. Namiss kasi namin ang isa't isa sapagkat masyado itong naging busy sa kanyang summer job. Kahit na malapit na rin naman na ang pasukan at magkikita din lang naman kami, pinili pa rin namin na makapagkita at makapagbonding sa labas. Amin din kasing napagplanuhan na sabay kaming bibili ng mga school supplies.
At sa wakas. Natatanaw ko na ang pagdating ng kulot at payatot na babaeng 'to. Lumilitaw kasi ang kanyang kaputian sa gitna ng maraming tao.
"Sorry Kle, kanina ka pa ba? hehe" wika nito na hindi mawari kung nag-aalala ba o nang-aasar lang.
Napakunot ang aking noo. "Lagi ka na lang talagang late"
"Ok lang 'yan, alam ko naman na hindi ka rin dumating on time" tugon nito sabay muling tumawa. Mag gagalit-galitan sana ako rito, ngunit hindi ko napigilan na mahawa sa kanyang malakas na pagtawa. Nagsimula kaming maglakad ng aking matalik na kaibigan na puno agad ng saya sa aming mga labi.
Nagtungo kami sa isang book store sa loob ng mall. Bumili kami ng mga gamit na aming kakailanganin sa nalalapit na pasukan. May mga ilan kaming pinamili na terno at parehas kami ni Kla, kagaya na lamang ng ballpen, binders, highlighters at kahit bag ay pareho kami ng style, ang pinagkaiba lamang ay pink sa kanya at yellow sa akin.
Ganito ang klase ng pagkakaibigan namin ni Klaryn, halos kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Mula noong maging magkaklase kami ng first year college, nagkasundo na kami nito at naging magbest friend. At sa mga sumunod na taon ay hindi na kami napaglayo pa kaya naman mas lalong lumalim ang aming pagkakaibigan.
Halos lahat ng sikreto ko ay alam ni Kla, at syempre alam ko din ang bawat sikreto niya. Mas napagsasabihan ko pa kasi siya ng aking mga problema kaysa sa kapatid kong si Peter, dahil hindi naman ako no'n iniintindi. Ngunit ngayon ay mayroon akong problema at sikreto na hindi ko alam kung tama o dapat ko bang ikuwento sa'king best friend, at ito ay ang patungkol sa laro na K2S.
Hindi ko kasi sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya, kung tatawanan ba ako nito at iisipin na nasisiraan lang ako ng bait. Hindi ko rin maiwasan mag-isip na baka ikapahamak din niya kapag nalaman niya ang tungkol dito..
"Hoy! Nakikinig ka ba Kle? Bakit ba parang lumilipad 'yang isip mo?" pag-eksena nito nang mapansin na hindi ako nakikinig sa kinukuwento niya.
"Uhh.. Oo 'no.. Parang ang sungit sungit naman niyang bagong crush mo.." sabay subo ng paborito kong dumplings. Kasalukuyan na kasi kami ngayon na kumakain dito sa korean restaurant matapos namin mamili.
"Pero alam mo, mas lalo akong naiinlove sa kanya kapag sinusungitan niya 'ko heheh.. Naalala ko noong trainee pa ako, siya ang nagtuturo sa'kin.... Tapos ano... Hahaha... Tapos alam mo ba...." patuloy lang sa pagkukuwento itong si Kla na halatang kilig na kilig. Parang naaalala ko lang sa kwento niya si Sky. Nakakatawa lang kasi parehas kami, ang pinagkaiba nga lang ako hindi ko crush si Sky. Itsura no'n.
Halos paubos na itong kinakain namin ng matapos sa pagi-storytelling 'tong si Klaryn. Nakakaloka sa haba ang kanyang kwento. Dahil sa tapos na siya, sinubukan kong ako naman ang magkuwento, ito na siguro ang tamang pagkakataon.
"Kla, sa palagay mo ba may mga larong nangyayari sa totoong buhay? .. 'Yong mga online games gano'n?"
"Ang weird ng tanong mo ah.." aniya sabay tumawa. Dahil sa naging sagot nito ay naisipan ko, na huwag ng ituloy ang aking sasabihin.
Isinubo ni Klaryn ang huli niyang natirang pagkain at muling nagsalita "Pero parang mayro'n.. hmm... Oo nga! Posible 'yan sinasabi mo Kle.."
Nagulat ako sa sinabi niya, bigla akong nabuhayan ng dugo. "T-talaga? Ano? .. Saan?"
"Iyong SF.. Special force hahaha ... Diba nangyayari naman 'yon sa totoong buhay? Sa mga sundalo, kapag nakikipag giyera sila heheh"
Napasubsob na lamang ako sa'kin mga palad dahil sa napaka korni na joke ni Klaryn. Hindi pa ito tumitigil sa kanyang pagtawa. Tuwang tuwa siya sa kakornihan niya ah. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing sa loka loka kong kaibigan.
"Malala ka na. Tsk"
"Bakit? .. Hahahah.. Tara na nga lang sa Tom's World.. Hahah" pag-iiba nito ng usapan. Binayaran na namin ang aming bill saka lumisan ng restaurant.
Sa aming paglalakad papunta sa nasabing amusement arcade, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa'kin bag. May natanggap akong text message galing kay Sky.
Kay Sky? Bakit kaya ito nagtext.
Agad ko itong binuksan at binasa. Pagkakita ko sa kanyang message ay biglang gumuhit sa'kin mukha ang matatamis kong ngiti, hanggang sa hindi ko na napigilan na mapahalakhak sa tuwa. Ikinagulat ni Klaryn ang biglang pagbabago ng aking mood.
"Uuuyyy sino 'yan? Si Simon?" pang-aasar nito na akala mo mas kinikilig pa sa'kin.
"Gaga hindi. Nakilala ko 'to do'n sa online game na--"
"At kailan ka pa naging gamer Kle?"
"Si Peter kasi, pinilit akong isali do'n sa laro" saad ko rito habang nakapila na sa cashier booth upang bumili ng token.
Marami pa ang naging katanungan nitong best friend ko about kay Sky, kasama na rito kung ano ang dahilan ng aking mga ngiti ngayon.
Well actually hindi talaga ito sweet message para kiligin ako, bagkus ay patungkol ito sa pagiging tanga tangahan ni Sky sa paggamit ng fb messenger.
Parang ba naman itong bata na nagsusumbong sa'kin kung paano daw ba gumamit ng sticker sa messenger, dahil naiinggit ito sa mga pinagsesend na mga sticker nila Peter at MoonMoon sa aming GC. At nang itinuro ko na sa kanya kung paano, aba'y nagreklamo pa dahil bakit daw hindi gumagalaw ang sa kanya samantalang kila Peter ay gumagalaw na sticker daw, like OMG Sky! Hindi ko napigilan no'n ang tumawa ng malakas. May pagdemand pa na gusto din daw niya ng Avengers na sticker o kaya naman daw Minions at Spongebob kagaya daw ng kay MoonMoon.
"Hahahhahahahaha!" malakas na pagtawa ni Klaryn matapos kong ipabasa sa kanya ang mga text sa'kin ni Sky. "Ang cute niya Kle oh my goossshh.. Hahahah.. Parang ang sarap pisiliiiin ng mga pisngi niya dahil sa pagkainosente niya.. Hahaha"
"Hindi nga natin sigurado kung matataba ba ang mga pisngi ng lalaking 'yon eh" tugon ko rito na may kasamang pagtawa.
Nagulat naman ako nang bigla akong tapikin ni Klaryn sa'kin paglalaro ng claw crane. "Alam ko na Kle!"
"Alam ang alin?" tanong ko dito, habang nakafocus pa rin sa pagkuha ng stuffed toys.
"Para malaman natin ang itsura niyan Sky na 'yan, ipagawa mo sa kanya ang pag long press sa icon ng photo". Bigla akong napatigil sa paglalaro at humarap kay Klaryn at mas nakinig ng maigi. "Iyong icon ng photo katabi ng voice clip. Kapag kasi ni-long press mo 'yon makukuhaan ka ng picture at automatic na magsesend doon sa conversation niyo"
Hindi agad ako naniwala rito kaya madali namin itong sinubukan sa messenger ni Kla, ni-try niya itong gawin sa conversation namin at boom! Napicturan nga siya ng stolen. Grabe napa-wow ako do'n, ngayon ko lang nalaman 'yon. Nanggaling ata ako sa bundok pero alam kong mas kabundukan ang pinanggalingan ni Sky kaya panigurado na hindi niya rin alam iyon.
Naexcite ako bigla na ipagawa 'yon kay Sky mamaya pag-uwi ko. Kahit si Klaryn ay parang excited din sa kung anong itsura nga ni Sky. Kaya naman nang matapos na kaming mag-enjoy sa Tom's World ay napagdesisyunan na rin namin na umuwi.
Inihatid ko si Kla sa sakayan ng jeep. At nang makasakay na ito ay saka lamang ako umalis at tumawid sa kabila dahil naroroon ang tamang sakayan ng mga bus pauwi sa'min.
Binabaybay ko pa lamang ito, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naparipas ako ng takbo sa pinakamalapit na waiting shed. Agad kong pinagpagan ang aking sarili dahil sa basang basa ito. Bakit ba kasi sa dinami dami ng aking makakalimutan ay payong pa. Napabuntong hininga na lamang ako.
Balak ko pa sanang hintayin na tumila ang ulan, ngunit mukhang aabutin ako ng siyam siyam dito. Kaya naman muli na akong sumugod sa malakas na buhos nito hanggang sa makasakay ako ng bus. Agad akong napayakap sa'kin sarili nang makapasok ako sa air-conditioned bus.
Hanggang sa'kin pag-uwi ay nangangatog pa rin ang aking mga tuhod dahil sa lamig. Madali akong binigyan ni Mama ng pampalit na damit nang kanya akong nakita. Ipinagtimpla din ako nito ng mainit na gatas, upang mainitan daw ang aking katawan.
Habang iniinom ko ang aking gatas ay naisipan ko ng magwifi at buksan ang aking messenger. Sa pagbukas ko nito ay sumalubong sa'kin ang tatlong unread messages. Ang isa ay galing sa aming group chat, ang isa naman ay pm ni Sky, at ang isang message ay galing sa stranger..
Si Buddy Bud..
Siya na naman? Ni-unblocked siguro ako nito. Inuna kong basahin ang kanyang mensahe..
----
4:37 P.M.
Buddy:
Hello Kleo :)
Buddy:
You look cute in your glasses ;)
9:06 P.M.
Buddy:
Bring your umbrella nxt time ok? :)
Buddy:
I'll see you again tomorrow ;)
Buddy:
Gnite ;)
You can't reply to this conversation
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top