KILL026
[A/N]: Yehet! Happy 1k reads at 300+ votes. Salamat ng marami po sa inyo hehe. Sana patuloy niyo pong subaybayan ang story na 'to ^_^ more reads, votes & comments to come 😇
----
Start Your Third Mission
START BACK
----
Sun: Hype nabawasan pera ko
Sky: Dafuq
Star: Hala sayang naipon ko
Cloud: Sorry na guys oh TT
Heaven: Ok lang Cloud, bayaran mo na lang ako ng totoong pera hahah
MoonMoon: Si Cloud nga ata zero money na eh
Cloud: Sad
Sky: Ayusin na natin dis time ha
MoonMoon: Pamilyar talaga yan sad mo Cloud haha
Sky: Heaven, ikaw na makipagmeet kay target. At Cloud samahan mo si Star mag lookout sa cafe
Heaven: Hala. Katakot kaya itsura ng target ngayon. Mas mukha pang killer satin
MoonMoon: Character lang naman yan Heaven eh hahah
Sky: Pwesto na! Bago pa ko mabadtrip ulit
Sun: Leggo
Star: Tara na Cloud, date tayo hehe
MoonMoon: Wow may loveteam pala dito hehe
Sun: Oo, meron pa ngang isa eh hahaha
Star: Uy Cloud balik ka na sa dati oh. Smile ka na wag na sad
Heaven: Hindi ka daw kasi niya nakita Star hahahah
Star: Don't worry Cloud magkikita din tayo hihi
Sun: Ay powta hahahha
Cloud: Hahah mga loko. Tara na nga Star
MoonMoon: Tingini kinikilig ako
Sky: Pwede ba magfocus na
Heaven: Luh! Butter
Sky: Butter?
Sun: Hahahahha gusto ata ni Heaven ng butter
Heaven: Bitter*
Star: Hahahhah
MoonMoon: Mahilig ata sa butter si Heaven hahah
Cloud: Hahahha. Dito na pala kami ni Star sa cafe
Star: Pogi ng kadate ko hihi
Heaven: Pagnakita mo sa personal yan Star baka tumakbo ka hahha
Sky: Imeet mo na nga si target Heaven!
Cloud: Yan daldal kasi
Heaven: Eto na nga eh
Habang hinihintay ko si target ay feel na feel ko ang paginom ng Caramel Macchiato na 'to dito sa Gaelly's cafe. Ang cute ng character ko eh, parang ako haha.
Maya maya ay dumating na si Mr. Johnson, ang laking tao talaga nito at nakakatakot ang kanyang mukha. Balbasero ito, kulot ang buhok at mahaba hanggang balikat siguro, at punong puno ng tattoo sa braso. Mukha siyang kasali sa mga fraternity keme.
Kinakabahan ko itong kinausap. At katulad ng mga naunang target, hindi din ito computer, online player din ito. No'ng una ay ayaw nitong sumama sakin para pumunta sa parking lot. Pero pinilit ko ito at sinabing nando'n ang boss namin at ang pera na kanyang kailangan
Heaven: kasama ko na siya. Papunta na kami dyan Sun at MoonMoon
Sky: GJ
Sun: Kk
MoonMoon: Rdy
Heaven: Guys nakakatakot siya promise. 'Yong mga tinginan niya, parang sobrang nagdududa sakin
Star: Oo nga Heaven eh, tingin siya ng tingin sayo. Mula ulo hanggang paa
Sky: TC Heaven
Cloud: Gilitan ko ulit yan ng leeg eh
Sun: Hahahah umayos ka nga Cloud
Cloud: Joke lang haha. Parang pamilyar tong mall na to
Star: Oo nga eh, parang may ganitong ganito na mall dito sa Maynila
Pagkarating namin sa parking lot ay ihinatid ko siya kung saan ang sasakyan nila Sun at agad itong pumasok sa loob. Nakita ko si Sun na naka black tie, formal na formal talaga at hawak nito ang case na naglalaman ng pera. Samantalang si MoonMoon ay hindi ko alam kung nasaan.
Sky: Heaven, come here
Heaven: San ka ba?
Sky: Sa kaliwa mo, dto sa blue na kotse
Heaven: Ah nakita ko na. Andyan ka pala sobrang tinted naman kasi nyan
Pumasok ako sa sasakyan ni Sky, mula dito ay tanaw ang sasakyan nila Sun at nakikita ang front seat. Nakaupo sa may driver's seat si Sun at katabi nito ang taget. Pinapakita ni Sun dito ang pera nang biglang may sumakal kay Mr. Johnson mula sa likod, si MoonMoon.
Inalala ko ang cctv dahil baka kita sila dito, pero sabi ni Sky ay hindi daw sila hagip nito dahil nasa likuran daw ito banda, nakaharap sa pwesto namin.
Sobrang nagpupumiglas si target sa pagkakasakal nito, ngunit ilan sandali lang ay nawalan na din ito ng hininga. Pinaandar na ni Sun ang kanilang kotse at lumabas na ng parking lot para magtungo sa Nah River para tuluyan ng idispatya si target. Amin naman silang sinundan.
Sky: Sun, MoonMoon sigurado ba kayong patay na yan?
Heaven: Cloud saan na kayo? Nakalabas na kami ng mall
Star: Nakasunod na din kami sa inyo ni Cloud. Dito kami sa likod niyo nakamotor oh hehe
MoonMoon: Deads na siya, captain
Heaven: Ah nakita ko na kayo. Ang sweet ah heheh
Star: Ewan ko dito bakit motor ang dala. Gusto lang dumamoves hahah
Sun: Taeng yan traffic pa
Heaven: Luh! Pati dito sa laro may traffic hahah
Cloud: Si Star talaga nagsuggest na magmotor kami hahah
MoonMoon: Oh fck si target!
Nagulantang ang lahat dahil nang mag green light na ay biglang bumangon at lumabas ng sasakyan si target. Tumakbo agad ito at nagnakaw ng sasakyan sa kalsada, saka pinaandar ng mabilis.
Dali dali naman namin itong sinundan ni Sky. Nakasunod din samin ngayon ang sasakyan nila Sun at MoonMoon, at ang motor nila Cloud at Star.
MoonMoon: Fck sorry captain, akala namin ni Sun wala ng hininga eh
Heaven: Nakakunot noo ngayon ni Sky, yare kayo
Star: Ang bilis magpaandar ni Cloud. Parang liliparin na ata tong character ko
Heaven: Si Sky din. Hinuhuli din ba ang over speeding dito?
As in sobrang bilis magpaandar ni Sky, gano'n din ang target dahil hindi namin ito maabot abutan. Parang feeling ko nakasakay ako sa totoong kotse at nakikipag racing. Lahat ng sasakyan na nasa kalsada ay naiiwasan ni Sky. Ang gwapo niya magmaneho omo!
Star: Hindi pwedeng makatakas si target at ma mission failed na naman tayo
Heaven: Iyak, ubos ang pera ko no'n
MoonMoon: Sorry guys, pero tiwala lanv
MoonMoon: Oh Sun bakit kumaliwa ka?
Napatingin ako sa side mirror at nawala na nga sa likod namin ang kotse nila Sun. Marahil ay magshoshort cut sila o sasalubungin nila si target. Kabisado nga pala ni Sun ang mga lugar at pasikot sikot dito sa K2S, dahil siya ang taga hanap namin ng location sa every mission namin.
Napantayan na namin ang sasakyan ni Mr. Johnson at siyang sumalubong samin ang kanyang middle finger, saka ito kumaliwa sa eskinita. Agad din naman kumaliwa si Sky at sinundan ito.
Ngunit bago pa man siya makalabas sa eskinita na 'to ay nakaabang na pala ang sasakyan nila Sun sa kabilang dulo, kung saan ang labasan. Nakatayo ang dalawa na may hawak hawak na silent pistol, hinihintay ang pagdating ni target.
Bago pa man makalapit ang sasakyan ni Mr. Johnson sa kanila, ay pinaulanan na nila 'to ng bala dahilan ng pagkaflat ng kanyang gulong. Agad bumaba si target sa kanyang sasakyan para tumakbo, ngunit nagtamo na din pala ito ng tama sa kanyang balikat.
Bumaba na din si Sky sa sasakyan at nilabas na din ang kanyang silent pistol. Marahan niya itong kinasa saka pinaputukan si target sa binti. Natumba ito at hindi na muling makatakbo pa. Dahan dahan 'tong nilapitan ni Sky.
Nakahawak siya sa kanyang baba at umiiling niya 'tong tinitigan, habang ang kaliwa niyang kamay ay nakapamewang. Hindi malaman ni Mr. Johnson ang kanyang gagawin, kinakapa niyang muli ang baril niya pero nakuha na ito nila Sun kanina pa sa kanya. Nagmakaawa na lamang ito kay Sky at humihingi ng tawad.
Ngunit walang pusong tinapakan ni Sky ang tama ng baril nito sa binti na siyang ikinapilipit sa sakit ng target. Matapos no'n ay kanya itong binaril sa ulo, dibdib at tiyan saka nginitian at nagpaalam.
Sun: Iba ka talaga Sky
MoonMoon: Uber si captain
Heaven: Uber? Yung app?
Cloud: Huta di man lang ako yung pinatapos kay target
Sky: Bullshit 'yon eh. Finuck you kami ni Heaven
MoonMoon: The best meaning nun Heaven hahaha kyot mo
Sun: Powta pinapatay agad ni Sky pag nibad finger lang siya hagahha
Star: Pinoprotektahan niya lang daw si Heaven hehe
Heaven: Nye bakit ako.. Ahh 'yon pala 'yon MoonMoon hehe
Sky: GJ sa lahat. GGWP
Star: Nc. Gg
Cloud: Be rdy na sa tunay na mission
Heaven: Sinearch ko na mening niyan, good game well played heheh alam ko na 'no
MoonMoon: Anong tunay na mission Cloud?
Sky: STFU Cloud
Star: Haaays
MoonMoon: Hindi ka siguro talaga player Heaven no? Hahah ang kyot mong newbie
Sky: GTG
Cloud: Ay sorry, out na din ako
Heaven: Hahah hindi talaga MoonMoon
Sun: Nagoffline na tuloy yung isa hahahah
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top