KILL017
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Hindi ko alam kung anong nararamdaman kong emosyon. Inis, galit, kahihiyan, o kilig.
"Haaayss. Si Simon kasi eh hehe" sabi ko sa'kin sarili.
Nang makita ko ang laptop ko ay agad pumasok sa isip ko si Peter at ang K2S. Kinuha ko ito at binuksan. Dahil sa inis ko kay Peter hindi na ako nagdalawang isip pa na tuluyang iuninstall ang laro na 'to.
K2S has been
successfully uninstalled
Tama nga si Moon, wala naman bayad kapag naguninstall. Nananakot lang ata 'yon sila Sun at Peter na kunwari daw ay may babayaran.
Ngayon bahala sila maghanap ulit ng bago, malapit pa naman na magstart ang mission. Haha bahala sila. Dahil gusto ko pang asarin si Peter, nagonline ako sa fb dahil alam kong kukulitin ako no'n pero isi'seen ko lang siya para malaman niyang inis ako sa kanya.
2:18 P.M.
Peter:
Bal, kanina pa pala ako nakauwi hehe
Peter:
Kaw nakauwi ka na ba? Basta mamaya ha 😂
✔ Seen 2:33 P.M.
2:48 P.M.
Peter:
Bal? Bakit di ka pa nagoonline sa K2S
Peter:
Tara na laro na tayoooo
Peter:
Ikaw na lang kulang
Peter:
Sabihin na naman ni Sky na paimportant ka hahahh
Peter:
Pero hinahanap ka na niya ayiieee hahaha
✔ Seen 2:51 P.M.
Peter:
Oy OL ka naman. Pero ayaw akong replyan
✔ Seen 2:52 P.M.
Peter:
Ay grave seen lang
Peter:
Magreply ka naman oy
✔ Seen 2:52 P.M.
Peter:
Hala talagang seen lang ah
Peter:
Galit ka ba sakin?
✔ Seen 2:53 P.M.
Peter:
Oy Kleo ano ba? Magsabi ka naman kung ano
Peter:
Nagagalit na sila sakin sa squad
✔ Seen 2:56 P.M.
Peter:
Ano ba problema mo? Sabihin mo kaai!
Peter:
Hindi yung puro ka ganyan
✔ Seen 2:58 P.M.
Peter:
3 na. Wala ka ba talagang balak?
Peter:
Nagopen na ang 3rd mission oh
✔ Seen 3:02 P.M.
Peter:
Naghihintay kami Kleo!
Peter:
Magsabi ka naman tae!
✔ Seen 3:03 P.M.
Peter:
Salamat ah. At hindi kami nakapaglaro dahil dyan sa pagiinarte mo
Peter:
Dont worry last ko na tong pamimilit sayo! Tnx
✔ Seen 3:17 P.M.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nainis ko na si Peter, pero para kasing naiiinis din ako dahil sa way ng pananalita niya. 'Kala mo kung sino grrr!
Nagfacebook na lamang ako para mawala inis ko. Scroll lang ng scroll. Tawa sa mga memes, nood ng mga cutie na dog, at basa basa sa mga secret files. Pero hindi pa rin nawala inis ko. Lumabas ako ng bahay para panuorin na lamang ang sunset doon sa may talahiban, sa dulo ng subdivision namin.
Binilisan ko ang lakad ko dahil malapit nang lumubog ang araw. Dali dali kong inakyat ang bakod upang makatawid sa talahiban. Pumwesto ako sa lilim ng puno at humilita saka pinanood ang dahan dahan na paglubog ng araw.
Sobrang relaxing panoorin ng sunset. Nakakatanggal stress. Ang sarap ng pagkakahiga ko ngunit bigla akong napaupo dahil sa lalaking nakita ko sa malayo. Isang malaking tao na nakatayo sa may tabi ng puno. Nakaharap siya sa pwesto ko ngayon. At may hawak itong itak sa kanan kamay niya.
Natakot ako nung una, pero naisip ko na baka nagtatabas lang siya ng mga talahib kaya may hawak siyang itak. Hindi ko na lamang ito pinansin, at ibinaling na muli ang titig ko sa araw. Pero napalingon ulit ako sa kanya nang mapansin na nakatitig pa rin ito sa'kin. Kinabahan ako bigla.
Sa isip ko ay 'ano ba ang problema ng mamang to?' Ayoko na lang sana pansinin ngunit bigla akong nagpanic nang magsimula itong maglakad patungo sa'kin. Malalaki ang kanyang hakbang at talagang dito sa kinauupuan ko ang direksyon niya. Lalo akong nataranta. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bakod para bumalik na sa'min subd.
Sa kakamadali ko ay nasugatan pa 'ko sa alambre doon sa bakod. Sumabit ang balat ng kamay ko kaya tumaklap ito. Hindi ko na inintindi pa ang sakit at nagdirediretso na lamang ako sa pagtakbo.
Paglingon ko sa kanya ay nakatayo na lamang ito sa may bakod at hindi na tinangka pang tumawid dito. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki na 'yon dahil sa kanyang sombrero. Basta ang alam ko malaki ang pangangatawan nito at may katangkaran.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa'min. Ngunit pagkabukas ko ng gate namin ay bumungad sakin ang nakatuhog na ibon. Ang love birds namin. Si Teru.
"M-mamaaaaaaa! S-si Teru! B-bakit m-may nakatusok sa kanya?!!" pagsigaw ko na agad narinig ni mama.
Nagulantang din si mama sa kanyang nakita. Ang kanyang alagang love birds. Sa paanong paraan at may nakatusok dito na makapal na bbq stick. Para siyang tinuhog. Paano na ngayon si Tera, wala na ang kanyang partner na ibon.
Mangiyak ngiyak si mama dahil dito. Hindi din niya alam kung paano nangyari 'yon. Imposible naman na may pumasok sa bahay namin para lang pagtripan ang aming love birds. Naiwan itong palaisipan sa'min.
-----
Kanina ko pa pinipilit makatulog ngunit hindi ako dalaw dalawin ng antok. Alas onse imedia na, ano bang dapat gawin ko para antukin. Kinuha ko na lamang ang aking cellphone at nagfacebook muli.
Wala naman akong makachat sa messenger kaya sige na lang ako sa pagi'scroll down sa news feed hanggang sa napahinto ako sa isang shared post ng aking friend. Napabangon ako sa pagkakahiga ko at napatakip ng bibig.
Mga litrato at video ng isang babae na puro pako sa katawan. As in nakabaon ang mga pako sa ulo at buong katawan nito. At lalo akong natakot at bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa kong nangyari pala ito sa debut ngayon gabi, at....
At ang biktima....
Ay ang nanay ng debutante.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko at ang lahat ng balahibo ko ay nagtayuan. Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay ok na ang laro na 'yon pero bakit gano'n, bakit nangyari na naman sa totoong buhay.
May isang picture na nakazoom sa mukha ng biktima. At makikita dito ng maigi ang nakaukit na moon sa pisngi nito. Katulad na katulad ito ng ginawa ni Moon doon sa mission namin no'ng nakaraan araw.
Lalo akong nataranta at hindi ko malaman ang gagawin. Sobra akong nakokonsensya na para bang kami ang may gawa no'n. Hindi ako mapakali, hindi ako mapalagay. Ano bang klaseng laro 'yon!?
Chinat ko kaagad si Peter upang ibalita ang nakita ko, ngunit hindi siya active. Akin na lamang kinuha ang laptop ko at muling ininstall ang demonyong laro na 'to para ibalita sa kanila ang nangyari.
K2S has been
successfully installed
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top