KILL016
Kleo's POV
"Sinabi ko naman na kasi sayo anak, na kaya ko naman pag-aralin ka. Pwede ko isabay ang paglalabada.."
"Ma, wag na po. Bayaan niyo na po 'yon si papa. Ngayon na nga lang niya ko tinustusan" aking tugon kay mama habang isinisintas ang aking sapatos.
Napailing na lamang si mama saka inabot ang bag ko. "Osige na, magiingat ka anak. Sabihin mo kay Peter na bumisita naman dito at namimiss ko na siya"
"Opo ma. Sige po alis na ko, ingat din po kayo dyan ha" sabay halik sa pisngi ni mama.
Hanggang sa pagsakay ko ng bus ay hindi naalis sa isip ko si mama. Pasaway talaga ang nanay ko, gusto na naman magdoble kayod para sa'kin. Tumatanda na nga siya eh, dapat ako na ang nagaalaga sa kanya.
Mula kasi ng maghiwalay sila ni papa 8yrs old pa lang ako, ayaw na niyang magkaroon pang muli ng utang na loob sa tatay ko. Hindi niya tinatanggap lahat ng sustento no'n. Pero hindi siya pumapayag na hindi makita si Peter, kaya every week nakakasama namin si Peter.
Ngunit nang magkaro'n na ng bagong pamilya si papa, bihira na namin makita si Peter. Siguro dahil may bago na siyang pekeng kapatid doon, ang anak ng babae ni papa. Ang bruhang babaeng 'yon na palaging nilalait si mama. Akala mo kung sinong nagfeeling mayaman, dahil lang naman kay papa kaya nagkakaroon sila ng salapi. Makaasta akala mo donya.
Napawi bigla lahat ng mga iniisip ko dahil sa lokong lalaki na 'to na nakatayo sa right side ko. Nasa aisle kasi ako sa tatluhang upuan dito sa bus, at ang mokong na 'to ay naka standing sa tabi ko. At kanina ko pa napapansin na wagas siya kung makadikit.
At hanggang sa naramdaman kong iba na ang idinidikit niya sa kanan braso ko. Ang potaena niyang jutay na etits!! As in parang kinikiskis niya ang alaga niya sa braso ko. Like wtf! Iniwas ko ang braso ko, ngunit sige pa rin ang mokong na manyakis na 'to.
"Hoy manong! Kanina pa ko naaalibadbaran dyan sa alaga mo ha! Hindi mo ba na well-trained yan at kahit sa BRASO ko ay kumikiskis? Buti pa kung malaki yan katulad ng kay kuya (turo do'n sa lalaking katabi niya na bakat HAHA) para ipagmayabang mo. Pero hindi eh, gaganto lang naman 'yan sayo!!" pagiiskandalo ko sa bus. At ayun nahiya ang mokong kaya pumara agad matapos siyang pagtawanan ng lahat ng pasahero.
"Dinamay mo pa 'yong akin" mahinang sambit ni kuyang DAKS!
"Ay sorry. 'Di ko sinasadyang makita 'yang sayo hehe" tugon ko ngunit insnob lang ni kuyang daks. Malaki nga ang sungit naman, cute pa naman din siya.
Pagkarating ko sa campus ay dumiretso ako sa cafeteria, sa may tapat ng potato giant dahil alam kong doon ko matatagpuan si Peter. "Oy bal, ang tagal mo ah" aniya pagkakita sa'kin.
"Wala si papa?" tanong ko dito.
"Ewan ko eh. Nauna kong umalis sa kanila. Pero andito na sa'kin ang pera, pang enroll natin. Tara na bal"
Nagtungo na kami ni Peter sa Admission upang magenroll ng 4th year college. And yes, finally graduating na din. Lapit ng makapagtrabaho at makabawi kay mama.
Papunta sana kaming muli sa cafeteria ni Peter matapos namin magenroll, ngunit nakita niya ang kanyang mga classmate kaya sumama na siya sa mga 'yon at heto iniwan niya ko. Kaya nagdesisyon na 'kong umuwi na din lang.
Nagc.r. muna ako bago umuwi. Pagkalabas ko sa c.r. ay aking natanaw si papa doon malapit sa may mga locker. Naisipan kong lapitan si papa para magpasalamat sa kanya, ngunit bigla akong napatago sa gilid nang makita ko ang bruhang babaeng 'yon, si Kim. Magkasama sila ni papa.
Napabusangot ako bigla dahil sa bwiset na 'yon. Narinig ko na naguusap sila ni papa, kaya akin itong pasikretong pinakinggan.
"Sige na nga. Kung saan ang gusto ng baby girl namin. Wala naman magagawa ang papa eh"
"Heheh. Kahit na ate Kleo get mad?"
"Pagsasabihan ko na lang si Kleo, dapat nga siya din ang umiintindi sayo dahil siya ang ate at ikaw ang baby girl hehe"
"Ayiiee thank you papaaa. Mas love mo talaga 'ko kaysa kay ate Kleo hihi. Sabi din naman ni kuya Peter that he wants me to study here eh"
"Basta mag-aaral ka ng ma...." hindi ko na tinapos pakinggan ang usapan nila at hindi ko na din tinangka pang lumapit kay papa.
Tumakbo ako ng mabilis palabas ng campus. Kasabay nito ang mabilis na pagtulo ng aking mga luha. At sa tuwing umiiyak ako ay sinusundan ito lagi ng aking sipon.
Dumiretso ako sa katabing convenience store ng aming campus. Madali akong bumili ng shin ramyun, isang korean cup noodles. Ito ang lagi kong kinakain sa t'wing masama ang loob ko. Sunod sunod pa rin ang pagbagsak ng luha ko, lalo pa akong sinisipon dahil sa anghang ng kinakain ko.
Ang kapal kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon. Akala mo siya ang tunay na anak, makapag demand siya ng gano'n sa tatay ko. At ito naman si papa, napakawalang kwenta niya talagang ama. Sa ibang tao naipaparamdam niya ang pagmamahal ng isang tatay, sa taong hindi naman niya tunay na anak. Pero sa'kin na anak niyang talaga. Kahit kailan hindi niya man lang ipinaramdam 'yon sakin!! Isa pa 'to si Peter, ako na nga lang nagiisa niyang kapatid tinatraydor niya pa 'ko. Mas gusto na niya atang kapatid ang bruhang 'yon!
Napahinto ako sa pagiyak nang may naupo sa harapan ko, pero nasa kabilang table siya. Ngunit magkaharapan kami, at kitang kita niya ko. Nakatitig siya. Napayuko agad ako at pinunasan ang aking mga luha ng makita kong si...
Si....
Si Simon ito...
Ang aking crush!!!....
Dafuq! Nakakahiya!
At lalo akong nahiya dahil heto na siya at lalapit sa'kin. Omo!
"Ikaw ba 'yan miss librarian? Ok ka lang ba?" pag-aalalang tanong nito. Tawag niya sa'kin ay ms. librarian, hindi dahil librarian ako kundi dahil sa library kami unang nagkakilala at doon palaging pinagtatagpo ang aming landas kaya mula no'n ay tinawag na niya kong ms. librarian at hindi man lang inaalam ang pangalan ko.
"Uuhhh ... O-oo ..." ani ko sabay punas muli ng luha sa'kin pisngi.
Nagulat ako nang maghalungkat si Simon sa kanyang bag. At inilabas ang isang puting t-shirt.
"Oh heto. Pasensya ka na wala kasi akong panyo eh hehehe" sabay abot ng t-shirt sa'kin at napakamot sa ulo. "Oy wag kang mag-alala malinis 'yan di ko pa nagagamit ngayon araw hehe" dagdag nito.
Sa isip isip ko ay mas gusto ko pa nga na ginamit mo na para amoy na amoy ko ang bebe Simon ko hehe. "Sa-salamat..." tugon ko at pinunas ito sa'kin luha at mata.
Napatingin ako sa kanya matapos niya akong kalabitin. At tumuro ito banda sa butas ng kanyang ilong. Napamura ako bigla sa hiya at agad pinunasan ang aking ilong. Pagtingin ko sa t-shirt na pinangpunas ko ay may kulangot na kumapit dito.
Like WTF! WTF! WTF! WTF Kleo! Anong kahihiyan ang ginagawa mo sa harapan ng crush mo. Means mula nung nakita ako ni Simon eh, ang kulangot na ito ay nasa ilong ko na?? OMO! Gusto ko na lang maglaho bigla ngayon!
"Hahahahahahha ang cute cute mo talaga hahahah ... Hahahhahha" wagas na pagtawa ni Simon. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang titigan siya.
"S-sorry ... Nadumihan ko ang d-damit mo ... Promise, lalabhan ko 'tong maigi" nakayuko kong sabi dito.
"Hahahah ok lang miss librarian hahahah" talagang hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Huhuh wala na kong mukhang maihaharap sa kanya.
"S-sige ... Mauna na ko" sabi ko at dali dali akong tumayo na nakayuko at lumabas ng convenience store dahil sa sobrang kahihiyan.
"Wait lang miss librarian..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top