Kabanata 35

"Akalain mo 'yon? Engaged ka na," Larisa couldn't believe it. "Kaya nga, he was secretly courting me, although I noticed it," I giggled. "I'm so freaking happy for my bestie," Keriza suddenly appeared at the condo. Hinatid na din kasi ako kanina ni Linderio after his proposal.

"Pa'no ba 'yan? Masusundan na ata 'yang nasa tiyan mo," I teased her. Nagulat naman siya though it was just a joke. "Weh?! Totoo ba?" she asked. Paniwalain din kasi 'tong baliw na 'to. "Hindi, baliw." natatawa kong sambit. "Umasa kami doon Rachel!" untag ni Zy. "Mga baliw, wala pa saka bawal pa 'no, hindi pa kami kasal. Kayo lang naman makasalanan eh," natatawang biro ko kay Keriza.

Bigla naman silang tumahimik. "Hoy, joke lang gagi," natatawa kong sambit. "Kapag ikaw nabuntis talaga ngayon. Tatawanan kita ng malala," she warned. "Hala, takot po ako," kunwaring takot na sambit ko. "Huy, hindi ko alam na nagkaka-usap na pala kayo ni Linderio, akala ko joke time lang 'yung sa kasal namin eh," singit ni Lazarus. "Matagal na, isang buwan na mahigit, tangina mo hindi naman kami nagbibiro no'n," I said. Natawa naman siya dahil doon.

"Parang tanga 'yung asawa mo, Keriza," natatawang sambi ni Lariza. "Ano na lang sasabihin niyo kay Tita Amanda?" Keriza asked.

"Hindi ko pa alam ang plano ni Linderio, I'll stick with his desis'yon," I said. "Hayst, hindi naman galit si Tita kay Linderio 'di ba?" she asked. "Hindi, hindi ko naman siniraan si Linderio sa kaniya. Wala din siyang alam sa ginawa sa'kin ni Linderio kasi hindi ko naman sinasabi sa kaniya at wala din akong balak, Okay naman na kami," I said.

"Mabuti naman kung ganoon. Mahirap kasi iyon." Lariza said. "But we are so happy on you Rachel, hindi namin aakalain na magiging okay na ang lahat sa inyong dalawa ni Linderio." Zaynab said. "Ako din, masaya ako kasi okay na ang lahat. Okay na kami dahil pinatawad na namin ang isa't-isa. Kinalimutan na namin ang masasakit na nakaraan," I smiled at them.

Masaya ako dahil kahit ano ang mangyare at nangyare sa'min, ang tadhana na mismo ang naglukob sa amin dalawa upang magpatawad at kalimutan ang nakaraan. At alam kong mas magiging masaya ako sa darating na panahon.

Bubuo na kami ng pamilya. Magiging okay na ulit ang lahat. Babalik na kami sa dati.

Nag-kwentuhan muna kami bago napagdesis'yunan nina Keriza na umuwi na dahil masiyado ng gabi at masama iyon sa bata. Sila Gil after the proposal ay umuwi na dahil nahihilo ulit 'to. Napak-delikado pala kay Gil ang magbuntis.

Sana lang sa pagka-paanak niya ay maging okay silang maging ina. One month na din ang tiyan niya. Ilang linggo lang agwat nila ni Keriza. Gigilas ng mga kaibigan ko basta huwag lang mawala sa kanila taong mahal nila. Napa-iling na lang ako dahil doon.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at nag-pahinga na din upang maaga akong magising bukas dahil flag ceremony namin bukas. Kailangan maaga ako dahil i-aasist ko pa sila bukas pero susunduin daw ako ni Linderio bukas, bahala na kung anong mangyayari bukas. Ano kaya magiging reaksyon ni Lyria bukas if she found out that his Tito Rio are my boyfriend. Doon ako kinakabahan.

I know naman magugustuhan din niya ako, sana...

Kung sakali man na makasal kami ni Linderio, lilipat na lang ulit ako sa load teacher dahil ayokong isipin ng ibang teacher at magulang na kaya na-honor si Lyria ay dahil sa'kin. Ayoko din problemahin iyon ni Linderio kaya ako ang iiwas sa gulo.

Iba na kasi ang utak ng mga tao ngayon, bagyan pagkaka-mali mo, huhusgahan at huhusgahan ka pa din nila. Which is ayokong maging ganoon kaya naman ako ang lalayo sa gulo para hindi ma-judge si Lyria. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko noong college ako. Sobrang sakit no'n.

Maaga akong nagising dahil sa lakas ng alarm ko, tunog ng tunog. Nakakarindi! It was 5 AM. Hindi ko alam kung gising na sila Larisa pero bumangon na ako dahil susunduin naman ako ni Linderio, gusto daw niya akong ihatid kahit puwedeng hindi naman na eh.

Napag-usapan din namin after ng pamamanhikan nila kami mag-paplano for our wedding at guess what? Sa Manaoag church siya gaganapin. Sa beach naman ang venue kung saan din ginanap ang kasal nila Lazarus. Iyon ang plano namin dalawa. I don't know if they agreed.

"Good morning," someone greeted me. "Ay tukong karayom!" gulang na sambit ko dahil nakapikit pa ang mata ko nung bumangon at lumabas. Dinilat ko naman ang mata upang malaman kung sino iyon. "Oh Adi, bakit ka nandito? 'Di ba dapat mamaya ka pa?" I asked ng makita kong maigi kung sino iyon.

"Gusto ko lang kayo ipag-luto ng breakfast kaya naman maaga ako pumunta." he smiled while he was still busy chopping some onions.

Lumapit na lang ako sa kaniya. Akmang hahalikan niya ako but hinarangan ko ang bibig ko. "Hindi pa ako nag-totoothbrush Linderio, lubay muna sa kakahalik. Abuso ka," I ranted. Natawa naman siya but tinanggal niya ang takip sa bibig ko. He gave me a smack kiss. "Sa'yo lang naman ako maa-adik," he winked.

Napa-iling na lang ako, maya-maya lang din ay lumabas na sila Larisa. "Ang bango at ang aga niyong naninira ng umaga," Lariza hissed. Nagka-titigan naman kami ni Linderio at parehong natawa. "Kay agang ampalaya mo," Zy hissed. "Kasalanan ko bang wala akong jowa?" mataray na sambit ni Lariza. Tinulungan ko na lang doon si Linderio habang ang dalawa ay nagbabardagulan.

"Ang aga niyong nag-aasaran dalawa, tara na kain na tayo. Maaga tayo ngayon mga baliw ba kayo," I said. Inihain ko naman ang pagkain na niluto ni Linderio. "Baka masanay kami nito Linderio ah," Lariza joked. "No worries," he said.

Sumabay na din siya sa'min kumain. "Saan niyo plano magpakasal?" Zy asked. "Sa pangasinan, sa Manaoag church," Linderio answered. "Wow, ganda daw doon ah," Lariza said. "Oo kaya ikaw na sumunod sa'min," I joked. "Ayoko." madiin niyang sambit.

Mukhang ang labo talaga ni Paul na magka-ayos base sa reactions nila Larisa. Mukhang hindi pa din sila okay. Magaling kasi mag-tago 'to ng nararamdaman kaya hindi namin mabasa iyon. Kahit anong pilit namin na ilabas niya but she was just crying out loud at walang balak mag-sabi ng nararamdaman niya.

All we do is to stay beside her, "Ba't ayaw mo pa din? Tatanda kang dalaga niyan. Ang pangit no'n." Linderio teased. "Porket ikakasal ka na kay Rachel, may karapatan ka ng ganiyanin ako," banta ni Larisa. "Oo, matatapos tayo sa kinakain kung magbabardagulan kayo," Zy said. Buti na lang ay lumubay na ang dalawa at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Nang matapos naman na kaming kumain ay pumunta na ako sa kuwarto ko upang maligo na. 6:30 naman ng matapos ako gumayak, lumabas na din ako. Mamayang 7:30 paniguradong nasa school na kami. "Let's go?" I asked him. He nodded. "Larisa, Zaynab! Alis na kami!" paalam ko sa kanila. They agreed.

He hold my hand ng makalabas na kami ng unit namin. Nakasalubong naman namin si Sibyl. Halatang nagulat siya ng makita ako. I know, she knows na may kasalanan siya sa'kin but I don't care anymore. "H-hey," untag niya. Tipid lamang ako ngumiti. Si Linderio naman ay tinanong siya kung saan siya pupunta, sinabi naman niya na papasok na siya.

Hindi naman din siya inalok ni Linderio na ihatid siya dahil alam niyang magiging mabigat ang atmosphere namin tatlo and both of them are aware of it.

"Hey kanina ka pa tahimik, ano ba ang bumabagabag sa'yo? Tell me please Adi." he pleaded. "Nothing Adi. Hindi ko lang siguro ineexpect na makikita ko ulit si Sibyl ngayon after so many years. Hindi rin kasi nagku-krus landas namin dalawa though we have the same condo din." I sighed. "Don't worry about it. Okay naman na ang lahat. You have nothing to worry about. Nasa iyo naman na ako. She regrets everything she does. She admits all her mistakes," he said.

"Mabuti naman kung ganoon, napatawad ko na rin naman siya sa mga ginawa niya sa'kin, kahit ang sakit no'n," I said. "Nandito naman na ako Adi, hindi ko mapapangako na hindi kita masasaktan, gaya no'n. Ngunit ngayon...mananatili na ako," he reached for my hands while his left hand are on the stir. He kissed it. "Mananatili ako, gaya ng pangako ko sa'yo noon," he said.

I look at him; His eyes are full of sincerity—the lust of Love.

I smiled at him. "I can't lose you this time," he said. "Gusto ka na makita ni Mommy," he added. Nagulat naman ako doon. "W-what?" I stuttered. "Oo, gusto ka na niya daw makita Adi. Ang tagal na din simula ng nagkita kayo. She missed you a lot." he smiled.

Hindi ako nakapag-salita dahil doon. Buti na lang din ay nandito na kami. Kasunod din pala namin sina Larisa. "Mamaya, may dinner tayo sa bahay," he said. Bago ako lumabas. He kissed my forehead before I left at his montero.

Sinundan ko naman sila Larisa. "Oh tulala ka?" Zy asked. "May dinner kami with his fam," I said. "Naks naman, sana all." Larisa said. "Lubayan mo nga 'yan kaka-sana all nakaka-rindi ka sobra," Zy hissed. "Eh ganoon naman talaga 'pag walang jowa. Nag-sasana all," she said.

"Gago, sabihin mo lang. Ayaw mo lang mag-jowa kasi hinihintay mo si Paul," Zy caught her. "Paul na naman, walang kasawaang Paul. Naririndi na ako," inis na sambit ni Larisa. "Kaysa mag-away kayo, mamaya niyo na ituloy 'yan. late na tayo," I said. "Oo nga tara na," Zy said.

Hindi na din sila nag-talo na dahil kung hindi sila lulubay, dadalhin ko na sula sa principal's office, kagigil eh.

Buti naman noong dumating ako sa gym, naka-ayos ang mga estudyante ko. Masunurin talaga sila ever since. Hindi ko nga din alam bakit gustong-gusto nila ako though kakakilala lang naman namin noong pasukan.

"Very good kayo kanina ha, that's nice sana pagpatuloy niyo lang mga anak," I said. They giggled and it made them cute. Hindi ko rin alam paano ako makakapag-paalam sa kanila kasi alam kong malulungkot sila kapag nalaman nilang magiging subject teacher na lang nila ako. Para rin naman ito kay Lyria. I just prioritize her feelings.

Ayokong i-down siya kapag nalaman na 'yung Tito n'ya ay asawa ko then they made it doubt baka daw kasi favoritism ako, which is not true. Ayoko ng ganoon gusto ko pantay ang mga tingin ko sa mga estudyante ko. Wala akong favoritism ever since I started teaching these kids.

Alam ko naman ang kakayahan ni Lyria. At alam kong mamamaintain niya ng maayos ang grades niya. Magaganda daw kasi ang mga scores nito sa quizzes which is I'm proud of her also. Alam kong kapag nalaman 'to ni Linderio ay matutuwa iyon. He loves Lyria that much. Tinuring niya na nga daw 'tong tunay na anak.

I'm happy at the same time kasi habang wala ako sa tabi niya. Lyria was there for her. Si Lyria ang tulay bakit kami ulit nag-tagpo. Siya rason bakit masaya si Linderio habang wala ako sa tabi niya.

Hindi ko nga alam kung kilala niya ba kung sino ang ex ng Tito niya. Ayoko rin naman siyang tanungin.

Madami man ang nagbago pero nararamdaman namin sa isa't-isa hindi iyon nagbago at wala kaming plano na magbago iyon.

The whole class went well naman. Si Linderio ay nagpadala na naman pagkain ko kaninang lunch. Ending kaming tatlo nila Larisa ang naka-ubos dahil sa sobrang dami. Balak ata ako patabain ng siraulo kaya ganoon siya magbigay ng pagkain sa'kin. Ayoko rin naman tumaba.

Sina Mama, wala pa din alam kung ano ang nangyayari sa'min ni Linderio. Hahayaan ko na kasi si Linderio ang gumawa ng lahat. Natatakot ako na baka magalit sa kaniya si Mama which is mukhang hindi naman siguro mangyayari iyon.

Sinundo na rin ako ni Linderio sabi ko pa nga uwi muna kami sa condo ngunit ayaw niya. Naiinip na daw kasi si Tita Iris na makita akong muli. They also know that we are engaged. Masaya daw ang mga ito kasi daw kasunod no'n Apo na! Ang bilis naman mag-isip nila Tita Iris.

"Kinakabahan ka ba?" he asked while he was still driving. "Med'yo," I shrugged. Hindi ko kasi mawari kung ano nga ba talaga nararamdaman ko ngayon.

"Wala ka naman dapat ikakaba, besides masaya nga si Mommy no'ng tinanggap mo iyon alok niya na dinner," he smiled. Napa-tingin na lang ako sa bintana. Hindi ko kasi matukoy kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko ngayon, saya ba? Or kaba.

After longing years, magkikita na ulit kami magulang niya. Masaya naman ako kasi mukhang close na siya sa mga magulang niya. Which is okay naman iyon dahil wala naman magulang ang nakakatiis sa kaniyang anak.

Linderio was the only child, kaya hindi malabong hindi nila ito mahal. Pina-realize ko din kasi sa magulang niya ang mga sakripisyo ni Linderio noong kinamumuhian siya ng mga ito. Buti na lang ay nabuksan na ni Tita Iris ang kaniyang puso dahil doon sa aking mga nasabi.

Mga ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay nila. Bigla akong nakaramdam agad ng kaba kahit hindi ko naman ito puwedeng maramdaman ngayon.

Agad naman ako sinalubong ni Lyria? "Hi Ma'am!" she greeted me. Napatingin naman ako kay Linderio. "She knows everything. Don't worry," he said. Lyria grab my hands para makapasok kami sa bahay nila Linderio. Hindi ko naman inaakala na lahat pala ng angkan niya ay nandito. Oh fuck it. Mas lalo lang tumambol ang kaba sa dibdib ko. Bahala na. Nandiyan naman si Linderio. Sasagipin naman niya siguro ako.

"Rachel!" masayang sambit ni Tita Iris. Agad naman niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. "Mom! Baka hindi na maka-hinga si Rachel," suway ni Linderio. Natawa naman ako. "I'm sorry, masaya lang ako dahil nakita ko na ulit si Rachel. Sorry iha," she apologized. "Don't worry po, it's fine naman po," I said. "Masiyado ka lang na-miss ni Iris," Tito Arden said. Natawa naman ako.

"Halika, let me introduce you to my family," Linderio grabbed my hands. "Lolo, Lola. This is my fiance po, Rachel this is my grandparents from my mother side," he introduced. "Hi po," nagmano naman ako sa kanila upang pagbibigay ng galang sa kanila. "Ang ganda naman ng fiance mo Apo, ako nga pala si Lola Alisha at siya naman ay si Lolo Mateo," she said.

Napaka-ganda din pala ng lahi nila. "Hi, I'm Tito Jackson," one of his Tito introduced. Nagmano naman ako. "Ako naman si Tito Daniel." one again of his Tito. "Tita Eliana naman," pagpapakilala ng magandang babae.

Maganda naman ang pagwewelcome nila sa'kin, akala ko kasi gagawin nila 'yong napapanood ko sa tv. Illuminati lang pala iyon.

Kaka-overthink ko lang 'to.

"Kumusta nga pala turuan ang anak ko?" Kuya Grey asked. Kilala ko na siya kasi nakasama na namin siya minsan saka 'yung ibang pinsan niya. Natawa naman ako ng makita itsura ni Lyria. "Okay naman po. Active nga po siya sa klase namin. Magaganda din po ang mga scores niya sa subject ko po at sa ibang subject po niya. Nakaka-tuwa lang po kasi bihira po ang ganiyan mga estudyante," I explained. "Wow Lyria. Ang galing mo naman," Linderio said. "S'yempre Tito, mana ako sa inyo ni Daddy." she giggled.

"Sa'kin ka lang dapat magmana," Kuya Grey hissed. "Daddy naman," Lyria pouted.

"Mamaya na kayo magtalo dahil lalamig ang pagkain na inihain namin," Tita Eliana said. Natawa naman ang mag-ama at pumunta na sa table kung saan madaming pagkain na inihain.

Akala ko may fiesta sa sobrang dami. Mukhang pinaghandaan ni Tita Iris ang pagdating ko. Hindi naman niya kailangan magluto ng utod ng dami. Nang makaupo beside Linderio. "So, how's your work now Rachel?" Tito Arden suddenly asked ng magsimula kaming kumain. "Okay naman po Tito. Stress man po ako, kaya ko naman po iyon," I said.

He nodded. "Hindi ka ba nahihirapan Iha? Teacher pa naman pinili mo," Tita Elian aksed. "No po, gusto ko rin naman po ito eh, kaya hindi po ako nahihirapan lalo na po makukulit pa po ang mga bata," I said. "Teacher ko 'yan!" masayang sambit ni Lyria.

Natawa naman kami. Mamaya ko tatanungin si Linderio kung bakit nalaman ni Lyria na ako ang fiance, wala pa naman nakaka-ala na engage na ako except from Larisa and Zy. Wala pa akong sinasabi sa mga co-teachers ko.

"Mabuti naman kung ganoon Iha, magandang propes'yon iyan napili mo," Lolo Mateo said. I smiled, he was right. Choosing this career is great and I am proud of myself. Ilang proseso pa ang nangyare bago ko nakamit 'to. Ang dami kong ginawa bago ako humantong sa ganito.

Maybe my life is full of betrayals, regrets and lessons. Ngunit ito na ako, nakakamit ko na ang dapat kong makamit.

Nang matapos naman kaming kumain ay tinulungan ko na mag-ligpit si Tita Iris, nakakahiya din kasi. "Ay nako, huwag ka na tumulong. Kaya ko na 'to," she said. "Okay lang po Tita, gusto ko rin pong tumulong hayaan niyo na po," I smiled habang tinutulungan ko pa din siya doon.

"Marunong kang pumili Apo," narinig kong sambit ni Lolo Mateo, natawa naman ako ng palihim. "Maganda din po siya pumili eh," rinig kong untag ni Linderio. Gago talaga.

Nang makarating kami sa may lababo. "Ang tagal na din noong nag-kita tayo Rachel. Nahihiya kami sa ginawa sa'yo ni Linderio. Hindi namin alam na magagawa iyon ng matalik niyang kaibigan, si Sibyl. Akala ko kasi mabait siya pero noong nalaman ko iyon. Labis ang naging galit ko sa kaniya." ramdam ko pa din ang galit sa kaniyang boses. "Tita, okay lang po iyon. Atleast kami din po pala ni Linderio ang para sa isa't isa." I laughed. Natawa din siya.

"Masaya ako Rachel, masaya ako dahil nakikita ko ulit na masaya anak ko sa'yo. Ilang years siya na hindi namin maka-usap ng maayos dahil nangungulila pa din siya sa'yo," she said. He loves me that much ha. "Ngayon lang namin siya nakitang ma-inlove ng sobra kasi kung iba 'yan, baka ngayon ay may asawa at anak na siya. But he stays faithful to you Rachel." Tita Iris said.

"Nagpa-tayo pa siya ng restaurant to prove himself to you. Nag-change course pa siya from business management into culinary. Gusto daw niya matutong mag-luto upang 'pag nagkita daw kayong dalawa ay masasarap na pagkain daw ang kainin mo. Unlike before. He was totally messed noong nang-hiwalay kayo. Hindi namin alam paano siya aamuin," Tita Iris let out a heavy sighed.

"But ngayon mas masaya kami dahil sumisilay na ulit ang kaniyang ngiti na matagal namin hindi nakita. Rachel nagpapasalamat ako sa'yo dahil ikaw ang tulay namin kung paano kami naging okay bilang isang magulang niya. Naging malapit na kami gaya ng gusto niya. Sakim ako noon but ngayon ng makita kong nasasaktan ang anak ko dahil sa'kin. Inalis ko iyon. Alang-alang na lang sa anak ko, naging okay na din ang relas'yon namin ni Arden." she smiled.

Masaya ako, mas masaya pa sa masaya ng malaman ko ito kay Tita Iris. "Mom, ang tagal niyo naman diyan," singhal ni Linderio. Nagka-tinginan naman kami ni Tita Iris, at natawa na lamang.

Nang makabalik kami sa loob nakita ko naman sila Linderio na nag-kukwentuhan. "Oh nandiyan na pala kayo," Tito Arden noticed. Tumabi naman ako kay Linderio. He grabbed my waist.

"Ano pinag-kuwentuhanan niyo ni Mommy?" he whispered. "Wala naman, napatagal lang kami sa pag-uusap but you have nothing to worry about," I smiled. "Hoy, wala akong ginagawa diyan sa fiance mo." singhal ni Tita Iris. Natawa naman ako.

"Wala naman ako sinasabi Mommy eh, nagtanong lang naman ako eh," he said. "Kaya nga, kahit tanong mo kay Larisa kung ano ang pinag-usapan namin, hindi kita binabash," Tita Iris made a joke that made us laugh.

"Bash din kita diyan Mommy eh," parang bata din pala 'tong si Tita Iris at Linderio. "Mamaya na kayo magtalo, pag-usapan natin ang nalalapit na kasal niyo," Lola Alisha said. "Saan niyo plano magpa-kasal?" she asked. "Sa Manaoag church po," I answered. "Oh nice church huh?" she smiled. "Eh 'yung venue 'Nak saan?" Tito Arden asked. "Sa pinag-ganapan po ng kasal nila Keriza, Dad. Doon niya kasi gusto eh," Linderio said.

They agreed on our desis'yon. "Kailan mo balak mamanhikan?" Tito Daniel asked. "Sa sabado po," he said. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Baka magulat si Mama doon. Hala!

"Sure ka ba diyan?" I asked. "Oo naman, kasama ko naman sila Daddy. Kapag namanhikan kami." he said. "Mabuti naman kung ganoon, gusto na namin ng Apo," Lolo Mateo. "Dad! Huwag mo naman biglain ang dalawa ma-pepressure ang mga 'yan," Tita Iris.

Gusto na agad nila ng apo? Eh hindi pa nga kami kasal eh. "Malapit na tayo doon Lolo, huwag ka mag-aalala." he said. Si Kuya Grey palang kasi ang may anak sa kanila kasi mga bata pa ang anak nila Tito Daniel and Tita Eliana.

"Mabuti naman kung ganoon, gusto ko ng lalaki," he choose agad. Nabilaukan naman ako doon. "Dad naman eh!" Tita Eliana saway. "Huwag mong biglaan ang mga bata!" saway naman ni Lola Alisha sa kaniyang asawa. Natawa naman kami ni Linderio dahil hindi naman namin inaakala na ganoon sila ka-excited para magka-apo ng bago.

"Ayaw mo na ba sa'kin Lolo Dad?" Lyria said. "Hindi naman Apo, gusto ko lang ng new apo para may kasama ka. Ikaw pa din naman favorite kong apo," alo ni Lolo Mateo kay Lyria.

Natawa kami dahil nakita namin umiiyak na si Lyria. "Ayan kasi! Tignan mo ginawa mo kay Lyria," galit na sambit ni Lola Alisha. "Tahan na apo, hindi na muna mag-hahanap si Lolo Dad ng apo," alo pa din ni Lolo Mateo sa umiiyak na si Lyria.

Hindi pa din siya pinapansin ni Lyria. Lumapit naman ako para kausapin si Lyria. "Ly, don't cry na. Hindi pa kami puwede mag-anak ng Tito mo dahil hindi pa naman kami kasal. Matagal pa naman iyon Ly. Huwag ka mag-aalala," sambit ko sa kaniya. "Hindi naman po iyon. Gusto ko rin naman po magkaroon ng pinsan. Si Lolo Dad po kasi nagmamadali," she said.

We burst out laughing. "Ayan na-stress sa'yo si Lyria, siraulo ka talaga," napa-iling na sambit na Lola Alisha. Para rin pala kami ng pamilya ko ang pamilya nila Linderio. That makes my heart flutter the most.

"Sabi ko nga hindi na muna ako maghahanap eh," kamot ulong sambit ni Lolo Mateo.

Napasarap ang kuwentuhan namin hanggang sa napagdesis'yunan na namin umuwi kasabay sila Tito Jack.

It makes me feel better knowing that they know everything about us. They know our struggles. I feel better dahil lahat ng naka-aligid sa amin ay supportado kami. Hindi naman na kami bata para maging immatured pa.

Alam ko naman may dahilan bakit kami ngayon nandito. Nandito. Nagmamahalan muli gaya ng dati.

"Ganda ng ngiti mo ah," bungad ni Lariza ng makapasok ako sa unit namin. "Oo, nakakatuwa kasi ang pamilya ni Linderio, akala ko kasi kami lang ng parents niya ang mag-didinner hindi ko alam na kasama pala pati ang angkan niya," natatawa kong sambit.

"Wow, meet his whole family pala ang peg," Zaynab said. "Hindi ko rin naman alam na makikilala ko agad ang buong pamilya niya. Nagulat din ako kasi alam ni Lyria ang sa amin ni Linderio," I sighed. "Naks naman." pang-aasar ni Lariza sa akin. "Iyon din ang nakalimutan kong itanong kay Linderio. I'm still wondering paano nalaman ni Lyria about us," I shrugged.

"Maybe Linderio tell her," Lariza said. "I'm still figuring out that." I said. "Hayaan mo na. Masaya naman ata siya noong nalaman niya na ikaw ang fiancé ng Tito niya," Zy said. I shrugged. Hindi ko alam. Baka nga. Ewan.

"Ano pa ba kinakatakot mo diyan?" Zaynab aked. "Hindi ko din alam bakit kailangan ko pa mangamba sa lahat ng puwedeng mangyari. Natatakot lang ako kapag nalaman ng iba na magiging tita na ako ni Lyria baka isipin na favoritism ako, kaya nag-decide na ako magiging floating teacher na lang ulit. I'm sure maiintindihan ako ng principal sa desis'yon ko," I let out a heavy sighed.

"Ikaw pa rin naman masusunod sa desis'yon mo eh, may isang salita ka kasi at papanindigan mo talaga iyon." Lariza said. "Kung alam mo naman na tama ang ginagawa mo, gusto mo protektahan si Lyria. We don't have a choice but to support you," Zaynab said. I smiled at them.

"Wala ka naman inaapakan na tao. Okay lang naman iyon, You're just doing what is for the both of you," Lariza said. "Yeah you're right, Siguro nga ganoon nga. Alam ko naman maiintindihan ako ng mga estduyante ko kapag pinaintindi ko sa kanila ang sitwas'yon. Magiging english teacher na lang nila ako but hindi na nila adviser," I said.

Nag-kwentuhan naman kami muna. "Sa sabado, mamanhikan na si Linderio kay Mama, kinakakabahan ako na hindi ko mawari," I said. Natawa naman ang dalawa. "Girl, ganiyan din si Aurelius noon kila Mommy, ganiyan din ako kabahan. But look naman, we made it naman." Zaynab said. "Excited na ako sa kasal niyo," I said. "Same girl, sana all talaga. Puta." Lariza said.

Tumingin naman kami ni Zy sa isa't-isa. "Puro ka sana all!" sabay na sambit namin ni Zy. "Galit na galit? Gusto manakit?" natatawang sambit ni Lariza. "Nag-sasawa na kami sa sana all, mag-ayos na nga kayo ni Paul para huwag ka na mag-sana all. Tangina ka din minsan," I said. "Porket mga ikakasal na kayo, may karapatan ng ganiyan niyo ako, bahala na nga kayo diyan," sabay tayong sambit ni Lariza. Dumirecho siya sa kuwarto niya.

Natawa at napa-iling na lang kami sa kaniya. Pumunta na kami ni Zy sa sarili namin kuwarto dahil may pasok pa kami bukas. Hindi na naman ako makakasabay sa kanila dahil susunduin na naman ako ni Linderio. Sabi ko nga 'wag niya na sunduin but he still insisted, doon din naman daw way niya sa restaurant niya.

Napaka-successful na talaga ng kaniyang restaurant. Hindi ko alam na ganoon din pala kadami mga customer niya buti na lang din ay may mga chefs at mga tauhan na din siya.

Maaga din naman ako naka-tulog dahil maaga rin naka-tulog si Linderio. Siya pala nag-luto ng kinain namin kanina. Akala ko si Tita Iris.

—The next day—

I woke up exact 5 AM again pero hindi ko naman need na maagang gumising kasi 8 AM naman ang pasok ko. Unlike kahapon dahil sa flag ceremony.

Sanay na kasi ang body clock ko na gumising ng ganito, ganoon din sila Lariza, nasanay na kami sa ganitong scenario. Nang lumabas ako, tumambad sa akin ang amoy ng sinangag! Ang bango!

Alam ko na kung sino nag-luto. My Love. Naks.

"Good Morning Adi," I greeted him. He just gave me a sweet smile. "Paano ka nga pala nakakapasok dito? Wala ka naman key card?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Humingi ako sa baba noong isang gabi," he said. Hindi naman na ako nagulat na may extra keys pa ang baba. Or pinagawa na lang nila si Linderio.

"Kay agang naninira," Lariza suddenly appeared. Natawa naman ako dahil doon. "Wala naman kami ginagawa, umagang napaka-bitter mo talaga kahit kailan," napa-iling na sambit ko. "Pero ang sweet niyo," Lariza hissed. Napa-iling na lang ako. "Let's eat," Linderio smiled.

"Lariza, umagang kay bitter mo kahit kailan," Zaynab blurted out. "Kasalanan ko ba kung hanggang ngayon, wala pa din ako jowa?" she protested. "Oo kasalanan mo kung bakit hanggang matandang gurang ka pa din," Zy joked. Natawa naman ako dahil doon para kasing lalabas na tuktok ang usok kay Larisa.

Hindi namin alam bakit ngayon napa-pikon pa din niya. "Kumain na lang tayo, huwag muna kayo mag-bardagulan, lagi na lang." napa-iling na sambit ko. "Pasensiya na Mommy Rachel," Lariza joked. I gave her a fake smile. "Ha-ha nakakatawa," I sarcastically said. "Thanks at natawa ka sa joke ko," she replied.

Kumain na lang ako at hindi na siya pinansin, mas lalo lang 'to maiirita hindi kami matatapos sa pagkain kung papansin at papansinin namin siya. "Bali, kami na lang matitira ni Larisa dito next month 'no?" I asked Zy. "Oo, ginagayak-gayak ko na din mga gamit ko eh. Para hindi na hassle sa pag-lipat ko." Zy said.

"Sabihan mo na lang kami if you need help." Lariza said. "Paano kaya kapag umalis na din si Rachel, lonely ka na." pang-aasar ni Zy. "Hindi naman siguro. Matagal pa ang kasal ni Rachel," she said.

"Enjoyin mo na," Linderio said. "Alam ko kaya huwag muna kayo mag-bebe time kapag weekends, sa'kin muna siya," Lariza joked. "Sige, tatawagin ko naman si Paul," pang-aasar din ni Linderio. "Mukha niyo, Paul." irap niya sa'min.

Nang matapos naman kami kumain pumunta na ako sa kuwarto ko upang mag-gayak.

After 1 and half hour, natapos din ako. Lumabas na ako. Nakita ko naman si Linderio na nag-sscroll lang sa kaniyang cellphone. "Tara na," sambit ko sa likod niya. "Damn it!" gulat na sambit niya. "Luh? Nagulat ka pala," I laughed hard. Ngayon ko na lang siya nakitang nagulat.

"Huwag muna uulitin iyon ha, masakit iyon Lods," he said. "Aba, ni-lolods mo na ako ngayon?" sumbat ko. I was just joking anyway. "Joke lang Adi. Tara na," he said. Natawa naman ako sa kaniya. He held my hand. Nag-paalam naman ako sa dalawa na mauuna na ako.

"Hoy, paano nalaman ni Lyria na ako 'yung fiance mo?" I asked while we we're on our way to my school. "She knew everything. Kilala ka na niya matagal na." he said. "H-huh? Paano?" I was confused. Hindi ko siya ma-gets. "Alam niyang ikaw ang ex ko. Kaya pansin mo bang ligalig siya 'pag nakikita ka niya?" he asked. "Ah oo," I said. "Teka, bali ang bata pala ni Kuya Gray noong nag-anak siya? 12 years old na kasi si Lyria," I said. "Yeah, at the age of 16. He accidentally impregnated Ate Virani, it was just a secret no one knows. Wala kaming pinagsasabihan no'n," he explained.

Nagulat naman ako dahil doon. "Hala! Seryoso?" I asked. "Oo, pinanagutan naman niya si Ate Virani. Kaya hindi naman kami nag-worry. Nag-aalala lang kami kay Lyria kasi nag 50-50 sila mag-ina no'ng pinanganak siya but ngayon naman kita mo. Maganda ang pangangatawan niya." he said. I nod.

Hindi lang mag-sink in sa'kin na sa ganoong edad nagka-anak sila ni Ate Virani. Kaya pala nag-nagtataka din ako that time kung paano nila naging anak si Lyria. But based on Linderio, naintindihan ko na din.

Nang makarating kami sa school ay nagpaalam na ako sa kaniya. Susunduin na naman niya mamaya. "Hindi ka ba napapagod?" I asked. "Hindi naman Adi, kasi ikaw naman ang pahinga ko sa araw-araw," he smiled. Walastik 'tong lalaki na ito. Solid mag-pakilig.

Ano kaya nakain nito at utod ng sweet sa'kin. Lumabas na din ako sa kotse niya. Pumasok na ako sa loob. Baka wala pa sina Larisa dito. Bahala na sila. Ayokong ma-late sa klase ko. Gusto ko lang sulitin mga nalalabing araw ko sa kanila. Kakausapin ko din si Ms. Principal mamaya.

"Good Morning Class!" maligayang sambit ko sa kanila. Masaya din nila akong binati ng pabalik. "Class, itong linggo na lang ako mag-tuturo sa inyo...may iba na magtuturo sa inyo...I'm just your temporary adviser. Ayoko man kayong bitawan, hindi kasi maari eh." I announced. Nakita ko naman bigla ang kanilang malulungkot na mata. "Don't worry Class, I'm still your teacher in English. Magkikita pa naman tayo," I smiled at them.

"Pero Ma'am, ikaw po talaga gusto namin na teacher," malungkot na sambit ni Kiro. One of my students. "Gusto ko din manatili sa inyo pero hindi na puwede eh," para 'to kay Lyria mga anak kung alam niyo lang. "Ma'am huwag niyo po kami iisnobin ha," he said.

Natawa naman mga kaklase niya especially me. "Oo naman," I said. "Hinding-hindi ko kayo puwedeng kalimutan mga Anak," I said. Napagdesis'yunan namin na 'di muna ako mag-discuss dahil distracted ako sa kanila.

"Oh siya, bukas na ako magdidiscuss. Naubos na din ang time natin. See you bukas." I greeted them as a goodbye.

After no'n dumiretso na ako sa principal's office. "Good Morning Ms. Desamiro," I greeted her. "What can I do to you Ms. Arcena?" she smiled. "Ahm Ma'am gusto ko po sana umalis bilang adviser ng Grade 7, si Lyria po ay pamangkin po ng fiance ko. Ayoko po kasi magkaroon ng problema si Lyria sa parents at sa ibang kaklase niya po Ma'am. I just want to protect my soon to be niece din po Ma'am," I explained. "Oh, ang bait mo naman maging tita. Iha. Bilib din ako sa'yo dahil mas priority mo ang mga estduyante mo talaga. Hanga ako sa'yo. Sige may papalit din sa'yo agad. Huwag ka na mag-alala," masayang sambit ni Ms. Desimiro.

Alam ko naman na papayag siya dahil never siyang hindi pumayag sa mga desis'yon ko din. Hindi lang naman 'to para sa akin. Para ito sa mga estudyante ko especially Lyria.

Pumasok na ako sa faculty room. "Huy, engaged ka na pala." Rhett said. One of my co-teacher. "Oo nga, congrats ha," Enzo said. I smiled. How did they know? "Ikaw ha, hindi ka nagsasabi sa amin." Nova said. Huh? Wala pa naman ako pinagsasabihan about this. Paano nila kaya nalaman?

"Uh, paano niyo nga pala nalaman?" I asked, "Kita namin sa post ni Linderio Santos. Iyon pala boyfriend mo ha. Sikat siya ah." Emery said. "Kaya nga, I'm sure sa kasal niyo. Masasarap ang mga pagkain," Caroline said. These teachers are one of closest co-worker.

The fuck?! Pinost ni Linderio iyon? "Naka-tag ako?" paninigurado ko. Tumango naman si Rhett. I immediately open my phone to check if it's true.

Linderio Santos is now engaged with Rachel Arcena.

Naka-status pa nga!

Madami ang nagulat at madami din ang nag-congratulate sa amin. Next month start na daw kami mag-plan sa kasal namin. Hindi ko alam kung ano pang klaseng plano eh gusto ko lang naman ay simpleng celebration lang. Ayoko na nung grande katulad noong 18th ko at si Cindy naman ang pinagpaplanuhan namin kasi siya na lang ang hindi pa nakakapag-debut.

"Hindi malabong hindi ka tumaba kakain dahil masarap magluto future husband mo." natatawang sambit ni Caroline. Nahiya naman ako dahil doon. "Ah, hindi naman. Hindi naman niya pinipilit na kainin lahat," I said. "Ay oo nga pala. Siya ba 'yung laging nagpapadala ng pagkain sa'yo tuwing lunch?" Emery asked. "Oo," I admitted.

"Kya!!" kinikilig na sambit ni Nova. "Huy huwag kayo ma-ingay," suway ko dahil pinag-tinginan kami ng iba namin kasamahan. Bigla naman dumating si Larisa, may dala siyang lunch box at agad din dinala sa akin. "Oh, bigay ko daw sa'yo sabi ng future husband mo," she teased me. "Ayie, baka tumaba ka na niyan ah," Rhett said. "Hindi naman, kasama ko naman kumakain sila Zy," I said.

"Naka-kain na kami sa restaurant niya and Gir! Sobrang worth it pera ko dahil sobrang sarap!" kilig na sambit ni Nova. Nakakatuwa lang dahil sobrang ganda ng mga feedback sa foods nila Linderio. Worth it naman pala ang pagpapatayo niya ng restaurant dahil maski itong mga teacher ko ay sarap na sarap sa mga recipe nila.

"Mabuti naman kung ganoon. Makakarating 'to kay Linderio," I smiled at them. Uminom ako ng tubig muna. "Masarap din ba si Linderio?" biglang sambit ni Emery agad ko naman nabuga 'yung tubig ko dahil sa pagka-bigla. Tangina. Tawa naman ng tawa si Zy at Lariza dahil sa reaction ko.

"Ano bang tanong iyan?" nahihiya kong sambit. "Sagutin mo na lang," Emery giggled. Napa-iling na lang ako at hindi na sinagot. Alam ko naman na asarin lang nila ako lalo kapag nalaman nila kaya mananahimik na lang ako.

—Friday—

Nag-text naman ako kay Mama na uuwi ako ngayon, may sasabihin din kako ako sa kaniya. Kinakabahan daw siya kung ano iyon natawa na lang ako. Hindi na rin naman ako nag-pahatid at pasundo kay Linderio dahil uuwi ako ngayon.

Nang makarating ako sa bahay. May dala pa akong cake dahil galing ito kila Lyria. Nagpasurprise pa bago ako umuwi. Talagang mahal na ako ng mga estudyante ko kaya nila ginawa iyon.

"Ate!" masayang sambit ni Theo. Agad din akong sinalubong ng yakap. "Si Cindy po?" I asked Mama. "Ay naku nandoon sa taas, gumagawa ng assignment. Hindi ko muna pinalabas ngayon. Hindi pa pala tapos ang assignment niya," napapailing na sambit ni Mama. Natawa naman ako dahil doon.

"Cindy! Nandito na Ate mo!" sigaw ni Mama sa taas. Narinig ko naman bumukas ang kaniyang kuwarto. "Ate!" yakap niya sa'kin ng makarating siya sa'kin. 2 weeks kasi akong wala, hindi ako naka-uwi dahil naging busy ako sa school.

"Ang tagal mong hindi umuwi Ate," malungkot niyang sambit. "Naging busy lang dahil kinasal si Ate Keriza mo," I explained. "Ah oo nga pala Anak, pasensiya na kamo hindi ako naka-punta. Hindi ko maiwan 'yung bakery natin eh. Mabenta kasi Anak," she said. "Okay naman po, naintindihin ka naman po ni Keriza at ni Tita," I said.

"Kumusta naman sila ni Lazarus?" she asked. "Okay naman po, napapdalas lang daw po pagiging mahiluhin ni Keriza. Normal lang daw po iyon sa mga nagbubuntis, iyon po sabi niya sa'kin," I said. "Ah oo Anak. Normal lang naman iyon," she said. I nodded and nag-paalam na ako sa kaniya na aakyat muna ako para mag-bihis.

Sasabihin ko na din sa kaniya mamaya na mamanhikan na si Linderio. Sana lang ay matanggap niya si Linderio. I don't know what to say but I feel nervous.

Nang makababa ako ay nakita ko naman si Mama na naghahain ng pagkain. Dito na lang siguro ako tit'yempo. "Ma.." I reached out to her. "Oh Anak, 'di ba may sasabihin ka? Ano iyon?" she suddenly asked.

"Ah Mama, si Linderio..." putol kong sambit. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. "Ano mayroon sa kaniya?" curious na tanong niya. "Ma. engaged na po kami. Okay na po ulit kami. Nagka-patawaran na kami Mama," I explained.

Bakas sa kaniyang mukha ang gulat. "M-ma.." I uttered, nagpapanick ako dahil biglang nag-iba ang ekspresiyon niya. Nagulat ako dahil may luha na lumandas sa kaniyang mukha. "Ma, ano nangyayari?" nagpapanick na sambit ko. "Masaya lang ako Anak..masaya ako dahil makikita na ulit kitang masaya," she cried.

Akala ko ay magagalit siya sa'kin dahil nakipagbalikan ako kay Linderio pero mukhang hindi naman. "Kailan pa kayo naging okay?" she suddenly asked. "No'ng isang buwan Mama, we accidentally meet po dahil sa pamangkin niya na estduyante ko po," I explained. "Iyon lang pala ang magiging tulay para magkita ulit kayo," natatawang sambit niya na ikinatawa ko din.

"Ma, hindi ka po ba galit?" I asked. "Wala naman akong rason para magalit Anak, desis'yon niyo naman dalawa iyan eh. Kaya alam kong alam niyo 'yang mga ginagawa niyo. Supportado ko lang kayong dalawa ni Linderio," she said. I smiled.

Never siyang nagtanim ng galit kay Linderio. Wala din kasi siya alam sa ginawa sa'kin ni Linderio. Masaya ako dahil tanggap pa din ni Mama si Linderio. Paano kaya kapag nalaman niya ang rason bakit kami nag-hiwalay ni Linderio. Tatanggapin pa din niya kaya?

"Ma...bukas daw po mamanhikan na sila Linderio," I said to her. While we were eating. Nagulat naman siya dahil doon. "Luh, agad agad?" she asked. Parang bata din minsan si Mama eh. She was now mid 40's. "Ay hindi po baka sa isang araw pa," pangbabara ko.

'Yung dalawa ko naman kapatid ay natawa. "Sige, pagluluto ko na lang sila ng masarap na pagkain," she said. I agreed. Masaya na excited ako para bukas.

Maaga akong natulog dahil baka lunch dumating sila Linderio.

I wake up exact 6 AM naman muna ngayon since it was sunday naman.

Maaga din kami namili ni Mama ng mga lulutuin niyang putahe. "Excited na ako Ate makita si Kuya Linderio!" Cindy said. Natatandaan pa pala niya si Linderio which is good na din. "Ate, sino po 'yung Linderio?" Theo asked. "Ah siya 'yung mapapangasawa ko, kilala mo din siya but you was just a baby when you meet him 6 yrs ago." paliwanag ko.

Naintindihan niya naman ako. Tumulong naman si Cindy sa amin ni Mama, kaya nabilis din kami natapos kumain. Nagtext naman si Rio na otw na sila.

Sakto din ay natapos na si Mama magluto ng pagkain.

Maya-maya lang din ay may dalawang kotse na nakaparking sa tapat ng bahay namin. "Ate! Nandito na po sina Kuya Linderio!" sigaw naman ni Cindy. Kaya naman lumabas ako para silipin iyon.

Lumabas naman ako ng bahay para pag-buksan ng bahay sila Linderio. "Hey," he greeted me. Buti na lang din ay nakagayak na kami ni Mama kung hindi maasim ako!

"Tara na po sa loob, hinihintay na po kayo ni Mama," I said. Tumango naman sila Tita Iris.

Malawak din bakuran namin. "Magandang tanghali po Tita," masayang sambit ni Linderio kay Mama ng maka-pasok kami sa loob at ayon nga nag-mano siya. "Nako Iho, laki ng pinagbago mo ah! Mas lalo ka pang gumuwapo ah!" masayang sambit ni Mama. Napa-iling naman ako doon.

"Ma, ito nga po pala si Tita Iris at Tito Arden. Linderio's Parents po," I introduced them to my mom. "Then ito po ang Mama ko," introduce ko ulit sa kanila pabalik. "Magandang tanghali Balae," Tita Iris said.

Nagulat naman kami ni Linderio doon. "Magandang tanghali din Balae, halika na kayo at kumain na tayo." Mama said.

"Malaki din pala bahay niyo balae," Tito Arden said. Hala, nakakahiya naman. Close na agad silang tatlo. Kami naman ni Linderio ay nakahalukipkip lang sa gilid. "Nako, tinulungan ko lang si Rachel dito. Hindi naman ako halos ang gumastos nito, si Rachel. Nakakahiya nga din minsan kasi siya ang gumagastos sa lahat kahit hindi naman niya responsibilidad." Mama said. Required ba ik'wento lahat?

"Napaka-buting anak din pala ni Rachel kung ganoon," Tito Arden was amazed on me. "Oo, sobrang thankful nga ako kay God dahil binigyan niya ako ng mabuti at mabait na anak, hindi niya kami pinabayaan kahit na nabubuhay pa ang Papa niya." she said.

Balak ata ni Mama, banggitin na buong talambuhay ko eh. Napa-iling na kumakain na lang ako dahil nahihiya ako kila Tito dahil nalaman nila ang hirap ko para mataguyod sila Mama.

"Rachel was a brave woman," Tita Iris complimented. "Indeed, Mom," singit ni Linderio. "So ano plano niyo sa kasal?" Mama suddenly asked us.

"Napag-planuhan po namin na sa Manaoag Church kami magpakasal," I said. "Ay eh 'di kaganda pala. Manaoag Church is a beautiful masterpiece of churches." Mama said. "Opo Mama," I said. "Kung ganoon, paano sa venue?" she asked again. "Sa beach po. Doon din po sa ginanap ng kasal nila Keriza po," I said. "Rachel decided to be simple lang po. Gusto niya tayo-tayo lang then mga friends po namin. Mga relatives po saka mga ka-trabaho po niya," Linderio said.

"Naka-plano na pala ang lahat. Mabuti naman kung ganoon. Maganda iyan. Tuloy talaga ang kasal niyan," Mama said. I smiled at her.

Nang matapos kaming kumain. Nagkuwentuhan muna sila Mama. Pumunta muna kami sa bakuran ni Linderio.

"Akala ko magagalit si Tita sa'kin kapag nakita ako," he said. "No, hindi ko naman sinabi sa kaniya 'yong past natin," I said. "Wala siyang alam?" he asked. Umiling ako. "Wala rin akong balak sabihin dahil hindi naman na iyon importante eh," I said.

He kissed my forehead. "Thank you Adi. Thank you for accepting me again in your life. Thank you dahil pumayag kang magpa-kasal sa akin," he smiled. I smiled at him. "Thank you din dahil dumating ka ulit sa buhay ko para buuin ako...para buuin at itama natin ang mga nagawa nating mali," I said.

"Mananatili ako sa'yo, kahit maubos ako. Hinding hindi ako aalis at iiwan ka," he said. "Kung maubos man din ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo, okay lang. You're worth it to love Rio," I said.

We never expected na kami talaga ang naka-takda para sa isa't isa. It all started being his fake girlfriend and now soon to be his wife.

I will love him eternally.

Bubuo na namin ang storya na naudlot ng nakaraan. Papalitan namin ito ng magagandang paksa na mananatili sa aming puso't isipan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top