Kabanata 32
—Saturday came—
Kaming apat ay naka-ready na meanwhile si Keriza ay biglang naduwal, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Nagsimula lang ito noong thursday. Maski sila Lariza ay walang alam. Tuwing uuwi si Keriza ay lagi niyang dinadaing na nahihilo siya.
"Gaga ka, ano ba nangyayari sa'yo?" Zy asked her. "Hindi ko din alam," she said. "May nangyari ba sa inyo ni Lazarus?" I asked. Hindi naman na kami inosente sa mga ganitong bagay. "O-oo," she stuttered. "Kailan ang huli niyong ginawa?" I asked.
Mukha tuloy akong detective sa ginagawa ko. "Last 3 weeks," she was too honest. "Kailan huling inom mo ng pills?" I asked again. "Noong bago mangyari iyon," she said.
"Bibili muna ako ng PT test, chachat ko lang si Caspian na malalate tayo," Zy said. We agreed gusto din namin malaman na tama ang hinala namin or hindi. "Kinakabahan ako," Keriza said. "Huwag kang kabahan, noong ginawa niyo nga hindi ka naman kinabahan," I teased to lighten up her mood. "Tangina mo," she cursed. "I'm sure magugustuhan ito ni Laz, ginawa niyo ba naman ng walang proteks'yon," I said. "Tama," Larisa agreed.
Lumabas naman si Zy para bumili ng PT test. Buti na lang din ay nandito kami no'ng nangyari ito kung nasa labas kami ay baka may masabi pa ang mga tao.
"What if hindi niya magustuhan?" she suddenly asked. "Of course he won't do that, blessing iyan from above." I said. Alam ko naman na hindi ganoon si Lazarus. "Sana nga..." she said. "Girl, huwag ka panghinaan ng loob, I'm sure pananagutan ka naman ni Lazarus," Lariza said. I agreed. "Hindi ko lang maiwasan na isipin ang mga ganito," she was about to cry but pinigilan naman namin iyon.
"Huwag kang umiyak," I said. She is urged to cry, but it won't happen until Zaynab comes with Lazarus. "Nandito ka na pala," I said to him. "Ano nangyare?" he asked. He was full of worriedness in his eyes nang makita niya si Keriza. "Hey...what happened?" as he approaches her. "Go on. Check it. We will wait for you," Zy interrupted them.
"Ano 'yan?" Lazarus asked. "Malalaman mo mamaya," Zy said. Tumingin naman ito kay Kez. Pumasok naman ito sa banyo. Naguguluhan man si Lazarus ngunit umupo na lamang siya kahit hindi na niya alam ang gagawin niya.
After 20 minutes, lumabas na din si Keriza with teary eyes. We approach them immediately. "T-tatay ka na Laz," she stuttered. All of us were so shocked. So my instinct was right. Hindi lang niya iyon ma-realize.
"A-ano?" bakas sa boses ni Lazarus ang gulat. "You're now a father, Lazarus. Bun—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang yakapin ni Lazarus. "Thank you Kez!" he said. "H-hindi ka galit?" she asked. Ang sakit pala sa mata makapanood ng ganito. "Of course not Baby. I'm not gonna get mad at you," he said. "Iwan na muna namin kayo, punta na kami sa bar," I interrupted them. "Huwag na kayo sumama. Samahan mo na lang si Keriza," Lariza said. "She also needs to take a rest and go to the ob gyne tomorrow," Zaynab said. They both nod.
"Hay nako sana all talaga, baka bukas lumipat na din si Keriza," Lariza said. "Hindi na iyon malabo ngayon nalaman natin buntis na siya. Dalawa na buntis sa tropa," Zy laughed. "Hindi na rin ako magtataka sumunod ka na rin kay Kez," I said. "Kapag hindi pa kayo nagpakasal, ako na mismo magpapakasal sa inyo," Lariza said. "Mga bonak, maghintay kayo at magpapakasal kami." Zy said. "Kailan? Kapag na-buntis ka?" natatawang sambit ni Lariza. "Tarantado hindi," Zy said.
Napa-iling na lang ako sa kanila. Hindi na ako magtataka kung nandoon mamaya si Linderio. Tropa pa din naman siya kahit anong nangyari sa aming dalawa. "Huy, baka nandoon si Linderio mamaya?" Lariza said. "Ano gagawin ko?" I asked. "Baka mag-loving loving kayo," she teased. Natawa naman si Zaynab sa sinabi niya. "Baka nakakalimutan mo ang ginawa ng gagong 'yon sa'kin?" I warned her. "Sabi ko nga niloko ka ni Linderi— aray!" singhal niya ng kinurot ko siya.
Buti si Zy ang nag-dadrive dahil baka ma-aksidente pa kami kung si Larisa. Nasa likod kasi ako ng shot-gun seat.
"Balita ko sabi ni Aurelius, nag-shift daw ng course si Linderio noong lumipat siya. Culinary Arts daw," Zaynab said. Nagulat naman ako dahil hindi ko alam ano naisipan niya at lumipat pa ng course kung sa business management naman ang pangarap niya. "Oo daw, saka daw sikat na siya ngayon saka daw 'yung restaurant niya." Lariza said. "Oo wala ako dito," I sighed.
Natawa naman ang dalawa dahil alam kong inaasar na naman nila ako. Akala ko ba galit sila kay Linderio ba't parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Buti na lang din ay dininig ng Diyos ang panalangin ko dahil hindi nag-krus ang landas naman ng tatlong araw.
Mga ilang oras lang din ay nakarating na kami sa bar. Nag-park lang si Zaynab at hinintay na namin siya sa entrance dahil siya ang nakaka-alam kung nasaan sina Caspian. "Tagal mo naman nag-park," Lariza hissed. "Ay grabe sana ikaw na lang ang nag-drive tangina ka," I said. "Sabi ko nga mahirap humanap ng parking space," biglang bawi ni Lariza. Minsan parang siraulo din itong babae na 'to. Epekto ata ng broken pa din.
Pumasok na din kami sa entrance, pagpasok namin doon ay umakyat kami sa may 2nd floor dahil doon daw nagpareserve si Caspian for our tonight's fun.
"Oh sakto nandito na din kayo, tangina niyo tagal ko kayong hindi nakita," Caspian said. Natawa na lang ako sa kaniya dahil para siyang tanga. "Masiyado mo naman kami na-miss," I said. "Oo, si Linderio na-miss ka," Caspian said. "Tangina mo," narinig kong sambit ni Linderio. "Ay sorry p're advance lang ako mag-isip," Caspian said. "Bakit wala sila Keriza?" Aurelius asked. "Masama sa buntis eh," I said. "Hala?! Buntis na siya?" gulat na sambit ni Caspian. "Ay hindi baka ako ang buntis," pang-babara ko. "Hala, may milagro ba kayong ginawa ni Linderio?" Caspian said.
Napabuntong hininga na lang ako. "Putangina mo Caspian," I scold him. Humagalpak naman siya ng tawa dahil trip niyang asarin ako ngayon. "Order na kayo ng drink diyan, ako na bahala," Caspian said. Sa kagustuhan niyang lumabas kami ay ililibre niya daw kami ng drinks. "Big time ka na pala Engineer." I said. "Hindi naman, nasakto lang talaga sa suweldo ang lakad natin," he said.
I just wore a mini skirt and a strap top with a bondage boot. Pinatungan ko na lang ng leather jacket. I'm not into this kind of casual wear, but Lariza made me do this.
As I turned back my gaze at the waiter nakita naman ng peripheral vision ko si Linderio na nakatingin sa'kin. Hindi ko rin sure kung sa'kin ba siya talaga naka-tingin or it was just I was too assuming.
Nang matapos kaming umorder, biglang nag-salita si Caspian. "Alright, walwalan na hanggang sa mabangag at ma-hang over bukas!" sabik na sambit niya sa'min. Natawa naman kami sa kaniya. "Ganiyan ba ka-stress ang engineer?" Linderio said. "Tumahimik ka, mag-saya tayo ngayon," Caspian said.
Natawa na lang ako sa kanila. Para kasing bumabalik ulit kami noong panahong college pa kami. Nakakatuwa lang din isipin na kung ano kami noon, ganoon pa din kami. Except sa'min dalawa. Hindi na rin kami magiging katulad ng dati.
We're now back as strangers just like we didn't meet before the school started. Tahimik lang ako na nakiki-ride sa kanila. I feel so tipsy not until Lariza went. "Tara doon sa baba, party party," she said. Sumunod naman ako sa kaniya at si Zy ay naiwan sa tabi ni Aurelius. Ayaw pasamahin sa'min kasi med'yo lasing na din si Zy.
Kaya noong pababa kami ay pagewang-gewang siya kaya naman inalalayan ko siya. Hindi rin naman ako gaanong naka-inom dahil alam kong may aalalayan ako pag-uwi.
"Wooo!! Party party!" Lariza scream ng maka-rating kami sa gitna. She's getting wilder at nag-aalala ako sa kaniya. Should I contact Paul? Baka kasi magalit siya sa'kin kapag tinawagan ko ang ex niya. Ito lang kasi nakaka-control kay Lariza kapag nagiging ganito siya. Naramdaman ko naman na humawak sa papulsuhan ko.
It was him, I saw his eyes with a darkened expression. Hindi ko alam pero kusa akong sumama sa kaniya kahit ang kaibigan ko ay nando'n. "T-teka, si Lariza," I said. "Okay lang siya, nandiyan na rin si Paul pamaya-maya." he coldly said.
"P-pero—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. "Okay lang siya. Don't worry about Lariza," he said. "Saan ba tayo pupunta?" I asked. "Let's talk," he said. Hindi ko namalayan na nasa parking lot kami at nasa tapat kami ng isang montero.
Hindi ko alam kung ano pa ba dapat ang pag-usapan namin. Kinalas ko naman ang pagkaka-hawak niya sa pulsuhan ko. "Ano pa ba dapat natin pagusapan?" I asked. "Us," he just said. "Us? Matagal naman na tayong wala Linderio, ano pa ba dapat natin pag-usapan?" I said. "Gusto ko lang naman magbaka-sakali na baka puwede pa, kung hahayaan mo akong mag-explai—" hindi ko na pinagpatuloy ang sasabihin.
"Damn those explanation, 6 years na tayong wala. Linderio, okay na ako...sobrang okay na ako. Wala ka na dapat pang i-explain kasi matagal na tayong wala. Alam mo? Gago ka eh! Bakit ka ba biglang nagparamdam?! Kung kailan okay na ako saka ka biglang mag-paparamdam na para bang walang nangyare, tangina mo. After 6 years, the pain was still and it's still healing. Nagpunta ako sa psychiatrist para lang umayos ako," I cried.
"Pero kahit anong gawin ko sa sarili ko, bumabalik pa din 'yung sakit. Wala ng natira para sa sarili ko. Hindi ko maisip bakit mo sa'kin nagawa iyon? May nagawa ba akong mali para ganunin mo ako?" I asked.
Nakatingin lang siya sa'kin. "W-wala—" he said but I cut it. "Wala naman pala pero nagawa mo pa din ako gaguhin, space lang naman ang hinihingi ko sa'yo that time but look what I found out. You kissed another woman and it's your bestfriend pa. Si Sibyl pa...akala ko kasi malinaw sa'yo ang lahat pero tangina. Mas mabuti pa siguro na layuan mo na ako, ayoko ng makikita ang presensiya mo," I said.
Hinayaan niya na akong bumalik sa loob. Nakita ko naman si Paul na akay si Lariza, halatang lasing na talaga siya. "Dalin ko na 'to sa condo niyo," he said. "Shino ka?" lasing na sambit ni Lariza. "Kamukha mo 'yung ex ko," lasing na sambit ulit ni Lariza. Hindi na lang nag-salita si Paul at dinala ito sa kaniyang kotse. Natanaw ko naman sila. Hindi na rin naman nag-pumiglas si Larisa.
Bukas ay mumurahin ako no'n or kami ni Zy panigurado.
"Uwi ko na din 'tong si Zy," Aurelius said. I nod. Bumalik na ako sa puwesto ko. Kinuha ko ang alak at ininom iyon. Wala na akong pake kung malasing ako ngayon ng sobra kasi sobra din naman 'yung sakit na dinadanas ko ngayon. "Don't drink too much Rachel," he said. Hindi ko siya pinansin at unti-unti na akong nahihilo. Bahala na saan ako pupulutin mamaya.
"Huwag kang magpaka-lasing Rachel," Caspian said. Hindi pa naman ata siya gaanong lasing. "Hayaan mo na ako, ngayon lang naman 'to," I said while my head is spinning. "Ako malalagot nito," he whispered. Hindi ko alam kung sino or ano ang tinutukoy niya.
Ang tanging gusto ko lang ay mawala 'yung sakit na nararamdaman ko kahit ngayon lang. Hindi ko alam na madami na pala akong nainom na alak. Si Caspian ay patuloy ang pagbabawal sa'kin ngunit hindi ako natinag.
Just this once...gusto ko lang wala akong maramdaman na sakit ngayon. Pagod na ako sa lahat.
"Pre, masiyado na atang lasing si Rachel. Uwi mo na kaya? Tutal alam mo naman ang condo nila," I heard Caspian said. Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya, baka si Linderio...nakapakit na rin ang aking mata dahil sa hilo na aking nararamdaman.
Bakit parang lumulutang ako? Hindi ko na rin mabuksan ang aking mata dahil sa sobrang pagka-hilo ko na din. "Why did you drink so much?" he softened his voice. "Mag-ingat kayo," Caspian's voice. Based on what I've heard.
"Linderio?" I asked. "Hm?" he said. Hindi ko pa rin mabuksan ang mga mata ko. Nahihirapan ako.imulat iyon, bakit ba kasi ako nagpaka-lasing ng sobra. "Bakit ka nando'n?" I asked. "Hinihintay kita," he said. I bitterly chuckled. "Hindi ka nga nagparamdam na no'n break up natin, sino niloko mo? Gago," I said. "I'm sorry," he only said. "Wala ng magagawa iyang sorry mo," I bitterly said. Hindi na din siya nagsalita.
Hindi ko alam kung kaninong sasakyan ito. Para akong nasusuka ngayon. "Nasusuka ako. Ibaba mo ako." I said. Binaba niya ako ng dahan-dahan. Tumakbo ako sa isang lote at doon nagsusuka. "Sana hindi ka na naglasing," sambit niya habang hinahagod ang aking likod. "Kasalanan mo 'to," I said. Hindi na lang ulit siya nag-salita siguro na-caught off ko siya. I may be harsh on him. Wala eh, nasaktan ako ng sobra.
Patuloy pa din siya sa pag-hagod ng likod ko hanggang sa mahimas-masan na ako. "Wait kuha lang kitang tubig at gamot," he said. Tumakbo naman siya sa sasakyan at mga ilang segundo lang ay bumalik siya na may dalang tubig at gamot. "Here drink this para mahimasmasan ka," he said. Kinuha ko naman ang tubig at ang paracetamol. Baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko at lalo na ang hilo ko.
"Don't drink too much again kung alam mo naman palang hindi mo kayang uminom ng ganoong mga malalakas ng inumin," he advised. Para siya nanay na pinapagalitan ang kaniyang anak. "Wala kang pake," I said. "Hanggang ngayon mataas pa din pride mo," he sighed. "Uwi na ako," I said ng mahimasmasan ako.
"Hatid na kita," he said. Hindi na ako nakipagtalo dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Sumakay na lang ako sa kaniyang sasakyan at hindi na siya binigyan ng pansin. Wala rin naman ako sa mood makipagtalo pa sa kaniya eh. Nasabi ko naman na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya kanina, naubos na ako.
Gumaan na din kahit paano ang nararamdaman ko. Habang nasa biyahe kami bigla siyang nagpatugtog at sumakto sa theme—este fave song namin. Sa lahat ng kanta bakit iyon pa?! Ang tagal ko na rin hindi iyon pinakinggan dahil gusto ko ng kalimutan ang lahat ng ala-ala na makapag-papaalala sa kaniya.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan niyang patugtugin iyon. Gusto ko man ipahinto baka sabihin ay bitter ako. Which is true also dahil lang naman sa kaniya naging ganito ako.
Talagang sinusubukan ako ng tadhana, hindi ko alam kung pinaglalaruan ako dahil sa loob ng 6 years bigla na lang siyang susulpot na akala mo ay okay talaga kami kahit hindi naman talaga.
Buti na lang din ay nakarating na kami sa condo ko at dali-dali ng kinalas ang seatbelt. "Thank you at sana huwag na ulit mag-krus ang landas natin, ito na sana ang huli." I said at umalis na sa sasakyan. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin dahil ayoko ng marinig ang mga iyon.
Dire-direcho akong pumasok papunta sa Luminous Condo. Nang makapasok ako ng elevator doon lumandas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan, hindi ko alam kung bakit sobrang sakit pa din tuwing maalala ko ang nangyare 6 years ago. Hindi mabura sa isipan ko. Napapagod na ako.
Gusto ko rin naman marinig ang side niya ngunit kinain ako ng pride ko at hindi ko siya hinayaan man lang mag-explain.
All I can endure is all the pain that he gave to me. Akala ko kasi ayos na lahat sa'kin bakit sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang mga ginawa niya sa'kin? Bakit sa tuwing nakikita ko siya nasasaktan pa din ako.
Sobra pa sa sobra 'yung sakit na dinadanas ko ngayon. I was back to zero again. Nasayang ang lahat dahil sa unexpected na pagkikita namin. I'm still wondering if kumusta na ang magulang niya? Ganoon pa din kaya sila? Close pa din sila gaya ng dati kong nakasanayan. Ayokong humantong sa malaman nila ang ginawa sa'kin ng anak nila at kamuhian nila. Sa tingin ko naman ay okay pa din sila.
*ting!
Bumukas na ang elevator at tulala akong naglalakad palabas, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng unit namin. Binuksan ko naman iyon. Nakita ko si Keriza na naka-upo sa sala.
Tumingin siya sa'kin ng buong pag-aalala it was already past 11 PM at gising pa din siya. "Bakit gising ka pa?" I asked. "Bakit ngayon ka lang? Nauna pa sila Lariza sa'yo," she said. "Hindi ko maiwan si Caspian eh," I said. "Nagkita kayo?" she suddenly asked. I nod.
"Mag-pahinga ka na Keriza, masama sa'yo ang mag-puyat, magkukwento naman ako sa'yo kapag kaya ko na, kailangan mo ng mag-pahinga," I said. She let out a heavy sigh. Hindi ko pa kasi kayang magsabi ngayon kung ano ang napag-usapan namin ni Linderio dahil wala naman na kami dapat pang pag-usapan.
Matagal na 'yon, inuudlot pa niya. Pinapaalala niya pa sa'kin kung gaano kasakit ang ginawa niya sa'kin, kung gaano ako naghirap sa ginawa niya sa'kin. Lahat iyon unti-unti na naman bumabalik sa sistema ko.
"Kapag gusto mo ng mag-kwento Rachel, magkuwento or magsabi ka lang. Makikinig naman kami sa'yo," she said bago umalis at pumasok sa kaniyang kuwarto.
I was too suffocated from everything I've been through. I want to let my past but Linderio came at na-trigger lahat ng nangyari sa'kin.
Bakit ba kasi kailangan pa ako pag-laruan ng tadhan, nakakapagod din naman dahil tao lang ako, Marunong masaktan at laging nasasaktan. Walang alam sila Mama bakit kami nag-hiwalay ni Linderio ngunit nagulat sila sa nangyari. Hindi naman nila kinuwest'yon ang nangyare kasi ayoko rin naman na iyon pag-usapan, sakit lang naman ang dinulot sa'kin no'n.
Hindi ko alam ang mararamdaman ni Mama kapag nalaman niyang nagkita kami ni Linderio kaya hangga't maaari ay hindi ko na lang iyon babanggitin sa kaniya.
Pumasok na ako sa kuwarto ko at humiga sa kama, tumulala na laman ako sa aking kisame. Halo halo na ang aking nararamdaman or may nararamdaman talaga ako sad'yang manhid na lamang ako.
Hindi ko namalayan na nawala na talaga ang alak sa katawan ko pero kailangan ko pa din maligo dahil I feel so gross dahil kanina ay suka ako ng suka. Buti na lang din ay nawala na ang pagka-hilo ko.
Hindi na ulit ako magpapakalasing ng ganoon! Hindi ko naman pala kayang panindigan pero kahit ganoon, mas mataas ang alcohol tolerance ko kaysa sa mga kaibigan ko. Sila laging bagsak kapag nag-iinuman kami. Nang matapos naman na ako mag-linis, naisipan kong lumabas at gumawa ng kape para mas lalo akong mahimasmasan.
Nang matapos naman ako mag-timpla ay lumabas ako sa may balcony upang magpahangin muna bago ako matulog. Hindi rin kasi ako makatulog kaya pipilitin ko na lang ang sarili kong makatulog mamaya.
In the middle of thinking, tumingala ako sa langit at ngumiti. "I hope Papa you will still guiding me, miss na talaga kita sobra Papa," tears flowed down my face. "Pa, nakakapagod pala 'no? After 6 years bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko. Bakit kasi ganoon? Bakit kasi hindi ko mapakawalan ang sarili ko sa nakaraan?" mapaklang sambit ko habang tumutulo ang aking mga luha.
Nasasakal na ako sa mga nangyayari sa'kin, hindi ko kung pagsubok ba 'to mula sa taas or sad'yang pinahihirapan ko na lang ang sarili ko na makulong sa nakaraan. Pagod na din akong makulong sa nakaraan. Bakit hanggang ngayon ganoon pa din ang sakit?
Nang maramdaman ko na ang lamig na bumabalot sa aking balat ay pumasok na din ako, nilinis ko lang ang pinag-kapehan ko at pumasok na din sa kuwarto ko, bangag na kasi sila Lariza. Nagpaka-lasing ba naman ng malala.
I turn off the lights at humiga na rin. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako. Siguro ay napagod na din ang aking mata.
Nagising na lamang ako sa katok ni Keriza. "Rachel, aalis muna kami! Pupunta kami sa Ob at kila Mama!| sigaw niya sa pinto. "Sige!" sigaw na sagot ko. Antok na antok pa din ako. Kaya naman bumalik na lang ulit ako sa tulog.
It was already 11 AM nang matuluyan akong magising. Hindi ko alam kung gising na ba ang dalawa dahil wala akong naririnig na ingay. Nakalimutan ko din na dapat uuwi ako kahapon kila Mama but bigla na lang din kasi nag-aya sila Caspian.
Nagtext naman agad ako kay Mama na hindi muna ako naka-uwi kahapon kasi lumabas ako kasama sila Caspian. Okay lang naman daw iyon sa kaniya pero 'yung dalawa kong kapatid ay miss na daw ako. Kaya naisipan ko na lang bumisita ngayon sa kanila.
Gumayak na din ako, doon na lang ako mag-lulunch. Nagpasabi naman ako kay Mama na sasandali ako sa kanila at uuwi din. Malapit lang naman ang condo ko sa kanila. Sa roxas boulevard.
Matapos kong gumayak ay kinuha ko lang ang bag at susi ng kotse ko. Nag-iwan na lang ako ng note sa lamesa just in case na magising sila. Mukhang nalasing talaga sila ng malala ngayon, mamaya ay magsisi-daing na masasakit ang ulo nila. Mga siraulo talaga.
Lumabas na ako ng condo unit namin at sumakay na din ng elevator. Mabilis lang din akong nakarating sa parking lot. I start the engine of my car. Nagsimula akong matuto mag-drive noong 19 ako, kaya niregaluhan ako ni Mama ng ganitong kotse kahit hindi naman na kailangan.
They still keep spoiling me. Si Kuya Ash ay may asawa na at si Yarishna ang nakatuluyan niya same as Ate Brenda, nagpakasal na sila last year. Sina Ate Jallaine ay boyfriend palang at wala pa atang planong magpakasal.
Malaki na din sina Olivia. Malaki na din ang pinagbago nilang lahat but hindi mawawala ang pag-gabay namin sa isa't-isa lalo na ang pagmamahal buong pamilya, sayang nga lang ay wala na si Papa sana buo pa din kami hanggang ngayon.
May purpose ang Diyos bakit siya kinuha sa'min ng maaga. Naiintindihan namin iyon. Si Theo ay hindi naman hinanap si Papa kasi pina-intindi namin sa kaniya ang lahat ng nangyari kahit na bata pa lamang siya.
Sana lang ay manatili sa mga kapatid ko ang ka-sweetan nila sa'kin at kay Mama. Sila na lang ang yaman mayroon ako.
Gusto ko ay lagi lang silang nandiyan para sa'kin. Sila ang lakas ko sa tuwing pinanghihinaan na ako ng loob.
Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong sinalubong ng dalawa kong kapatid. "Ate!" masayang salubong nila sa'kin at niyakap ako. "Grabe naman miss niyo agad ako kahit kakakita lang natin noong nakaraang linggo," pang bubuyo ko. "Eh Ate iba naman iyon eh," Cindy pout.
Akalain mo 'yon now she is now a young lady. Ang laki na din pinagbago niya. Buti nga't wala pang regla dahil 11 years old palang naman siya. "Kaya nga Ate," Theo agreed. "Nako kayo talagang mga bata kayo, hindi niyo na pinaupo Ate niyo," singit ni Mama ng makarating siya sa sala. "Sorry po Mama," Theo apologized. How cute he is. Carbon copy niya talaga si Papa. Kaya nakikita ko sa kaniya si Papa.
Mamaya bago ako umuwi ay dadalaw ako sa kaniya. Tagal ko na rin palang hindi siya nadadalaw dahil sa sobrang busy ko sa trabaho ko.
"Kumusta ka naman Anak? Kumusta unang araw mo?" she asked. "Okay naman Mama, na-stressed lang dahil nalipat ako bilang adviser. Biglaan lang din kasi si Ms. Gale tinanggal at na-banned," I explained. "Hala bakit naman?" she asked. "Mama, siya po kasi laging nirereklamo ng mga natuturuan niya na natuturuan ko din. Lagi po kasi nilang sinasabi na hindi maayos mag-turo si Ms. Gale. Kaya po binigyan ko iyon ng aks'yon para sa mga estudyante ko po." I explained clearly.
Bigla naman ngumiti sa akin si Mama. "Hanga talaga ako sa'yo Anak. Basta para sa mga estudyante mo, wala kang sinasanto kapag alam mong mali ang ginagawa," she smiled. "Pinalaki niyo po kasi ako na may prinsip'yo sa buhay," I smiled back. I look at my siblings. Nanood lang sila ng cartoon sa disney channel.
Doon kasi sila natututong mag-english. Nagulat na lang ako dahil si Theo kinausap ako ng kinausap ng english. Na-stress feslak ko. Mainam na din iyon dahil may mga aral naman ang pinapanood nila.
Pinagmasdan ko naman sila habang busy sila panonood ng tv. Buti nga 't hindi sila nag-aaway. May sarili din silang gadgets kapag na-bored sila sa tv ay doon naman sila. Pero hindi naman ganoon pinatututok sa screen ang mga kapatid ko kasi masama din iyon matagal na titig sa cellphone. Nakakalabo ng mata.
"Iyan lang ang libangan ng dalawa since hindi ko pa sila puwedeng palabasin at delikado sa labas," she said. Nasa isang village exclusive village naman ang bahay na pinagawan namin. "Wala naman Mama, mangyayari diyan at mahigpit ang security dito lalo na't exclusive village naman ito, hayaan mo na silang makipag laro sa labas para naman maranasan nila ang isang pagiging bata," I said. Hindi ko na kasi gaanong na-enjoy ang pagiging bata dahil may responsibilidad na nakapatong agad sa akin.
Hindi naman ako nag-sisisi kasi naging masaya naman ako na tinulungan sila Mama noong panahong naghihikaos kami. Ngayon ay unti-unti na kaming bumabangon. Wala ng utang na iniintindi. Tanging kami na lang at ang sariili namin ang iintindihin namin.
"Hay nako, sige Anak. Babantayan ko na lang sila," she said. Ngumiti naman ako sa kaniya dahil napapayag ko siya sa gusto ko. Gusto ko naman iparanas sa mga kapatid ko ang hindi ko naranasan noong bata pa ako.
"Mama, puwede po ba kami mag-laro sa labas?" Cindy said. "Sige, huwag kayong lalayo ha." bilin nito kay Cindy at agad naman tumango ang mga kapatid ko. Masunurin naman silang bata kaya kampante kami na hindi sila susuway na dalawa sa'min. "Mag-iingat kayo," huling habilin ko sa kanila. They both look excited when they get outside of our house. Napangiti na lang ako dahil doon.
"Huwag kayong lalayo!" bilin ko ng sinundan ko sila. "Opo Ate!" pareho nilang sambit. Pumunta sila sa may mga bata na naglalaro, nagsimula na silang makipag-laro. "Hay nako, masasanay mga kapatid mo sa iyo niyan, lagi mo sila iniispoil," Mama hissed. "Okay lang naman iyon Mama kasi nakikita ko naman sila masaya doon," I said. "Pero huwag naman lagi, ayoko silang masanay sa ganiyan," she said. Natawa na lang ako.
"Hayaan mo na Mama, minsan lang naman maging bata." I said. "Wala na akong magagawa, mapilit ka eh," napa-iling na sambit ni Mama. Pinagmasdan ko naman ang mga kapatid ko na masayang nakikipaglaro. How I wish I would like them before.
Hindi naman na maibabalik ang lahat dahil ito na ako sinanay ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat hindi ko naman talaga ginagawa.
Nang bandang 4 PM na, nagpaalam na ako kay Mama na aalis na ako. Umuwi na rin sa bahay ang mga kapatid ko. "Nag-enjoy ba kayo?" I asked. "Opo Ate! May bago na po kaming friends agad dito," Cindy said. "That's good to know," I patted her head. Nag-paalam naman na ako sa kanilang dalawa ngunit bakas sa kanila ang lungkot. "I need to work, Cindy. Pa'no ko mabibili mga want niyo 'di ba? Babalik naman ako sa sabado eh," I said. They both agreed na kaya naman umalis na ako.
Naisipan ko naman dumalaw muna kay Papa bago umuwi sa condo. May nadaanan naman akong flower shop. Kaya naman bumili muna ako. After a while I drove into the sanctuary kung saan naka-libing si Papa.
Lumapit ako sa puntod niya. "Hi Papa, I'm sorry po hindi ako naka-dalaw sa'yo," I said. "Busy lang po ako sa trabaho ko Papa, gusto ko po kasi mabigyan ng magandang buhay sila Mama kaya ito po ako, nagtatrabaho ng mabuti," I laughed.
I stared for his grave, hindi ko alam na umiiyak na pala ako. "Pa, I'm sorry po umiyak pa ako sa harap niyo. Pagod na po kasi ako, akala ko po kasi okay na ako eh." I cried. "Pa, ba't sobra pa din 'yung sakit na nangyayare sa'kin? Ba't pa po ba nag-paramdam siya sa'kin kung kailan okay na ako? May purpose po ba ang lahat ng iyon?" I asked.
"Pa, give me a sign that I should forget him and everything that it reminded him of. Hindi ko na po kasi alam kung paano ako makakabangon sa mga nangyayare." I said. Nakakapagod pa din pala.
I wiped all my tears. "Pa, babalik na lang po ako ulit kapag hindi na po ulit ako busy, I'm sorry po Papa kung hindi po ako magtatagal ngayon, may pasok pa po kasi ako. Babawi na lang po ako sa weekends. Isasama ko po si Mama at ang mga bata. Miss na po kasi kayo nila Mama, hindi na rin po pala sila nakakapunta sa'yo. See you po ulit sa saturday, madami pa po ako ikukwento," I said at pinagpag ang aking damit dahil nalagyan ng mga ligaw na damo.
Pumunta na ako sa sa sasakyan ng may makita akong montero. Looks like his car but I don't care naman kung sa kaniya iyon or hindi.
Talagang sinusubukan ako ng tadhan kung hanggang saan ang kaya kong tiisin. Hanggang kailan kaya ako susubukan ng tadhana? Nakakapagod din naman makipag-gaguhan sa kaniya.
Nagulat ako ng may biglang lumabas doon sa montero na sasakyan. It was him. Hindi ko alam kung ano ang rason niya bakit nandito siya pero hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa kotse pero hindi muna ako umalis. I got intrigued by what he was doing here.
Nakita ko siyang lumapit sa puntod ni Papa. So siya pala ang nagdadala ng puting bulaklak tuwing pumupunta kami ay may nakikita kaming puting bulaklak doon. Hindi naman namin alam kung kanino galing iyon.
Sa kaniya pala...
Hindi ko alam ang rason niya bakit pa siya nandito sa puntod ni Papa, hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya sa'kin 'tapos bigla siyang pupunta kay Papa. Hindi na lang din ako lumapit sa kaniya. Tinignan ko naman sila sa malayo.
Matagal na palang dumadalaw dito si Linderio, para saan pa kaya? Umalis na lang ako doon kasi ang bigat ng atmosphere. Nasa kotse lang naman ako hindi naman ako lumabas and I guess he didn't notice me.
Saktong 6 PM na ako no'ng umuwi sa condo, nakita ko naman sila Larisa nanonood. "Asaan si Keriza? Hindi pa din ba siya umuuwi?" I asked. "Wala pa," Zy said. They were still looking at the tv. Hindi sila nagsayang ng oras bigyan ako ng atensiyon. "Gabi na ah bakit wala pa din sila?" I asked. "Hindi din namin alam, hayaan mo muna sila," Lariza said.
Kasama naman niya si Laz pero nag-aalala ako kasi buntis pa siya. Tangina. Mga ilang oras lang din ay bumukas din ang pintuan. "Bakit ngayon lang kayo?" I asked. Para tuloy akong nanay na strikta.
"Napasarap lang usapan namin nila Mama, saka confirm nga. One week na ako preggy," Keriza said. "Hala! Ninang kami ha," masayang sambit ni Lariaa. "Oo huwag niyo kami tataguan kapag namasko anak ko sa'yo," Keriza said. Natawa na lang ako.
"And by the way, aalis na din ako. Doon na ako titira kay Lazarus para daw matutukan niya ako," Keriza said. "It's okay, mas maalagaan ka ni Lazarus kung nandoon ka tabi niya," I said. "Yesh, she's right," Zy said. "Alagaan mo ng mabuti 'tong kaibigan namin kung hindi. Kukunin naman siya sa'yo," Lariza warned Lazarus.
He chuckled. "That won't gonna happen, this time itatama ko na mga maling nagawa ko sa kaibigan niyo," he seriously said. "Oo na sige na sana all. Alis na chupi." pagtataboy ni Larisa. "Kunin ko na lang bukas mga gamit ko, mamimiss ko kayong mga tangina niyo," Kez said. I laughed because of that.
We do a group hug before she leaves. I'm sure I'm going to miss her jokes, her teasing. I'm happy for my bestfriend dahil ngayon ay nakikita ko siyang masaya ulit.
I'm happy that may pamilya na siyang bubuuin ngayon. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi naman namin inaakala na magiging sila ulit at the end of the day. Marupok lang talaga kaibigan ko.
Ang hinihintay na lang namin ay si Zy na makasal. Next month kasi ay magpapakasal na sila Keriza hangga't hindi pa gaanong umuumbok ang kaniyang tiyan. Ako pa ang ginawang bride's maid.
Wala pa din alam si alam si Lariza kung sino ang nag-uwi sa kaniya. Hindi din namin sinasabi ni Zy kasi mag-aalburoto ito sa galit kapag nalaman niya na si Paul ang nag-uwi sa kaniya dito sa condo.
I don't know but I feel she still loves him, kahit na nag-hiwalay sila. Base sa mga reaction niya kapag nababanggit ang pangalan ni Paul.
Hanggang ngayon ayaw niya sa amin sabihin kung ano ba talaga ang dahilan bakit sila nag-hiwalay kasi kung titignan silang dalawa ang saya nilang pagmasdan. Hindi ko naman alam na hahantong pala sa hiwalayan ang lahat.
Siguro nga panandalian ang lahat pati ang saya. Hindi naman natin hawak ang lahat kaya hindi natin sigurado kung hanggang saan ang saya na mayroon tayo.
"Ano na naman iniisip mo? Lagi ka na lang tulala," Larisa said. Naki-join kasi ako sa kanila na manood ng movie ngayon, akala mong walang lesson plan na iniintindi ha. "Wala naman," I said.
"Nakita ko na naman siya kanina," I simply said. Napatingin naman sila sa'kin, mukhang kilala nila kung sino ang tinutukoy ko. "Baka destined talaga kayo ni Linderio, pero bakit naman kayo nagkita? Masiyado ka naman ata niya na-miss?" Zy teased me. I gave her a death glare. "Tangina mo, nakita ko siya doon sa sementeryo kung saan naka-libing si Papa. Hindi ko alam bakit siya nagpupunta pa doon," I shrugged. "Hayaan mo siyang maka-dalaw sa Papa mo, gusto lang naman niya ata dumalaw," Larisa said. "Kaya nga hinayaan ko na," I said.
"Maybe the destined bind you both again para mapatawad mo siya, tanggapin kahit bilang kaibigan lang, wala na ba talagang chance na maging maayos ang lahat?" Larisa asked. "Hindi ko alam...natatakot kasi ako, hindi ko alam paano ko din siya kakausapin ng maayos kasi lahat ng galit ko ay naka-ipon," I said.
"Hindi ka mapapanatag niyan Acel kung 'yan laging galit mo sa puso ang paiiralin mo, hayaan mo siya mag-explain sa'yo. Malay mo valid ang pagpapaliwanag niya sa'yo, wala naman akong alam kung bakit niya nagawa iyon pero sana patawarin mo na hangga't maaga kasi ikaw lang din ang magdadala niyan," Zy give me an advice.
Hindi ko alam kung ito na ba ang oras para magpatawad sa lahat ng nagawa niya sa'kin. It still haunts me. Lagi ko siyang napapaginipan hindi ko alam kung ano ang rason bakit siya ang lagi kong napapanaginipan.
Is this a sign that I should forgive him for what he did? Hindi mawawala ang bigat sa nararamdaman ko kung patuloy kong ikukulong ang sarili ko sa nakaraan.
Maybe they were right; I should forgive him.
So maybe I can forgive myself too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top