Kabanata 31
—6 years later—
"Hoy Rachel, kahit kailan ka talaga kumilos ang bagal mo!" Lariza said. "Oo na teka lang ito na!" I said. Nasa i-isang condo na lang kaming tatlo simula ng makapagtapos kami. Si Keriza din ay kasama na namin dito. First day din kasi ng pasukan doon sa pinagta-trabahuhan namin. Kaya ganoon na lang ang pagmamadali niya.
We heard na nagiging okay na ulit sina Lazarus at Keriza, hinayaan niya na daw magpaliwanag kasi siya pa din ang mahal niya. Sana all may binabalikan.
Wala na akong balita sa kaniya simula ng mag-break kami. Ang sabi nila ay lumipat daw ito ng school. Hindi ko alam ang rason niya dahil pinutol ko na rin naman ang connection namin dalawa.
Nag-apply kami sa isang school kaya kaming tatlo ay magkakasama pa din. Si Keriza naman ay natanggap na din sa isang bangko.
May plano kaming mag-review sa isang buwan nila Lariza for LPT Exam sa isang isang buwan. We apply at private muna since hindi pa naman kami board passer.
Balita ko kay Annalise ay dinala ito sa amsterdam para doon magpatuloy sa pag-gagamot at maninirahan for good, sana lang din ay um-okay na din sila. Everyone is wanting her to heal. Sina Caspian ay nag-sorry na sa'kin, tinanggap ko naman. Sina Klint at Gillian ay kasal na for real. Akala ko ay i-eend na nila. Yes they end it because they want it to be real.
Iyon ang tunay na true love. Charot only. Naging sila for 2 months then nag-break then after 3 years nag-comeback din. Sana all ulit. Ngunit masaya naman ako sa kanila dahil nakikita ko ulit sila paano sumaya ulit gaya ng dati.
I look at myself on the mirror, nakita ko 'yung kuwintas na binigay niya sa'kin...suot ko pa din...nakakatawang isipin lang na ito na lang natitira kong memories sa kaniya the one thing that I value the most...
Kumusta na kaya siya? Did he already marry na ba? Wala talaga kami balita sa kaniya. Kahit sila Caspian ay wala na din balita daw sa kanya. Or sinasabi lang nila ito para hindi na rin ako magtanong kung nasaan or kumustahin si Rio.
Nangako siya na kapag okay na ang lahat, babalikan niya at hihintayin niya ako pero it's been 6 years pero nasasaktan pa din ako.
Akala ko kasi okay na ako eh, pero everytime I saw this necklace it reminded me everything. How we met...
"Oh, ano titig ka na lang ba diyan sa salamin?" Lariza hissed. Natawa na lang ako dahil kahit kailan ay napaka-reklamador niya sa mga mababagal kumilos. "Oo na ito na nga eh," I grabbed my bag para hindi na rin siya magmuryot.
Maaga pa naman pero gusto niyo early bird kami lagi. Sina Mama naman ay napagawa ko na din ng bahay after my graduation, lahat ng allowance ko at noong natanggap agad ako sa Leighton Academy, mga suweldo ko ay inipon hanggang sa maging sapat na iyon pampaggawa ng bahay.
Sila Lolo Daddy namin ay nagtatake na ng vitamins dahil humihina na din sila. Hindi naman kasi natin alam kung hanggang saan at hanggang kailan ang ating huling hininga. Ngunit pinannatili namin silang maging malakas. Hindi pa kami handa.
Si Mama ay may sarili ng business, si Cindy naman ay grade 5 na. Si Theo ay grade 1 na. Napaka-bibo nilang dalawa. Namimiss ko na sila.
Every weekends ay umuuwi kami sa kaniya kaniya namin pamilya para doon ang quality time namin. "Balita ko buntis na si Gillian, gilas talaga ni Klint kahit kailan," napailing na sambit ni Zy. "Kayo din ni Aurelius, gumalaw na." I said. "Bawal, kasal muna bago kasalanan," she said.
Nasa i-isa lang kasi kaming sasakyan kaya naman hindi na hassle sa pagpasok dahil sabay sabay naman kami. "Gago ka talaga Zy, ilang years na din kayo ni Aurelius wala pa din bang balak?" Larisa said. "Mayroon na kapag sapat na ipon namin dalawa." she said.
Hanga din ako kay Zy dahil sa amin tatlo siya na lang ang natitirang matibay sa relas'yon, sina Lariza ay nag-break na din last year. Hindi naman namin alam ang buong kuwento baka talagang magulo na para sa kanila ang lahat.
Hindi na rin ako magtataka, magkabalikan din sila balang araw. Sadiyang pinag-lalaruan kami ng tadhana, hindi namin alam kung ano ba talaga or sino ang para sa'min.
After an hour because of the heavy traffic, naka-rating na kami sa school. Hindi naman ako homeroom teacher kaya okay lang din sa akin ang ma-late. Same as these two. Ngayon lang kami na-late dahil sa traffic, may aksidente daw kasi kaya ayon doon nag-cause ang traffic.
"Buti na lang talaga hindi tayo adviser 'no? Baka hindi natin kayanin lalo na at minsan pa ay nalalate tayo," Zaynab said. Sapat din ang kinikita namin dito dahil na-permanent na din kami. Si Mama naman ay lumalago na din ang small business niya, I know she can make it. Balak niya ata iparenovate 'yung bahay namin dahil nababakbak na din ang mga pintura niya.
Tutulungan ko din naman siya doon dahil ayoko naman mabigatan doon si Mama. Nagtabi na din ako sa bangko para sa future ng dalawa kong kapatid kasi sila na lang naman ang iniintindi ko at si Mama.
"Kaya nga, buti na lang din," I said. They assigned us to be in english major dahil kulang daw sila doon, buti na lang din ay may alam ako doon, pero balak ko din kumuha pa ng units doon. Then masteral.
Ang dami kong plans hindi ko alam kung matutupad ko ba ang lahat ng mga iyon.
Mamaya pa naman 9 AM ang tuturuan ko sa grade 7. I feel so happy dahil nakakatuwa lang silang turuan, para rin sila katulad ko noong high school ako.
Nag-eenjoy naman kaming tatlo sa pagtuturo sa mga high school student. I just can't believe that we are reaching our success. Hindi ko namalayan ang oras buti na lang din ay nag-alarm ako ng 9 AM for my first class.
Nag-ayos naman muna ako bago kinuha ang gamit na kakailanganin ko sa pag-tuturo mamaya, since first day pa lang naman baka mag-pa introduce muna ako then kuwentuhan. Usually ganoon ang ginagawa ko tuwing 1st day of class.
Pumasok na ako sa isang classroom kung saan ako naka-assign. "Good morning everyone," I smiled to greet them all. "Good morning Teacher," sabay-sabay nilang sambit. Natuwa ako dahil hanggang ngayon teacher pa din ang tawag nila sa'min kahit puwedeng Ms. na lang.
Ngumiti naman ako sa kanila. "Hindi niyo pa ako kilala, so let me introduce myself first. I'm Ms. Rachel Shine Arcena you can call me as Ms. Rachel. I'm 24 years old. Your English Teacher." I introduce myself to them . Noong unang pasok ko dito sa school na 'to ay grabe ang kaba ko ngunit habang tumatagal ay mas lalo na akong nasasanay at kailangan ko din naman sanayin ang sarili ko.
I graduated as Suma Cumlaude. Everyone was so proud of me because I've been through. My hardship to make this happen.
Nang matapos silang mag-intorduced isa-isa. "So ngayon, hindi muna ako magdidiscuss sa inyo pero gusto ko mag-kuwentuhan tayo," I said. They all agreed. "Ms. Rachel, do you have boyfriend po?" Lyria asked. One of my students asked. "Oo, pero dati iyon he is now my ex," I said. "Ha? Bakit naman po kayo nag-hiwalay?" she cutely asked. "Hindi kasi kami ang para sa isa't-isa," I smiled. "Aww. Sayang naman po Ms. Rachel," she said. Other students agreed.
Natawa na lang ako dahil doon, wala rin naman sila alam sa nangyare.between us. "Pero sana Ma'am, maging kayo din sa bandang huli," one of the student said. Natawa na lang ako dahil doon.
Itong batch lang na ito ang nag-tanong sa lovelife ko! Ano ba 'yan. "I'm not hoping for that but let's see," I said. They teased me, natawa na lang ako dahil doon. Like wtf? Gusto talaga nila 'yon? No way.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga estduyante ko at natanong nila iyon sa'kin. Kada tanong nila ay sinasagot ko na lang din.
At nang matapos ang klase ko ay doon ako naka-hinga ng maluwag. Lumabas naman na ako at hindi na sila muling tinignan. Baka kasi tanungin pa nila ulit ako.
Bumalik na ako sa faculty. Ngayon lang ako naka-encounter nito. Nandito na din si Lariza. "Oh bakit ganiyang mukha mo?" she asked me. "Pa'no mga estudyante ko kanina bigla akong tinanong sa lovelife ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot basta ang sabi ko sa kanila ay may naging boyfriend ako 'tapos bigla na silang nagtanong ng nagtanong related to my past." na-sstress kong sambit. Bigla naman siyang humagalpak ng tawa.
I gave her a grumpy look. "Walang magmomove on do'n," natatawa niyang sambit niya. "Kahit kailan ka talagang punyeta ka," sambit ko. "Girl, grabe na-intriga mga estudyante mo," natatawang sambit niya.
"Sige, mang-asar ka lang diyan," I said. "Ay girl, okay lang naman iyon. Atleast wala kang inaapakan na tao." she keep teasing me. Binato ko naman siya ng papel. "Oo na, titigil na ako," she still laughing hard.
Kahit kailan talaga napaka-asar niya. Paano pa kung nandito si Zaynab. Hindi ko na kinakaya mga utak ng kaibigan ko. Naka-move on naman na ako pero hindi ko naman aakalain na tatanungin nila ako about my lovelife. Ang expected ko ay about why did I choose teaching kasi usually iyon ang mga tinatanong ng mga dati kong estudyante.
Nang dumating naman si Zy ay ganoon din ang reaks'yon nila buti na lang din ay may 11 AM class ako. Pumunta na lang ako doon dahil alam kong hindi sila titigilan na asarin ako. Kahit mamaya sa unit ay aasarin nila ako, lalo na't nalaman pa ni Keriza.
Anak ng kamagong na buhay 'to.
Buti na lang itong mga estudyante ko na isa ay hindi sila nagtanong. They keep asking bakit ito ang pinili ko, I just that this is my dream since I was a kid.
The whole day went well naman, nauna akong pumunta sa parking lot dahil may aayusin lang daw si Larisa at Zaynab saglit.
Nang maka-labas ako, nakita ko naman si Lyria. Naka-upo sa waiting shed sa parking lot. Lumapit ako sa kaniya upang samahan siya. Baka hinihintay niya ang kaniyang service. "Hi Lyria," I said. "Hello po Ma'am," she greeted me back. "Bakit naman hindi ka pa umuuwi?" I asked. "'Yung Tito ko po kasi ang susundo sa akin ngayon, hinihintay ko lang po," she explained. I nod. "Sige, samahan muna kita habang hinihintay siya." I said. She nodded.
After a while dumating na ang isang kotse sa harapan ko. I never expected this. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko...it was him...
Baka hindi pa niya ako nakikita dahil hindi pa naman ako umaalis sa puwesto ko. "Hi Tito Rio!" masayang sambit ni Lyria. Ah siya pala ang Tito ni Lyria. Hindi ko naman alam kung kanino itong anak dahil wala naman nabanggit sa'kin si Linderio.
"A-ah nandiyan na pala Tito mo Lyria, mauna na ako," doon ko lang napukaw ang atensiyon nilang dalawa.
He was stunned when he saw me. Ganoon din ako. "M-mauna na ako," I said. Akmang aalis na ako ng bigla siyang mag-salita. "T-teka, by the way thank you nga pala sa pag-sama dito sa pamangkin ko," he said. I gave him a small smile. He was now different from the Linderio that I know. Ganoon ba namin nasaktan ang isa't isa? "Wala 'yon salamat." I said. "Tito kilala niyo po ang isa't isa?" she asked. "Oo, she was...my friend." he said. My friend. Natawa na lang ako ng mapakla dahil doon.
"I have to go," I said at umalis na sa harapan nila. Napaka-bigat pa din pala sa damdamin. Akala ko makakaya ko na makita siya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi na rin nila ako pinigilan dahil dire-diretso ako sa paglalakad namin.
"Ano nangyare sa'yo?" Lariza asked ng makasakay na ako. "Nag-kita na kami," I only said. "Nino?" Zy asked. "Si Linderio," I said. Naka-tingin lang ako sa bintana, pinag-mamasdan ang mga bawa dinadaanan namin.
"Okay lang ako kung iyan ang gusto niyong itanong," I said. Bakit pa kasi ngayon kami nag-kita. "Sure ka ba diyan?" Larisa asked. "Oo nagulat lang naman ako. Hindi ko naman inaakala na mag-kikita pa pala kami. "Baka destiny talaga na magkita kayo," Zy said. "Gago," I hissed.
Tahimik lang ako buong biyahe dahil hindi ko rin alam pa'no nangyare na magkikita kami ngayon. Sana ay sa mga susunod na araw ay hindi na kami magkita muna, hindi pa pala ako handa.
Sa lahat ng nangyari sa amin dalawa, hindi ko magawang makalimutan ang lokohin niya ako. "Hay nako mga lalaki nga naman," Lariza sighed. "Hindi lahat," I correct her. Baka kasi mamaya ay lahatin na naman niya.
"Ano naramdaman mo ng nakita mo siya?" she asked. "Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag," I said. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig," Zy sang. "Tarantado." I said. Mahirap ng ibalik ang lahat, lalo na ngayon. Marami na ang nangyari sa loob ng anim na taon. Wala na rin naman ako nararamdaman sa kaniya. Or pinipilit ko lang?
"Anong nabalitaan ko?" tanong ni Keriza papasok sa condo naming apat. "Ano?" I asked. "Balita ko nag-kita kayo ni Linderio?" she said. "Oo kanina, pamangkin niya pala ang isa sa mga estduyante ko from grade 7," I explained. "Tadhana nga naman," she said. Lariza and Zy laugh. "Sige tawanan niyo lang, kapag ikaw Larisa binalikan mo si Paul, tatawanan kita ng malala," I said. Tumigil naman siya sa pang-aasar sa'kin.
"Sabi ko nga lulubay na ako eh," she said. Ako naman ang natawa sa kaniya dahil parang tanga siya. Alam ko naman na mag-kakabalikan sila, sa karupukan ba naman ay salong-salo na ng mga kaibigan ko.
"Tara movie night," Keriza said. We agreed dahil sobra kaming napagod ngayon at sumasakit ang lalamunan namin kaka-salita kanina.
Masaya naman ako kay Keriza dahil unti-unti na silang umaahon, balita ko din ay na-promote siya. Malaking bonus na iyon dahil mas lalaki pa ang suweldo mo. Madami din benfits ang pagiging teacher mo isa na doon ang bonus, mga allowance mo. Kaya gusto na rin namin mapunta sa public dahil mas madaming benfits ang naghihintay sa amin doon.
Si Cindy ay gustong maging flight attendant dahil gusto niya daw kami i-travel sa ibang bansa, which we always do supporting her on her goals. Bata pa naman siya, alam kong lahat ng pangarap niya ay matutupad talaga.
She now studied at Ateneo where my Mama graduated. Hati kami sa tuition ng mga kapatid ko kasi ang mahal mag-aral doon, doon niya na din siya mag-cocollege. Sila ni Theo, hindi ko lang alam kung paglaki ni Theo ay baka maisipan niyang gustong lumipat.
We just watch something in Netflix, gusto muna namin mag-relax dahil alam kong mai-stress na kami pag-dating ng mga susunod na araw. Another lesson plan na naman ang gagawin namin.
"What if mag-apologize sa'yo si Linderio?" Keriza suddenly asked while we were still watching the movie. "Eh 'di apology accepted pero hindi ako babalik sa kaniya," I said. Natawa naman silang tatlo. "Eh pa'no naman kung gusto niyang bumalik ka?" Lariza asked. "Ay iyon ay huwag," I said. "Talaga ba?" ramdam ko ang pangbubuyo ni Larisa. "Tulog na nga lang ako," I said at pumunta na sa kuwarto. Hindi naman nila pinigilan, pinagtawanan lamang nila ako. Mga baliw nga naman.
Ramdam ko naman na hindi nila ako titigilan ngayon nalaman nila nagkita kami ni Linderio. Sana iyon na ang huli.
Masaya naman ako sa narating namin dalawa kung tutuusin, mukha naman siyang disenteng tignan at may narating sa buhay. Masaya ako para sa kaniya. He made his goal.
Siguro tama lang din ang naging desis'yon ko 6 years ago na maghiwalay kami baka sakaling maka-hinga kami sa lahat ng problema.
After our break up, I went to the psychiatrist dahil nagkaroon ako ng depression. Gusto ko din agad maagapan iyon dahil ayokong masira ang pangarap ko. Madami pa akong pangarap na kailangan tuparin pa. At ngayon ay inu-unti unti ko na ang lahat.
It takes a process before I can make it.
Hindi ko namalayan nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa alarm clock ko, buti naman ay nagising ako sa alarm clock ko dahil kahapon ay hindi. Hindi ko alam bakit hindi ako nagising ng maaga kahapon.
"Infairness maaga ka ngayon ah," bungad ni Lariza sa'kin. "Hindi lang ako nagising kahapon dahil naging malalim lang iyon," I said while making my coffee.Simula kasi ng magka-trabaho ako nasanay na ako na puro kape ang iniinom ko tuwing maga.
"Kasing lalim ng nararamdaman mo para kay Linderio," she teased. "Tangina, umagang umaga naninira ka ng araw." I shout. "Ano ba 'yan ang aga niyo naman nagbabardagulan," Keriza appeared. "Sabi ko lang naman kasing lalim ng nararamdaman niya kay Linderio," Lariza repeat. "Hindi na ako sasabay sa'yo, naninira ka ng araw kahit kailan ka talaga," I grunted. "Oo na hindi na kita aasarin. Sorry na," she apologized. "Bahala ka na sa buhay mo, malaki ka naman na," I said. Pumasok na ulit sa kuwarto ko upang maligo at magbihis.
"Hoy sasabay ka ba sa'min?" tanong ni Larisa sa labas ng kuwarto ko. "Hindi na muna. Ang bagal niyo kasi kahapon. Minalas ako," I yelled. Narinig ko naman ang pagtawa nila. Napa-iling na lang din ako sa sinabi ko.
After kong matapos gumayak ay lumabas na din ako sa unit namin at sinara iyon. Pasara na sana ang elevator ng bigla itong bumukas dahil may humarang na kamay. Iniluwa nito— kapag minamalas ka naman talaga.
"Oh, hi." he greeted me. I just gave him a small smile. Hindi ko siya kinausap. Umusog naman ako sa dulo ng elevator upang hindi kami mag-kadikit or magkalapit man lang. "Dito ka nakatira?" he broke the silence between us. "Oo," I simply said. Hindi na ulit siya nag-salita at ganoon din ako. "Kailan ka pa nakatira dito?" he asked me again. Bakit ba ang dami niyang tanong?! "Noong nag-simula kaming magtrabaho nila Lariza," I said. "Oh. Magkakasama ba kayo sa i-isang condo?" he asked. "Oo," I said.
Hindi ko alam kung ano pa ang rason para mag-usap kami, gaya ng sabi ko ay sana hindi na magkita pero mukhang pinaglaruan kami ng tadhana at ngayon nasa i-isang elevator kami. Parang binabagalan pa nitong elevator ang pagpunta sa parking lot! Not now please.
"Kumusta ka na?" he suddenly asked. "Okay lang, ikaw?" I asked. I don't wanna be rude to him. "Okay lang din naman. I heard teacher ka daw ni Lyria?" he asked. "Oo, english sa subject niya," I wanna be professional in his eyes. "Akala ko filipino," he said. Umiling lang ako.
Please lang gusto ko ng pumasok! *ding.
At ayon na nga dininig ang aking panalangin. "Alis na 'ko," paalam ko sa kaniya at hindi ko na siya nagawang lingunin. Gusto ko sanang itanong bakit siya nandito but I don't want to, kaya naman nanahimik na lang ako.
I open my car at pina-andar na ang makina no'n. Hindi ko na siya hinintay dahil hindi ko kayang makasabay or makasama muna siya ngayon.
Pala-isipan sa'kin bakit talaga siya nandoon, baka nandoon ang girlfriend niya kaya nalibot doon. I shrugged.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako ng ligtas sa school kaya naman pinark ko ang kotse ko sa tabi ng kotse ni Lariza.
Habang nag-lalakad ako sa hallway ay kada estudyante na dinaraanan ko ay binabati ako ng good morning. Nakaka-gaan lang sa pakiramdam ang mga ganoong estduyante. Nang makarating naman ako sa faculty room ay nakita ko naman ang mga kasamahan ko na nag-chichismisan lang.
'Yung iba kasi ay hindi advisory section katulad namin floating teacher, it means of that wala kaming hinahandle na isang section kung baga hindi kami adviser at subject teacher lang kami.
Balak ng principal next year ay hindi na kami gagawing floating teachers kung baga alternate naman which is mahihirapan ako kung sakali na mangyari iyon. Madami kang gagawin doon at mas matrabaho compare kung floating teacher ka.
Being a teacher isn't so easy. Kapag bumagsak ang isang estudyante ay tatanungin ka ng magulang bakit ganoon ang grades ng anak nila. Mahirap man sa kanila i-explain pero lagi namin ipinapaintindi na kahit gaano man katalino ang anak mo ay hindi masusukut iyan sa abelidad niya. Kung sa isang subject ka mahina, huwag mahihiyang magtanong sa teacher kung mayroon kang hindi maintindihan. Once na ipinaliwanag na iyon, I'm sure may matutunan ka.
It wasn't easy after all but nakakayanan ko kasi ito ang gusto ko. Gusto ko ay lahat may matutunan sa itinuturo ko, hindi man ganoon kadali ang english pero alam kong makakaya iyon ng mga estudyante ko.
Exact 9 AM ay pumasok na ako sa kuwarto nila Lyria. She was only in grade 7. Hindi ko rin tinatanong kay Linderio kung kanino 'tong anak. Ang alam ko ay si Tita Iris ay mendez ang apelyido, hindi ko din alam.
Binati naman nila ako nagsimula na akong mag-discuss sa kanila. Ang kukulit nila pero nakakayanan ko naman kasi pa-teenager pa lang kasi sila kaya maiintindihan ko. Madami pa din silang katanungan sa dinidiscuss ko pero naliliwanagan naman sila kapag dinidiscuss ko ang mga 'yon.
Sana balang araw lahat ng mga naturuan at matuturuan ko ay maging successful sa kanilang gustong maging balang araw. Umaasa na ako after 6 to 7 years makikita ko silang successful sa kanilang trabaho.
Lahat naman ay dumadaan sa hirap, gaya namin nila Larisa. Halos iyakan na namin lahat ng mga subject namin noong college, but look we're are we know. We are teaching all the young students na minsan ay katulad nila kami.
Masaya naman magturo kapag masaya at makukulit ang mga estudyante mo. Hindi ko alam bakit secondary ang kinuha ko kung puwede naman palang elementary pero baka hindi ko kayanin ang sobrang kakulitan nila kung sakali.
"Naintindihan niyo ba Class?" I asked. "Opo Ma'am," they all said. "Ma'am buti ka pa maliwanag magturo," nakakamot na sambit ni Kiro. Natawa naman ako sa kaniya. "Bakit naman?" I asked. "Kasi Ma'am si Ms. Gale ang labo niyang magturo 'tapos Math pa po," Kiro said.
Nagtawanan naman ang kaniyang mga kaklase. "Oo nga po Ma'am," they all agreed on what Kiro said. "Try to talk with Ms. Gale about that 'nak, hindi ko kasi siya puwedeng kausapin sa ganiyan. Baka mamis-interpret niya ako," I said. "Ilang beses na nga po namin sinasabi na linawan niya Ma'am, galit pa po siya sa'min kapag ganoon sinasabi namin," he said.
Hindi ko alam mararamdaman ko wtf? Bakit ganoon siya sa mga estudyante niya? "Ayokong maki-sawsaw about this matter but I will try to talk with Ms. Principal baka sakaling doon ay matauhan siya," I said. They agreed. I never treated my students like that.
Kasi kaming mga teacher ay pangalawa na nilang magulang dito sa eskwelahan, iyon ang laging itinatatak sa'min ng mga profs namin kung sakaling magiging teacher talaga kami.
"Thank you Ms. Rachel sana ikaw na lang po ang naging adviser namin baka matuwa pa po kami kasi sobrang husay niyo po," Lyria said. I was flattered on that compliment, lahat ng mga naturuan ko ay ganoon ang compliment sa'kin.
Nakakatuwa lang isipin na kahit mapaos ka kakasalita it was all worth it because may mga natutunan sila.
Nang matapos ang klase ko sa kanila ay dumirecho na ako sa principal's office para sabihin ang mga reklamo ng naturuan ko.
"Good morning Ms. Principal," I greeted her. "Oh, ikaw pala iyan Ms. Rachel, sige maupo ka. Ano ba maipaglilingkod ko sa'yo?" she asked. "Ayoko po sana Ms. maki-gulo sa mga reklamo ng estudyante ko about Ms. Gale, lahat po kasi ng naturuan ko ay ganoon po ang lagi nilang sinasabi, hindi daw po nila maintindihan ang mga tinuturo ni Ms. Gale at kapag pinapaulit naman daw po ay nagagalit ito sa kanila," I explained. "Oo nga eh, ilang magulang na din ang narinig ko na nag-rereklamo dahil kay Ms. Gale," she said. "I hope Ma'am this will be resolved agad. Tinuturuan po kasi namin ang mga bata para may matutunan hindi para ganunin kapag wala silang naiintindihan," I said.
Napangiti naman ang Principal sa aking sinabi. "Alam mo? Hanga ako sa dedikas'yon mong may matutunan ang mga bata, don't worry I'll talk about this matter with Ms. Gale. Thank you for informing me." she said. I nodded and I say thank you bago umalis. Sana lang ay maresolba agad itong nalaman ko.
"Oh bakit parang haggard ka diyan?" tanong sa'kin ni Larisa, nang makapasok ako sa faculty room. Buti na lang din ay wala si Ms. Gale. "Nagpunta ako kay Ms. Principal dahil nag-susumbong sa'kin ang mga estudyante ko kahit noong mga nakaraang taon pa, na hindi daw nila maintindihan ang mga tinuturo ni Ms. Gale. Kapag naman daw pina-paulit nila daw para maintindihan nila. Nagagalit pa daw ito. It stressed me out," I sighed.
"Girl, same compliment sa grade 8 ko naman, naikwento nila sa'kin na hindi daw magandang magturo si Ms. Gale," she said. Napa-iling na lang ako. Sayang lang din pala ang pinag-aralan niya kung ganoon naman pala ang gagawin niya.
Nag-teacher pa siya kung ganoon ang ugali niya kapag hindi naintindihan ng mga estduyante ay bubulyawan niya. Abnormal ba siya?
"Si Ms. Gale ba kamo?" singit ng isa namin kasamahan. "Opo," I said. "Ay nako, wala na kayong aasahan doon. Ganoon talaga siya magturo. Hindi nga namin alam bakit pa siya tinanggap dito eh." napa-iling na sambit ng kasamahan namin. "Bakit po?" I asked. Alam kong matagal na ako dito pero wala naman akong alam sa nangyayare. Mas tutok kasi ako sa pagtuturo sa mga estudyante ko.
"Madami ng estduyante ang nagrereklamo doon pero wala pa din nakakarating kay Ms. Principal, hindi ko lang alam ngayon kung papalampasin pa ito ni Ms. Principal kasi kung ako iyon, patatalsikin ko na siya sa trabaho. Nagsasayang lang siya ng oras," ramdam ko ang inis niya kay Ms. Gale.
Halos lahat na ata ng mga kasamahan namin ay inis na sa kaniya at pilit na lang pinakikisamahan. Hindi ko man ginusto na umabot sa ganito pero sobra naman na ata 'yung ginagawa niya.
Sana matauhan siya sa mga pinag-gagawa niya. Sinayang niya lang ang pera na pinang-paaral ng magulang niya sa kaniya.
It's already 11 AM kaya naman nag-gayak na ako for the 2nd class. Habang nag-gagayak ako nagulat ako sa ginawa ni Ms. Gale sa'kin.
"Omg!" nagulat din ang mga kasamahan ko maski si Lariza. "Ano ba problema mo?" I tried to be calm. Pero dahil tinapunan niya ako ng tubig at ngayon ay basa ako. "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Napaka-pakilamera mo naman," she said.
Oh I get it. "Bakit? Pinatalsik ka na ba?" I asked. "Oo ng dahil sa'yo nawalan na ako ng trabaho at banned na ako sa kahit anong school!" she yelled. Tumawa naman ako ng mapakla. Tumingin ako kay Lariza. "Lariza, pasabi sa class ko ngayon hindi ko muna sila papasukin at may inggrata lang akong kakausapin," utos ko, pinigilan naman matawa ng mga tao sa paligid.
"How dare you call me that!" duro niya sa'kin. Hinawi ko naman ang kaniyang kamay. "Huwag mo akong duruin dahil puputulin ko 'yang kamay mo," I warned. "Una sa lahat, you deserve it naman. Why? May natutunan ba mga estudyante mo sa mga tinuturo mo? 'Di ba wala kaya ang mga grades nila sa'yo, puro 78 to 80 which is they don't deserve that. Kung nagturo ka lang sana ng maayos Ms. Gale baka hindi ka hahantong sa ganito. But you failed. Alam mo? Sinayang mo lang pera ng parents mo para mapag-aral ka, kasi kung ako ganiyan. Mag-aaral ako ng mabuti at mas lalong sisipagan ko sa pag-tuturo para maging proud sila sa'kin. Teacher ka Ms. Gale. Hindi lang basta teacher. Pangalawang magulang ka na din." I said.
"Sana naman inayos mo ang pagtatrabaho mo bilang pangalawang magulang sa ating mga estudyante. Alam mo bang taon-taon ikaw lagi ang nirereklamo nila kahit tanong mo dito sa mga kasamahan natin, pinalampas ko iyon pero 'yung ngayon? Sinagad mo kasi pasensiya ko eh. Sorry kung natanggal ka. Ayusin mo muna pagtuturo mo bago ka ulit mag-apply sa ibang school. Ay sorry, hindi ka na nga pala makakapag-apply dito manila," I laughed sarcastically. I hear our co-workmates laugh. "May araw ka din sa'kin Rachel!" she warned.
"Oh, I'm so takot po," pang-aasar ko. "Ugh! Kainis!" dabog niya at kinuha ang mga gamit niya. Buti na lang ay may extra akong uniform sa locker ko. Nag-palit din ako agad.
Nang makabalik ako sa faculty. "Talagang hindi na natauhan si Gale, ilang beses na natin iyon pinagsabihan but her pride ay mataas pa sa mataas, ayan tuloy nangyare sa kaniya. Nakatagpo siya ng matapang," natatawang sambit ng kasamahan ko. "Hanga din ako sa tapang nitong si Rachel eh," sabi ng isa ko pang kasamahan.
Their compliments make me better than who I am right now. Hindi ko aakalain na masasabi ko iyon kay Gale. Grabe na din kasi ang mga ginagawa na at hindi na magandang tignan ang mga iyon.
"Uy bakla huli ako sa chika ano nangyare?" Zy asked. "Nakipagtalo ako sa asungot ng LA." I laughed. "Sino?" she asked. "Si Ms. Gale," I said. "Hala bakla, iyon? Tapang mo talaga." she said. Kahit saang section pala iisa ang nirereklamo, hindi magandang magturo si Gale.
Siya rin naman gumawa ng ikinakasira niya ngayon, hindi siya aangat kung mananatili siya sa ganoong trabaho niya.
Nag-aaksaya ka lang ng oras kung ganoon kasi hindi naman pala worth it ang lahat ng tinuturo mo.
Lahat ay namangha sa ginawa ko kanina. Doon lang din nila nalaman na ako pala ang nag-report no'n kay Ms. Principal. Tinanong ko naman sila kung ganoon na pala ang trabaho niya bakit hinayaan niyo at hindi niyo sinumbong.
Hinihipnotized daw sila everyday they want to attempt to report it to the principal's office.
Noong unang pasok ko pa lang dito sa school ay ramdam kong mainit na talaga ang ulo sa'kin. Hinayaan ko siya kasi kailangan ko siyang pakisamahan pero sorry kapag estudyante na ang usapan iba na iyon.
Kung hindi madadala sa santong paspasan, santong dasalan. Sana lang ay madala na siya sa mga ginawa niya. Maging aral na sa kaniya ang lahat nangyari.
"Hoy, nakita ko kanina si Linderio," Zy said. "Pakihanap po pake ko," I said. "Talaga ba Rachel? Oh pakyu," Zy said. Natawa na lang dahil nagsisimula na naman silang asarin ako.
"Sa condo na tinitirhan natin ko siya nakita," she said. Nandito kami sa cafeteria upang bumili ng pagkain. "Impossibleng hindi kayo nagkita ult?" Larisa said. "Nagkita kami," I said. "Doon pala nakitira si Bitch eh," Zy said. "Sino?" I asked. "Si Sibyl," Lariza said. Napahinto naman ako sa sinabi niya.
Kaya naman pala siya nandoon, kasi nandoon talaga ang girlfriend niya. "Selos?" Lariza teased me. "Gago, hindi." I said. Hindi naman ako mag-seselos doon. Ano bang paki-alam ko ang tagal na naming wala.
Uso naman siguro ang move on 'diba? "Nag-aaya si Caspian, chillnuman sa saturday." Zy said. "G ako," I said. "G din naman ako palagi," Lariza said.
Ngayon na lang pala kami magkikita ng mga kaibigan ko. How I miss having fun with them. Ang mag-asawa naman ay hindi makakasama kasi hindi puwede si Buntis. Bilis din kasing gumalaw ni Klint. Halatang ayaw ng pakawalan si Gillian.
Nakakatawa lang isipin na noon ay nag-dadrama si Gil na it was all one sided love pero hindi naman, joker ng taon.
"Kailan ba manganganak si Gil?" I asked. "Gaga, 3 weeks palang tiyan no'n," Larisa said. "Pasensiya naman na. Ano ba malay ko," I said. "Kahit kailangan ka talaga," Zy said.
Nang matapos naman kami kumain ay pumunta muna akong cr upang mag-retouch. I realized na wala na pala kaming time sa isa't-isa ng mga kaibigan ko, lahat kasi ay may kaniya-kaniya ng trabaho.
"Gago, nakakamiss ang bonding natin talaga," Zy said. "True," Larisa said. "Matagal na kasi no'ng huli tayo nag-bonding mga 6 years ago," natatawa kong sambit. "Eh paano kasi mga nagpakabusy ang mga lintek, buti si Aurelius may time pa din sa'yo, super busy no'n," Lariza said. "He can handle it so well naman," Zy said.
Napangiti na lang ako kasi hindi inaakala na magkakatuluyan silang dalawa talag kasi naman lagi silang aso't pusa kung mga mag-away. "Buti nakakayanan pa ni Aurelius ang mood swings mo," Lariza said. "Subukan niyang maghanap ng iba kakalbuhin ko siya," Zy said.
Natawa naman ako. Sana talaga ay makasal na din sila soon. May plano na daw sila but nag-iipon pa din silang dalawa. Hindi ko alam kung kailan nila balak pero excited kami.
Ramdam naman namin kung gaano kasaya ang dalawa sa relas'yon nila. They build a plan for their future. Even though sometimes they are toxic they handle it to be okay. Mas pinili nila mag-kaayos kaysa maghiwalay.
I remember me and Linderio are like them before...how funny it is. We planned our futures but it ended up nothing. We stayed mature but ended up immaturity. Akala ko kasi okay na eh. Drawing lang pala ang lahat.
Hindi naman ako nagsisisi na minahal ko siya. Ang pinagsisihan ko ay bumuo ako ng plano na kasama siya but we broke up because of cheating.
Kung siguro hindi ako nanghingi ng space mangyayare kaya 'yon? Kung hindi ako naging immature kami pa kaya until now?
That's the questions are still stuck in my mind na gusto ko ng mawala.
Ang mga katanungan na gusto ko na talagang mawala. Mabibigyan pa ba ng linaw ang lahat kung gayon lahat ay sira na?
"Huy ano na naman ba ang iniisip mo diyan?" Lariza asked. "Huh? Wala naman," I lied.
Those question and unsaid thoughts are still on my mind, I feel like mag-eexplode na ako sa daming tanong na pumapasok sa isipan ko but it was all the same kahit na sagutin niya ang mga tanong ko.
Hindi mawawala ang ginawa niya sa'kin panloloko. Mananatili iyon sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top