Kabanata 26

The next day, maaga kaming gumising upang gumayak na din. Dadalhin na namin pag-baba ang mga gamit namin. "Are you all done?" he asked me. "Yes," I said when I'm done packing my things.

"Let's go na?" he asked. I nod as an answer. I just can't belive na natapos na ang 3 days na vacation namin but luckily sulit naman at worth it ang lahat.

Bukas ay back to reality na ulit tayo. "Mamaya, puwede mo ba ako samahan mamili ng gamit?" I asked. "Of course, ako din mamimili na din kasi may pasok na nga pala tayo ngayon. Absent naman tayo," natatawang sambit ni Linderio. "Oo nga eh, masiyado naman natin na-sulit ang beach." natatawa kong sambit. "Yeah, atleast nakapag-unwind ka at ang mga kaibigan natin," he said.

"Oo nga eh," I said. "Sana ikaw din," I added. "Oo naman," he said. "Mabuti naman kung ganoon," I said. "Let's go na, nag-text na si Caspian. Tayo na lang daw hinihintay nila," sambit niya. Tumango naman ako at dinala ko na ang bag na bitbit ko.

Lumabas na kami ng kuwarto dala na din ang mga gamit namin. Nang makababa na kami lahat ay nasa restaurant na, dala na din nila ang iba nilang mga gamit. "Lagi na lang kayo huling lumalabas, aminin niyo nga. Ano ginawa niyo sa kuwarto niyo ha?" Keriza asked. "Bugok," I said. "Mukhang gumagawa ng milagro," pang-aasar ni Caspian. "Gago," Linderio said.

Umupo na din kami agad. Nagsimula na din kaming kumain dahil naka-hain na 'to no'ng dumating kaming dalawa, siguro talagang hinintay lang nila kami.

"May pasok na pala ngayon," natatawang sambit ni Larisa. "Oo 'tapos absent pa tayo," natatawa din sambit ni Zaynab. "Gago, eh hindi naman agad mag-sisismula ang klase eh baka next week pa nga eh," Larisa said. "Malay ko ba, baka magbago ihip ng panahon," Zaynab said. "As if magbago, kabisado mo naman ang school natin," natatawang sagot niya kay Larisa.

Kahit saan school naman hindi naman nasusunod ang date ng pasukan, kung baga freshen up muna. "Hindi na kayo nasanay, ganiyan naman talaga kahit sa ibang school eh. Like on my old school. Public pa iyon," natatawa kong sabat.

"Ay true," Keriza said. ABM student kasi siya samantalang ako ay HUMSS pero noong high school naman kami ay magkaklase kami. Ibang course kasi ang kinuha ni Keriza. FinMan.

We just continue our food hanggang sa matapos na din kami. "Sino mag-dadrive?" I asked. "Si Caspian pero sa kapag malapit na tayo, ako na lang ulit," paliwanag ni Linderio. We are all agreed since kabisado naman na talaga ito. I guess naka-punta na sila dito kasi gamay na din nila ang daan.

Likewise, doon ulit kami sa dulo naka-upo mas maluwag kasi doon pumuwesto. Kasama naman namin si Keriza at Lazarus. Sakto para sa'min apat.

"You should sleep muna, para mamaya may lakas ka," he commanded. I nod sakto din kasi antok na din naman ako. Naglagay ng unan si Linderio sa lap niya at doon na ako nahiga.

Hindi ko din namalayan nakatulog na din ako. Mukhang nag-kukwentuhan din sila Linderio at Lazarus. Habang si Keriza din ay tulog na.

"Sigurado ka na ba sa plano mo?" narinig kong tanong ni Lazarus. "Oo Pare, hindi ko kayang nakikitang ganito si Rachel eh. Hindi ko mas lalong kakayanin na maging ganito ang buhay nila. Mahal ko siya eh," he said.

I don't know what they both talking dahil mahina lang din iyon sapat na hindi ko na marinig. What are they talking about kaya?

I felt asleep again kaya naman kaya hindi ko na narinig ang sinasabi ni Linderio at Lazarus. Wala na rin naman ako maintindihan.

Ramdam ko na may gagawin si Linderio na hindi niya hahayaan na malaman ko iyon. Natatakot na naman ako. Nagkaroon na naman ng pangamba sa damdamin ko sa puwedeng mangyari na naman.

Sana ay hindi ito ika-pahamak ni Linderio kung ano man ang plano niya.

I want peace while loving him.

Matagal din pala akong naka-tulog hindi ko namalayan na it was already 3 PM, 10 AM na kami naka-alis ng ilocos.

"Aurelius puwede bang ikaw muna ang mag-drive? Ayoko pang gisingin si Rachel. Pagod 'to eh," I heard it. "Sige p're." he said. Naramdaman ko naman na huminto kami at si Aurelius na ang nagsisimulang mag-maneho.

Feeling ko ay nasa manila kami. Mabilis lang din ang naging biyahe namin kung ganoon? Ang layo ng ilocos ah.

"Tol, hawak ko buhay mo. Ayusin mo ang pag-dadrive mo," narinig kong banta ni Caspian. Gising na ang diwa ko ngunit may part sa'kin na hindi ko pa kayang bumangon. Ang bigat pa din ng katawan ko. Parang inaalon pa din ang katawan ko mula dagat.

"Bro, what if you lose her?" I heard Lazarus ask. "That won't gonna happen. This is for our own good naman, kaya gagawin ko 'to. She sacrifices her life for me. I'll do the same." I heard it. Hindi pa din malinaw sa'kin kung ano ba ang pinapatungo ni Lazarus at ni Linderio.

Hindi ko pa din alam kung ano ang plano nila dalawa. "What's your plan?" I heard Keriza's voice. "I still don't know. Basta ang alam ko gusto ko siyang protektahan kung maari lamang. Kahit isakripis'yo ko pa ang buhay ko," he said.

"I'll do everything to keep her in my arms," it was full of sincerity. "Don't hesitate to call us if something might happen again," Lazarus said.

I still don't understand the situation. Did he find Annalise?

"Sure, but please keep her safe, habang wala ako," he said. Aalis siya? Bakit? Is he leaving me alone? Again?

"Makaka-aasa ka na poprotektahan namin siya but make sure na iingatan mo ang sarili mo habang nakikipag-buno ka," Lazarus said. Buno? Makikipag-away si Linderio?

"Dito na lang ako," I heard Larisa said. Nagising naman ako doon. Alam na rin siguro na magigising ako kaya hindi na sila nagulat pa. "Sure ka bang diyan ka na lang?" I asked. Bago siya bumaba. "Oo, dito na lang ako may susundo naman sa'kin dito. Kitakits na lang tayo bukas," she said and waved a goodbye.

"Aurelius doon na lang ako sa Camella homes," Caspian said. "Sige," he agreed. Hinatid naman namin siya sa tapat ng subdivision nila, sunod naman ay sila Lazarus. "Ikaw na ba mag-hahatid kay Keriza?" I asked. "Oo," he said. "Ingatan mo iyan," bilin ko ng makababa na siya kasama ang gamit niya, "Eh ikaw Zy?" I asked. "Doon pa ako sa kabila." she said. "Aurelius, palit na tayo," he said.

He agreed. Nag-palit na sila ng puwesto ni Aurelius at ako ang pumalit sa katabi na seat ni Rio.

Maya-maya lang din ay bumaba na din silang dalawa.

We stayed silent ng kaming dalawa na ang natira. Hindi ko rin alam kung tama bang itanong ko pa 'yung narinig ko kung gayon alam naman niyang tulog ako. Nanatili na lang ako tahimik. Magbabaka-sakaling sabihin niya ang about sa narinig ko kanina habang nagtutu-tulog tulugan ako. Bahala na.

Ang hirap ng sitwas'yon, mas lalo pa akong nahihirapan.

Gaya ng napagka-sunduan, dumaan muna kami sa mall na malapit sa Hirai Palace. "Is anything bothering you?" he broke the silence between us. "Wala naman, miss ko lang si Lolo Daddy. 3 days na akong hindi nakakadalaw sa kaniya." I lied. "Gusto mo bang dumalaw muna bago tayo umuwi mamaya?" he asked while his eyes are on the road.

Papunta kami ngayon sa mall para bumili ng school supplies for 2nd semester. "Hindi na, bukas na lang 'pag-uwi na lang natin," I said. "Are you sure?" he asked. "Yes," I said.

We remained silent again. "Sesend daw sa gmail mo ang mga pictures natin. E-edit daw muna ni Lazarus bago i-send sa'yo," he explained. "Sige, send ko na lang sa kaniya gmail account ko," I said. "Ang tahimik mo ata?" nagtatakang tanong ni Linderio. "Hindi ka pa ba sanay? Ganito naman talaga ako." natatawa kong sambit.

Hindi ako puwedeng magpa-halata na naapektuhan ako sa pinag-uusapan nila ni Lazarus. Ayoko rin itanong kay Laz kung ano iyon kahit gulong-gulo ang isipan ko dahil doon. "Sanay naman pero super tahimik mo lang ngayon," he said. "Gusto ko ulit bumalik sa pagudpud," I said. "Babalik tayo doon, soon. Kapag okay na talaga ang lahat," he said.

I sighed. "Hindi natin alam kung kailan magiging okay ang lahat pero pinipilit naman natin maging okay ang lahat. We're still finding Annalise yet we didn't still trace her. Wala pa din lead kung nasaan talaga siya," I said. "Don't worry, magiging okay din naman ang lahat Mahal. Mag-tiwala tayo sa Diyos, siya ang gagawa ng paraan pa'no natin mahuhuli si Annalise at kung makikita man natin siya. Hindi ko siya sasantuhin," ramdam ko ang galit sa kaniyang boses.

Who would think na magiging ganito ang sitwas'yon 'di ba? Lahat kami ay hindi inaasahan na magiging ganito ang mangyayare. Akala namin ay okay na ang lahat but Annalise wasn't. We still can't sure if we we're safe or not.

Mga ilang oras lamang ay nakarating na kami ng mall, kaya naman nag-hanap na ng pagpaparking-an si Linderio.

At nang makahanap siya ay bumaba na din kami. "Sa National book store muna tayo," I said. He nods. Hinawakan naman niya ang kamay ko kaya naman pumasok kaming dalawa na magka-hawak ang kamay.

Tumungo naman kami sa national bookstore upang bumili ng gamit for school. I just grab a cart kasi siya din daw ay bibili ng gamit. I just took some notebook, ballpens and another highlighter, ibang kulay naman ito compare sa dating mga highlighter ko na pang-bangketa. Kumuha na din ako ng yellow pad.

Lahat ng mga needs ko ay binili ko na din same as him. He just buys what he needs. Ayaw namin bilin ang mga bagay na hindi naman namin magagamit sa school.

Nang sapat na ang binili namin ay pumila na kami sa counter. "Okay na ba iyan?" he asked. "Oo kung may bibilin ako baka next week na lang saka wala pa naman pa-project at lesson plan ang prof kaya med'yo chill muna kami," I said. He just chuckled on what I was saying. "Are you sure na talaga ha wala ka ng idadagdag?" pag-uulit nito. "Promise wala na talaga," natatawa kong sambit.

I find it cute dahil ang clingy niya talaga sa'kin. I just want him to be on my side only. Ayokong mawala na siya sa'kin. Parang hindi ko na kakayanin. He was my first love. Who would think na nasa business management ang true love?

Nang makabayad na kami. Lumabas na din kami ng national book store at bumili na lang ng fast food and take out. Gabi na din kami kasi nakarating ng mall. Kaya sa penthouse na lang kami kakain.

Nang makalabas na kami ng mall ay pumunta na kami sa parking lot. Siya ang nagbitbit ng mga pinamili namin ang dami din no'n. Nang makarating kami sa van ay binaba niya lang sa loob ang mga pinamili namin at sumakay na din sa driver's seat gaya ko sa passenger seat.

"Kumain ka muna bago ka umuwi then pahinga ka agad." I spoke. "Okay Love," he agreed. Never siyang humindi sa mga gusto ko at ganoon din naman ako kaniya. Kailangan lang talaga namin ay magtiwala sa isa't-isa dahil mas pagtitibayin ang relas'yon namin kung marunong kaming mag-tiwala.

Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa Hirai Palace, this penthouse is just our temporary house. Nag-hahanap na si Mama ng lupa na puwede pag-gawaan ng bahay namin. Sapat na siguro ang ipon namin para makapag-patayo ng bahay. Gusto ulit akuin iyon nila Lolo Daddy ngunit ayaw na namin umasa sa kanila. Sapat na ang nagawa nila sa pamilya ko at sa akin.

Ayaw na namin umasa na sa kanila kung kaya naman namin gawan ng paraan ang lahat.

Nagtext naman sa'kin si Mama na hindi siya makaka-uwi dahil walang magbabantay kay Lolo Daddy, na-high blood na naman daw si Mamita dahil sa stress sa mga nangyayari.

Siguro kung hindi nila kami nakita, baka okay pa siguro ang pamilya nila baka sakaling walang problemang nangyayari. Hindi ko ma-iwasan na sisisihin ang aking sarili sa mga nangyayari.

"Hey, ang lalim ng iniisp mo," Linderio said. I forgot nandito na kami sa harap ng penthouse namin. "A-ah I'm sorry!" agad ko naman binuksan ang pinto ng aming unit.

"Noong papunta din tayo ng pagudpud at papuntang bangui ay tulala ka. Ano ba mga iniisip mo? I'm worried on you," he looks so worried base on his expression. "Wala lang 'to, don't worry about me," I assured him that I'm okay kahit naman talaga hindi pa din.

"Just let me know if something is bothering you, don't make me worried about you again. Please prioritize yourself first before anything or anyone of us. Mental health always matters, Love," he said. "I will; I'm sorry if I'm worried you again," I said.

We started to ate, para maaga makapag-pahinga si Linderio agad. Ilang araw na lang pala. Birthday ko na. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong mag-celebrate puwede naman hindi na. Hindi ko rin naman kayang mag-saya habang ang pamilya ko ay hindi pa din okay.

I lost my Papa, not my family either my Lolo Daddy. Hindi ko siya kayang mawala. Nagsisimula palang kami bilang pamilya. Kailangan ko lang mas maging matatag. Mas matatag sa puwedeng mangyare.

"Sunduin kita bukas ha," he said before he leaves. He rests assured that I lock the door before he leaves.

And now, I'm all alone. Wala pa din sila Mama at ang mga kapatid ko. Malapit na din mag 1 year old si Theo. Walang kamuwang-muwang ang kapatid ko sa mga nangyayari. Lalo na si Cindy. She just too young for this. Hindi ko na hahayaan na malagasan pa kami.

I miss my siblings. Nakakamiss kakulitan si Cindy, ang pagiging clingy niya kahit minsan ay may pagka-bossy pa minsan sa'kin.

Iyon din siguro ang pinaka-mamimiss ni Papa. Pumasok na ako ng kuwarto at ni-lock iyon. Pumunta muna ako ng balcony at sinimsim ang simoy ng hangin, mga city lights na magsisilbing ilaw.

Panibagong araw na naman bukas. Inayos ko na rin naman ang mga gamit na gagamitin ko bukas kaya hindi na dapat ako mabahala doon.

Hanggang kailan kaya ako mahihirapan ng ganito? O sadiyang ako na lang ang nagpapahirap sa sarili ko? Hindi ko alam pero ramdam ko na ang pagod ko sa mga nangyayari sa'kin.

Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Damn it! Iiyak na naman ako! Napaka-hina ko naman!

Lagi na lang ba ako iiyak kapag hindi ko na kinakaya ang mga nangyayare sa sarili ko? Nakakapagod na din pala.

Siguro kailangan ko na din alagaan ang sarili ko, masiyado na akong pinagod at pinahirapan ng mundo. This time I should prioritize myself because this is what they want on me. I'll take myself in healing process. Susundin ko na ang gusto nila. I should just enjoy my youth years dahil hindi habang buhay ay magiging bata ka. Sa pagdating ng taon ay tatanda ka na.

I know that I can heal. Maybe soon. Everything takes times naman siguro 'di ba?

I wipe all my tears are falling into my eyes. I'm too weak even I know that I wasn't weak. Napagod lang siguro ako kaya naging ganito ako. Pinagod kasi ako.

Nang makapag-muni muni na ako ay pumasok na din ako sa kuwarto ko.

It was 10 PM nang makatulog na ako.

Hindi ko rin namalayan dahil nagising na lamang ako sa alarm na tumutunog sa aking cellphone. It was 5 AM. Kailangan daw kasi ay maaga kami dahil sa enrollment pa namin. Madali na lang din naman iyon dahil wala ng hihingin na papeles sa'yo clearance na lang.

Wala naman daw akong babayaran. Bumangon na at pumunta ng closet ko upang kumuha ng damit na susuotin ko. Hindi muna ako mag-uuniform. Next week na lang siguro since enrollment week lang naman daw.

Naligo na din ako. Ako na naman pala ang magluluto ng umagahan ko.

Nang matapos akong gumayak ay may naamoy akong fried chicken kaya naman bumaba naman ako agad. Nakita ko naman si Mama na nagluluto.

"Good morning 'Nak," masayang bati ni Mama. "Akala ko po mamaya pa po kayo uuwi. Good morning po," I kissed her on cheeks. "Oo sana kaso maagang dumating ang Tita Annalyn mo, kaya maaga din akong naka-uwi," she explained. "Ah si Tita Anna po ba ang magbabantay ngayon kay Lolo Daddy? Kumusta na nga po pala si Lolo Daddy?" I asked her habang busy siya sa pagluluto ng umagahan namin.

"Puwede ng lumabas si Dad sa isang araw, napadali na lang ang pag-galing niya dahil mabilis nag-hilom ang mga natamo niya sugat at 'yung pagkaka-baril sa kaniya but he needs to undergo in healing process, need pa din niya ng check up every-week para daw safe siya. 'Yung family doctor na lang daw ang pupunta-punta sa bahay para tignan siya," she explained well.

Labis naman ako natuwa sa'king nalaman. Malapit na talaga siyang gumaling. "Dadalawin ko po siya mamaya Mama after ng class namin if ever na mayroon po kaming klase mamaya," I said. "Balita ko nga ay enrollment niyo lang buong linggo, pero sige miss ka na din daw niya," masayang sambit ni Mama. "Miss ko na din po siyang kakulitan," I said.

"Kumain ka na, mamaya lang ay baka dumating na naman si Linderio," she said. Kumain na din kami ng umagahan habang nagkukwentuhan pa din kami about sa naging lakad namin.

"Masaya akong nag-enjoy ka talaga Anak, alam mo bang nakaplano na talaga na maglilibot tayong buong pamilya sa pagudpud or sa boracay daw, but look what happen naman. Kaya naman nag-tagal si Linderio no'n sa loob kasi kinausap siya ni Lolo mo na dalhin ka sa kung saan ma-eenjoy mo talaga, ayaw niyang nahihirapan ka," she explained it while I'm listening to it.

I never expected that this vacation went so well. Natupad ni Lolo Daddy ang gusto niyang mangyari. "Nagpadagdag ng seguridad sa school ang Tito Paul at Tito Bryan mo para na rin sa seguridad ng mga kaklase mo at iba pa daw estudyante. Hindi naman kasi natin kabisado ang utak ni Annalise dahil sira na iyon," Mama said.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may nagdoorbell. Lumapit naman ako upang tignan kung sino iyon. It was him, binuksan ko naman ang pinto at pinapasok siya. "Good morning," he greets. "Good morning din," I greet back. "Kumain ka na ba?" I asked. "Yes," he said.

Magsasalita na sana ulit ako ng biglang sumulpot si Mama, "Sige na, pasok na kayo. Baka ma-late pa kayo," she said. Nag-mano muna si Linderio bago kami tuluyan umalis. Kahit kailan talaga nanay ko.

"I thought hapon pa dating ni Tita?" he asked ng makalabas kami. "Akala ko din pero maaga daw dumating si Tita Anna kaya naman maaga din siya makakapag-pahinga. Silang mga anak daw muna ang magbabantay kay Lolo Daddy hangga't hindi pa okay ang lagay ni Mamita," I explained. "Wait," huminto siya kaya naman napa-hinto ako. "What happen to Ms Larriano?" he suddenly asked. "High blood daw at stress. Next day daw ay lalabas na si Lolo Daddy, need lang daw muna obserbahan bago madis-charge," I said as we continue our way on parking lot.

"Woah that's good to hear naman pala," he said. "Kaya nga eh," natutuwang sambit ko. "Mamaya dalaw tayo sa kaniya." I added. "Oo naman, iyon naman talaga ang plano 'di ba? Sinabi mo kahapon," he said. I nod.

Nang makarating kami sa sasakyan niya binuksan niya lang ang passenger seat at siya naman ang sumakay sa driver's seat. Pina-andar naman niya ang kaniyang kotse at nag-drive na siya papuntang Maddison University. Habang busy sa pagmamaneho si Linderio ay tumunog ang messenger ko.

"Nag-chachat na sila sa gc kung nasaan na daw tayo, sabay sabay na daw mag-enroll. In-add din nila si Gil sa gc." sambit ko habang tutok pa din sa daan si Linderio. "Sabihin mo papunta na tayo," he said. Sinunod ko naman.

Rachel Shine: Papunta na kami, malapit na kami sa school.

Lazarus: Sige po Lods.

Zaynab Francisco: Ang bagal kasing kikilos.

Keriza Anne: Girl ganiyan talaga 'yan.

Pinatay ko na din ang data ko dahil nang-aasar na naman sila. Napasarap lang pag-uusap namin ni Mama kasi ngayon na lang ulit kami nakapag-uspap simula no'ng nangyari iyon kay Lolo Daddy.

Maya-maya lang din ay dumating na kami sa school. Nang makapag-park na siya ay sabay na kaming lumabas then pumasok na sa loob.

Nakita ko naman sila sa registrar. Naka-pila naman sila.

"Tara na dito," aya sa'min ni Larisa. Kasama na din nila sila Caspian, Aurelius at Gillian. Pumila naman kaming dalawa ni Linderio sa likod. "Let me carry your bag," he said. "Hindi na, kaya ko naman dalhin besides hindi naman siya mabigat," I said. "Ako na," he still insisted. Ang kulit. "Sana all dinadala ang bag," parinig ni Zaynab. "Akin na crush bag mo, dadalhin ko," sambit ni Aurelius. "No thanks," sabay irap niya. Natawa naman kami sa interactions nilang dalawa. Ang cute lang.

Makulit si Aurelius samantalang si Zaynab may pagka-suplada din ito minsan pero makulit naman din iyan. "Ganda naman ng love language mo sa'kin," sambit ni Aurelius. "Hate language iyon, hindi love language," iritadong sambit ni Zaynab.

Natigil lang bardagulan ng dalawa dahil turn na ni Zy para mag-enroll. Papakita lang naman namin ang clearance namin at magbabayad lang sila ay settled na. Bibigay lang nila ang schedule ng klase mo at ilang units ka.

"Putangina, 29 units?!" singhal ni Zy ng makuha niya ang schedule. Pinakita naman niya sa'min ni Larisa iyon since magkaklase kami. "Luh, gago ang dami naman niyan. Overload na iyan ah," sambit ko. "Kaya nga. 'Tapos puro majors na oh," she said.

Natawa na lang ako, alam ko naman makakaya namin iyon dahil 'yung 1st sem nga ay na-survive namin. "Okay lang 'yan. Tutulungan naman kita," nagsisimula naman si Aurelius asarin si Zaynab. "Huwag na baka bumagsak pa ako," mataray niyang sambit. "Ouch, nakaka-hurt ka naman," he said.

"Gago, lubayan mo na nga si Zy baka dumugo pa ilong mo ng wala sa oras." sambit ni Klint. "Hala ang sadista pala, I like it." he keeps teasing Zy. Nagtawanan na lang kami. "Ayaw mo pang tumigil?" banta ni Zy. "Huy, huwag dito. Ang daming tao mga baliw," suway ko sa kanilang dalawa.

Turn ko na for enrollment, kagaya ni Larisa at Zy ay ganoon nga ang schedule namin pati na din si Lazarus ay regular na. Makakasama na namin siya sa lahat ng subject.

"Ayos pala! magkakasama na tayo," sambit ni Lazarus. Si Klint at Linderio ay ganoon din same sched at units. Si Gil naman ay mas madami daw siyang plates na aatupagin dahil overload units din daw siya. Si Caspian at Aurelius ay Engineer student. "Awit lods, daming peta nito," singhal ni Caspian. "Oo nga halos lahat tayo," I said.

"Parang ayoko na mag-college," Caspian said. "Walang madali sa college, lahat ay dadaan sa butas ng karayom para lang makapasa, alam ko naman na makakaya natin iyon," I said. "Bahala na lods, ayoko bumagsak," Aurelius said. "Sipagan niyo pa, makakaya natin 'to." Larisa said.

Nasa canteen kami ngayon para tumambay muna. Wala daw muna klase kasi enrollment week daw ngayon. Next week ang start ng pasukan talaga.

"Tara sa MOA!" biglang aya ni Larisa. "G!" sambit nilang lahat. "Sandali lang kami ni Linderio kasi dadalaw pa ako ng hospital," I said. "Okay lang! Tara na. Nakaka-bagot sa bahay kaya," singhal ni Larisa. "Oo din, tara na!" excited na sambit ni Zy.

Tumayo na din kami, habang palabas kami ay bigla kami hinarang ni Maia at Joella. "Can we talk?" they both suddenly asked. "For what?" I asked. "It's about Annalise." Maia said. "Ano mayroon? Alam niyo kung nasaan siya?" Lazarus suddenly asked. "We're not still sure but we know we're she is," Joella said. "Bakit niyo sa'min sinasabi? Bakit hindi sa nakakataas?" Keriza said. "Kapag nalaman niya na sinumbong namin siya sa pulisya, hindi ko alam ang takbo ng utak ni Annalise, mapapahamak ang lahat." Maia explained.

"Just tell us, let's talk about it on the field." I spoke. Sumunod naman ang lahat sa'kin pati sila Joella at Maia. "Okay, pa'no niyo nalaman kung nasaan si Annalise?" I asked ng makarating kami ng field kung saan hindi kami marirnig ng mga estudyanteng dumadaan.

"We hired a tracker since text siya ng text sa'min, since this might help you and to your family," Maia said. "Na-track niyo kung nasaan siya?" I asked. "Yes, but we're not sure kung nandoon pa ba siya or wala," Joella said. "Paano namin kayo mapagkakatiwalaan?" Linderio asked. "It's you all choice we just want to help," Joella said.

"This will be a big help," I said. "Alam namin na kailangan niyo 'yan kaya naman naisipan na namin tulungan ka sa dami naming atraso sa'yo. This time magiging maayos na ang lahat sana kapag nahuli si Annalise," Maia said. Inabot niya sa'kin ang isang papel sa kung saan lugar nila na-track si Annalise.

"Hindi namin alam na hahantong sa ganito ang pagiging obsessed niya kay Linderio, we never thought na madadamay kami sa ka-gagahan niya," Joella said. "What do you mean?" I asked. "She said that aagawin niya lang si Linderio sa'yo. Hindi namin alam na hahantong na sa pisikalan. Hindi naman ganoon si Annalise, hindi namin alam ang nangyayari sa kaniya," Joella said.

Nakakalungkot palang isipin na hahantong sa ganoon ang sitwas'yon niyo pati pagkakaibigan niyo masisira na din, kahit ikasira mo na. "But anyways, if you still need help. Don't hesitate to call us we are glad to help you, we need to go," paalam nila Maia. Nagpa-aalam na din kami.

"Grabe pala talaga si Annalise 'no?" sambit ni Larisa. "Pati pagkakaibigan nila nasira na dahil sa kagagahan niya," sambit naman ni Keriza. "Hindi naman natin alam bakit naging ganoon si Annalise, alam kong may iba pang rason at hindi lang iyon puro kay Linderio," I said.

"Ano gagawin mo diyan?" Caspian suddenly asked. "Ibibigay ko 'to sa pulis na namamahala sa kaso gusto ko na rin matapos 'to," I said. "Mabuti nga kung ganoon na nga lang, mas ligtas pa," Lazarus said. "Atleast natulungan tayo kung paano mahahanap at matutugis si Annalise," Zy said. "Mabuti na nga lang," I said.

"Mauna na muna kami, hindi na kami sasama sa inyo. Pupuntahan muna namin sina Tito Paul," I said. "Sige, mag-iingat kayo," Keriza said. Tumingin lang ako kay Linderio at alam niya na ang pinupunto kaya naman sumunod na siya sa'kin.

This is for the better.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami kila Tito Paul. "Oh Iha, ba't kayo nandito?" sambit ni Tito Paul ng makarating kami sa bahay nila. "Tito, 'yung kaklase ko po na kaibigan ni Annalise ay na-track nila kung nasaan si Annalise," sambit ko.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Tito. Naging pulis din siya before bago maging business man.

"Ano nangyare?" he asked. Kinuha ko ang papel kung saan nakalagay kung ang lugar kung nasaan si Annalise. Umupo naman kami sa sala. Wala pa sina Tita Jori dahil nasa office ito. May tinawagan lang sandali si Tito Paul bago kami balikan.

"Sige Chief salamat," he said to the phone. Tinawagan na pala ni Tito Paul ang pulis. "Papunta na dito ang mga pulis kasama ang marunong na tracker nila para malaman kung nandoon pa nga ba si Annalise. Paano nga pala 'to nakuha at na-trace ng kaklase mo," he asked.

"Nag-hire daw po ng tracker ang magulang nila upang ma-trace kung nasaan nga po si Annalise and they found it via the message she sent to those 2 girls," I explained. "Puwede ba natin makuha ang mga message ni Annalise sa kanilang dalawa?" Tito Paul asked.

"Tatawagan ko lang po Tito," Linderio insist. Mga ilang segundo lang ay sinagot na ni Maia ang tawag. Pumayag naman ito at ganoon din si Joella. Buti nga daw at hindi pa nila na-dedelete ang mga text ni Annalise. Maya-maya lang din ay sunod-sunod na tumunog ang cellphone ni Linderio.

"Tito ito po," bigay ni Linderio ng phone niya kay Tito Paul upang masuri nito ang mga mensahe mula kay Annalise. Sakto din dumating ang mga pulis kasama nito ang tracker. "Good morning, Chief," bati ni Tito Paul. "Magandang umaga din Sir Paul." bati din nito kay Tito Paul.

"Sir, ito 'yung location then ito ang mga mensahe ni Annalise mula sa kaibigan nito na kaklase ng pamangkin ko," paliwanag ni Tito Paul. "Sige po. Ipapa-suri ko lang po ito sa aming kasamahan," sinenyasan naman ni Sir Chief ang kasama niya na isa. I guess iyon ang mag-tatrack kung tama nga ba iyong location.

Madaming pinipindot ang lalaki kaya hindi ko alam kung ano iyon. Sumasakit lang ulo ko. "Tama po 'yung location. Nandoon pa din po siya," sabi ng lalaki. "Mabut kung ganoon, mapapabilis ang pag-tugis sa kaniya. Tatawagan ko lang ang malapit na police station doon at pupuntahan na namin agad." paliwanag ni Sir Chief at umalis lang saglit upang tumawag sa malapit na police station sa location ni Annalise.

"Thank you dahil binigay niyo ang location kung nasaan siya," Tito Paul said. "Mabibigyan na ng hustisiya ang ginawa niya sa'yo at kay Dad." he said. Alam ko din na stress na din sila sa nangyayari sa'min.

"Mabuti na lang din po ay makikita na din si Annalise at sana this time ay mahuli na siya talaga," Linderio said. "Mabuti nga iyon at sinabi niyo agad," Tito Paul said. Tinawagan naman niya sila Mama upang ibalita ang nangyari. Pupunta daw sila dito pero si Tita Annalyn ay mananatili sa hospital dahil walang kasama si Lolo Daddy.

Mga ilang minuto lang din ay dumating na sila. Lahat ay kampante ng mahuhuli si Annalise, we're still hoping for that. If that will happen, magiging malaya na ulit kami. Magiging okay na ang lahat.

I'm still praying to God that I hope everything we went through right now ay maging okay na. Hindi ko na kayang nakikitang magulo ang pamilya ko kapag ganito.

"Don't worry Mahal, makikita nila si Annalise," he still here cheering me up. Nag-chachat naman mga kaibigan namin upang itanong kung ano na ang balita. Ang sabi ko lang ay papunta na ang mga police doon sa location kung nasaan si Annalise.

Umaasa din sila na matugis na si Annalise.

I realized that she was too young para maging ganito. Madaming magagandang opportunity ang naghihintay sa kaniya pero ito siya. Wala sa tamang pag-iisip. Hindi ko alam bakit siya naging ganoon.

Her family found out she took drugs kaya naging ganoon siya. Hindi naman daw nila ito pinabayaan. Hindi nila alam bakit pag-gising nila ang nagbago siya. Napapadalas na daw umiinom ng lasing ito. Hindi nila alam kung paano nila mapapa-tino si Annalise.

Napaka-sakit noon para sa isang magulang dahil you gave everything pero parang nawala lang ang lahat ng iyon. Hindi rin naman daw siya naimpluwesiyahan nila Joella dahil hindi naman daw nag-lalabas ang dalawa.

"Uwi muna tayo, magpahinga ka na muna," he said. Tumango ako dahil napagod din ako. Si Mama ay naiwan na muna upang makakalap ng balita. Tahimik lang ako buong biyahe. "Hey, don't worry. Everythings gonna be okay, just trust the police," he said. "Sana nga mahuli na para matahimik na tayo. Sila Lolo Daddy." I spoke.

"Naaawa ako sa magulang niya," I said. "Biruin mo binuhos na nila ang buong oras nila para matutukan si Annalise 'tapos ganoon ang gagawin niya. Wala siyang pagpapahalaga sa kaniyang magulang," I said. "We still don't know bakit siya naging ganoon," he said.

Mga ilang minuto lang din ay nakarating na din kami sa Hirai. Ini-hatid niya lamang ako sa front door namin. "Bukas na tayo dumalaw kay Sir Larriano," he said. I nod. He just kissed me on forehead. "Go, pasok ka na," he smiled. I smiled at him. Pumasok na ako sa loob. Ni-lock ko iyon. Kaya naman buksan ni Mama iyon.

Dumirecho na ako sa kuwarto ko then I take a half bath, tulala ako hanggang sa makarating ako sa kama. Lumabas ulit ako ng balcony upang i-unwind ang aking sarili sa mga nangyari ngayon.

Ang hirap i-digest ng mga nangyari sa'min. Ang daming nangyari. Ito ang sinalubong sa'min ng bagong taon. Nakakapagod pala talaga siya.

Tumingala ako sa taas. "Pa nababantayan mo ba kami?" I asked. Kahit alam kong sa sarili ko na hind siya sasagot. "Pa, hirap na hirap na ako. Ang bata ko pa pero ganito ang nangyayari sa'kin." hindi ko maiwasang ma-iyak. "Bakit po ba ako pinahihirapan ng ganito?" I asked again.

Lagi ko naman din dinadalaw sa puntod si Papa. I'm still asking if I'm a good daughter? Kasi bakit naging ganito buhay namin? Naging masama ba ako para ganituhin ako? Napapagod na din naman ako.

I was about to sleep ng magtext sa'kin si Mama.

To: Mama

'Nak, nahuli na si Annalise. Dadalin na daw siya sa mental hospital kung saan hindi na siya makakatakas.

Labis akong natuwa sa nangyari. Hindi ko akalain na mahuhuli na siya agad. Dagdag ni Mama ay hindi naman daw ito nanlaban. Tila wala ito sa tamang pag-iisip. Mabuti na din at nahuli na siya ngunit hindi ko pa din kayang maging panatag.

Sinabi ko na din ito kila Linderio. Lahat ay natuwa. Nagpasalamat naman kami kay Joella at Maia kung hindi dahil sa kanila ay hindi namin mahuhuli si Annalise.

Sana mag-tuloy tuloy na ang lahat. Sana maging okay na ang lahat. Konting tiis na lang. Sana ay maging okay na din si Annalise pag-lipas ng panahon.

My birthday is near. Sa isang araw ay lalabas na si Lolo Daddy. Sabi ko ay hindi na ako magcecelebrate gayong hindi pa naman okay si Lolo Daddy. But they still bothering me na ituloy ang naging plano.

The following next day---

"Welcome home Lolo Daddy!" I hugged him ng maka-uwi na siya. He's still in a wheelchair. "Oh, ano Lolo Dad shot na ba?" Kuya Ash joked. Binatukan naman siya ni Ate Brenda. "Oh, ayan ka na naman, kakalabas lang ni Lolo Dad ganiyan ibubungad mo." singhal ni Ate Brenda.

"Nakakarami ka na ha," singhal ni Kuya Ash habang hawak ang batok. "Kuya Ash. Magbagong buhay ka na nga, " Ate Yelena said. "Bawi na lang ako next life," he said. Napa-iling na lang sa sinabi niya. "Pa'no Kuya Ash kung garapatan ka na next life mo?" Lenari aked. We all laughed because what she asked.

"Okay lang basta ikaw ang aso next life," pang-aasar ni Kuya Ash. Puno ng tawanan ang buong hapag kainan.

"Kumain na tayo, nagugutom na ako," Lolo daddy interrupted. "Ay oo nga pala, 'yung pasiyente natin nagugutom na," Tita Annalyn said. Nagtawanan naman kami sa sinabi niya.

Ini-hain na ng mga tauhan ang pagkain. At nagsimula na rin kaming kumain. Mamaya daw 3 PM ay debut shoot ko. Sabi ko puwedeng hindi na. Kasama din daw sila sa debut shoot pati mga kaibigan ko at si Linderio. Ang daming pakulo. Hindi ko naman kailangan ng ganoon eh. Mga mapipilit talaga.

"Sa sunday na birthday mo 'tapos mamaya ay debut shoot mo. Naks naman," Kuya Ash said. Tinapos ko muna ang pag-nguya bago sumagot sa kaniya.

"Kaya nga po," I just said. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Nahihiya talaga ako dahil silang lahat ang may sagot debut ko. "Kailangan super ganda mo mamaya siyempre kami din," Ate Jallaine laughed. "Kaya nga, no'ng debut ko walang pa-ganito. Nakakahalata ako ng favoritism dito ha," Ate Brenda joked.

"Tinanong kita noon what do you want on your day. Sabi mo kakain na lang sa labas ngayon mag-tatampo, para kang tanga Anak," Tito Paul said. Nagtawanan naman kami dahil doon. Si Ate Brenda lang daw ang 'di nakaranas ng party dahil ayaw niya daw ng ganoon.

Sila Ate Yelena ay nakaranas naman daw kahit papaano 'yun nga lang walang debut shoot.

Nang matapos kami kumain ay binuksan ko ang cellphone ko para malaman ko kung may chat ba sa gc namin or wala but luckily ay mayroon. Madalang lang kasi ako mag-chat sa gc kapag kailangan. Hindi rin kasi ako mahilig mag-facebook. Anti-Social syndrome na ata sakit ko. Charot.

Zaynab: Omg sige go ako.

Larisa: Same.

Keriza: G na g, go bestfriend.

Klint: G.

Gil: G na din ako.

Lahat sila ay g sa gustong mangyari nila Tita na kasama din sila sa pre debut shot. Si Linderio din ay go lang din.

New memories na naman ito. Naka-handa na din pala ang gagamitin namin mamaya for debut. Bahala na sa magiging mukha ko mamaya dahil may hinire na magaling na make-up artist si Tita Jillian.

Talagang hands-on sila sa debut ko at isa iyon sa pinagpapasalamat ko sa kanila dahil pinush nila ang debut ko kahit na may nangyari na. They still want to push it because they want me to experience this kind of party.

Simula kasi ng lumaki ako ay hindi ko pa nararanasan ang ganitong party. Naka-sama ko na ulit mga kapatid ko. Abot kulit sa'kin ni Cindy. Ito ang namimiss ko dito pagiging makulit. Ininvite ko din ang mga kamag-anak ko sa side ni Papa. They still have a place in my heart kahit anong mangyari.

I'm sure magiging masaya si Papa kapag nakita niyang masaya ulit. I decided na si Lolo Daddy ang last dance ko since everyone agreed about that. Si Linderio ay 18 roses na lang. 1st dance ko ay si Kuya Ash. Since 19 na ako, kaya 19 roses and dances na lang.

I'm sure this is going to be fun with good memories again.

Nang nakagayak na kami ay sumakay na kami sa van. Sa isang place daw kami mag-dedebut shoot. Hindi ko naman alam kung saan iyon but I guess sa tagaytay? This is the way on tagaytay. Hindi ko lang alam kung saan sa tagaytay. Sila Tita naman nag-decide kung saan magandang mag-debut shoot kasi nakita daw nila ito sa online.

Mga ilang oras lang ay nandito na kami. Nakita ko na din ang make-up artist na mag-aayos sa'kin. Nandoon na din ang mga kaibigan ko. Nandoon na din ang photographer

Sinimulan ng ayusan muna ako bago sila Keriza. Naka-van daw sila. Si Linderio ang nag-insist para isang sasakyan na lang daw gamitin.

Hindi ko nga alam bakit sila nakarating dito eh, nakalimutan ko nga i-text sa kanila ang location na ito. Baka chinat siya ni Mama. Bahala na basta makaraos kami ngayon ay okay na ako doon.

Sa isang grand hotel naman daw gaganapin ang birthday ko. Ang laki na ng ginastos nila. Dito palang. Nahihiya ako hindi ko alam paano ko sila masusuklian sa mga kabutihan na ginawa nila sa'kin.

After a minute, natapos na din ako. "Oh, pak ang ganda!" Larisa said. Sunod naman ayusan ay si Keriza. May kasama pala itong dalawa pang make-up artist sinabi daw kasi sa kaniya na madaming aayusan which is true naman.

At the same point. I'm still blessed to have found my home, my inner peace. My family and friends. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top