Kabanata 19

"'Nak tama na!" suway ni Mama kay Cindy dahil abot ang turo nito ng kung ano-ano. Natatawa naman ako dahil ang saya nila pagmasdan. "Ma, hayaan mo na at bata lang naman iyan," I laughed. "Hay nako, bata ka talaga," wala na rin nagawa si Mama, hinayaan na si Cindy.

"I swear masasanay ang kapatid mo sa'yo, kaka-spoil mo," suway ni Rio. "Hayaan muna, hangga't kaya ko naman ibigay sa kaniya. Ibibigay ko naman, gusto ko lang maging masaya sila," I said. "But not in this way, bata pa naman si Cindy, mas madaming ibang puwedeng gawin," he said. "Mama the 2nd ka ba?" pang-aasar ko. "Silly girl," nailing na sambit ni Rio.

"Akin na si Theo baka nabibigatan ka na," kukunin ko na sana si Theo ng bigla niyang hinawi ito. "It's okay, kaya ko naman, mag-enjoy na lang muna kayo. Mamaya naman ay magigising na din 'to," he said. "Just tell me if hindi na keri ng braso mo ha," I said. He nodded. Hindi pa naman ganoon kabigat si Theo since baby pa lang naman siya.

Pinagtatawanan ko na lang sina Cindy at Mama dahil abo tang turo ni Cindy. Hindi ko naman sinusunod ang gusto niya na hindi naman need kaya naman, 'yung talagang puwede niya lang magamit ang kinukuha ko. "Ate okay na po ako diyan," she giggled, How cute. "Okay, wala ka ng ibang gusto?" I asked. "Wala na po, laro na lang po tayo sa labas at kumain," she cutely said. "Gutom ka na ba?" I asked. "Opo ate," she said.

No'ng dumating kasi kami dito ay hindi pa muna kami kumain kasi busog pa naman kami.

Agad naman kami pumunta ng counter para mabayaran na ang pinamili namin. Narinig ko ng umiiyak si Theo kaya naman agad naman binigyan ng dede ni Mama si Rio. "Nako Rio maraming salamat ha," pagpapasalamat ni Mama. "Okay lang po Tita, magaan lang naman po si Theo, kaya ko na po," he respectfully said. "Ang suwerte talaga ng Anak ko sa'yo," natatawang sambit ni Mama. "Mas masuwerte po ako sa kaniya," he said.

"Naririnig ko kayo, kunware invisible ako dito," sambit ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Mama. Nang matapos kong bayaran ang mga pinamili namin ay tinanong ko muna si Cindy kung saan niya gustong kumain, "Saan mo gusto kumain?" I asked. "Sa jabee Ate," she was excited. "Okay, Jollibee then," I said.

"Hindi na ako magtataka kung lahat ng gusto niyan ay sundin mo ng sundin," reklamo ni Mama habang naglalakad kami. "Hindi naman po lahat Mama, besides mga useful naman ang mga pinili niya, kaya okay sa'kin iyon," I explain. "Sa susunod Anak, huwag puro kami. Bumili ka din ng para sa'yo, bayaan mo matutulungan na din naman kita basta matapos ko lang 'yung hindi ko natapos noon," she said.

I gave her a warm smile. "Its' okay Mama," I said. Nilapitan ko naman si Rio, "Okay ka lang ba?" I asked. "Oo naman," he smiled. "Akala mo siguro nakakalimutan ko na i-memeet ko parents mo 'no, mamayang dinner tayo pupunta sa inyo," I laugh. "Uh, alam na din naman nila Dad kaya okay lang," he said.

Nang makapasok kami ng Jollibee ay tulirong tuliro si Cindy. "Ate, chicken joy at rice na may sundae po ah," bilin nito. "Yes Ma'am," I joked. Natawa naman siya. Ganoon din ang want nila Rio kaya naman iyon na lang ini-order ko.

Bumalik na ako sa table naming, nakita ko naming gising na si Theo at nakikipag-laro kay Cindy. "Hindi ba nangawit braso mo?" I asked. "Hindi naman gaano," he said. Tumango na lang ako at maya-maya lang ay dumating na ang pagkain namin.

Kaya naman tuwang tuwa si Cindy. Si Theo naman nakatingin lang sa amin, sinusubuan ko naman ng konting sundae dahil hindi pa siya puwedeng kumain ng ganito. Tuwang tuwa naman siya ng sinusubuan ko siya kaya kami ay natatawa tuwing sarap na sarap na siya sa sundae.

"May pupuntahan ba kayo, after natin dito," tanong ni Mama. "Opo Mama, punta po kami sa kanila, may dinner daw po kila Rio," I said. Ayokong sabihin na hindi naging maganda ang pakikitungo ng magulang niya sa'kin. Ayoko din naman mag-aalala si Mama kaya iyon na lang sinabi ko.

"Sige. Kaya Cindy bilisin mo na para maaga din tayo maka-uwi," sambit ni Mama habang pinupunasan niya ang bibig ni Cindy. Tumango naman ito. "Okay lang naman Ma, hayaan mo muna mag-enjoy ang bata," I laughed.

"It's okay naman Tita, hayaan po muna natin si Cindy mag-enjoy, bukas naman po kasi may pasok na naman siya," singit ni Rio. Hindi naman umangal si Mama, natawa na lang ako. Hindi siya maka-angal dahil pareho din naman kami ni Rio ng sinabi.

Maya-maya lamang ay natapos na din kami kumain. "Ate tara na!" ligalig na sambit ni Cindy. "Sige, saan mo gusto sumakay?" tanong ko. "Kahit saan Ate," she said. Masaya naman ako dahil nakita kong masaya siya, kaya naman kampante akong masaya sila.

"Sandali lang tayo Cindy ha, aalis kasi ang Ate mo mamaya," bilin ni Mama. "Opo Mama!" sumalute naman ang bata, natawa naman ako dahil sa kanilang dalawa. "Si Mama naman manong hayaan na ang bata na mag-enjoy," I hissed. "Hay nako talagang bata ka," napa-iling nalang si Mama, siya naman ang may buhat kay Theo.

Samantalang kami ni Rio ang aalalay kay Cindy. "Ate tara dito," turo naman ni Cindy sa Carousel. "Okay then sa carousel na tayo," sunod ko naman sa kaniya. Bumili muna si Rio ng ticket namin bago kami pumunta sa ride na iyon.

Nang makapila kami ay hindi sumunod sa akin si Rio. "Oh bakit nandiyan ka pa?" I asked. "Kayo na lang, masiyado kasing pambata iyan," he said. "Tara na, sayang ticket," natatawa kong sambit. "Okay then," sabay kamot ng batok.

Wala siyang choice kung hindi ang samahan kami kaysa mag-isa lang siya doon, mabobored lang siya. Pumila naman kami.

Sinakay naman ni Rio sa isang kabayo si Cindy habang nasa gilid niya ako at inalalayan ko lang siya. Si Rio din ay ganoon.

Nang mag-start na ay tuwang tuwa naman ang kapatid ko dahil sa gumagalaw ang kabayo na nasakyan niya. "Huwag ka gaanong malikot dahil baka mahulog ka," suway ko dahil ang likot niya. Sumunod naman siya agad at lumubay na kaka-likot.

Makita ko lang masaya siya ay okay na din ako. Si Rio naman ay nilalaro si Cindy, kaya naman nakatiyempo akong picturan sila. Sana ganiyan din siya sa magiging anak niya, nangako kasi siya na hindi siya magiging katulad ng magulang niya, kaya naman alam kong magagawa niya iyon.

My family is my happiness, also him. He will be part of my life soon. I can't wait to be part of mine.

Hindi pa din kasi ako handa, at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa pero alam ko sa sarili ko na sigurado na ako sa kaniya at hindi ko kaya lokohin ang puso ko na hindi ko pa siya mahal dahil kusa koi yon naramdaman. Mahal ko na siya.

We don't need a reason why we fell in love with someone dahil kusa mo itong mararamdaman. Alam ko naman pareho din kami ng nararamdaman. Ayaw din naman namin madaliin ang lahat. Gusto namin ay dahan-dahanin muna namin.

Bata pa naman kami. Madami pa kami dapat ma-experience, madami pang puwedeng mangyari.

Nang matapos kami ay may gusto pa siya sakyan bago kami umuwi. "Nag-enjoy ka?" I asked Cindy. "Opo Ate, thank you po!" she hugged me. "Basta maging masaya lang kayo, okay na do'n si Ate," I said.

Tumango na lamang ito, nagdecide na din kami na puntahan na sila Mama, nakita naman naming agad si Mama kalong kalong si Theo at nilalaro ito, ilang buwan na lang makakalakad na din ito. I'm excited for that.

"Oh nag-enjoy ka ba?" tanong ni Mama kay Cindy. "Siyempre naman Mama," natutuwang sambit ni Cindy. "Mukha nga, halatang ayaw maalis ng ngiti mo sa iyong labi oh," pang-aasar ni Mama. "Mama!" suway ni Cindy. Tinawanan ko na lang sila dalawa parang bata si Mama kung asarin si Cindy. "Mama para ka naman bata diyan eh," natatawa kong sambit. Tinawanan na lang din ako ni Mama.

Napa-iling na lang ako. Ako naman ngayon ang may buhat kay Theo habang si Rio ay hawak si Cindy at naka-akbay sa'kin. Sanay na din ako sa mga simple gestures niya. Kaya at some point natatakot ako na baka one day biglang magbago ang lahat ngunit alam ko naman na hindi iyon gagawin sa'kin ni Rio, nagtitiwala ako sa kaniya.

Nakakatuwa lang isipin na akala ko hindi namin makakaya ni Mama ang lahat ngunit ito kami, masaya. Pinipilit namin labanan ang lahat. May rason naman na ako para lumaban dahil alam kong may taong lagging nandiyan para sa'kin.

Nang makarating kami sa bahay ay nakatulog si Cindy kaya naman binuhat siya ni Rio hanggang sa kaniyang kuwarto. "Did you enjoy your family day?" he asked ng makalabas kami ng kuwarto ni Cindy. "Oo naman, nakita ko naman masaya sila Mama kaya naman masaya na din ako," I said. "Don't mind them, ikaw mismo nag-enjoy ka ba talaga?" he asked again. "Oo naman 'no," I said. He nod. "That's good to hear," he said.

Dito na lang daw siya magpapalipas ng buong araw hanggang sa dinner with his family. "Are you scared?" he asked. "Nope, is there a reason that I should be scare of?" I ask. "Wala naman per-" hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya na hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. "Ang kulit mo eh," tinawanan ko siya dahil bigla siyang namula at iniwan ko siya doon at pumasok na ako ng kuwarto ko.

Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. "You make me crazier," bigla akong hinalikan sa aking labi na tila ba sabik na sabik siya at puno ng emosiyon. Nang maghiwalay ang aming labi ay sumandal muna kami sa aming noo, "Be mine Ace," he said. I nod. I gave my yes to him right now. I figured out that he doesn't deserve to be wait. "A-are you mine for real?" hindi siya makapaniwala.

Natawa naman ako. "Oo sa'yo na ako ngayon," I said. "Yes!" sigaw niya. "Hoy baka marinig ka ni Mama, baka akalain kung ano nangyari," suway ko naman sa kaniya. "I can't believe it that you're mine right now," he said. "Ako din kasi..sabi ko sa'yo hindi pa ako ready pero ayon nga, hindi na rin naman ako makapaghintay," I explained.

"Liligawan pa din kita kahit na tayo na," he said. Natawa naman ako dahil naging clingy siya sa'kin. "Sus, kahit huwag na," I laughed. "Hindi, liligawan pa din kita," he still convincing me. Kailan ba ako tumanggi dito? "Hindi naman ako makakatanggi sa'yo, bahala ka nga," I said. "I love you," he sweetly said. That's the 1st time he said it as a lover.

I smiled at him, "I love you too, forever," I answered. He kissed my forehead. "Ikaw lang mamahalin ko, habang buhay," he promised. "Don't make a promise muna, all promises are meant to be broken. Basta panghahawakan ko ang iyong sinabi," I said. "Sa'yo ay sigurado na ako, hindi na muli akong maghahanap ng iba at hindi kita hahadlangan sa mga gusto mo basta't alam mo ang tama't mali. We are young pa, kaya naman just chase our dreams before us," I said. "Ayay Captain," he joke.

Tinapunan ko naman agad siya ng masamang tingin, "Buwiset," reklamo ko. "Oo na, alam ko naman mga priorities ko, kaya huwag ka na mag-alala okay?" he said. I nod.

We are both lucky to each other. Mas uunahin muna namin ang priorities namin bago kaming dalawa, mananatili kami sa isa't isa hangga't dulo. Magiging sandigan namin ang isa't isa.

Madaming pagsubok ang dadaan sa aming dalawa, alam ko naman na makakaya namin dalawa ito. Mananatili kami para sa isa't isa. We will both fight from what will come to us.

Exact 7 PM kami umalis, "Are you scared?" he asked me again. "Hindi nga, ang kulit mo naman," I said. "Just kidding, hey I'm always at your back. Hindi naman kita papabayaan," he sincerely said. "Yeah, I know naman," I said.

I'm not that scared anymore, I have a reason to fight for the love that we deserve. We deserve the world.

He hold my hand ng makalabas kami ng kotse niya. Agad ko naman nakita ang parents niya.

"Good evening po," I greet them. Tinignan lang ako ng Mommy niya, I know naman na hindi niya talaga ako gusto at hindi ko pipilitin iyon, da-dahan-dahanin ko hangga't matanggap niya na ako. I don't want to feel pressure also. "Good evening," his Dad.

Rio and his Dad are on good terms also, that's what I remember. "Good to see you both again, especially you Rachel. It's good to see you again," his Dad. I smiled. "Ako din po," I sincerely said.

"Let's go inside, baka lumamig na ang pagkain," his Mom said. Sumunod naman kami sa kaniya. Nang makapasok kami ay madami kaming pagkain na ini-hain ng kaniyang magulang. I guess that was all my favorite food.

"Let's eat then? Shall we?" his Mom asked. Tumango naman kami at inayos ang upo naming. Tahimik lang kami kumukuha ng pagkain. Pagkakuha naman namin ay sinimulan na naming kumain.

"Kumusta ka na?" his Dad broke the silence. "Okay naman po," I simply said. "We heard what happen to you, we're feel so sorry for that," his Mom. "Okay lang naman po, kung hindi ko po po-protektahan ang anak niyo baka siya po ang napuruhan kaysa sa'kin, I just save him because I want it po," I explained. "You know what? You're brave huh? Hindi biro ang ginawa mo, we're just shocked from what you have done to our son," his Mom. "Lahat naman po ay gagawin ko para sa mga mahal ko sa buhay po," I said.

"Hindi namin alam na ganoon ang mangyayari kay Annalise but luckily nandoon na siya sa rehab para sa pagpapagamot niya, wala na pala talaga siya sa katinuan," his Dad tsked.

"Kami din po hindi namin alam na aabot kami sa ganoon," I explained. Napa-tingin ako sa katabi ko. Tahimik lang siya at nakikinig sa usapan namin. "Yeah all of us where shocked from what happen," he said. "Opo," I simply said.

Hindi ko alam pero labis akong natuwa dahil magaan akong nakikipag-usap sa kaniyang magulang. Nawala ang kaba na nararamdaman ko. Naging magaan an gaming usapan, sana hindi pa ito ang huli...sana sa mga susunod na araw ay unti-unti ng maging okay ang lahat. I'm striving to make it happen.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top