Kabanata 15

TW// Violence, Blood, Torture. Read at your own risk.

I'm decided to play with her fucking game, hindi ko alam saan kami dadalhin ng kagagahan niya. Nang dahil sa isang lalaki ay nagiging ganito siya. I didn't know na ganoon na pala talaga kalakas ang epekto niya kay Linderio pati ako ay idadamay niya na. "Anak huwag ka na pumunta please," My Mother pleased me not to go. But I'm decided to end this fucking game of her, masiyado ng pasakit ang ginawa niya sa buhay ko.

Iba pala talaga ang pagmamahal. Napagkasunduan namin na magkita sa isang bakanteng lote ngunit ito ay isa lamang tagong lugar. I might be nervous but this is for our own sake.

I will fight no matter what will happen hanggang sa matauhan na si Annalise sa kabaliwan niya.

May pina-sama sa'kin si Lolo na mga pulis ngunit nag-iba sila ng way para hindi malaman ni Annalise na may kasama ako, I also didn't tell Linderio about this gusto ko manatili siyang ligtas kahit hindi na ako.

Alam kong malalaman din ito ni Linderio, alam kong matutuliro siya at agad akong pupuntahan. Ngunit mananatili akong kalmado kahit alam ko sa sarili ko na kinakabahan ako sa puwedeng mangyare sa'kin.

"Sigurado ka na ba dito iha? napakadelikado ng ginawa mo, ang bata mo pa para dito," he was worried also. "Manong Cario kaya ko po ito, alam ko naman pong hindi ako sasaktan ni Annalise," desidido kong sambit. "Mag-iingat ka Iha," he said. "Opo," I said.

Bumaba na ako sa kotse, naramdaman ko na nagtatago na ang mga pulis. Akmang papasok na ako ng lumang lote ng tumawag si Linderio.

I immediately answered the phone call.

"Hello?" I answered the phone. "Where the hell are you now?!" he panicked.

Alam ko ng magpapanic si Linderio ganito siya kapag may mangyayare na masama sa akin.

"I'm here somewhere where I can solve the problem of us, the wall against us," I simply said. "Umuwi ka na dito Rachel please, I'm so sick worried to you, lalo na ang Mama mo," he said. "Mamaya lang din ay uuwi na ako kapag naresolba ko na ang problema dito," I said.

I tried not to cry dahil alam ko anytime ay iiyak ako. "Nasaan ka ba? Puntahan ka na namin, tell me the address fuck it!" he yelled on the other line. "Basta lagi mong tatandaan na mahal kita, kahit anong mangyari ay nandito lang ako sa tabi mo, just be happy okay?" without me if I lose in this fight.

I heard him sob; I knew he was crying, and it broke my heart hearing those sobs.

"Don't cry na, sige na. I'll call you later if I win. If not, don't worry I still love you," I tried to stay calm kahit alam ko anytime ay bubuhos na ang aking luha. "I love you," I added before I ended the call.

Hindi ko kayang marinig ang kaniyang mga iyak dahil nadudurog ako. Hindi ko alam saan ako pumulot ng lakas para kalabanin si Annalise. Alam kong hindi siya mag-isa dito. Alam kong may kasama siya.

Buong lakas akong pumasok na ng lumang lote. Nakakatakot ang lugar na iyon dahil walang mga tao.

"Where are you Annalise?" I tried not to be stunned. Hindi ko alam kung makaka-uwi ako ng buhay dito. Kung maka-uwi man ako ay isa iyon sa successful na laban na akin kinaharap.

"Papa will guide me," I said to myself.

"Nandito ka na pala," she said. Nakita ko siya sa isang table at naka-upo siya doon, mukha siyang miserable. "Ano nangyayari sa iyo Annalise? Hindi ka naman ganiyan," It creeps me out because of her looks.

Maybe she uses drugs. "Wala kang pakielam!" sinugod niya ako at sinampal niya ako. Masakit iyon pero nakuha ko pa din humarap sa kaniya na parang hindi ako nasaktan. "Iyon lang ba ang kaya mo?"buong tapang kong sambit. "Hayop ka talaga!" isang malakas ulit na sampal ang dumapo sa'kin mukha. "Hindi ko alam saan ka kumukuha ng lakas para saktan ako ng ganito," I said. "Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan!" she yelled again. Alam kong hindi na matino ang pag-iisip niya.

"Sige igapos niya na iyan! Tignan natin kung hanggang saan ang kaya niya!" she commanded to the two man behind me. Hindi na ako pumalag dahil alam kong aabot na ito sa ganito. Inihanda ko na ang sarili ko.

"Talagang nasisiraan ka na ng bait hano?" I asked. "Oo! Simula ng agawin mo sa'kin si Linderio!" she said. "Hindi ko inagaw sa iyo si Linderio, hindi naman kayo para masabi mong kayo talaga, illuminati mo lang na kayo talaga," I strongly said.

Hinawakan niya ang panga ko at ini-angat sa kaniya. "Magiging akin naman talaga siya kung hindi mo siya kinuha sa'kin," she laughed wickedly, "Hindi ko nga siya inagaw, kusa siyang lumapit sa'kin, kasalanan ko bang mas maganda ako sa iyo? I said.

Sinampal niya ako ng malakas, ramdam ko ang kirot ng aking mukha dahil sa kaniyang sampal. Mas malakas ito compare sa nauna niyang sampal hindi ko aakalain na aabot kami sa ganito. "Kahit ilang beses mo akong sampalin at saktan hindi ka na magugustuhan ni Linderio, alam mo kung bakit?" harap ko sa kaniya. "Dahil masama ang ugali mo, I wonder why. Walang gustong makipag-kaibigan sa'yo," pang-aasar ko.

"How dare you?!" she yelled at sinabutan niya ako. Feeling ko makakalbo na ako dahil sa ginawa niya sa'kin. Binitawan niya lang ako ng masatisfied siya. "Akala mo ba hindi ko maagaw sa'yo Linderio, kayang-kaya kong gawin iyon," sabay tawa niya ng nakakaloko. "Go on, tignan natin kung kaya mo," I dared her. Alam kong hindi niya kayang gawin iyon.

"Akala mo ba hindi ko kayang gawin iyon? Huwag mo ako takutin Rachel dahil alam mo ang kakayahan ko, paninirang puri ko lang sa'yo nakaya ko, iyon pa kayang agawin sa iyo si Linderio?" she laughed. It got me intense hearing those laughs. "Wala ka na talaga sa tamang pag-iisip Annalise," napa-iling na sambit ko.

Naramdaman ko ang pagsuntok niya sa mukha ko. Naramdaman ko din ang pagputok ng aking labi. "Hindi ko alam na marunong ka palang sumuntok," I laughed ramdam ko ang sakit ng aking mukha dahil doon feeling ko may pasa na ako. Hindi ko pinakita sa kaniya na nasasaktan na ako. I want to remain strong even it makes me weak. "Gago ka ba?" she asked me. "Are you referring to yourself, Annalise?" I smile.

Inangat niya ang aking mukha upang makatingala ako sa kaniya. "Hindi, sa'yo iyon. Hindi naman ako gago na katulad mo," she laughed wickedly. I know na wala na talaga siya sa tamang pag-iisip at ito ang isa paraan para makalabas ako ng buhay dito. Ang sakyan ang mga kabaliwan niya. "Hindi naman ako siraulo eh," pang-aasar ko. Hindi na ako magtataka kung may suntok na naman ako naabot mula sa kaniya. This time sa tiyan naman. Malakas din iyon, ramdam ko sa sarili ang sakit na natamo ko sa kaniya.

Hindi ko alam hanggang saan kami dadalhin ng kabaliwan niya, wala na akong lakas para lumaban pa sa kaniya. "Ganiyan ka na ba talaga Analise kabaliw? Nang dahil lang kay Linderio magiging ganiyan ka na? Dahil lang sa lalaki magiging miserable ka na?" I asked, naawa na ako sa kaniya. Hindi ko alam bakit kailangan namin humantong sa ganitong sitwas'yon.

"Oo! Alam mo kung bakit? Siya ang nandiyan ng wala akong masandalan! Akala ko nga magiging okay na ang lahat dahil engage na sana kami ng hindi ka umepal! Napaka-epal mo sana hindi ka na lang nabuhay!" sabunot niya sa akin, hindi ako makalaban kasi may tali ang aking kamay. Hinayaan ko ang sakit ng anit ko sa sabunot niya.

"Sige ilublob niyo na iyan sa timba," she commanded. Agad naman ako pinakawalan ng dalawang lalaki dito lang ako nagkaroon ng lakas para makalabas at makalaya dito. Agad kong sinipa ang isang lalaki at ang isa pa agad silang napaluhod dahil gitnang bahagi ang aking sinipa. "Ah talagang lalayas ka na? Hindi pa tayo tapos 'di ba?" she said. Wala na akong lakas ngunit pinilit kong manglaban para maka-uwi ako ng ligtas. Hindi rin naman ako nasugod ng dalawa niyang kasama dahil sa sakit ng pagkaka-sipa ko sa gitnang bahagi no'n.

Nagulat ako ng may hinablot siyang baril. Hindi ko alam saan niya iyon nakuha. Agad naman ako nataranta dahil hindi ko alam saan niya nakuha iyon. "Ibaba mo iyan Annalise!" pagmama-kaawa ko, "Bakit kita susundin ha?" nakangising sambit niya. Hanggang ngayon ay hawak niya pa din ang baril.

"Annalise ibaba mo iyan! Delikado iyan!" nagulat ako sa nagsalita. "Linderio?!" sabay naming sambit ni Annalise. "What are you doing here?" she asked. "Nandito ako para ayusin natin ito, don't be like this to us, please," he pleased Annalise, "No!" she was brave enough to fight with this. "Annalise, please stop this. Hindi ko alam kung tao ka pa ba dahil sa ginagawa mo ngayon. Mas okay ka pa noon ngayon lumala ka na," iyak na sambit ko. "Wala akong pake sa'yo, hindi bagay sa'yo ang paawa effect na iyan," ngumiti siya ng nakakaloko, "Ayoko ng gulo please lang Annalise, hindi magandang biro ito," I said. Akmang pipigilan ko siya. Tinaas niya ang baril at pinutok iyon. Napasigaw ako sa takot. "Ace!" Linderio yelled.

"Pareho kayong mamatay dito!" sabay nakakalokong sambit ni Annalise. Agad tumaas ang aking balahibo sa kaniyang sinabi. Kinasa niya na ang baril at anytime ay puputok na ito. Ngunit ang dalawang lalaki ay agad siyang sinugod kaya naman hindi niya ito naputok agad. Ito pala ang sinasabi ng head of chief na kunwareng kasabwat si Annalise. Hindi agad makakilos ang dalawa dahil sa pagpapaputok ulit ni Annalise at siguro masakit ang ppagkaka-sipa ko sa kaniya

Naglaban si Annalise kaya naman hindi naagaw ng dalawa ang baril. Aalis na sana kami "Saan kayo pupunta?! Hindi pa tayo tapos!" she yelled. Babarilin niya sana si Linderio ng maharangan ko ito. "Huwag!" pigil ko, pumutok na ito. Naramdaman ko ang kirot sa aking likod at may dugo akong nabuga.

"Ace!" he yelled. "No, no! Please!" he panicked. Naramdaman kong sinalo niya ako. I tried to smile to hide the pain in those bullets I received.

Agad naman natuliro ang mga police. Bumagsak na ako sa lupa pero nasalo agad ni Linderio. "Sana hindi ka na nagpunta dito," I said habang dumudugo ako ng ubo. "Please hold on! I can't lose you Rachel please," he cried.

It breaks my heart to see him cryin' like this, wala akong magawa dahil ako ang napuruhan. I smile at him. "If I lose, please hold onto your dreams," I said, pilit kong inabot ang kaniyang kamay. He hold my hand on his face. "Please don't be like this, ilang minuto na lang ay dadating na ang ambulansiya! Please hold on to me!" he said.

I smile ngunit napipikit na ang aking mata dahil sa pagod at kirot. Hindi ko alam kung ito na ba ang aking katapusan. Ngunit sa aking pag-pikit ay wala na akong malay, everything went black, naririnig ko ang sigaw ni Linderio ngunit ito din ay malabo na.

"Anak proud ako sa'yo, ang tapang mo," sambit ni Papa habang nakatingin siya sa dagat. "Pa, nasaan tayo?" tanong ko, pinagmasdan ko ang paligid tila ito ay lahat ay puti ang paligid, para itong paraiso dahil tanging dagat lang ang nandito. "Paraiso 'Nak," he said. "Hindi pa kita susunduin 'Nak, may mga mission ka pang dapat matapos, sasabihin ko lang sa'yo na, Proud ako...sobrang proud si Papa sa'yo. Nakuha mong lumaban mag-isa upang protektahan ang mahal mo sa buhay, sana Anak mas maging matatag ka sa bawat pagsubok na dadaan sa iyo, sa inyong dalawa ni Linderio. Paki-sabi sa kaniya na huwag ka niyang sasaktan at mumultuhin ko talaga siya," banta ni Papa. Natawa naman ako.

"Pa, miss ka na namin nila Mama," I cried. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi pa puwede. "Miss ko na din kayo 'Nak, huwag kayo mag-aalala binabantayan ko kayo," he said. "Pa, ang hirap ng wala ka, hindi kami sanay," my tears are falling in my face. "Hindi naman ako nawala Anak, nandiyan pa din naman ako," sabay turo niya sa puso ko. "Always remember that I will keep watching you from afar," he added. "Bakit ganoon Pa? Bakit kailangan humantong sa part na ito na buhay ko ang isinakripisyo ko," I said

He let out a heavy a sighed. "Nasa part na natin ang isa sa atin ay kailangan mag-sacrifice para sa pamilya o sa mahal mo sa buhay," he explained. "Be brave anak," his last word bago ako nagkaroon ng malay.

"Ace, you're awake now!" Linderio said. Minulat ko ang aking mata at naaninag ko ang silaw ng ilaw at puting background. "Nasaan ako?" tanong ko kay Rio. "You're in the hospital, mahiga ka muna. Hindi pa okay sugat mo sa likod," he said. "Rio gising na ba ang anak ko?" rinig kong tanong ni Mama. "Opo," he said.

Agad kong naramdaman ang paglapit ni Mama sa'kin. "Ano masakit sa'yo 'Nak?" she was worried sick on me. I feel that. "Okay lang po ako," I said. "Sabi ko naman sa'yo 'Nak huwag ka na pumunta doon at alam kong delikado," she said. "Sorry Ma, don't worry okay naman na po ako," I said. "Ano nangyare kay Annalise?" I asked Rio, "Nag-decide na ang pamilya niya na dalhin siya ng rehabilitation center, hindi na lubos akalain na hahantong sa ganito ang nangyare, pagka-labas daw ni Annalise ay didiretso na ng prisinto para masistensiyahan siya ng grave threat or light threat, hindi ko alam 'yung ano pa ang tawag sa isa pero dalawa ang kaso na isinampa sa kaniya," he explained.

"Hindi naman daw ganoon dati si Annalise, hindi nila alam bakit naging ganoon siya. Hindi naman daw sila nagkulang dito, pero don't mind it already. Inaasikaso na namin ang lahat," he added. "Thank you...for not leaving on my side," I thank him. "It's okay to me, just be careful next time if ever na wala ako, hindi ko na kakayanin na mawala ka pa Acel," he was too emotional right now.

"I won't leave you," I promised. Umalis muna si Mama upang makabili ng pagkain, ang mga kapatid ko naman ay iniwan na muna kila Tito Bryan, hindi kasi maasikaso nila Mamita ang dalawa dahil ang sabi ni Mama ay naging busy sila noong nalaman ang nangyare sa akin at nagdagdag daw ng security sa penthouse at sa entrance ng hotel.

"Ilang araw akong natulog?" I asked him. "2 days already," he said. Ang tagal ko palang natutulog, akala ko isang araw lang. "I'm so worried sick on you, akala ko hindi ka na magigising but I don't lose my hopes," he said. "Alam na ba ito nila Keriza?" I asked. He nodded. "Iyak ng iyak si Keriza ng makita kang lantang gulay sa ICU kahapon, kakalipat lang sa'yo kanina noong naging mabuti ang kalagayan mo, babalik daw sila bukas. Kanina ulit ay dumalaw sila ngunit wala ka pa kasing malay noong nandito sila kanina," he explained.

"Huwag mo na ulit gagawin iyon ha?" he said. "Hindi na, I promise," I said. He smiled I saw in his eyes that he was too exhausted. "Mukhang wala kang pahinga, magpahinga ka muna sa inyo, balik ka na lang kapag malakas ka na," I said. Umiling 'to. "Sige na, magagalit ako kapag hindi ka nagpahinga, bumawi ka lang ng lakas," I said. "Ikaw ang lakas ko," he said. "Okay ang korny, sige na uwi na. Kailangan mo din mag-pahinga," I said.

Wala siyang nagawa kun'di ang sumunod sa gusto ko, "Sige," nagkamot siya sa kaniyang batok wala siyang nagawa dahil hindi puwedeng ako lang nagpapahinga, siya din...alam kong pagod siya.

Pumasok na si Mama at nag-paalam siya kay Mama na uuwi muna siya kasi daw inutos ko sa kaniya. Siraulo talaga kahit kailan. Napa-iling na lang ako.

"Kumusta na pakiramdam mo?" Mama asked. "Okay naman na po Mama," I said. "Huwag mo na uulitin iyon Anak, hindi ko na kakayanin kapag ikaw ay nawala pa sa akin," she was too emotional also. "Opo Mama, I'm sorry for making you worried," I apologize. Kung hindi ko ginawa iyon baka hanggang ngayon ay ginugulo pa din kami ni Annalise. Atleast ngayon med'yo umo-okay na dahil wala na siya, nasa rehab center na.

She was using drugs. Hindi iyon maganda sa katawan. Hindi ko alam bakit kailangan gumamit ng isang tao ng ganoong klaseng gamot gayong alam nilang masama iyon sa kalausugan. "Hindi ko alam bakit kailangan humantong sa ganito ang buhay, napaka-panganib na," naiiyak na sambit ni Mama. "Mama, don't you worry okay? Okay naman na ang lahat. Settled na kaya huwag ka ng mabahala, magiging okay din ang lahat," I said.

Wala akong kasiguraduhan kung magiging okay pa ang lahat, alam kong hindi susuko si Annalise but I don't care anymore now kahit mamatay pa ako ay gusto ko pa din maging ligtas ang aking pamilya.

I remember my Papa said. I miss him so much. "Ma alam mo bang nagkita kami ni Papa sa paraiso ngunit hindi niya pa ako sinundo dahil alam niyang may mission pa akong dapat na tapusin. Ma, miss ka na ni Papa, isa sa mission ko ay ang protektahan kayo," I said.

She cried again. It breaks my seeing her like this. "Sana hindi na kita hinayaan na kitain ang siraulong babae na iyon," puno ng pagsisisi na sambit ni Mama, "Okay lang Ma, atleast ngayon okay na ang lahat nasolus'yunan ko na ang lahat," I said. Hindi ko rin masasabi na magiging okay na ang lahat dahil alam kong mas lalong magiging panganib ang mangyayare sa amin.

Kailangan ko lang ay maging handa ang aking pamilya sa kung ano man ang gawin ni Annalise. Hindi natin alam kung hanggang saan lang tayo.

"Ma, sabi din ni Papa na kaakibat na ng buhay natin ang pagsasakripisyo ng buhay natin para sa buhay ng iba. I sacrificed my life for Rio. I'm too young for this but I was brave enough to fight back on my fears dahil mahal ko si Linderio," I said. "Iba talaga ang pagmamahal anak, ganiyan din ako Anak, I sacrifice myself para lang makasama ko ang Papa mo habang buhay. Look, we have 3 precious gifts from God. Hindi naman kami nagsisisi sa ginawa namin anak. Naging masaya kami dahil mayroon kaming Rachel, Cindy at Theo. By the way si Sarai muna ang sasama sa iyo ha, babalik ako bukas, iyak daw ng iyak si Cindy hindi alam ng Tito Bryan mo kung paano papatahanin," paalam ni Mama. Tumango naman ako.

Ilang minuto lang ay dumating na si Sarai at nagpaalam na si Mama. "Kumusta na pakiramdam mo?" she asked. She was one of the closest cousin from the side of Papa. "Okay naman na, masakit lang ang likod ko, kumusta sila Tito Benjamin at Tito Alberto?" I asked. "Ayon nag-aalala sa'yo, pinaki-usapan ni Tita Amanda si Dad na samahan muna kita ngayong gabi dahil si Cindy daw iyak ng iyak, saka may trabaho daw mga older cousins mo," she explained.

Hindi kasi kami maka-hingi ng tulong kila Tito Bryan dahil may trabaho na ang mga anak niya. Kahit kay Tito Paul, mga bata pa kasi ang iba kong pinsan kay Mama. "Buti pumayag ka?" pagbibiro ko. "Ay ayaw mo ba? Sige pwede naman kita iwan mag-isa dito," she joked. "Ay ang panget mo naman ka-bonding," I laughed.

Masakit pa din ang likod ko dahil doon tumama nga ang baril na hawak ni Annalise. Now I got trauma from hearing the gunshots. "Hindi ko alam na nag-jojowa ka pala?" pagbibiro niya. "Hindi ko pa jowa, nanliligaw pa lang," I said. "Ay weh? Siraulo ka, sinakripis'yo mo ang buhay mo para doon sa lalaking iyon, gwapo ba?" she ask.

Natawa naman ako sa tanong niya. "Hindi ko isasakripis'yo ang buhay ko kung hindi siya gwapo," natatawa kong sambit. "Ay ang taray mo naman, ang dami kong na-miss na chika ha, spill na," she said.

Alam kong kukulitin niya ako kung ano ganap sa buhay ko dahil ang tagal namin hindi nagkita. Simula kasi ng nagka-sakit si Papa hindi na kami nakadalaw sa kanila.

"Oh sige na, para sa ikatatahimik ng iyong buhay," nagsimula na akong mag-k'wento. "Ay siraulo pala talaga iyong babae, masiyadong obsessed sa manliligaw mo kaya pati ikaw sisiraan niya na para lang lubayan ka nung Linderio," singhal niya sa kalagitnaan ng k'wento ko.

Hindi din sila nakapunta sa burol ni Papa dahil busy sila Tito sa business nila, bumawi naman sila noong libing ngunit sandali lang din at hindi sila nag-tagal kaya hindi din na-meet ni Sarai si Linderio. Naiintindihan naman iyon ni Papa.

"Hindi pa ako tapos mag-k'wento epal ka naman," singhal ko. "Ay hindi pa ba? Sige continue na," she laughed. Inirapan ko naman siya. "Hoy tuloy mo na!" reklamo niya.

"Pasalamat ka at nakahiga pa ako at kung hindi baka nabatukan na kita," I said. "Eh 'di thank you," she teased. "Ulol," I said.

Tinuloy ko na ang kwento. "Pampam ka bakit naman kasi hindi mo pinansin ayan tuloy may Sibyl na epal," she teased. "Sige umepal ka pa sa kuwento ko, masisipa na kita," inis kong sambit.

Sarai and I are same age, kaya ganoon na lang din kagaan ang loob ko sa kaniya. "Hindi na," suko niya.

Pinagpatuloy ko na ang kwento hanggang sa burol ni Papa, hanggang sa nabaril ako. Buti naman at hindi na siya umepal dahil mananakal na talaga ako ng pinsan. "Eh teka, pa'no mo nalaman na 'yung may ari ng school na pinag-aaralan mo ay Papa ni Tita Amanda," she asked. "Pumunta si Lolo-Daddy sa burol ni Papa, saka mga kapatid at asawa ng kapatid niya," I said. "Noong una naguluhan ako ngunit ng naintindihan ko din bakit tinaboy ni Mama si Lolo-Daddy dahil against siya sa relasyon nila ni Papa," I explained.

"Hindi nasabi sa'kin 'to ni Daddy, pero hayaan mo na mahalaga tanggap pa din kayo ng pamilya ni Tita Amanda," she said. "Kaya nga eh, masaya silang kasama," I said.

"Pero...hindi ka ba nag-regret na pumunta doon sa meet niyo ni Annalise? Like kasi it was too danger for you 'di ba? 18 palang tayo. Mas malala pa sa akin ang nangyayare sa buhay mo," she said. "Actually wala, hindi ako nagregret do'n dahil ku'ndi ako nagpunta doon baka hanggang ngayon na-abnormal na si Annalise, it was for our safety kaya pumayag ako sa kabaliwan niya, I risk my life for the sake of my family," I said.

"You're so brave enough to handle this kind of situation, btw do you have any plans for your late debut?" she asked. "Sa ngayon wala pa, siraulo ka ba? nandito ako sa hospital iyan pa iisipin mo," singhal ko. "January na next month gaga ka, birthday mo na iyon," she said. "Bugok, mag-pasko ka muna bago iyon," I said.

"Sorry excited lang talaga ako sa late debut mo, you know naman us 'diba, alaws datung kaya walang celebration," she said. Alam kong gusto niya din mag-celebrate pero hindi niya magawa kasi hindi naman sila ganoon kayaman, sapat lang sa kanila ang kinikita ni Tito. Tinutulungan din sila ni Tita Emma iyong walang anak at asawa. Kaya lang mas priority niya sila Lola Eloise at Lolo Bernard.

Dating magsasaka sila Lola, huminto lang sila ng makapagtapos sila Tito Benjamin, si Papa lang ang hindi nakapagtapos dahil pinaglaban nila ni Mama ang kanilang pagmamahalan kaya ayon...

"Bumawi ka na lang sa future child mo," I teased. "Gaga wala pa akong balak mag-anak," she said. "Ganda naman joke iyan," I joke. "Hatdog ka," she said. I laughed, isa din ito sa gusto kong iniinis kasi ang dali niyang mapikon.

"Ang panget maging matandang dalaga sige ikaw din," I teased. "Ulol mo po," she said. "Thank you," I laughed.

"Ganiyan ba epekto ng may tama sa likod?" ngayon siya naman ang nang-aasar sa akin pero walang epekto sa akin iyon. "Pabaril ka para malaman mo epekto," pangbabara ko. "No thanks," she said. I laughed. "Oh bakit ayaw mo?" pang-aasar ko. "Hinayupak ka, pinsan ba talaga kita?" she hissed.

"Ay hindi mo sure mare, hindi mo ba alam na ampon lang ako?" I said. Masaya kasing inisin 'to. "Kung wala lang nararamdaman baka nasapak na kita," gigil na sambit ni Sarai. Natawa naman ako dahil sa inasta niya.

"Akala mo naman kaya mo akong saktan," I laughed again. "Dati 'yon pero ngayon kaya ko na," she said.

"Matulog ka na nga," she said. Tumango naman ako at kinumutan niya lang ako. "Magpahinga ka na para bukas may lakas ka na ulit asarin ako," sambit ni Sarai. Natatawang tumango na lang ako.

Ilang minuto lang ako ay nakatulog na din, it was past 11 PM na din, bukas ay nandito na naman si Rio. Sabi ni Mama, ay nag-excuse muna si Rio dahil kailangan niya ako bantayan, naawa ako sa kaniya dahil mas priority niya ako instead of his studies, natatakot ako na baka mapabayaan niya iyon dahil sa'kin...kung mangyare man iyon ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali na bumagsak siya.

I promise to myself na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko ganoon din siya, sana...kailangan muna namin ipriority ang aming studies before anything...this will be better for our future.

Hindi ko alam kung nasaan ako but I see this again...it was a paradise. "Hi Anak," I heard my Papa's voice. "Pa, nasaan ka?" hinahanap ko kung nasaan ang boses na iyon. "Anak hindi mo na ako makikita ngunit ito ang lagi mong tatandaan ha, mahal na mahal ko kayo," he said. "Pa, bakit?" tanong ko. "Huwag kayo mag-aalala babantayan ko pa din kayo kahit anong mangyare," his last word.

Nawala na iyon dahil sa ingay ng naririnig ko. "Anak!" gising ni Mama sa'kin, nagising ako ng biglang sumigaw si Mama. "Anak nanaginip ka na naman," naiiyak na sambit ni Mama. Nagpapanick ang lahat ng tao sa loob. "Hey, are you okay?" It was Rio. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ni Papa sa kaniyang huling sinabi sa akin. "Oo okay lang ako ngunit si Papa ay napanaginipan ko ulit hindi ko alam kung ano pinapahiwatig ni Papa sa kaniyang sinabi," nagpapanick kong sambit.

I cried again. "Hey, it's okay. Huwag mo muna intindihin ang sinabi ni Tito Fel, mag-pagaling ka okay?" he said. I nodded.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang pinahihiwatig ni Papa, at hindi ko alam kailangan akong mabahala dahil doon. Kailangan ko pa din mag-ingat dahil kay Annalise, wala na daw talaga ito sa tamang pag-iisip.

I hope soon everything will be okay. I'm still hoping that one day everything will be in favor of what I want...Soon...I will be healed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top