Kabanata 10
Sheesh! What am I thinking? Ako magkaka-gusto sa kaniya?! Over my dead body! Ack! Ayoko na munang isipin iyon dahil lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kaniya. "Hoy ano ba ginagawa mo para kang tanga sa ginagawa mo sa totoo lang," sambit ni Keriza. Sabay kaming uuwi ngayon dahil mag-hapon ay hindi nagparamdam sa akin si Linderio. "Wala, may naalala lang ako," sambit ko.
Hindi ko alam paano ko sasabihin sa sarili ko na hindi ko siya gusto dahil ako mismo ay naguguluhan sa nararamdaman, I'm too confused...what I feel right now for him.
"Weh? Baka si Rio iyan ha, okay lang naman," she teased me again. "Tumahimik kang gaga ka, 'wag mo sirain ang mood ko," I said. "Kanina pa sira mood mo ano ba bago do'n?" she said. "Letse ka talaga," I said. "Nag-away ba kasi kayo? Naguguluhan kami sa inyong dalawa dinaig niyo ang tunay na mag-jowa," napa-iling na sambit ni Keriza. "Ewan ko sa'yo," naiirita kong sambit.
Nauna na akong maglakad sa kaniya papuntang sakayan ng tricycle b'wiset na babaitang iyan. "Hoy! Sorry na!" sigaw ni Keriza habang hinahabol ako. Hindi ko na siya hinintay, ngunit tuloy pa din siya sa paghabol sa akin. "Sorry na kasi," pagsusumamo niya habang nakasakay kami ng tricycle, hindi ko pa din siya pinapansin.
"H'wag mo na lang sana uulitin dahil mas lalo lang ako naiinis," I said. "Oo na sige, sorry na ulit," she said. "K," I shortly said.
Maya-maya lamang ay nakababa na kami sa aming daanan, nagbayad na kami.
"Uhm," nagpapanick na sambit ni Kez. "What?" I asked. "Ah kasi kanina, nakita ko si Rio sa may hallway sa amin," she said. "And so?" I said, "May kasamang babae eh I don't know her name," she said. "Wala naman nagtatanong eh," I said. "Sabi ko nga eh," she said. Inirapan ko na lang siya at nag-lakad na.
"Mayroon ka ba ngayon? Ang sungit mo kasi ngayon," she asked. "Wala, abnormal," I hissed. "Galit na galit gustong manakit ang lintek," natatawang sambit niya. "'Di ka lulubay?" I asked. "Hindi," she said.
Kinginang 'yan. Lubayan ng punyeta.
Nauna na ako sa kaniya pumasok ng bahay dahil mas mauuna ang bahay ko kaysa sa kaniya.
Dire-diretso ako pumasok ng kwarto dahil hindi ko kayang harapin sila Mama ng nahihirapan ako. Ang bigat ng pakiramdam ko hindi ko alam ang rason bakit ako, hindi naman ako ganitong tao. Ang babaw ko para sa ganitong bagay. Wala naman kami pero grabe akong maapektado.
Hindi ko alam kung sino iyon, hindi ko rin naman tinanong kasi baka sabihin ganoon ako ka-interesado sa buhay niya.
Masiyado lang siguro ako na-occupied sa nangyayare sa akin, kasalanan ko rin naman kung bakit ako umiiwas sa kaniya. Hindi naman niya kasalanan ang nangyayari sa buhay ko, kasi hindi ko alam bakit ako pinagod ng mundo, hindi ko alam ang rason bakit ako pinahihirapan ng ganito, ganoon baa ko kasama para madama ito.
"Anak, okay ka lang ba?" katok ni Mama na nagpagising sa diwa ko, hindi ko alam na umiiyak na pala ako, masiyado na lang siguro ako naging manhid para maramdaman ito. "A-ah Ma, okay lang po ako, kailangan ko lang po mag-aral," I lied. "Kain muna tayo Anak, baka malipasan ka," she said. "Sige po," I said. Agad kong pinunasan ang luha na lumalandas sa mukha ko para hindi mahalata nila Mama na umiiyak ako, ayokong mag-aalala sila.
Bumaba muna ako papuntang sala, "Oh ayan ka na pala tara na," Mama said. "Ano po ulam Mama?" I asked. "Naku iyon paborito mong Adobong Pusit," she excitedly said, "Wow!" natutuwa kong sambit, ang tagal na din simula ng ulamin ko iyon. I don't know why I love it, basta luto ni Mama ay paborito ko na pero mas paborito ko ito. "Sige kumain ka na ng kumain diyan," she said, habang hinahainan ang kapatid ko at si Papa. "Kumusta ang pag-aaral mo anak?" biglang tanong ni Papa. "Okay naman Papa, huwag ka mag-aalala nag-aaral po akong mabuti," I said. "Mabuti naman Anak, iyon na lang ang maipapamana namin sa inyo ng Mama mo," Papa said.
I smiled at him, namimiss ko na ka-kwentuhan si Papa,"Oo Pa, I will do my best to make you both proud of me," I said. "Huwag mong papabayaan ang sarili mo anak ha, ayokong magkakasakit ka," he said. "Oo naman, I will keep myself strong and also healthy para sa inyo," natutuwa kong sambit. "Kahit hindi mo naman sabihin Anak, proud kami palagi sa iyo." he smiled. I smiled at him.
This is the reason why I keep striving hard for our future kasi ayokong ma-disappoint sila sa akin.
Puno naman ng tawanan ang hapag kainan dahil sa kapatid kong maldita, atleast nawala ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa kanila, they are my source of happiness, sila ang rason bakit ako lumalaban. Magulo man ang mundo, pinagod man ako, atleast nandiyan sila para pagaanin ang aking kalooban.
Natapos ang dinner namin ng may saya ang aking mukha, pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko hanggang sa makatulugan ko na.
Maaga akong nagising, tinext ko na si Keriza kung sakaling gising na siya dahil sabay ulit kami papasok, hindi na ako sanay ng walang kasabay maglakad papuntang school, sa hapon kapag wala ako sa mood ay nagcocommute ako pero kapag nasa mood naman ako ay nilalakad ko na lang kasi magandang exercise sa katawan.
Maaga din nagising si Keriza, kaya naman kumain na ako ng breakfast, after a few minutes ay naligo at gumayak na ako dahil maya-maya lang ay kakatok na si Kez.
Mga ilang minute lamang ay natapos na ako. "Anak nandito na si Keriza!" sigaw ni Mama sa baba. "Opo Ma, baba na po ako," I said. Agad na din akong bumaba dahil mainipin pa naman si Keriza. Kabisado ko na ito eh.
"Buti naman maaga kang nagising Mare?" pang-aasar niya ng makababa na ako. "Gusto mo na naman iwanan kita?" pangbabara ko. "Sabi ko nga tara na eh, hindi na nga ako mag-rereklamo grabe ka mawalan sa mood," she said. I laughed because of her reaction parang tanga.
Siya lang ang nakakatiis sa aking ugali na mismong ako ay hindi ko na din maintindihan. Idagdag mo pa ang subject namin na Understanding the Self, dagdag lang sa pasakit sa ulo ko. Kahit papa-ano ay mataas naman ako doon, kapag bumaba talaga ako doon huwag na akong sisihin dahil ako mismo ay hindi ko na maintindihan sarili ko.
"Grabe hindi na tayo freshmen," Singhal ni Keriza habang naglalakad kami. "Bakit?" nagtataka kong tanong, "Kasi hindi na pang-freshmen ang pinapagawa sa atin, pang-stressmen," she said while laughing. "Korny," I said. "Kailan ba mawawala iyang red flag mo?" tanong niya. "Tanong mo sa uwak," pangbabara ko.
Napa-iling na lang siya at hindi na ako pinansin baka kasi mas lalo akong ma-badtrip kapag kinausap niya pa ako. Hindi ko alam bakit tuwing maga ay wala ako sa mood, simula ng—the fudge!
Ayoko na muna siyang isipin, naiinis lang ako lalo!
Nang makarating kami ng school ay saktong nag-ring na ang bell, kaya naman dumirecho na ako sa building ko, nag-paalam naman ako kay Kez.
Naabutan ko sina Larisa na nagtatawanan, nang makita nila ako ay agad naman nawala ang ngiti sa mga kanila. Luh ang weird naman nila. "Oh anong mga mukha iyan?" tanong ko sa kanila.
"Wala naman pero bad news ito Mare, nandito na ulit ang mga salot sa buhay mo," Zaynab said. "Okay wala ng bago doon," sabi ko. Natawa naman sila sa sinabi ko, hindi na bago sa akin iyon dahil lagi naman silang salot sa aking buhay.
"Good news!! Wala daw si Prof. Andrew dahil may sakit ang anak niya, wala daw mag-aasikaso sa anak niya, wala naman binigay na task ngayon maga, sadly mamaya ulit may klase na ulit tayo," announce ni Lazarus since siya ang classroom president namin. "Gandang bungad naman sa akin iyan," sambit ko. "Sa'min din sana pala sa hapon na lang ako pumasok," singhal ni Larisa. "Same," singit ko. "Ay wow ngayon ko lang narinig sa iyo iyan ha," pang-aasar ni Lazarus. "Epal," irap ko.
Napag-desis'yunan naming na pumunta na lang ulit ng football field sa may puno doon, malamig kasi doon, masarap tumambay.
Nang makaupo ako, "Hanggang kailan kayo hindi magpapansinan ni Linderio? Hindi kami sanay na walang world war 5 eh," natatawang sambit ni Larisa. "Eh 'di kayo ni Paul mag-away tutal gusto niyo naman ang isa't-isa," sambit ko na biglang iki-namula ng kaniyang mukha. "Manahimik ka, kadiri ka naman," singhal niya, "Ay sus i-deny mo pa, okay lang naman iyan," pang-aasar ko.
Habang nag-aasaran kami ng biglang dumating si Linderio. "Uh,Rachel can we talk for a minute?" he asked my permission, "Ah sige, usap muna kayo. Alis muna kami," Lazarus said. They let them us talk peacefully, it's our 2nd time to talk again.
What is the reason why we will talk again?
Nang maka-alis ang tatlo ay doon lang uli siya nag-salita. "I want to talk to you, kasi...hindi ko kayang nakikita kang malungkot, miss na kita Rachel, can we go back on the way we used to be?" he asked. "Bakit?" I asked. "Gusto ulit kita makasama," he said. "Hindi ka sincere," I said akmang aalis na ako ng pigilan niya ako. "Gusto ko ng magka-ayos tayo Rachel hindi ko kayang ganito tayo," he said. "Please?" he added.
Nakatingin lang ako sa kaniya. "Huwag muna ngayon, gusto ko munang magpag-isa," I said. "Pe—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng putulin ko iyon. "Ano ba ako sa iyo Linderio? Laruan? Paglalaruan mo ba ako? Kasi kung oo hindi ako prepared, huwag muna ngayon," I said. "Hindi naman ganoon Rachel, I'm sorry," he said. "Gusto kang makilala si Sibyl, gusto ko din maging close kayo," he said. "Ayoko, bahala kayo sa buhay niyo," I said.
Akmang aalis na ako ngunit agad din niya ako nahabol. "Please talk to me naman Rachel, nahihirapan ako ng ganito please," he pleased. "Ako din naman Linderio pero nang makita kitang masaya kay Sibyl na iyon mukhang wala na ako, I was just your fake girlfriend Linderio, don't act that you had feelings for me," I said. Nagulat ako sa sinabi ko pero hindi ako nagpa-halata na may nararamdaman talaga ako sa kaniya, ayokong mag-assume.
"Sibyl was my bestfriend for a long time, ang tagal din naming nawalay sa isa't-isa. Ngayon na lang kami nag-usap," he said. "Hindi ko kailangan ng explanation mo, huwag mo muna ako kausapin, don't worry I won't end the contract just for this, pa-palamig lang ako," I said. "Hindi ko kaya..." ako din naman nahihirapan pero kailangan ko ng umiwas muna.
"Maybe I was your only past time, kapag wala si Sibyl, nasa akin naman ang atensiyon mo, hindi ko alam kung pinaglalaruan mo na lang ako," I said. "Ha?" he was confused, "Wala, siguro layo muna tayo sa isa't-isa kapag nandiyan na lang si Annalise saka tayo magpanggap," I said.
Umalis na ako at hinayaan niya na ako umalis. Masakit para sa akin ang iwasan siya, I don't have a choice but to stay away for a while for him.
Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito? Hindi ko alam bakit ako nagkaroon ng feelings sa kaniya. Masakit pala siya, it was my first time to fell inlove.
Maybe I should end the contract, that's the best way to avoid my feelings for him.
Kailangan ko ng umiwas para hindi na ako masaktan ng ganito. I-lilihim ko ito sa abot ng aking makakaya.
Hindi ko alam pero nasaktan ako ng makita ko siyang masayang masaya kay Sibyl na iyon, maybe they missing them so much kaya ganoon na lang din siya kasaya dahil ang alam ko ay matagal silang nawalay sa isa't-isa.
I'm just her fake girlfriend kaya naman wala akong karapatan. Nasa rules na bawal ma-fall sa isa't-isa yet I lose in the game were Linderio started.
"Oh tulala ka? Hindi pa din ba kayo okay?" malungkot na sambit ni Larisa.
"Hindi pa din," I said. "Hanggang kailan?" Lazarus asked. "Hindi ko alam," hindi ako makatingin ng diretso sa kanila dahil ako mismo ay hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito.
Hanggang kailan nga ba kami ganito? Ako din pala ang mahihirapan sa sitwasyon namin dalawa dahil sa aming dalawa ako ang natalo sa laban naming dalawa.
The whole class was went smooth even though I was occupied. Pauwi na kami ng bahay bigla kong naaninag si Linderio, sa may paraanan sa amin.
Lumapit kami ni Keriza sa kaniya. "Anong ginagawa mo ditto?" tanong ko ng makalapit ako sa kaniya. "I just to clear things about us, Kez can you please leave us alon for a while?" he asked the permission of my friend, agad naman itong pumayag at nagsimula na ulit maglakad papunta sa amin.
"Ano na naman ito Linderio?" I asked. "Gusto ko masiguro kung gusto mo na ba talaga akong lumayo muna sa iyo?" he asked, I see on his face was sad. "Oo," I shortly said.
Tumango-tango siya, "Lagi mo lang tatandaan na importante ka sa'kin, kahit kailan ay hindi kita pinaglaruan, you're the source of my happiness, Rachel," he said. I felt my heart beat was racing again. "Ikaw ang tumulong sa akin kung paano ako maging ako ulit Rachel, let's fix this," he said.
"Maayos natin 'to, but huwag muna ngayon, masiyado akong occupied," I said, "Sabihan mo lang ako kung kailan tayo magiging maayos," he lower his voice.
Guilt was killing me, naguguilty ako dahil humantong kami sa ganitong sitwasyon. Masakit para sa akin ito.
The next day...
"Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa Rachel," nalulungkot na sambit ni Zaynab. "Huwag ka malungkot, siguro hindi pa din kami makaliwanagan kaya ganito, maybe soon maging okay na din kami," I said. "Bakit kasi humantong sa ganito," singhal ni Larisa. Nai-kwento ko sa kanila ngayon ang buong nangyare mula sa football field.
Hindi ako makasagot kasi ako din hindi ko alam bakit kami humantong sa ganito, It was hard for me also to let this happen. No one can dictate for us but only God. Kaya naman nagtitiwala ako sa panginoon na magiging okay kami. Kasalanan ko din naman kung bakit ganito kaming dalawa. Masakit para sa akin na iwasan siya.
Kasalanan ko kung bakit din ako nahihirapan sa ganitong sitwasiyon naming dalawa. Siguro kung hindi ko siya iniwasan baka masaya pa din kami. I can't tell anyone what I feel for him because it might ruined everything. I should end the contract as soon as possible hindi ko na kaya ang ganito. Masiyado ng masakit para sa aming dalawa.
"Tara na sa canteen, time na pala," pag-iiba ko ng topic dahil ayoko munang malungkot ngayon gusto ko muna maging masaya ngayon...kahit ngayon lang. "Kahit kailan ka talaga Rachel, lagi mo na lang iniiba ang topic," reklamo ni Larisa.
Papunta kaming canteen ng makasalubong ko si Linderio kasabay no'n ay ang pagtawag sa akin ni Mama.
"Hello Mama?" I answered the phone. I heard a cry kaya naman bigla akong napahinto sakto sa paghinto ko sa tapat ni Linderio. "Mama, ano po nangyayare?!" nagpapanick kong tanong, agad naman huminto ang mga kasama ko at si Linderio, "Anak...ang papa mo..." umiiyak na sambit ni Mama.
Agad naman akong kinabahan, "Ma, ano nangyare kay Papa?!" nagpapanick pa din ako. "Anak, wala na Papa mo, sinugod naming siya ditto sa hospital, wala ng malay ang Papa mo, bigla siyang inatake," umiiyak na sambit ni Mama.
My world stops from the moment, God took my father from us. Napasalampak ako sa sahig at agad naman ako nasalo ni Lazarus at Linderio. "What happen?!" nagpapanick na sambit ni Linderio. "Wala na si Papa..." nagsimula ng tumulo ang luha ko. "What?!" Linderio got panick also. "Ano nangyare?!" nagpapanick na sambit ni Kez ng makalapit sa akin. "Kez, wala na si Papa," umiiyak kong sambit at agad akong yumakap sa kaniya.
Iyak lang ako ng iyak sa bisig ni Keriza. "Tahan na, ayaw makikita ni Tito na umiiyak ka," pilit na pagtatahan niya sa akin, "Kez panaginip lang ito 'di ba?" nanghihina kong sambit.
Ngumiti lang siya ng tipid. Si Linderio naman ay tinayo na ako at gumilid kami. May kausap siya ngayon hindi ko alam kung sino iyon. Nanghihina na ako.
Akmang tatayo ako ng biglang nangdilim ang paninginko at bumagsak, bigla akong bumagsak ngunit hindi ako sa matigas na sahignahulog. Everything went black. Naririnig ko ang pagsigaw sa akin nila Zaynab. Matapos iyon ay wala na akong narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top