052722
entry no. 13:
evening backseat thoughts
uhm im currently sitting on the backseat, trying not to puke. nagbabysit kasi ako for three days and wala ako sa bahay na kasalukuyan kong tinitirahan. ito, sobrang traffic. sa mandaluyong kasi yun tas sa tondo yung uwi namin. ang sarap pala ng kinain ko kagabi tsaka kanina. nagramen kami kagabi for dinner tas ngayon naman silog na ibang level, ang sarap eh hahaha. sobrang daming reporting next week tapos nastress din ako don sa kapatid ko. basta ayoko na ikwento.
nagbreakdown din pala ako kanina, kay kuya rom pa nasakto hahaha. nung sinabi kong ang dami kong isipin sabi niya "wag mo na ako isipin para mabawasan naman yang mga iniisip mo. wag ka mag-alala, ayos lang ako." hahahahaha baliw diba? siya nga rin pala yung sinasabi kong "im playing a dangerous game" anws thanks to him natawa naman ako hahaha.
yung last entry ko pala nagbreakdown din ako don haha. diba kadalasan ang oras ng pagbbreakdown is gabi? sakin umaga. umaga hanggang hapon. mas gumagabi, mas gumagaan pakiramdam ko. grabe. di ko na talaga kaya. ayan omg naalala ko na naman tuloy hahahahahaha.
huy omg, i rlly like this vibe ngayon. evening sitting on the backside of the car while it's raining. sana dito nalang ako forever. bukod sa ang lamig dito, i feel so physically occupied pa. i like small spaces kasi, it comforts me. may nabasa naman ako about jan and it says na lonely people likes small spaces. di ko alam if scientifically proven pero relatable siya for me.
tangina nakakahilo sandali. lubak lubak kasi. ay nga pala, palagi nalang ganito. tuwing biyahe na pauwi sa bahay, palagi kong winiwish na sana malayo pa kami, na sana matagal pa yung biyahe para di pa kami makarating doon. grabe yung anxiety ko beh. sa tuwing makikita ko siya beh di ko alam. bumait naman na siya sa akin kaso wala eh, di na mawawala sa isip ko yung treatment niya sakin before. like kahit na gaano pa siya maging concerned sa akin ngayon or in the future, never ng mapapanatag loob ko sa kaniya. i fvckin want to move out fleece.
teka iidlip muna ako nahihilo talaga ako shet hahahaha. vai. hi ulit hahaha. 9:33 pm, nagpa-gas kami. random thought: kelan kaya ako makakauwi ulit sa bulacan? san kaya ako magsesecond year? delikado tong ganto eh. kasi di ako kinakabahan. nakakaramdam lang ako ng ganto kapag may side na akong panatag eh, kapag may sure fallback plan na ako—kaso beh, wala. nga-nga. ano kayang ibig sabihin nito? ang imposible kasi nitong nangyayari sakin ngayon eh. ni wala man lang akong idea sa susunod na mangyayari sa life ko. like kahit hint wala eh. as in zero talaga, promise.
yours,
mikha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top