Kabanata 9
#JustTheStrings
Kabanata 9
"Finally, some peace!" sigaw ni Kath habang papalabas kami sa classroom. Kakatapos lang ng long exam namin sa isang subject. Medyo mahirap kasi siya at madami ang coverage kaya naman stressed kami ng ilang araw.
Papunta kami sa cafeteria pero napansin ko na maraming nagtatayo ng booth sa field.
"Ano ang meron?" tanong ko sa kanila.
Tinignan ako ni Kath na parang sobrang weird ng tanong ko. Hindi na kasi talaga ako masyadong lumalabas nitong mga nakaraang linggo. Ang naging routine ko na lang ay school at bahay. Kapag weekends naman, nandun kami sa orphanage na sinusuportahan namin ni Papa. Tapos medyo busy na rin ako dahil medyo malapit na iyong debut ko at ang daming gustong gawin ni Mama. Minsan, hindi na ako makahinga sa dami ng dapat asikasuhin.
"Minsan nga, try to be a normal teenager. You're such a nerd," sabi ni Kath. Ni hindi niya naman sinagot iyong tanong ko kaya kay Liza ako bumaling. Mabuti na lang sinabi ni Liza na foundation day pala bukas kaya maraming nagtatayo ng booth.
"I'm so excited!" sigaw na naman ni Kath. Pinabayaan na namin siya ni Liza na magsalita nang magsalita dahil ang hirap niya namang pigilin. Ang hyper niya kasi talaga minsan. "Sana may jail booth."
"That's so juvenile, Kath," kumento ni Liza.
Kath rolled her eyes.
"The heck I care if it's juvenile. Basta if merong jail booth, I want to be imprisoned with Benj, ha!" sabi ni Kath. Hindi ko alam kung bakit crush na crush niya si Kuya Benj. Sobrang weird naman ni Kuya para sa akin...
Nakarating na kami sa cafeteria at tinatamad si Kath na bumili ng pagkain kaya pinilit niya si Liza na siya na lang ang bumili ng food namin. Mabuti na lang at mabait si Liza kaya napilit siya ni Kath. Habang naghihintay kami, nakarinig kami ng mga maingay na lalaking nag-uusap.
Kath dreamily looked at them.
"They're so gwapo talaga," she said and then sighed. "Kahit 'yung eldest lang ang makuha ko, sasaya na ako..." sabi niya habang nakatingin.
Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Dalawang linggo na ang lumipas nung pumunta ako sa gym at dalawang linggo ko na ring tanggap na tapos na ang friendship namin ni Saint. Ang bilis lang talaga pero ano'ng magagawa ko? Ayoko namang ipilit kung hindi talaga pwede...
"Sayang naman. If friends pa rin kayo ni GDL, e 'di sana you can introduce me to his Kuya," sabi ni Kath. Hindi na ako umimik dahil aaminin ko naman na nalulungkot pa rin ako kahit papaano... Syempre naging parte na rin naman si Saint ng buhay ko. Minsan nga namimiss ko iyong pagpopost niya sa wall ko.
"Bakit ba kasi talaga biglang you two are not talking anymore?" she asked.
I shrugged. "Hindi ko rin alam..." sagot ko. Ang huli ko lang natatandaan ay iyong nagsend si Kuya ng message sa kanya. Nagpaliwanag naman na ako. Imposible naman na iyon ang dahilan kung bakit hindi niya na ako pinapansin.
Ang babaw naman kasi kung iyon lang.
"Weird lang if all of a sudden, hindi ka na niya pinapansin," she said. "Something must have happened."
"Tapos na. Baka ganun talaga," I replied pero hindi siya papigil.
"It can't be," sabi niya at saka inilabas ang cellphone niya. "Let's stalk him. Baka may clue tayo na makita sa twitter niya."
Hindi ko na pinigilan si Kath dahil kapag mas pinigilan mo siya, mas gugustuhin niya lang gawin ang bagay na 'yun. Nung dumating si Liza, she asked me kung bakit ang seryoso ni Kath. I just shrugged and she understood it. Nababaliw na naman ang kaibigan namin.
"Found it!" sigaw niya.
"Found what?" Liza asked.
"Twitter ni GDL," she answered.
"You're following him?"
Kath rolled her eyes. "Duh. Of course I have a stalker account. Why would I follow that snob?" sabi niya at saka nagsimulang magscroll. Ako naman, nagsimula ng kumain.
"Wala naman siyang tweets masyado..." Kath said. "But his RTs are intriguing."
Nagsubo ako ng carrot stick sa bibig ko.
"Listen to this, he RTed 'If you're not sure yet, back off. She ain't that kind of girl you play with,'" basa ni Kath. And then she squealed. Napatingin sa amin iyong mga tao at napatingin din ako sa paligid ko.
Unfortunately, nakatingin din sa table namin ang GDL brothers.
Nakakahiya!
I sshed Kath pero hinampas niya lang ako ng hinampas.
"Am I assuming things or what?! Ikaw ang tinutukoy niya rito, I'm sure!" Kath said with so much enthusiasm.
Umiling ako at saka nagsubo ulit ng carrot stick.
"You reading too much into this, Kath," I said.
Umiling siya.
"No!" she replied tapos nagscroll pa siya. "Ito pa, oh! 'When you're not looking, that's when you'll find her.' Oh, 'di ba you just barged inside his car?! Kailan nga 'yun?" tanong niya sa akin.
Hindi ko na masyadong maalala... tss. Sino bang niloloko ko? Syempre naaalala ko kung kailan. Iyon 'yung araw na halos mamaga ang mata ko.
"Start of class 'yun, right? Tignan mo, August 1 din 'yung date nung nag RT siya!" she said and then kinurot niya ako. "He so likes you!"
I was so close to pleading na tigilan na niya. Bigla ko tuloy namiss iyong mga exams namin... At least nun, may iba kaming pinagkakaabalahan. Pero ngayon na medyo relaxed na ulit kami, ako na naman ang pinagbubuntungan ng boredom ni Kath.
"Why are you pushing this ba?" Liza asked. "You're the one who said na snob of the century si GDL."
"Opposites do attract nga, 'di ba? Imogen's the good girl and GDL's your typical asshole guy. Tapos when they're together na, Imo here will introduce us to his brothers. I'll get the Kuya, you get the next one. Tapos 'yung bunso nila, he can be the third wheel muna."
Napailing na lang kami ni Liza. Sobrang advanced mag-isip ni Kath.
Natapos na kaming kumain at itatapon na namin 'yung kalat namin pero kailangan naming dumaan 'dun sa table nila Saint. Gustuhin ko mang 'wag dumaan, baka naman sabihin nila Kath na ang arte ko.
Bahala na nga.
Nung malapit na kami sa kanila, naririnig ko na may pinag-uusapan nila. Si Saint, kumakain lang at mukhang wala naman siyang pakielam sa pinag-uusapan ng mga kapatid niya. Si Kath naman, mukhang mababali na ang leeg nung makalagpas kami sa table nila dahil sa kakatingin.
"God, thank you for making 4 of them! Good job! Also, thank you sa parents nila for a job well done," sabi niya. Dinamay pa si God sa kalokohan niya.
Sabay kami ni Kuya na umuwi dahil may dalawang araw sila na walang training para na rin daw makapagparticipate sila sa foundation day bukas.
"You wanna go somewhere else bago umuwi?" he asked.
Umiling ako. He sighed.
"Let's grab ice cream, alright? Uwian din natin sila Finley," sabi niya. Pumayag na lang ako kahit alam ko na papagalitan siya ni Mama dahil bawal kumain ng ice cream iyong dalawa. Mabilis kasi sumakit ang ngipin.
Nung paalis na kami, napansin ko na pasakay na rin si Saint sa sasakyan niya. Nakasunod kami sa sasakyan niya dahil iisa lang naman ang way paalis ng school.
Gusto kong tanungin si Kuya kung ano ba ang pinag-usapan nila ni Saint para masabi niya sa akin na he's not worth it. Pero natatakot din ako sa maririnig ko. Takot kasi ako na makadisappoint ng tao. Parang sobrang laki kong disappointment kapag ganun.
So I resigned to not knowing... because maybe it would just open a can of worms.
Pagdating namin sa bahay, napatayo pa si Mama nung makita ako.
"Carmie, this is my daughter, Mary Imogen," pakilala sa akin ni Mama. Naweweirduhan din kasi siya kapag Imo ang tawag sa akin since pareho kami ng pangalan. "And this is my son, Preston."
I smiled at the woman and Kuya smiled, too, pero umakyat muna siya sa kwarto nina Riley at Finley para sabihin na may uwi kaming ice cream.
Mabuti na lang at wala na akong exam dahil halos buong gabi akong kinausap ni Miss Carmie tungkol sa debut ko. Ang dami pala talagang kailangang asikasuhin para dito...
"What's the theme that you want?" Miss Carmie asked.
"Harry Potter," sagot ko.
"Fairytale," sabi naman ni Mama.
Nakatingin sa aming dalawa iyong organizer. Tinignan naman ako ni Mama.
"Harry Potter?" she asked. I nodded. "It's your debut, not a children's party."
Medyo na-offend ako. Mabuti na lang dumating si Papa.
"Bayaan mo na siya kung ano ang gusto niya," Papa said. Hinalikan niya sa gilid ng ulo si Mama. "It's her birthday. Let her have what she wants."
Nginitian ko si Papa. Minsan lang kasi magsalita si Papa kaya kapag ganun, pumapayag si Mama. Ang hirap naman kasing tanggihan ni Papa... Sobrang bait niya at mapagbigay talaga. Kaya kapag humiling siya, gugustuhin mo talaga na ibigay.
Dahil nasunod na ang gusto ko, na-excite na ako. Kasi hindi naman ako mahilig sa party... Ngayon lang.
Napagkasunduan namin na dadating ang guests via Knight Bus. Tapos horcrux and wands naman ang giveaways ko. Iyong sa food naman, gusto ko lang may butterbeer, chocolate frog, rock cake, knickerbocker glory, cauldron cakes, at kidney pie. Required na naka wizard attire ang guests tapos ako si Hermione. Iyon pa lang ang napag-uusapan namin. Gusto ko pa sanang sabihin na iyong invitation ay ipapadala gamit ang owls pero baka masyado ng mahirap 'yun.
Nung umalis na iyong guest, nilapitan ako ni Kuya na mukhang kakakain lang ng ice cream.
"Ubos na," he said.
"Nakokonsensya ako."
"Bakit?"
"Ang dami ko yatang request para sa birthday ko."
Ginulo ni Kuya iyong buhok ko.
"Minsan ka lang magiging 18," he said. "Ano'ng regalo gusto mo?"
I smiled and then shook my head.
"Wala. Masaya na ako, e," I said and then hugged him. Masaya naman talaga ako. As long as I have my family and friends, I have no reason to be sad.
Kinabukasan, medyo late na kaming nagising ni Kuya dahil nag movie marathon pa kami. Hindi na nga ako nakabalik sa kwarto ko dahil antok na antok na ako kaya sa entertainment room na kami nakatulog ni Kuya.
Wala namang regular class ngayon though required ang attendance. 1pm na kami pumasok ni Kuya dahil medyo puyat pa kami.
Pagdating namin sa school, ang ganda! Parang may festival talaga. Halos hindi ko na nga makilala iyong field, e.
Nag-ikot lang muna kami ni Kuya at bumili ng pagkain. Hindi pa kasi nagrereply si Kath kung nasaan sila kaya sinamahan muna ako ni Kuya. For sure nasa tambayan nila sila Kuya Benj. Mabuti na lang at hindi ako pinilit ni Kuya na pumunta doon dahil nandun si Parker.
Nung napagod na kami mag-ikot, naupo muna kami sa ilalim ng puno. Ang lakas ng hangin ngayon.
"I was pretty worried," sabi ni Kuya.
"Bakit naman?"
"Something changed."
"Ano?"
"You," he said. "Simula nung hindi na kayo friends ni GDL, parang naging malungkot ka."
Tumahimik na lang ako. Pansin ko rin naman kasi.
"Baka hindi lang kami talaga meant to be maging friends," I replied. Tahimik lang kami ni Kuya tapos nakita ko si Kath. Tumayo na ako at saka nagpaalam kay Kuya. Pumunta na ako kay Kath at saka tinanong siya kung ano ang ginagawa niya.
"Stalking," she replied habang hindi pa rin inaalis ang tingin. Sinundan ko iyong tingin niya at nakita ko na may tinitignan siya na lalaki.
"Sino 'yun?"
"GDL # 1," she hissed.
Napailing na lang ako at sinabi sa kanya na hahanapin ko si Liza. Hindi ko yata kayang buong hapon na isstalk namin ang Kuya ni Saint.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Kuya. Tatawagin ko sana siya pero natigilan ako nung mapansin ko kung nasaan siya.
Marriage booth.
May ilang mga lalaki roon na nagsisigawan. Kilala ko iyong iba. Mga soccer teammates ni Kuya. Tapos nung tignan ko kung sino ang ikinakasal, mas lalo lang akong napako sa kinatatayuan ko.
"Do you, Cindy Ruiz, take Parker—"
"Of course, I do!" tumatawang sabi ni Cindy.
"Do you, Parker Adrian Palma, take Cindy Ruiz as your wedded wife?"
Tumalikod na ako bago ko pa marinig iyong sagot niya. Nanlalabo na iyong paningin ko pero tuloy lang ako sa paglalakad. Nakakainis na hanggang ngayon, apektado pa rin ako.
Dapat hindi na.
Dapat wala na.
Pero bakit ganon?
"You like him."
Napatingin ako sa tao sa harap ko at nandun si Saint.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top