Kabanata 29

#JustTheStrings

Kabanata 29

Since that night, iniwasan ko na si Parker. Hindi kasi ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon. Sino ang matinong tao ang sasaktan ang sarili para lang makakuha ng kaunting atensyon? Sino ang matinong tao na isusugal ang sariling buhay just to make a point?

Hindi ko talaga siya maintindihan, e. Kahit ano'ng gawin ko, kahit subukan ko na intindihin iyong ginawa niya, kahit na i-justify ko mula sa pananaw niya... hindi, e. Hindi talaga tama. Hindi tama na ipagpilitan niya iyong sarili niya sa akin. Hindi tama na ipilit niya na ibalik iyong dati. Hindi tama na sarili niya lang iyong iniisip niya. Kasi hindi lang naman sa kanya umiikot iyong mundo. Kasi hindi lang naman siya 'yung may karapatan na maging masaya.

Nagawa ko naman... Dalawang linggo ko siyang nagawang iwasan. Madali ba? Hindi, ah. Mahirap iwasan iyong tao lalo na kapag mahal siya ng parents mo... My mom loves him... Na pakiramdam ko wala akong karapatan na magtampo kay Mama dahil kasalanan ko rin naman. Ni minsan hindi ko sinabi sa kanya iyong tungkol sa mga pag-iyak ko noon dahil kay Parker... Hindi ko sinabi sa kanya iyong tungkol sa prom... Ni hindi nga niya alam na may Cindy sa buhay ni Parker.

In some ways, it was my fault. Mom had always thought that Parker was perfect... That maybe Parker was a lot like his uncle. Alam ko para kay Mama, perpekto si Tito Parker... But that didn't mean that Parker's perfect.

That didn't mean that Parker treated me the way Tito Parker treated my mom.

I might not know the whole story but I was sure that Tito Parker loved my mom. And I was sure that Parker didn't love me. Na tama si Kuya. It was only his ego and pride talking.

Pero sabi nga nila, you could only avoid someone for so long... Dahil isang hapon habang kumakain ako ng meryenda kasabay sila Kuya sa cafeteria, biglang paparating na si Parker. He's with Kuya Jackson dahil hindi pa rin masyadong nakakalakad si Parker dahil sa paa niya. I knew I should feel sorry for him dahil pati pagiging captain sa soccer team ay nawala rin sa kanya. Pero dahil sa lahat ng narinig ko, I just felt... indifferent towards him.

And it was towards God whom I felt sorry for dahil alam ko na masama itong iniisip at nararamdaman ko.

Bago pa man makarating si Parker sa table namin, mabilis ko ng inayos iyong tray ko.

"Where are you going?" asked Liza.

"Library."

"Sus. Iniiwasan lang niyang si Parker," sabi ni Kath.

"Really?" nagtataka na tanong ni Liza. "Did something happen again habang wala ako? Why am I always the last one to know things?"

"Kasi self-righteous and judgy ka masyado."

Nanlaki iyong mata ni Liza.

"I am not!"

"Talaga? So sa tingin mo ayos lang iyong ginagawa ni Imo na iniiwasan niya si Parker?"

Natahimik sandali si Liza. Gusto ko na sanang umalis dahil nakikita ko na malapit na si Parker sa table pero para namang wala akong manners kung bigla ko na lang iiwan si Liza and Kath habang nagsasalita sila.

"Well, yeah..." sabi ni Liza at tinaasan naman siya ng kilay ni Kath—na kanina niya pa pinagmamalaki dahil kilaygoals daw siya ngayon. Minsan iba talaga ang priorities ni Kath. "I mean, no! Just because I don't share your opinion about Imo avoiding Parker doesn't mean that I am self-righteous and judgy!"

Tinignan ako ni Kath and she shrugged her brows.

"Well, in all group of friends, there's always the judgy one," sabi niya at saka tinignan si Liza. "Don't worry, I still love you despite your opinion."

At dahil mukhang mag-aaway pa sila, nagpaalam na ako na aalis na ako. I quickly got my things and went on the other way. Pumunta ako sa library gaya ng sinabi ko kila Liza dahil ayoko naman na madagdagan na naman ang kasalanan ko. Lately kasi humahaba na iyong listahan. Nagstay lang ako roon hanggang sa magsimula na iyong klase ko.

"Where are you going after?" asked Kath.

"Sabay daw kami ni Saint uuwi."

"Di ba may basketball practice pa sila?"

I nodded.

"So... hihintayin mo siya?" I nodded again. "Sa basketball gym?" I nodded again. "Sama ako!"

Kumunot na iyong noo ko. Bakit naman siya sasama? Hindi naman masaya maghintay sa gym... Medyo maingay tapos hindi pa ako makapagconcentrate sa sinasagutan ko dahil nadidistract ako kay Saint. Ang sarap niya kasing panoorin habang nagbabasketball siya. Tsaka kahit ilang beses ko na siyang nakikitang nagdadab, sa tuwing gagawin niya 'yun, napapa-ngiti pa rin ako.

"Uh... because basketball gym is full of sweaty hot guys?"

"Di ba may something na sa inyo ni Kuya?" I asked her. Kasi palagay ko naman seryoso si Kuya sa kanya. Kahit naman ako dati hindi naniniwala na may gusto si Kuya kay Kath dahil pakiramdam ko noon ay bored lang siya. Pero kasi it's been more than a month at nililigawan pa rin siya ni Kuya. At minsan kaya nahuhuli ko sila na magkausap si phone. Ng madaling-araw.

Hindi na normal 'yun, 'di ba?

"Ew!" agad na sagot niya. "Psalm ako! Team Psalm! Team GDL!" sabi niya na pakiramdam ko naman ay sarili niya lang ang kinukumbinsi niya.

Pero naiintindihan ko naman si Kath... Kasi nga 'di ba sabi nila na the more you lie about something, the more that it becomes a part of your reality? Pero masaya ba na mabuhay sa kasinungalingan na binuo mo para lang hindi mo harapin iyong katotohanan?

Napailing na lang ako kay Kath at pinayagan siya na samahan ako sa gym dahil apparently, hindi pala pinapapasok lahat ng students para sa mga may gustong manood ng practice. Distracting daw kasi iyong ingay sabi ng coach nila. Hindi ko naman alam na ganoon pala 'yun. Akala ko kaya ako lang ang nanonood ay dahil walang may pakielam sa basketball practice nila.

Pagdating namin, start pa lang ng warm-up nila.

"Hey," bati ni Saint pagkakita niya sa akin. He was wearing his usual grin at saka may suot pa siyang headband.

Nag-ehem naman si Kath sa tabi ko.

"Oh. Hey to you, too," sabi ni Saint kay Kath.

"Nakakahiya talaga 'yung existence ko. Hindi na napapansin."

Natawa naman si Saint sa sinabi ni Kath.

"I apologize. It's just that my eyes autofocus on Mary whenever she's around," sagot ni Saint at umarte naman na nasusuka si Kath. Nagpaalam naman si Kath na mauuna na siya sa bleachers para daw mabigyan niya kami ng alone time ni Saint. E palagi naman kaming magkasama ni Saint. Malapit na nga raw kaming magkapalit ng mukha sabi ni Kuya, e. Kulang na lang daw maging kulot na rin ako para GDL na rin daw ako.

Nung makaalis na si Kath, ngumisi na naman sa akin si Saint.

"Did you bring Kath to get away from our date?" sabi niya tapos biglang namula na naman iyong pisngi ko. Ilang buwan na kasi akong nililigawan ni Saint pero ngayon pa lang kami lalabas na date talaga. Iyong iba kasi parang gumagala lang kami. Tapos ngayon pinagpilitan niya na date talaga. As in date ng dalawang tao na may mutual feelings for each other.

At may malisya na date daw.

"Hindi, ah!" mabilis na sagot ko.

"Really?" sabi niya at saka sinukat pa ako sa tingin.

Tumango ako.

"Nagpaalam pa kaya ako kila Mama na late ako uuwi..."

Humalakhak naman si Saint.

"But I already asked your parents' permission," sabi niya at kumunot naman ang noo ko dahil doon. "Mary, in everything we do, in every places we go to, your parents are always updated."

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong. Kasi kapag si Kuya ang kasama ko hindi naman siya nagpapaalam kay Mama... Minsan nga nakarating kami ng Pampanga dahil gusto ni Kuyang subukan iyong Sandbox pero hindi alam nila Mama... At hanggang ngayon hindi pa rin nila alam.

"Because..."

"Because?"

He sighed. And then smiled. Ang ganda niya talagang ngumiti. Ang puti ng ngipin niya—minsan parang fake na.

"Because I want them to trust me."

Alam ko naman na importante na may trust sila Papa sa kanya pero gusto ko lang tanungin ulit si Saint. Pakiramdam ko medyo nasasanay na kasi ako sa mga sweet words niya... Na hindi buo iyong araw ko kapag hindi ko naririnig si Saint na magsabi ng ganoon.

Pero kahit naman yata hi lang ang sabihin niya, tatalon pa rin iyong puso ko.

"Because I'm in for the long haul."

Iyon lang 'yung sinabi niya pero naintindihan ko na. Sometimes, a phrase can mean everything.

Tinanong ko rin siya kung saan ba kami pupunta pero ayaw niya talagang sabihin sa akin. Secret lang daw niya iyon pero sigurado daw siya na magugustuhan ko iyon.

"Paano mo naman alam na magugustuhan ko? Paano pa hindi?"

"Oh, I'm sure, Mary."

"Paano nga kapag hindi?"

"You'll like it, I promise."

"Bakit mo alam?"

"Because I pay attention. I may not know you for a very long time but since the moment I met you, I've had always paid attention to the littlest of things. I know that you don't like pineapples in your pizza. I know that you like to collect bookmarks. I know that you like to smell the books before actually reading them. I know that you buy books though you still have an awful lot of unread ones. I know that you—"

Nagsasalita siya pero napahinto siya.

"You're tearing up again," sabi niya na parang amused na nag-aalala.

"Ayan ka na naman kasi. Sabi mo walang perfect na tao pero bakit parang hindi naman?"

Natawa na siya sa akin.

"Because no one's perfect. Everyone has flaws."

"Ano 'yung sa 'yo?" I asked him.

"I get jealous. And territorial. And possessive. And I'm touchy. And I hug a lot. And I like to cuddle."

"Yun na 'yun?"

He nodded. Bakit... parang hindi naman flaws 'yun?

"Also... you're not my girlfriend yet. And that's my biggest flaw," sabi niya bago siya nagjog pabalik sa court. At iniwan ako na nakaawang ang labi.

His words... Really.

Medyo ilang segundo akong naiwan na nakatayo doon bago ako nagsimulang maglakad papunta sa bleachers... At dahil pa iyon tinatawag na ako ni Kath dahil magsisimula na iyong game.

"What happened? Mukha kang tanga for a few minutes. Nakatayo doon," sabi niya habang kumakain ng popcorn. Saan siya nakahanap ng popcorn?

Umiling lang ako at saka nagtry na magfocus sa laro nila Saint. Tahimik lang kaming nanonood habang pilit pinapatandaan sa akin ni Kath iyong pangalan ng mga teammates ni Saint. Ang dami kasi nila kaya medyo nahihirapan akong tandaan... Pero naaalala ko naman na mayroong Matthew, King, Ralph, Rafa, tapos iyong iba hindi ko na matandaan.

"Can I ask?" she said.

I nodded.

"What will it take for you to talk to Parker again?" sabi niya kaya napa-tingin ako sa kanya. "I mean, in due time... Hindi naman kasi pwede na always mo siyang iiwasan? Or aalis ka kapag nandyan siya? And medyo awkward kasi..."

I sighed.

"Sorry. Isang sorry lang naman."

"Ayun—"

"But he hasn't apologized yet. And I don't think he realized his mistakes."

At natahimik na si Kath.

Tapos na iyong third half at lamang iyong team nila Saint. Magka-team kasi si Saint at si GDL 4 habang teammates naman si Austin at Psalm. Nung break nila, may dumating na babae at lumapit doon si Psalm at GDL 4.

"Sino 'yun?" tanong ni Kath. I shrugged dahil hindi ko naman alam at saka masyadong malayo para makita ko iyong mukha nung babae. Nag-uusap lang sila tapos biglang lumapit din si Austin sa kanila habang si Saint ay naiwan sa kasama ng ibang teammates nila at umiinom ng gatorade.

"Tumingin siya dito!" sabi ni Kath nung tumingin sa gawi namin iyong babae na kausap nila. Hala! "Oh, my gosh she's headed here!" mahinang sigaw ulit ni Kath at kinurot niya na naman ako. May bagong pasa na naman ako dahil sa kanya.

Naglalakad iyong babae palapit sa amin pati iyong lalaki sa likod niya nung makita iyon ni Saint at halos mabulunan na siya sa iniinom niya. Tumakbo rin siya palapit sa direksyon namin pero huli na ang lahat dahil nakarating na iyong babae.

"Hi!" sabi niya.

Alanganin akong ngumiti. Medyo familiar iyong mukha niya...

"Hi din po," sabi ko.

"Don't be shy. I don't bite," sabi niya with full smile. Kagaya rin siya ni Saint na bordering on looking fake iyong ngipin dahil sa sobrang ganda. Sino kaya ang family dentist nila? "You're the Mary, right?"

Biglang nagsisimulang lumakas iyong tibok ng puso ko pero alanganin akong tumango. Magsasalita na sana ulit iyong babae pero mabuti na lang at dumating na si Saint.

"Maggie!" sabi ni Saint. "Stop harassing her!"

Biglang nanlaki iyong mata ko. Kaya pala siya familiar!

"I haven't done anything!"

"Yet!" sabi ni Saint. "What are you doing here?"

Maggie rolled her eyes... O baka dapat Ate iyong itawag ko sa kanya kasi mas matanda siya sa akin? Pero mas mukha naman siyang bata sa akin kasi ang ganda niya. Tapos wala pa siyang pores. Sino kaya ang dermatologist nila?

"Mama said we'll be attending dinner at Malacañang. So I'm here fetching you boys," sabi niya tapos lumingon sa akin. "I'd invite you but PSG is kinda strict. But when you're family na, we'll go to those boring dinners together."

Mas lalo lang yatang namula iyong mukha ko.

"Maggie!" sigaw na naman ni Saint.

"What?! As if you haven't told the entire clan about her! You kept on talking about Mary tapos when I'm dying of curiosity because of your incessant talking about her, ako pa ang mali?!"

Saint clenched his jaw at parang gusto niya ng sakalin iyong kapatid niya. Si Kath naman, balak yatang paduguin iyong kamay ko dahil kanina niya pa ako kinukurot.

"I'm not going," sabi ni Saint.

"What? No! It's unfair! I shouldn't suffer alone," sabi niya tapos bigla siyang hinawakan nung lalaki sa likod niya. "Jasper, don't touch me!"

"Take her," sabi ni Saint doon sa Jasper tapos nung nakalabas na sila ng gym, bumaling sa akin si Saint. "I'm so sorry about her."

Sasagot na sana ako pero—

"Kapatid mo siya?!"

Halos matanggal iyong tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Kath. Tumango naman si Saint na parang sanay na na ganoon ang reaksyon sa kapatid niya. Hala, ano ba ang meron?

"All this time—oh my God!"

"Mary, just. Shit. Just please forget about what she said, okay?" sabi niya tapos tinawag na siya nung coach kaya wala na siyang nagawa. "I'll explain later," sabi niya pero mukhang worried pa rin siya.

Nakaalis na si Saint pero si Kath, mukhang hindi pa rin moved on sa nakita niya. Pinabayaan ko siya hanggang sa kumalma na siya... Apparently, model pala si Ate Maggie. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman siya print ad model pero doon siya sa high fashion ramp model. At hindi alam ni Kath na kapatid siya ni Saint dahil hindi naman ginagamit ni Ate Maggie iyong Gomez de Liaño na surname. Margaret lang daw iyong gamit niya.

Pinanood namin hanggang sa matapos iyong game—actually ako lang dahil iniwan ako ni Kath agad dahil gusto raw niyang magpa-picture sa kapatid nila Saint. Kausap pa nung coach nila Saint si Saint kaya naupo muna ako sa bleachers. Nilapitan naman ako ni Psalm.

"You okay?" he asked.

I nodded.

"Sure? Maggie can be a bit extreme. Hope she didn't scare you away," sabi niya tapos bahagyang natawa.

"Okay naman siya..."

"Nah. It's okay to say that you think she's crazy because she is. Even us thinks she's been replaced when she was born. Siya lang ang maingay sa amin."

Nag-usap muna kami ni Psalm habang hinihintay ko na matapos si Saint. Medyo naging close na kasi kami ni Psalm dahil tuwing nandito ako sa gym, kinakausap niya ako habang may ibang ginagawa si Saint. Naaappreciate ko naman iyong effort niya na 'wag akong ma-out of place sa gym dahil halos puro lalaki dito tapos hindi ko naman kakilala masyado iyong iba.

After a few minutes, natapos na rin si Saint. He told Psalm to tell their parents na hindi siya makakapunta sa dinner. Medyo na-guilty nga ako dahil baka importante iyon.

"Pwede naman na bukas na lang," I told him while he was driving.

"It's okay," he answered. "They can manage. I'm not really needed there."

"Sigurado ka?"

He nodded and then for a moment, he removed his hand from the shifter and held mine.

"Yes. And Mama would understand."

Kalagitnaan ng byahe nung na-traffic kami sa EDSA. Sanay naman na ako sa traffic since tuwing gumagala kami ni Saint, parte na yata ng itinerary namin na ma-stuck sa traffic. Pero habang nasa daan kami, mayroong kumatok sa bintana. I looked and then saw a kid asking for money. I was about to get money from my purse nung maalala ko na mayroon akong napanood na documentary kung saan pinambibili lang ng drugs or worse, binibigay lang sa boss nila dahil business na pala ang panghihingi ng limos.

"What?" Saint asked. He must've felt my mood dampen. Kinuwento ko sa kanya iyong napanood ko tapos he smiled at me.

"I think I change my mind."

"Ano?"

"Perfection might really exist."

Keep calm, heart. Please. Nasa gitna tayo ng EDSA. Walang malapit na ospital.

Muntik ko ng malimutan iyong bata na kumakatok dahil sa pagtitig ko kay Saint pero mas lumakas iyong katok niya kaya napatingin ulit ako. I was really tempted na bigyan na lang ng pera... Bahala na si God sa kanila kung hindi nila gagamitin na pambili ng pagkain. And when I was about to push the window down, Saint stopped me.

"Here," sabi niya sabay abot sa akin sa food basket na nasa likod ng sasakyan niya. "There are food inside."

Kumunot ang noo ko.

"Bakit ka may ganito?" I asked.

"It was for our date. But just give it to the kid," he said and my heart clenched.

"Sure ka?" I asked and he nodded.

"I'll feel bad if you feel bad. And I know your conscience won't allow you to enjoy this night because you'll keep on thinking about them starving."

Why was he so close to perfection? If not perfect? And everyday I am thankful that I rode the wrong car that day.

"You should really change your opinion about perfection... Because I think it really does exist."

Kumuha ako ng isang sandwich at bottled water sa basket at saka inabot sa bata. Nagpasalamat iyong bata. Marami namang dala na pagkain si Saint kaya ayos lang at may makakain pa kami para sa pinlano niyang date... But I was wrong. Dahil iyong bata na binigyan ko kanina ay nagtawag yata ng iba pa niyang kaibigan kaya medyo dinumog iyong sasakyan namin hanggang sa maubos na iyong laman ng pagkain.

"I'm sorry," I sincerely said. Pakiramdam ko kasi nasira ko iyong date namin dahil pinamigay ko sa mga bata iyong pagkain namin... But I couldn't resist. They all looked starving. If Dad were here, he would've done the same. Kaya nga tuwing Christmas ang bonding namin ay magpakain ng street children, e.

Nakausad na iyong traffic at papunta na sana kami sa pupuntahan namin pero wala na naman kaming pagkain. I wanted to tell him na bibili na lang ako ng food but I knew it wasn't the same. He said he personally prepared the food. Sobrang nakaka-konsensya tuloy.

And I was surprised when we stopped at a fast food. Dahil alam ko naman na hindi kumakain si Saint sa fast food dahil hindi daw healthy.

I wanted to ask him why we were here but I was too guilty to even speak. Bumaba kaming dalawa at saka pumasok sa loob. It was already 10 in the evening at wala ng masyadong tao sa loob. We went at the cashier.

"Good evening, Sir! What's your order?" sabi nung babae na nakatingala dahil ang tangkad ni Saint.

Saint was looking at the menu tapos bigla siyang tumingin sa akin.

"What do you think?" he asked me.

I shook my head.

"Hindi pa ako nakakain dito..." I replied.

"Ako rin, e. But I think the kids will like it," sabi niya at saka bumaling sa cashier. "What is your best seller?" tanong niya sa babae. "For kids, I mean."

Mukhang naguguluhan sa amin iyong babae pero sumagot pa rin siya.

"Uhm, Sir, for kids, I recommend C3 po. Chicken Joy with rice," sabi nung babae.

Saint nodded and then said, "Okay. Can I order 100 of that?" tapos bumaling sa akin si Saint. "Do you think those will be enough?"

"Ha?"

"For the kids. Should I add more?"

Kumurap-kurap ako dahil hindi agad ma-proseso ng utak ko iyong sinabi niya.

"Sa street children?" tanong ko nung maka-recover ako.

He nodded.

"Yeah... But they're so many. Baka kulang," he said and then continued with, "Can you give me 50 more of that."

Pakiramdam ko may butterflies sa tiyan ko.

At nagwawala na sila.

"Hala, ang dami."

"It's okay. They can eat it for breakfast kung may sobra," he said like it was nothing. Na para bang wala lang na papakainin niya iyong mga bata kanina... Akala ko maiinis siya sa akin dahil sinira ko iyong date namin.

But then he did this.

And why did I feel like crying?

And hugging him?

And I'm sorry, God, alam ko po na hindi ko pa siya boyfriend pero gusto ko na lang siyang hatakin tapos halikan.

Naupo kami habang hinihintay na maayos iyong order niya. Habang nakaupo kami, yumuko ako dahil naiiyak na naman ako. Hindi ko na kasi talaga alam kung bakit sobrang swerte ko. Hindi naman ako sobrang mabait na tao... Minsan may mga masamang naiisip rin naman ako pero ganito akong ka-blessed. Sobrang saya ko sa family ko, sa mga kaibigan ko, tapos ngayon naman nandito pa si Saint.

Pakiramdam ko sobrang selfish ko na kung may hihilingin pa ako.

"Mary," pagtawag niya sa akin pero hindi ako umaangat dahil makikita na naman niya ako na umiiyak. "Are you crying again?"

"Hindi."

"But your shoulders are shaking," sabi niya tapos may nilusot siyang tissue mula sa butas sa kamay ko. "Why are you crying?"

Naka-tungo pa rin ako.

"Ikaw kasi."

"What did I do again?"

"Ang perfect mo. Hindi talaga tayo bagay."

Bigla naman siyang natawa.

"Are you kidding me? You are too perfect for me."

"Hindi ka na nga maka-totohanan, e. Fictional ka na."

"No. I'm not fictional. I'm just trying to be good because you're too good for me. And honestly? You always bring the best in me."

Kahit na hindi pantay iyong paghinga ko dahil sa pag-iyak, nag-angat ako ng tingin at saka tinignan siya.

"You always say the right words, alam mo ba 'yun?"

He nodded.

"And that's because I'm finally with the right person."

And then I cried even more. At akala yata ng mga tao pinapaiyak ako ni Saint.

Medyo matagal din kami na nasa Jollibee dahil natagalan sa order ni Saint. Natuwa rin si Saint kaya kumuha siya nung Happy Plus na card. Na hindi naman niya gagamitin dahil hindi naman siya kumakain sa fast food. Natuwa lang yata siya.

Nung natapos na iyong pagprocess sa order niya, tinulungan kami nung mga guards niya na magdala. Umorder din pala siya nung pie para daw may dessert. Muntik na nga na ice cream kaya lang matutunaw daw.

Bumalik kami sa pinanggalingan namin at mabuti na lang wala na masyadong traffic. Iyong mga guards niya ang nagtanong sa mga tao kung saan naka-tambay iyong mga street children dahil delikado kung kami ni Saint ang magtatanong. After all, diplomat pa rin si Saint. Baka maging legal dispute kung may mangyari sa kanya dito.

We followed the car hanggang sa makarating kami sa isang baranggay gym. Mayroong mga bata doon na naglalaro lang pero naglapitan sila sa sasakyan nung makita nila kami. Nasaan na kaya ang parents nila?

Naunang bumaba iyong mga guards para masigurado lang na safe. At nung okay na, they gave us signal that we could go out.

"Hi," sabi ko roon sa isang bata na nakatingin sa amin. "Nagdinner na ba kayo?"

She nodded.

"Iyong napulot po namin na tinapay sa basura kanina."

And my heart hurt for her. No one should live this way.

Saint must have noticed my reaction that was why he brought out the food. Nagkagulo naman iyong mga bata at naglapitan sa kanya. The guards were on alert but Saint told them that it's okay.

"Relax. There are plenty of food for everyone," he said.

"In Tagalog, Saint," I reminded him dahil mas sanay siya sa English.

"I mean—Ang ibig kong sabihin, 'wag magulo dahil makaka-kain lahat. Alright? Maayos?"

After a few reminders, the kids settled down. We distributed the food and Saint was smiling was doing so. I couldn't resist but to take a snap or two. At nung mabigyan na iyong lahat ng bata, we sat on the pavement while watching them enjoy their food.

"They're rowdy," he commented. I nodded. Pero gutom naman na kasi sila. "I hope our kids will be rowdy. I like loud noises. It'll make the house a home."

"Our kids?"

He nodded.

"Aren't we headed that way?"

Nanlaki iyong mata ko tapos natawa naman siya.

"Ni hindi pa nga tayo, e."

"And whose fault is that?"

"Minamadali mo ba ako?" I asked him and he shook his head.

"Of course not. I'm here to stay so take all the time you need. But not too long, please..."

"Bakit?"

"Because some of my plans for us are only applicable if we're really together," sabi niya tapos tinaas-taas niya pa 'yung kilay niya at kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan iyong sinabi niya. May hidden joke or sarcasm ba doon? Hindi kasi ako mabilis makaintindi noon...

Pagkatapos kumain nung mga bata, they entertained us by dancing. Hindi ko alam na talented pala si Saint dahil sumali siya sa kanila! Ngayon ko lang siya nakita na sumasayaw dahil binantaan niya sila Austin na 'wag ipakita sa akin iyong mga video niya na sumasayaw. He was even moonwalking! I was tempted to take a video but a bigger part of me just wanted to savor the moment.

Because I believed that in my 18 years of existence, I was the happiest at this moment. Na para bang sasabog iyong puso ko sa sobrang saya.

I was that happy.

After that, the kids continued dancing and playing while Saint returned to my side. He was sweaty kaya pinunasan ko iyong pawis niya.

"Ate," sabi nung bata. Napatingin ako sa kumalabit sa akin. "Boyfriend mo po?"

Napatingin naman ako kay Saint.

"Hindi pa, e," Saint said and then crouched down para magkapantay sila. Ang tangkad kasi talaga niya. "Pero bagay kami, 'di ba?"

The girl nodded.

"See? Bagay talaga tayo," he said and the grinned. "Ikaw ba 'yung may maraming kapatid?" tanong ni Saint dahil may nakita kami kanina na babae na maraming pinapakain na bata. Hindi lang ako sigurado kung siya iyon.

The girl nodded.

"Here. Regalo namin. Bili ka ng pagkain niyo," sabi niya tapos inabot iyong Happy Card na binili niya kanina sa Jollibee. "Hanggang next week niyo siguro 'yan pero tipirin niyo na lang para mas tumagal. Ayos ba?"

The girl nodded and then hugged Saint. Nabigla yata si Saint pero niyakap niya pabalik iyong bata. At ako? My heart was aching because I was just too happy.

"I'm sorry pa rin dahil hindi natuloy iyong date natin..."

"It's okay. We can always go on a date. And besides, I enjoyed tonight. The kids were great... I just wish their parents didn't leave them," sabi niya dahil narinig namin na iniwan na pala sila ng mga magulang nila. Saint said earlier that he'd ask his Dad if they could do something about that.

"You'll make a great father," I told him nung nagda-drive na kami pabalik. Natuwa lahat ng bata sa pagkain na dala niya kanina. I didn't even think about that pero si Saint, naisip niya iyon... Tapos palagi niyang sinasabi na ako iyong sobrang bait sa aming dalawa.

"Of course because you'll be their mother."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top