8th Drop - The Witch

Nagpakawala muli ako ng isang malamim na hininga. Hindi ko na nabilang kung pang ilang beses na ba iyon.

Sa isang iglap, bigla na lamang gumulo lahat. Actually, magulo naman talaga ang buhay ko noon pa man, mas lalong gumulo siguro ang tamang sabihin.

"Oh," rinig kong tugon ng lalakeng nakatayo at iniabot sa akin ang isang canned juice. Itinaas niya muna nang kaunti ang sleeves ng kanyang pull-over shirt saka naupo sa bench katabi ko.

"Kalmado ka na?" pagtatanong niya.

Kalma na ba talaga ako? Kaya ko na bang makinig sa mga sasabihin niya? Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan.

Hindi pa rin gaanong nagsisink-in sa akin ang mga nangyari. Ipinikit ko ang aking mga mata at muling bumulik sa akin ang mga nangyari ilang oras lang ang nakalipas.

"Audrey, stop!"

Kung sino man ang sumigaw na iyon ay nagpapasalamat ako. Natigilan si Audrey na noo'y may plano na atang patayin ako.

"Loris..." sambit niya at dahan-dahan akong binitiwan. Iyong mga mata niyang kulay lilay na parang apoy ay bumalik sa normal nitong anyo.

"Audrey," pagtawag ulit sa kanya ni Chase. Palipat-lipat lang ang tingin ko noon sa kanilang dalawa. Gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari.

Agad na tinungo ni Audrey ang exit ng CR ngunit dahil nakaharang si Chase rito, hindi agad siya nakalabas.

"Audrey," he called once again. There was something in his eyes habang tinatawag ang pangalan ng babae. His voice was tender, parang miss na miss na niya ito.

"I told you to leave me alone, Loris!" she yelled at marahas na tinulak si Chase.

He glared at me nang mawala na sa paningin namin si Audrey. Agad niya ako nilapitan at hinawakan ang magkabila kong braso.

"I told you to keep the bottle and never use it! Ang tigas ng ulo mo! Are you really that desperate?"

Wala akong naisagot at tila naestatwa pa sa kinatatayuan ko.

"A-about my parents, si Yui, si Ross... she doesn't mean that. It was just a joke, right? The thing about my loved ones? E-everything was just a joke, 'di ba?" nanginginig kong tanong. I held the side of his shirt, like I want him to tell me it was all just a dream. Sa palagay ko nga ay nagugusot ko na iyon. Ngunit patuloy lang siya sa pagsampal sa akin ng nakakatakot na realidad. 

"After everything you just saw, sa tingin mo joke time lang lahat ng iyon? Matapos mong marinig ang mga sinabi niya, matapos mong makita ang kaya niyang gawin at ang mga mata niya, sa tingin mo hindi niya talaga gagawin ang sinabi niya? Nilagay mo lang naman sa kapahamakan ang buhay mo at ng mga nakapaligid sa 'yo!"

I actually want to slap him kasi hindi ko naman hiniling iyon.

Pagkatapos noon ay hinila niya ako palabas. Hindi ko na nga nagawang pumasok sa klase. Malalagot ako, napaparami na ang mga absent ko.

"I'm sorry kanina," bulong niya.

Nilingon ko lang siya bilang sagot. Kagat-kagat niya noon ang itaas na bahagi ng kanyang labi. Diretso ang kanyang tingin at pinagmamasdan ang malawak na field ng CSM grounds.

"She's a witch," aniya. Kumpara kanina ay medyo kumalma na siya.

Pero ani ulit? A witch? Joke ba siya?

Napataas ang isa kong kilay dahil sa kanyang sinabi. "Sa tingin mo maniniwala ako? Witch? As in broomsticks, spells, cauldrons, and Harry Potter?" tanong ko. Kahit papaano ay kumalma na rin pala ako. Nagawa ko pang magtaray sa kaniya.

He looked at me with disbelief. Hindi rin naman niya ako masisisi kung hindi kaagad ako makapaniwala.

Hinubad niya muna ang salaming suot at saka nilinisan iyon gamit ang duluhan ng kanyang pull-over shirt. "Una sa lahat isang wizard si Harry Potter, pero parang ganoon na nga minus the wand. Hanggang ngayon ba naman nasa in denial stage ka pa rin? No wonder hindi ka nagustuhan ni Ross," aniya habang nililinis pa rin ang salamin.

Napatingin naman agad ako dito. Walang hiya siya. Ang tulis magsalita.

"Don't look at me like that, hindi ka na dapat nagulat na alam kong may gusto ka kay Ross. Talent ko ang mag-eavesdrop." Ibinalik na nito ang salamin sa pagkakasabit sa kanyang tainga. Ipinatong niya ang kanyang kaliwang ankle sa tuhod ng kanyang kanang paa, saka sumandal sa likuran ng bench.

And I have to agree with that. Iyong talent niya, I mean. Mabuti naman at aminado siya. Pero seryoso, hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari. Hindi naman kasi ganoon ka daling paniwalaan iyon. Kahit sino naman siguro magfi-freak-out din kung sila ang nasa posisyon ko.

"Is this real?" kalmado kong tanong. Sinundan ko na rin ang kanyang tingin at tinanaw ang ilang estudyante na nakayaka sa gitna ng field.

Napabuntong-hininga siya saka ako sinagot. "Unfortunately, yes." Napapikit na lang ako nang marinig kaniyang ang sagot, hinihiling na sana lahat ng iyon ay isang panaginip lang. Damn, ano itong napasok ko.

"I first met her in high school. She was pretty normal sa unang tingin actually," panimula niya habang nakatingin pa rin sa kawalan. Napamulat naman ako at ibinaling ang atensyon dito.

Bahagya kong ikiniling ang aking katawan upang tuluyang makaharap siya habang nakikinig sa kaniyang ikukwento.

"We got close kasi magkasama kami sa council, we got very very close. Then out of the blue she shared a secret to me," he added.

"That she's a witch?" I guessed.

Tumango siya at saka ipinagpatuloy ang kanyang kwento.

"Syempre hindi ako naniwala noong una kagaya mo. In denial din ako noong una kahit nakita ko nang nag-ibang kulay ang mga mata niya. Then she showed me kaya niyang magpalipad ng bagay, magpabago ng kulay gamit. Masaya siya noon dahil nakahanap daw siya sa wakas ng taong sigurado siyang makapagkakatiwalaan niya ng sekreto niya. Sekretong nililihim niya kahit sa sariling pamilya," mahaba niyang pagkuwento. Ramdam ko ang pag-aalangan niya ngunit mukhang mas nangingibabaw rito ang kadahilanang kailangan kong malaman ang lahat ng iyon.

"You mean siya lang ang ganoon sa kanila?" pagtatanong ko. Hinawi ko nang kaunti ang aking bangs na para bang nakakasagabal ito at naharang sa pagitan naming dalawa.

"Yes, and no. Mga witch din ang magulang at kapatid niya. She told me they were vanished from their world, and it was because of what happened to her father. Kaya't silang tatlo ng mama at ate niya ang nandito. Dapat daw nanawala ang kapangyarihan nila, but hers remain, and she asked me to keep it a secret. Syempre pumayag lang ako," tuloy-tuloy niyang kwento.

Bakit nga ba niya sinasabi ang mga ito sa akin? Para ba ma convince ako? Pero tungkol saan ba dapat ako maconvince? Whatever his reason was, mas pinili ko na lang ang manahimik at makinig sa kanya. May pagkamadaldal at story teller din pala ang lalakeng iyon.

"Akala ko ganoon lang iyon. Kaso months before college, may nangyari at nalaman ng kapatid at ina niya ang kaniyang sekreto. Inisip kong hindi naman siguro ganoon ka sama iyon, ngunit nagulat ako nang malaman ang totoo..." He paused at pansin ko ang kaunting pag-iba ng kaniyang ekspresyon. Hindi ko mawari kung ano iyon, ngunit batid kong may pag-aalala roon.

"Kinausap ako ng ate niya, at nagulat akong hindi lang pala iyon simpleng hindi lang nawala ang kapangyarihan niya. Nalaman nilang ipinagpalit niya ang kanyang buhay para sa kapangyarihang mayroon siya ngayon. Hindi ko alam kung paano iyon dahil wala rin naman akong masyadong alam sa mundo nila," patuloy niya.

"Ngunit nalaman kong hindi magandang balita iyon. When she traded her soul for that power, nakadepende na dito ang buhay niya. It became her lifeline, kaya't bawat pagkakataong ginagamit niya ito, parang binabawasan niya rin ang buhay niya," biglang naging malungkot ang kaniyang tono habang nagkukuwento.

"Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito. I tried making her promise me na huwag nang gamitin ang kapangyarihan niya, ngunit ang sabi lang niya ay hindi niya kayang gumawa ng pangakong alam niyang hindi niya rin naman matutupad. Tas bigla na lang silang nawala ng pamilya niya."

"Tapos nakita mo siya ulit dito? Wow," I commented. Wala rin kasi akong ibang maisip para isagot sa mga kwento niya. I know I might have sounded sarcastic, ngunit hindi ko iyon sadya. The information were too overwhelming. Hindi pa gaanong napa-process ng utak ko.

Pasalamat na lang ako dahil binili lang niya ang naging komento ko. Tumango siyang muli bilang sagot.

"I tried approaching her, kaso she keeps on pushing me away. She seemed to hate the idea of me kahit wala naman akong kasalanan." Napangiwi ang kanyang bibig habang nagkukwento. Kasabay noon ang pagbuga ng mabigat na hanging kanina pa niya kinikimkim. 

He loves her. Naisip ko.

Never had I imagine we'll have something in common. Parehas kaming tinataboy ng taong mahalaga sa amin. Parehas kaming bigla na lang nagbago ang taong mahal namin. I couldn't blame him kung nasasaktan man siya ngayon, alam ko kasi ang pakiramdam.

"Kamakailan ko lang nalaman na ginagamit niya pa rin ang kapangyarihan niya. I don't understand why she keeps on doing this. Kahit alam niyang buhay niya ang kapalit nito. Maurice, every magic she does, every magic of hers na nilalabas niya, nababawasan ang buhay niya. At mas mabigat iyon sa tuwing nasisira ang salamangka niya," alalang-alala niyang tugon.

Naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Chase na itapon ko iyong potion. Naiintindihan ko na rin kung bakit galit na galit si Audrey noong sinayang ko ang iyon. Now, I understand what she meant when she said she had put what's left with her inside that potion. Ang hindi ko lubos maunawaan kagaya ni Chase ay kung bakit niya ito ginagawa, at bakit ako?

"Maurice, you have to help me. I don't want to lose her, ayaw kong mapahamak siya," he pleaded. I was surprised to see that side of him. His dark brown eyes were so determined and at the same time it was also in pain.

Kaya lang may mali ata. Maraming beses akong napakurap at hindi makapaniwala itong tinitigan.

"Paano naman ako? Ako pa nga ang dapat mong tulungan, narinig mo naman siguro ang banta niya kanina sa akin. She's threatening the lives of my family, at wala akong ginawang masama sa kanya. I don't know why she's doing this to me!" I started sounding a little hysterical. Dala iyong ng sobrang pagkabahala. Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang hawak ko sa canned juice kaya't bahagya iyong nagupi.

"May alam ka ba?" nagbabakasakali kong tanong.

He heaved a sigh, sa hindi ko na mabilang na beses at muling nagsalita, "Gaya ng sinabi ko wala rin akong alam kung bakit niya ito ginagawa. But I also don't want to lose her dahil dito..." Sanadali siyang natigil at mukhang may malalim itong naisip.

Kasunod ay marahan niyang kinalas ang pagkakatiklop ng kaniyang mga braso at itinukod ang dalawang kamay sa upuan ng bench.

"So, we'll help each other then," kumbinsi niya.

I stared at him for a moment and secretly prayed how I want everything to be just a freakin' dream. "How are we even going to stop her? Ano ba sa tingin mo ang magagawa natin? Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Hindi ko alam kung bakit ipinagpipilitan niyang ipainom ko kay Ross iyon," pag-amin ko at napatingin sa maliit na bote sa palad ko. Kaparehong-kapareho iyon sa nauna at naroon pa rin ang mga kumikinang na elixir. 

"I don't know. But I know we'll figure something out. Susubukan ko siyang kausapin, or hahanapin ko ang pamilya niya kung saan man sila lumipat," determinado niyang tugon. Ang postive, sana lang ay mahawaan ako ng energy niya.

I looked at him and adored how determined he was to protect and take care of her. I envy her. Sana lang ay ganoon din si Ross sa akin.

"For the mean time itago mo lang muna iyan at 'wag mong gagamitin. This time susundin mo na 'ko. You have to trust me," he said pointing the small bottle on my hand.

I gave him a nod. Of course wala na akong planong gamitin iyon, baka lalo lang lumala ang mga nangyayari. Pero sa kabilang banda, natatakot din ako para sa mga mahal ko. Paano kung may bigla na lang gawin si Audrey sa kanila sa oras na malaman niyang hindi ko pa rin ginagamit ang potion?

"Let's keep everything a secret, okay? Ayaw kong mapahamak si Aud."

I was unable to hold back and rolled my eyes. Ilang beses na ba nitong sinabing ayaw niyang mapahamak si Audrey? Masydo naman ata itong paranoid. 

Gusto kong isipin na ang selfish niya dahil puro si Audrey lang ang iniisip niya, pero hindi naman ganoon ang kaso dahil tutulungan niya rin naman ako.

"Fine. As if naman may maniniwala sa akin," sagot ko at nagkibit-balikat.

"I'll help you, Maurice. But you have to help me too," sincere niyang sabi.

Matapos ang mahabang usapan naming iyon ay kaagad akong nakipagkita kay Yui kinagabihan. Inaya ko ito ng dinner.

"Wow, this is the first. Ikaw ngayon ang sumundo sa akin," sabi niya at pabirong tumawa.

Agad akong yumakap sa kaniya.

"Woah! Hey, what's going on? May taning ba ang buhay mo at bigla ka nalang yumayakap? Nabagsak ka ba sa majors mo?" pagbibiro niya.

Natawa ako habang yakap-yakap pa rin ang kaibigan.

Sana maging okay lang ang lahat. Sana walang mangyaring masama, Yui.

Sana. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top