29th Drop - One Last Straw
Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahilata sa kama ni Yui. Nag-aya siyang mag-movie marathon at hinihintay na lang namin si Chase. May tinapos lang kasi ito ngunit papunta na raw naman siya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at naalala ang mga pinag-usapan aming ni Audrey kahapon.
Naguguluhan ako.
***
Matapos iyong sabihin ni Audrey, tumungo kami sa isang sulok ng gym. Kung saan maari kaming mag-usap nang pribado.
"Kailangan ninyong makalimutan lahat," dire-diretso niyang sabi na para bang nagmamadali.
Napalingon ako sa kaniya at inayos ang aking upo, "Ha?" naguguluhan kong tanong.
Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita, "I need you to drink a Forgetting Potion. Kailangan niyong makalimutan lahat ng tungkol sa akin, sa mundo namin, sa gayuma, lahat," aniya.
Napadistansya ako mula sa kaniya nang maipaliwanag niya nang maayos ang kanyang hiling.
Kahit hindi pa niya napapaliwanang ang dahilan kung bakit, ay hindi ko na gusto ang hiling niya. Hindi naman ganoon ka dali iyon. Hindi niya basta na lang maasahan na pumayag ako kaagad. Na kakalimutan ko na lang ang lahat ng pinagdaanan kong iyon.
Siguro ay may maganda rin naman iyong magagawa sa akin. Na tuluyan na lang kalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko dahil sa mundo nilang iyon.
Ngunit kapag tinanggap ko iyon ay para na rin akong mamumuhay ulit sa kasinungalingan. Kagaya ng apat na taon na kinuha sa akin ng gayumang iyon.
Napakadaya lang. Napakadayang nahilingin niya iyon.
"Audrey, pero–"
"Pumayag na si, Loris," singit niya.
Ano?
"Reese, umabot sa mundo namin ang mga nangyari. Isisisi nila sa akin ang kapahamakang nangyari sa isang mortal dahil sa isang kagaya ko, lalo't nalaman na rin nilang hindi ako nawalan ng kapangyarihan," dagdag niya. Mabilis niyang inilahad ang mga bagay na para bang hinahabol siya ng oras.
Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Bumalik ako sa dating pwesto at umayos ng upo. "Pero bakit kailangan alisin ang memorya ko tungkol sa nangyari?" nagtataka kong tanong.
"Hindi lang ikaw, Reese. Lahat kayo. Ikaw na lang ang nakakaalala pa," bigla niyang bagsak ng katotohanan.
Ha? Paanong... kung ganoon...
"Hindi ka na naalala ni Chase," sambit ko sa napagtanto.
Kaya pala, kaya pala hindi maintindihan ni Chase ang tanong ko sa kaniya noong nakaraan. Kaya pala nakakunot ang mga noo niya noong banggitin ko ang pangalan ni Audrey.
Marahan siyang tumango sa akin. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan kahit hindi niya iyon sabihin.
"Kapag nalaman nilang may koneksyon kayo sa akin, maaring gamitin nila kayo, saktan, pati na ang pamilya ko..."
Nasagot na nito ang iilan sa mga tanong ko ngunit naguguluhan pa rin ako, "Ngunit bakit? Bakit ikaw lang? Bakit kami madadamay?"
Hindi nakaligtas sa akin ang mga mapapait na ngiting binibitawan niya noon. Na parang inaalala ang napakapait na katotohanan.
"Madaya rin ang mundo sa akin, Reese. Mas madali para sa kanila na isisi sa amin, sa akin lahat kumpara sa anak ng isa sa mga makapangyahirang ka-uri namin," paliwanag niya. Kahit hindi niya banggitin ang pangalan ay pakiramdam kong kapatid ni Ross ang tinutukoy niya.
Gusto ko noong isipin na nagpapaka-selfish lang si Audrey at kinukumbinsi lang ako noon para sa pansariling kagustuhan, ngunit hindi naman iyon ang kaso. Sa halip ay isinasakripisyo niya ang sarili upang maprotektahan kami at ang pamilya niya.
"Paano mo napapayag si Chase?" nagtataka ko ring tanong.
"Sinabi ko sa kaniyang para sa ating lahat itong gagawin ko. Maiiwas ko kayo sa kapahamakan, at hindi kayo magagamit laban sa akin sa araw ng paghahatol," sagot niya.
Paghahatol? Kung ganoon...
Bago ko pa man ito matanong ay kinumperma na niya ang hinala ko gamit ang kanyang mga tingin.
"Kagaya ng nangyari noon sa aking inosenteng ama, haharap akong muli sa hukumang iyon." Kahit hindi ko sigurado kung ano ang set-up ng mga kagaya nila sa mga ganoong bagay, pakiramdam ko'y mukhang hindi maganda iyon.
Malungkot, malungkot siguro para sa kaniya ang hindi na maalala ng kaibigan. SIgurado akong naging mahirap din ang desisyong iyon para kay Chase.
"Wala na ring alaala tungkol sa akin ang kaibigan mong si Yui."
Kung ganoon ay totoong ako na lang yata ang may natitirang alaala tungkol sa mga nangyari. Teka...
"Si Ross?" bigla kong alala sa kaibigan.
"Kinuha siya ng kanyang ama, Reese. Nasa mundo namin siya ngayon kasama ang kanyang ina," sagot niya. Ngunit paano, hindi pa naman ganoon ka tagal noong nakausap ko ang mama ni Ross.
"Hindi niya ina ang nakausap mo, ngunit isa sa mga tao ng kanyang ama. Suot lamang nito ang mukha ng babaeng iyon," sagot niya sa tanong na hindi ko pa nailalahad.
Bahagyang napanganga ang bibig ko sa narinig. Ang gulo-gulo ng mundo nila. Sumasakit yata ang ulo ko. Hindi ko akalaing kaya nilang gawin ang mga iyon. Nakakatakot.
Mayamaya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon at ibinalik iyong paminsan-minsan ay wirdo niyang ngiti, na siyang lagi niyang ginagamit kapag tinatakot ako. "Napahaba yata paliwanag ko. Paano, payag ka na ba?" tanong niya. Tanong niya na parang hindi ganoon ka bigat ang hiling sa akin at para na rin sa kaniyang sarili.
"Pwede bang dalawang araw muna?" hiling ko sa kaniya.
Tumango siya at pinagbigyan ako. Nagpasalamat na rin ako dahil hiningi niya pa rin ang permiso ko kahit pwede naman niyang gawin iyong ng hindi nagpapaalam.
I may have read Audrey wrong noong nakilala ko siya. She really is something more. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit naging matalik silang kaibigan ni Chase.
"Paano ka? Ang kapangyarihan mo? Hindi ka naman siguro biglang matutulog na lang ulit ng walang kasiguraduhan kung gaano ka tagal 'di ba? Paano ang magiging hatol sa iyo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Ngunit ang tangi niya lang isinagot sa akin ay isang tipid na ngiti at, "Magiging maayos din ako, Reese." Kahit siya ay mukhang hindi rin sigurado basi sa kaniyang reaksyon.
Sa mga sinabi niyang iyon, hindi ko na alam kung paano pa tatangi rito.
Muli siyang tumingin ng diretso sa akin at nagsalita. "At saka, Reese," panimula niya, "totoong sinubukan ni Ross hanapin ang kapatid niya. Nakita ko iyon sa alaala niya. Ngunit ang hula ko ay kasabay iyon ng mga panahon na..."
"Na nakagawa ito ng kasalanan sa inyong mundo na siyang isinisi niya sa ama ko. Kaya hindi na ulit ito muling nagpakita sa kapatid at bumalik sa mundo ninyo. Baka gusto mo lang malaman," dugtong niya.
Hindi ko alam kung bakit niya pa iyon ibinahagi. Makakalimutan ko rin naman lahat. Ngunit ngumiti pa rin ako rito bilang pasalamat.
"Sabihin mo lang kapag handa ka na. Isang patak lang noon at mawawala na lahat ng alaala mo tungkol sa mundo namin."
Isang patak.
Sa isang patak lang din pala magtatapos ang lahat.
***
Noong dumating na si Chase ay nanood na kami ng Trolls. Nagpupumilit kasi si Yui dahil hindi pa raw niya iyon napapanood.
Habang nakapatay ang mga ilaw at tanging sinag lang mula sa laptop ni Yui ang mayroon, mayamaya akong napapalingon sa gawi ng katabi kong si Chase.
Iyon ang huling gabi. Huling gabi na maalala ko ang mga nangyari.
Ang gayumang ibinigay ni Audrey na hindi naman pala gayuma. Ang paraan kung paano ko nakilala si Chase. Ang pagtuklas ko na sa apat na taon kong pagkakagusto kay Ross, hindi pala totoo ang lahat ng iyon at ako pala ang nasa ilalim ng gayuma.
Iyon ang huling gabi na maalala ko lahat. Na sa isang patak na sinabing iyon ni Audrey ay napunta ako kung nasaan ako ngayon.
Matapos manood ng palabas ay napagpasyahan ng dalawa na maglaro ng Rules of Survival sa kani-kanilang mga laptop. Habang ako ay mas pinili na lamang na manood.
Napapagitnaan ako noon ng laptop ni Chase na nakapatong sa maliit na mesa at siya naman sa aking likod habang nakayaka sa sahig.
"Hindi ko talaga gets itong larong ito," komento ko habang pinapanood silang dalawa ni Yui.
Narinig ko lang silang tumawa. Ipinatong ni Chase ang kaniyang baba sa aking balikat, habang nakakulong ako sa gitna ng mga kamay niyang nasa keyboard at mouse.
"'Yon!" masigla niyang sigaw noong manalo raw sila. Sa totoo lang, 'di ko rin gets paanong nangyaring nanalo sila ni Yui. Wala talaga akong kalam-alam sa larong iyon.
"Alright!" masayang sigaw ni Yui at naki-high-five kay Chase.
Bigla-bigla ay natigilan ako noong maramdamang may dumampi sa pisngi ko. Noong lingunin ko ang suspect ay ningisihan lang niya ako.
Napangiti na lang din ako noong makita ang napakasigla niyang mukha.
Saka ako napaisip.
Walang katapusan na problema ang binibigay sa atin ng mundo. At minsan hindi na natin napapansin na mayroon din naman pa lang magagandang nangyayari kahit paano, kasabay ng mga problemang iyon.
In my case, it was Chase.
Life is a never ending confilict. So, I'll just chose to move forward.
Bukas, sa isang patak, magbabagong muli ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top