28th Drop - The Witch Is Not Yet Done
I was relieved when Audrey did not do anything suspicious the days, weeks, and months thereafter. Mukhang normal naman na ang pakikitungo niya sa akin. Minsan ay mabait dahil nakokonsensya raw siya sa nangyari sa akin, minsan ay napagtitripan pa rin akong takutin.
Audrey is still Audrey. Minsan creepy, minsan mabait.
Napatingin ako sa litratong kinuha sa fund raising event namin noong nakaraang sem. Nakaakbay si Chase sa akin at suot naming anim ang aming mga matatamis na ngiti kahit na pawis na pawis.
Dalawang buwan na ang nakalilipas simula noong mga nangyari.
Things went smooth so far. Maliban na lang na nawala ako sa Dean's List. Hindi ko rin naman mai-expect na hindi bumaba ang grades ko sa mga nangyari noong nakaraan.
Minsan nga ay napapatanong pa rin ako kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon. Often times, it still feels surreal. Na para bang hindi iyon nangyari.
Isinarado ko ang aking bag at lumabas na mula sa aking kwarto. Itinali ko ang noo'y hanggang balikat ko ng buhok habang palabas ng dorm. Sa lobby ay naabutan ko si Macey na kakaalis lang mula sa harap ng mini snack bar.
"Sabay na tayo?" aniya noong mahagip ako. Kaagad ko rin naman siyang sinagot ng tango. Magkaklase ulit kami sa isang general subject kaya't sabay na kaming tumungo sa klaseng iyon.
Naglabas siya ng yakult mula sa kaniyang bag at iniabot iyon sa akin. "Sabi ni Ross bilhan daw kita nito, babayaran niya lang daw ako," aniya na bahagyang natatawa.
Kahit nagdadalawang-isip ay tinanggap pa rin ang inumin mula sa mga kamay niya. "Salamat," bulong ko sa kaniya.
"Bakit nga pala nagtransfer si Ross? Akala ko okay na kayo," curious niyang pagtatanong. Hindi ko alam kung paano talaga sasagutin iyon.
Para namang madaling sabihin ang nangyari noong nakaraang sem. Hindi ko rin naman sigurado bakit biglang hindi na bumalik si Ross at nabalitaan ko na lang sa mama niya na nag-transfer na pala siya sa ibang university.
"Baka mas gusto niya talaga roon sa bagong pinapasukan niya ngayon," lusot ko. Pero sa totoo lang ay mayroon naman akong hula kung bakit bigla na lang umalis si Ross. Ayaw ko lang isipin na iyon dahil napaka-vain ko na sigurong pakinggan.
Napalingon akong muli sa direksyon ng katabi ko habang binubuksan ang Yakult na bigay niya – ni Ross nga pala. "Musta thesis?" pangungumusta ko sa kaniya.
Agad namang nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha na akala mo ay binagsakan ng langit at lupa. "Mamamatay na siguro ako," pabiro niyang tugon. Nasa huling semestere na rin naman kasi siya ng kolehiyo kaya't malamang sa malamang ay sobrang stress na siya noon.
***
Dahil weekend kinabukasan ay nagpasama si Yui sa National Bookstore para bumili ng art materials para sa isang klase. Dahil plano ko rin namang umalis sa araw na iyon ay pumayag ako rito.
"Kumusta kayo ni Chase?" bigla niyang pangungumusta habang abala sa pamimili ng paint brushes. Ikinabigla ko ang kaniyang naging tanong at naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.
Kahit kalian ay napakadiresto talaga ni Yui.
"Ha? Bakit anong meron sa aming dalawa?" pasimple kong sagot at inilibot na rin aking mga mata sa mga nakadisplay na art materials.
Tumaas ang kanyang kilay at humarap sa akin habang ako ay nakayuko pa rin. "Tigilan mo ko diyan sa pag-iwas mo ng tanong," aniya.
"You obviously like each other. Anong nangyari? Bakit parang wala kayong progress," patuloy niya.
Nagkibit-balikat ako sa kaniya at tinulungan na lang siya sa pamimili.
Hindi ko rin sigurado. We both stopped and got stuck midway. Siguro kahit hindi ko man aminin ay nag-inflict ng trauma iyong mga nangyari sa akin.
I'm afraid of trusting my feelings again. So hindi ko alam. We just decided to go with the flow. Kaso iyong flow namin, walang current. Siguro ay binibigyan lang din ako ni Chase ng panahon
Ang dami ko ring tanong pa sana tungkol sa mga nangyari, mga tanong na mukha hindi agad masasagot. Kagaya na lang kung anong nangyari roon sa kakambal pala ni Ross, bakit ganito, bakit ganyan. Hinayaan ko na lang na panahon ang magdesisyon kung kalian masasagot ang mga tanong na iyon.
Habang nakapila si Yui sa counter ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Chase.
From: Chase
Dito na 'ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa iyon.
"Yui, alis na ako. Nandon na raw siya," mabilis kong paalam sa kaibigan.
Hindi ko na pinansin ang mga makahulugan niyang tingin at lumabas na ng NBS para salubungin si Chase sa may entrance ng mall.
"Hi," bati niya kaagad nang makita ako. Nakapamulsa siya nang maabutan ko. Simpleng puting shirt at semi-skinny jeans lang ang kaniyang suot ngunit napakalakas ng appeal sa kaniya. Idagdag mo pa riyan ang salaming bumabagay rin naman sa kaniya.
"Saan na tayo?" tanong ko. Inayos niya munaang nagugulo kong bangs. Muli ko kasi iyong ginupitan noong bakasyon kaya't hindi na nito natatabunan ang mga mata ko at hindi na kailangang i-clip.
Umakto siya na parang pinag-iisipang maigi ang mga pwedeng gawin sa mall. Wala naman talaga kaming matinong plano kung ano talagang gagawin namin. Bigla na lang siyang nag-aya, at dahil wala pa naman masyadong gagawin sa eskwelahan ay kaagad din akong pumayag.
Nang mukhang may ideya na siyang nasagap ay kinuha niya ang kaliwa kong kamay ay nagsimula ng maglakad. "Pasama na lang muna sa Payless, may titignan akong sapatos," aya niya at sumabay na rin ako sa kaniyang mga hakbang.
Matapos makapaglibot-libot sa mall at mamili ng mga napagtripan naming gamit, nag-aya siyang pumunta sa Pawesome, isang dog café na nasa 4th floor ng mall.
Nagbayad muna kami ng entrance, saka nakipaglaro sa mga aso sa loob. Mayroon silang hiwalay na silid kung saan maaari kayong makipaglaro sa mga aso nila, sa gilid lang rin noon iyong mismong café.
Kinuha ko mula sa sahig ang asong si Arya, isang Pug, at kinarga ito. "Chase tignan mo, galit na galit siya sa iyo," natatawa kong sabi habang hinihimas-himas ang likod ni Arya.
Napalingon sa akin si Chase na noo'y nakikipaglaro naman sa isang Shih Tzu. "Sa iyo iyan galit kasi di ka raw magaling magmasahe," aniya at lumapit na sa amin. "'Di ba? Ang gaspang ng kamay niya?" tanong niya sa asong hawak ko.
Aba't! Dahil doon ay nakatanggap siya ng hampas mula sa akin. Nakipaglaro lang kami roon at panay ang pagkuha ng mga litrato sa loob ng isang oras. Naiiyak pa ako noong nagpaalam sa Pomeranian na si Amanda dahil napaka-clingy nito sa akin.
Doon na rin namin napagpasyahang maghapunan sa parehong café dahil nagsi-serve naman sila ng mga meals.
Habang hinihintay ang mga inorder namin ay napansin ko ang nagulong buhok ng kaharap ko kaya't inabot ko iyon upang ayusin.
"Para kang pinagkaisahan ng mga aso sa buhok mo," natatawa kong sabi.
Ipinatong niya ang kaniyang parehong braso sa ibabaw ng mesa at umusog sa direksyon ko upang mas maabot ko iyon. "Gwapo ko raw kasi kaya pinagkaguluhan," aniya at kumindat pa.
Napangiwi ako sa sinabi nito, "Asa ka."
Matapos mapagtripan ang buhok niya ay kasunod kong pinakialaman ang kaniyang salamin. Kinuha ko iyon mula sa pagkakasabit sa kaniyang tainga.
"Masyado bang malabo kapag wala kang salamin?" tanong ko sa kaniya habang nililinis ang salamin.
Hindi siya sumagot kaya't iniangat ko ang aking mga tingin at nahuli siyang seryosong nakatulala sa akin.
Marahan kong ibinalik ang kaniyang salamin at muling inayos ang kaniyang buhok.
Pakiramdam ko'y natigil ako sa paghinga noong kuhainin niya ang kamay kong iyon at hinawakan ng mahigpit. "Chase," pagtawag ko. Tumatagos ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. Pakiramdam ko ay natigilan ang puso ko.
"Warn me next time, kapag may plano kang pahintuin ang puso ko," nahihiya niyang bulong.
"Ayaw kong mamatay dahil sa kilig," dagdag niya at ginulo ang buhok ko. Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na siya. Natatawa na lang ako sa kalokohan niya.
"Bili tayo ng isaw mamaya," pag-aaya niya na masaya kong sinang-ayunan.
"Dadalhan mo rin ba si Audrey?" bigla kong tanong. Naalala ko kasi na nasabi niyang paborito ni Audrey ang isaw.
Ilang segundong natahimik si Chase at nagtataka akong tinignan. "Ha?" tanging sagot niya.
Nangunot na rin ang noo ko noon. Hindi ko alam kung lutang ba siya or hindi niya lang talaga narinig.
Nakataas ang kilay kong inulit ang sibani. "Sabi ko, dadalhan mo rin ba si Audrey," pag-ulit ko ng tanong.
Ngunit mas lalo lang siyang nagbigay ng nagtatakang tingin, "Sino?"
"Ay ewan ko sa iyo," pagsuko ko.
Naging mahaba ang linggong iyon dahil kay Chase. Pakiramdam ko ay sobrang daming nangyari dahil sa sobrang daming pakiramdam na ibinibigay niya sa akin. Nababaliw na siguro akong muli.
Wala naman na ang epekto ng gayuma pero minsan ay natatakot pa rin ako lalo na kapag nararamdamnan ang mga pamilyar na pakiramdam kagaya ng ganoon.
Noong nag-Lunes ay inihanda ko ang sarili para sa aming P.E class. Dahil Lunes lang ang schedule ng P.E namin na Volleyball ay three hours ang klaseng iyon. Ayos lang naman dahil masaya namang mag-Volleyball.
Ang problema ko lang talaga ay iyong pag-serve. Sure, maayos akong mag-recieve, ngunit ewan ko dahil natityempohan lang talaga na nakakapasok ang mga serve ko kung minsan.
Nilalakasan ko naman ngunit mukha may problema talaga sa mga kamay ko.
Halos naroon na ang lahat ng mga kaklase ko noong makarating ako sa gym. Nadatnan ko si Audrey na nakapwesto sa isa sa mga bench kaya't tumango ako bilang pagpansin sa kaniya.
Ngunit si Audrey bilang si Audrey ay inirapan lang ako. Ang hirap talaga basahin ng babaeng iyon.
Hindi ko na lang din siya pinansin dahil nagsimula na ang klase.
Matapos ang mahabang larong iyon ay dumiretso ako sa ikalawang palapag ng gym upang maghilamos at magpalit ng damit. Nasa second floor kasi ang CR para sa mga babae.
Noong pababa na ako at nasa huling pangatlong hakbang na sana, maling paa ang naapak ko kaya't bahagya akong nawala sa balanse.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, inaasahan ang aking pagbagsak. Ngunit laking gulat ko nang ilang segundo na ang nakalilipas at hindi ko pa rin naramdaman ang malamig na semento.
Ibinuka ko ang aking mga mata at nakita ang mga lilang mata niyang iyon.
"Audrey," sambit ko sa kaniya, kasabay ng mahina niyang paglapag sa akin sa semento gamit ang kaniyang kapangyarihan. Isang metro ang kaniyang layo mula sa akin at para akong nakalutang sa hangin noong gawin niya iyon.
Napalingon ako sa aking paligid at mukhang wala namang nakapansin sa nangyari.
"Salamat," bulong ko noong makalapit siya.
"Pambayad ko na iyon sa iyo," aniya. Sa tuwing may mabuti talaga siyang ginagawa sa akin ay lagi na lang niyang isinisingit na ginawa niya lang iyon upang pambayad sa mga nanyari noon.
Tatalikod na sana ako nang tawagin niyang muli ang pangalan ko. "Reese, may pabor ako," aniya. Wala na ang mga kulay lila niyang mata. At sa mga tinging ibinibigay niya noon, mukhang kailangang-kailangan niya ang tulong ko.
Napalunok ako ng ilang beses bago siya nasagot, "Ano iyon?"
Masama ang kutob ko.
"I need you to help me," determinado niyang tugon.
Just when I though all the magics were over, hindi pa pala. Ewan ko dahil masamang-masama ang kutob ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top