23rd Drop - What He Kept From Her

MAURICE'S POINT OF VIEW

Biyernes ng gabi noong mag-alok si Yui na mag-overnight ako sa boarding house nila. Agad din naman akong pumayag dahil marami-rami na rin ang utang ko sa kaibigan. Dali-dali akong humingi ng overnight slip mula sa dorm at ipinaalam sa mga magulang ko iyon.

Sa gabi ding iyon, habang nakatambay sa silid ni Yui, ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Chase.

From: Chase

Pumayag na si Audrey 😊 Ibibigay niya raw sa 'yo sa loob ng tatlong araw.

Basa ko sa itinext niya.

Tatlong araw mula noon. Kung ganoon ay sa Lunes. Marapat ko na sigurong ihanda ang sarili ko sa maaring maging reaksyon ni Ross. Sa mga maaring magbago.

Lumapit ako sa gawi ni Yui at ikinuwento ang tungkol doon. Nangako ako sa kaniya na hindi na ulit ako maglilihim, at gusto kong panindigan iyon.

"Maybe you could spend time with Ross ngayong weekend," suhesyon ni Yui.

Alam kong hindi talaga siya sang-ayon sa mga inaakto ko pagdating kay Ross but hearing her suggest that, gustong-gusto ko siyang ikulong na lang sa yakap buong araw.

Talagang naiintindihan niya ako at mahal na mahal ko babaeng ito. I sure did give her a hug and whispered, "Thank you, Yui."

"Basta't tama na pagkatapos nito, ha? Hindi mo na ipagpipilitan," paalala niya.

Tumango ako at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kaniya. We spend the rest of the night binge-watching movies mula sa laptop niya. Nagkwentuhan lang din kami hanggang sa nauna na siyang nakatulog.

Kinabukasan ay nag-aya ako kay Ross na gumala sa kung saan. Itinuring ko iyong panghuling pagkakataong pagbibigyan ko ang sarili.

"Ito pa oh," sambit ni Ross at inilapag na naman ang isang hiwa ng pizza sa pinggan ko.

Ngiting-ngiti siya at masayang-masaya raw dahil ako ang nag-aya sa kaniya.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Masusuot pa kaya niya ang ngiting iyon pagkatapos? Madadagdagan na naman ba ang rason kung bakit niya ako itinutulak palayo noon?

"KTV tayo pagkatapos?" pag-aaya niya bigla.

Mabilis ko namang itinango ang ulo ko sa kaniya bilang sagot.

But maybe I was more hopeful too. Lalo na noong nalaman kong nagpapanggap lang naman pala sila ni Macey.

Kaya ako pumayag. Dahil baka hindi lang din talaga kaibigan ang tingin sa akin ni Ross.

Noong pareho na kaming napagod at napaos kaka-kanta'y sunod naman kaming gumala sa people's park.

Naalala ko, madalas kaming gumala sa mga ganoon sa amin kapag bigla na lang kaming dinalaw ng inip. Lalo na tuwing bakasyon.

Pakiramdam ko ay buong buhay ko na siyang nakasama dahil sa mga memories namin noon. Napakalaking parte ang iniwan niya sa buhay ko. At hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon.

"Picture tayo dali,'' pag-aaya ko sa kaniya na agad din naman niyang pinagbigyan.

Pareho kaming pumwesto sa isang cute na rebulto ng paru-paru sa park at ngumiti sa harap ng camera. Matapos iyon ay nagpatuloy lang kami sa walang katapusang paglalakad.

Iginawi ko ang aking paningin sa gallery ng cellphone ko.

I should have taken more pictures with him. Dahil iyon, sigurado akong magtatagal at hindi magbabago.

Ross held my hand and intertwined our fingers as we walked. Noong tignan ko siya ay hindi niya pa rin maialis ang mga ngiting iyon sa labi.

Sana ay hindi mawala ang mga ngiting iyan para sa akin.

Nag-alala ako nang bahagyang lumungkot ang mukha niya. Nahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"I'm really sorry... sa nagawa ko noon," aniya. He was looking at me with those eyes again. Paulit-ulit na humihingi ng tawad sa bagay na nagawa niyang hindi ko naman alam.

Naalala ko ang mga sinabi niya noon sa akin, noong sabay kaming umuwi para sa death anniversary ni Kuya.

"You will never understand, Reese."

"...hind lahat ng bagay naaayos."

"I'm sorry if I'm hurting you."

Ano ba kasi talaga ang nagawa mong iyon, Ross? Bakit kami umabot sa ganoon?

"Sana ay mapatawad mo pa ako," bulong niya at niyakap ako. Hindi alintana sa kaniyang nasa kalagitnaan kami ng park at may ibang nakatingin.

Ako din Ross. Sana mapatawad mo ako. Dahil kahit hindi ko naman talaga unang layunin na bigyan ka ng gayuma, aaminin kong naging sakim ako.

Halos buong araw kong kasama si Ross, kasama siya habang iniaalis muna sa isipan ang mga kasunod na pwedeng mangyari.

Nang maihatid ako ni Ross at nakapasok na sa dorm ay kaagad kong ipinaalam ang plano kay Chase sa Lunes. Itinext ko sa kanya ang eksaktong lugar at oras.

***

"Here," bungad ni Audrey at iniabot sa akin ang isang bote ng tubig.

"Siguraduhin mo lang na maiinom iyan, kahit kalahati lang," dagdag pa niya.

Naroon kami sa hindi gaanong mataong parte ng CSM grounds. Akala ko noo'y si Chase ang magbibigay sa akin ng gamot ngunit ikinabigla kong si Audrey ang dumating at humarap sa akin.

Matapos niya iyong ibigay ay sinuri ko iyon kagaya ng pagsuri ko noon sa potion na kaniyang ibinigay.

"Sorry rin," bigla niyang sabi kaya't napalingon ako sa kaniya. "... for dragging you into this mess," aniya.

Agad din naman siyang tumalikod at iniwan na ako sa pwesto kong iyon. Hindi ko pa pala natatanong sa kaniya kung ano ba talaga ang pakay niya noon, bakit si Ross, at kung ano-ano pa. Saka na lang siguro pagktapos.

Alam kong bakante si Ross sa oras na iyon kaya't tinyempuhan kong noon iyon ibigay.

Itinext ko na siya at tinawagan upang masigurong makakapunta siya. Masaya naman niyang pinagbigyan ang hiling ko at nag-text na makakarating daw siya sa loob ng limang minuto.

Limang minuto. Limang minuto at mawawala na ang bisa ng gayumang iyon.

Ilang sandali akong naghintay at nakarating din siya sa wakas. Dalawang minuto siyang nahuli sa ipinangakong oras.

"Hi, anong meron?" masayang bati ni Ross sa akin at naupo sa tabi ko.

Ibinalik ko sa kaniya ang mga ngiting iyon, at nagkwentuhan muna kami.

Palihim kong isinasaulo ang mga tawa at ngiting iyon. Mga tawa at ngiting maaring bigla na lang maglaho.

Noong pakiramdam ko'y oras na at nakatigum na ako ng sapat na lakas ng loob, mas hinigpitan ko ang hawak sa bote ng tubig at iniabot iyon sa kaniya.

"Ross..." pagtawag ko pa lang sa kaniya at akmang iaabot na ang inumin.

"Sandali," bigla naming rinig noong maiharap ko na kay Ross ang bote ng tubig.

Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng pamilyar na boses at laking gulat ka nang mapagtanto kung sino iyon.

Teka, anong ginagawa niya?

Agad na may sumunod sa kaniya at pansing kong pamilyar din ang pigura nito.

Audrey. Chase. Bakit naririto sila?

"Audrey, anong ginagawa mo?" rinig kong bulong ni Chase kay Audrey. Ngunit hindi iyon pinansin ng babae at nakatingin lamang sa aming pareho ni Ross.

"Why? What's going on?" tanong sa aming lahat ni Ross. Takang-taka kung bakit hindi maipinta ang mga mukha naming tatlo.

Ipinako ni Audrey ang kaniyang tingin sa akin at saka nagsalita, "Hindi para kay Ross iyan kung hindi para sa'yo," pag-amin niya.

Ano? Bakit?

Para saan pala ang gamot na iyon?

"Aud?" nagtataka na ring tawag ni Chase sa kaniya.

"Hinihintay ko lang na dumating siya para malaman mo," paliwanag ni Audrey at itinuro ang katabi kong si Ross.

Mas lalo na ring naguluhan ang ekspresyon ni Ross noong panahong iyon. Sinasalamin nito ang suot-suot kong ekspresyon, pati na ang kay Chase. At mukhang si Audrey lamang ang makakasagot ng mga tanong naming iyon.

"Anong pinagsasabi mo? Kilala ba kita?" tanong ni Ross.

Sinubukang hilahin ni Chase ang kaibigan palayo ngunit hindi ito nagpatinag at seryoso pa ring nakatayo sa harap namin. "Audrey, tara na," pamimilit niya.

Muli inilipat ni Audrey ang kaniyang mga mata sa akin. "Ipaliwanag mo sa kanya. Ipaliwanag mo ang nangyari apat na taon na ang nakalipas," sambit niya. Ngunit batid kong hindi para sa akin ang mga salitang iyon kung hindi para sa lalakeng katabi ko noon.

Mas lalong hindi naiintindihan ng utak ko ang nangyayari, lalo na noong makita ang naging ekspresyon ni Ross matapos iyong sabihin ni Audrey.

"Paanong..." hindi matapos-tapos na tanong ni Ross.

Mula kay Audrey at Chase ay ipinako ko ang aking mga tingin kay Ross. Suot na niya ang kaniyang mukhang kagaya nang noo'y humihingi ito ng tawad sa akin.

Iyong mga matang malungkot at puno ng pagsisisi.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Chase kay Audrey, na para bang may napagtanto siya.

Noon ay nakaramdam na rin ako ng inis dahil mukhang ako na lang ang hindi pa nakakaintindi ng mga nangyayari.

"Ross?" sinubukan ko siyang itanong. Ngunit hindi niya ako sinagot at iniyuko lamang ang kaniyang ulo.

"Paano mo nalaman?" muli niyang tanong kay Audrey.

Ipinagbale-wala niya ang tanong kong iyon kaya't hindi ko na napigilang mapasigaw, "Ross, ano ba!"

Dahilan iyon upang makaagaw ako ng kaunting atenyon mula sa mga estudyanteng nasa 'di kalayuan.

Agad din namang iginalaw ni Audrey ang kaniyang mga kamay na kagaya nang noo'y nakita ko sa ospital. Maliban doon ay mukhang may ibinubulong siya sa sarili. Matapos niyang gawin iyon ay hindi na ulit kami pinansin ng mga tao sa paligid.

"Isa kang..." bakas sa mukha ni Ross ang pagkagulat nang makita ang ginawa ni Audrey.

Bakit parang alam niya ang tungkol sa kanila? Ngunit paano nangyari iyon?

"Audrey, tama na," pagmamakaawa ni Chase sa kaibigan.

"Kung hindi mo kayang sabihin sa kaniya, ako na," pagpresenta ni Audrey.

Tahimik lang pa rin si Ross at hindi pa rin nito magawang makatingin sa akin.

"Para sa iyo ang gamot sa gayumang iyan, Reese," pagkaklaro niya.

Naguguluhan ako. Paikot-ikot lang ang tingin ko sa kanilang tatlo habang naghihintay ng mga sagot sa mga katanungang nasa isipan ko noon. Nahihilo na ako sa ginagawa ko noon.

"All those years, ikaw ang nasa ilalim ng love spell, love potion, gayuma o ano mang tawag niyong mga mortal dito. Hindi si Ross," malumanay niyang tugon na para bang awang-awa siya sa akin.

Tinignan kong pareho sina Chase at Ross at pareho nitong suot ang ekspresyong ipinapakita ni Audrey.

"Apat na taon, Reese. Apat na taon na," dagdag ni Audrey.

Hindi ko na narinig ang mga kasunod nilang sinabi. Nabibingi ako sa sinabi niyang iyon.

Totoo ba lahat ng narinig ko?

Why do I feel so betrayed?

At kasabay noon ang tuluyang pagbagsak ng mga luha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top