22nd Drop - As Selfish As The Girl He Likes
CHASE'S POINT OF VIEW
Napangiti ako noong mabasa ang text na iyon mula kay Reese. Bakit hindi na lang niya direktang sinabi sa akin. Ang cute rin kung minsan ng babaeng iyon.
Madalas akong napapaisip kung ano ba talagang meron sa kaniya. There is really something odd about her. Something odd that makes me so drawn to her. Gustong-gusto kong mag-alala para sa kaniya kahit hindi naman kailangan.
She's so fragile and vulnerable, lalo na sa mga mahal niya. Kaya't hindi ko rin magawang pabayaan na lang siya.
I knew I was starting to like her. Ngunit alam ko ring para sa lalaking iyon lang ang mga tingin niya, kaya't habang maaga ay tinatanggap ko lang na magkaibigan lang kami.
Minsan nga lang ay nagmamalabis itong pakiramdam na ito kagaya nang noo'y pag-iwas ko sa kaniya dahil sa nakita ko sa mall. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kirot.
Had I met her in a different time, maybe I would have tried to pursue for these feelings.
Half-day lang ang klase ko sa kasunod na araw kaya't dumiretso na ako sa ospital upang bisitahin si Audrey. Hindi pa kasi pumapayang ang mga doktor na i-discharge na siya lalo pa't hindi pa rin nila matukoy ang dahilan ng pagka-comatose niya. Para namang matutukoy talaga nila.
Sinasabayan na lang iyon ng kaniyang ina at kapatid dahil baka mas magtaka ang mga ito kung ipagpilitan nilang iuwi si Audrey.
Pinagbuksan ako ng ina ni Audrey noong makarating ako sa harap ng silid nito. Tamang-tama raw dahil may dadaanan muna siyang importante.
Noong makapasok ako ay nadatnan kong kumakain ng mansanas ang babaeng payat.
"At bakit ka na naman nandito," pambungad niya sa akin.
"Ayaw mo no'n, nakikita mo ako araw-araw," sagot ko naman sa kaniya.
Nagbigay siya ng naiiritang ekspresyon at nagpatuloy sa panonood ng TV na nasa harap niya.
"Ba't ka ba laging nandito. Sa dami ng dapat gawin sa school, dito ka talaga tumatambay," pangingiral niya sa akin.
Iginala ko ang aking paningin sa loob ng silid at saka naupo sa dulo ng kama niya. "Basta, wala ka na roon," sagot ko.
"Anong wala, kwarto ko ito. Oh," aniya at nag-abot ng isang hiwa ang mansanas mula sa bowl na hawak niya.
Tinanggap ko ito at saka itinaas ang pareho kung paa upang makapag-Indian seat sa ibabaw ng kama.
"Pumayag na siya," panimula ko.
Agad niyang inialis ang kaniyang mga tingin mula sa pinapanood na palabas at ibinaling iyon sa akin. "Why are you even doing this for her? Alam mong mahal niya si Ross. Why just let them be," komento niya. Kinuha nito ang remote sa gilid ng kanyang kama at saka pinatay ang TV.
"Do you love her?" dagdag niyang tanong sa akin.
Tinitigan ko siya. Naiisip ko pa lang ang isasagot ko ay hindi ko na mapigilang mapangiti. "Masyado pa sigurong maaga para sabihin iyan. But I really like her. Hindi ko rin alam, I want to take care of her," pagtatapat ko sa kaniya.
"I don't know, I just want to make her feel better. That's all. At hindi niya mararamdaman talaga iyon kung patuloy na nasa impluwensya ng love potion si Ross. Kailangan niyang gawin ang tama," patuloy ko.
Alam kong malulungkot si Reese ngunit kailangan niyang harapin ang totoo.
Malay niya, mahal din pala talaga siya ni Ross. Nakaramdaman na naman ako ng kirot nang maisip iyon.
Bahagyang napakunot ang aking noo nang magbigay ng tawa ang babaeng nasa harap ko. Hinawakan pa niya ang kaniyang tiyan na para bang sumasakit na iyon dahil sa kakatawa.
"I never knew you could be this poetic and romantic," aniya habang patuloy pa rin sa pagtawa. Ni hindi niya magawang sabihin nang maayos ang mga salitang iyon dahil sa paghalakhak.
Ako rin, hindi ko rin akalain.
"Ewan ko sa 'yo. So ano na?" I asked her, referring to the antidote, undoing her spell or whatever she calls that.
"Fine. Mukhang desidido ka naman talaga. And I can see she's so dear to you. So fine," pagsang-ayon niya sa wakas.
Lalong lumaki ang ngiti ko noong marinig iyon.
"Hey, Audrey," muli kong pagtawag sa kaniya kaya naman natigil din siya sa wakas sa pagtawa.
"Lahat kami nagtataka, ano ba talagang nangyari? Bakit si Ross? Bakit love potion?" tuloy-tuloy kong tanong.
Sa pagkakataong iyon ay naging seryoso na ang kaniyang mukha. Ang noo'y aliw na aliw ay naging seryoso.
"Samahan mo muna ako sa garden, hindi ko trip dito mag-usap," pag-aaya niya. Tumayo siya at tinulungan ko naman upang makalipat kami sa maliit na garden sa ospital.
Pumwesto kami sa isang bakanteng silya. Nang makaupo ay agad niyang isinara ang kaniyang mga mata at niramdam ang preskong hangin na para bang unang beses niya iyong nalanghap.
Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya at pinagmasdan din ang mga bulaklak sa paligid.
"I won't be using my magic again for such futile revenge," pag-agaw niya sa atensyon ko.
Mabuti at natauhan ka.
"Pero huwag kang mag-alala, magiging okay ako kapag gagawin ko iyong gamot," pabiro at natatawa pa niyang sabi.
Hinayaan ko siyang magsalita at nakinig lang sa mga paliwanag at kwento niya.
"It turned out, hindi si Ross iyong hinahanap ko. Akala ko talaga siya. They have the same aura, features, attitude, as in lahat." Iniiling niya ang kaniyang ulo habang nagsasalita.
Sino ba kasi talaga ang hinahanap niya, at ano ang naging kasalanan niya sa kanila.
"Nagtaka ako noong hindi niya naramdaman ang epekto ng potion. He normally would dahil ka-uri ko siya. Kahit pa kung sakaling nawalan din ito ng kapangyarihan katulad nila Mama, malalaman niya iyon," pagkwento niya tungkol sa lalakeng hindi ko naman kilala.
"Kaya't kahit risky ay pumasok ako sa isipan niya. Hindi iyon literal ah," patuloy niya.
Bahagya akong natawa sa sinabi nito. "Alam ko, anong akala mo sa akin," sagot ko sa kanya.
"Slow. Mababang uri. Abnormal," dire-diretso niyang sabi kaya't nakatanggap siya ng mahinang batok mula sa akin.
"Hoy, pasyente pa rin ako!" pag-angal niya. Umayos siya ng upo at saka ipinagpatuloy ang kaniyang mga sinasabi.
"I found out na hindi talaga ito siya kahit pa na magkahawig na magkahawig sila sa maraming bagay. Syempre unfair naman kung siya ang magbayad sa kasalanang hindi niya naman ginawa..." aniya.
Bago niya ipinagpatuloy ang sasabihin ay inilibot muna niya ang kaniyang paningin upang masigurong walang masyadong tao sa paligid. Huli na noong marealize niya dahil kanina ko pang nagawa iyon.
Advance mag-isip itong kaibigan niya.
"I tried revising the spell and making the antidote, ngunit hindi ako sigurado kung sapat pa ba ang kapangyarihan ko para maging matagumpay iyon noon. I found a way para maibigay ito sa kaniya,"patuloy niya.
"Paano?" curious kong tanong.
"Kay Macey. Binentahan ko ng tubig. Naghahanap kasi siya noon dahil may sakit si Ross, binili naman. Akala ko nga'y mahihirapan ako," natatawa pa niyang kwento.
Sigurado na akong may saltik talaga sa utak iyong kaibigan ko. Ilang buwan ko ring namiss iyong ugali niyang iyon. Hindi iyong nakakatakot na Audrey na nakilala ni Reese, hindi iyong Audrey na ipinagtatabuyan ako noon, kung hindi iyong nasa tabi ko ngayon.
She has always been so angelic and quirky. Kasalungat sa laging inaakto niya sa harap ni Reese.
"Ilang araw pa bago umepekto iyon, ngunit hindi ko na nagawang malaman dahil nanghina na ako at sunod ko na lang nalaman na na-comatose na pala ako." Kasunod niyang itinali ang kaniyang maalong buhok na halos ay kapareha ng kay Reese.
"Obviously hindi umepekto," natural kong sabi.
Nanahimik na siya kaya't kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang itinanong ang isa pa sa mga hindi pa niya nasasagot.
"Why a love potion, Aud?" takang-taka kong tanong.
Kung tutuusin kasi, kung paghihiganti lang din naman ang inisyal niyang pakay ay marami namang ibang pwedeng gawin kay Ross.
Ilang sandali siyang natahimik at akala ko noo'y hindi na niya ako bibigyan ng sagot.
Binilang ko kung ilang beses itong napabuntong-hininga. Nasa pang siyam na iyon noong mapagdesisyunan niyang magsalita, "Hindi iyon basta lang love potion, Loris. Hindi iyon normal na potion."
Ako ang sumunod na natigilan dahil sa isinagot niya.
Kung ganoon ano pa ang meron sa gayumang iyon?
Anong ginawa mo Audrey?
Maaring hindi niya ako sagutin ngunit sinubukan ko pa ring itanong sa kanya, "What is it then?"
Tuluyan na nga niyang binalewala ang tanong kong iyon at saka tumayo at naglakad papasok ng ospital. Tumayo na rin ako at sinundan siya.
"Just tell her I'll give her the antidote. Maybe 3 days from now," huling bilin niya at muli nang nanahimik.
Tumango ako at sinabayan na siya sa paglalakad. Napatingin ako sa gawi ni Audrey habang pabalik na sa kaniyang silid.
Perhaps I partially lied when I told her my reasons for helping Reese and going that far.
Totoo naman iyong mga sinabi ko sa kaniya.
Ngunit siguro ay umaasa rin ako. Umaasa na baka kapag wala ng ang bisa ng gayuma, may mag-iba.
Saka ko lang siguro napagtantong kahit sobrang maliit ang tyansa ay umaasa ako.
Umaasa akong hindi na lang kay Ross iikot ang mundo ni Maurice. Umaasa akong baka sakali, mas magkaroon ako ng tyansa sa kanya.
Aren't we all selfish when it comes to these things?
Perhaps I like you this much, Reese.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top