18th Drop - Lost and Haven't Found
"Maurice," muling pagtawag ni Ross sa akin.
"Ross, pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga," I was also shocked of how I dismissed him, pero totoo naman kasing pagod ako noong panahong iyon.
Bumuntong-hininga siya. Natatanaw ko pa ang mga nag-aalala niyang mata dahil sa sinag ng buwan.
"Okay, see you mamaya sa klase." Tumango ako at saka pumasok na ng dorm.
The rest of the week was just normal. Normal in a sense na wala paring ka-alam-alam si Yui sa mga nangyayari, nakabuntot pa rin lagi si Ross, at paminsan-minsan ay naiisp ko si Chase.
Nagpaka-busy ako noong weekend na iyon at nakatambay at nag-aaral lang sa dorm. Sa kalagitnaan ng pag-aaral ay nakaramdan ako ng uhaw kaya't bumaba muna ako mula sa 2nd floor para kumuha ng maiinom mula sa ref sa first floor.
Mayroon parang mini snackbar sa dorm kaya't convenient kapag dinalaw ka bigla ng gutom.
Habang papuntang lobby ay nakasalubong ko si Macey na paakyat ata sa third floor. Pareho kaming natigil at nagkatinginan. Macey gave me a small smile. It was genuine, ngunit may halong lungkot pa rin ang kaniyang mga mata.
All her guards were down. Hindi kagaya noong mga panahong inaaway niya ako. It must be her way of coping up then, paunti-unti.
She must be telling the truth when she said na naalala niya si Kuya sa tuwing nakikita niya ako.
I followed her back as she walked pass through me. Noong mawala na siya sa paningin ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Reese!" rinig kong tawag sa akin ni May nang maabutan ako sa lobby.
"Oy, anong ganap?" sagot ko nang makuha ang Zest-O mula sa ref.
"Practice na raw tayo simula next week," aniya habang higup-higup pa ang binili niyang Dutch Mill.
"Okiedoks. Hindi kaya mahirapan si Chase niyan? Nag-aadjust pa lang iyon dahil first year pa. Baka mabigla kasi finals na rin sa buwan pagkatapos ng event natin."
Nanliit ang mga mata ng kaharap ko dahil sa mga narinig mula sa akin. "Concern," tukso niya.
May, pati ba naman ikaw?
Kamuntik na akong mabilaukan sa juice na iniinom. "Hindi naman, naisip ko lang," palusot ko.
"Concern pa rin iyon. Anyways, nakausap naman na namin siya. Okay lang naman daw, kaya naman."
Nagkwentuhan pa kami para sa mga plano namin sa event sandali at saka nagpaalam na rin sa isa't isa
Ilang araw na ang nakalipas ngunit sa tuwing nakikita ko si Ross ay na-a-awkward pa rin ako. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko na naman iyon.
Sa kabilang wing ako ng CSM laging dumadaan upang mas magkaroon ng chansang maiwasan ko siya kahit pa nakikita naman namin ang isa't isa sa klase. Nagmumukha na talaga akong tanga.
Habang pababa ng hagdan mula second floor ay may humigit sa braso ko. He pinned me to the corner of the wall sa ilalim ng staircase. Ilang beses akong napalunok. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango.
"Please stop avoiding me," he pleaded.
Ross, ano na bang gagawin ko sa iyo?
Sobrang lapit na naman ng kaniyang mukha at awtomatikong napatakip ako ng bibig.
He stared at me for a second at bahagyang ngumisi. "Ang cute mo talaga," aniya at saka ako binitiwan.
Inilayo na niya ang kaniyang mukha kaya't ibinaba ko na rin ang aking kamay. Ngunit ikinagulat ko nang biglang mabilis niyang inilapit muli ang kaniyang mukha at hinalikan ang gilid ng aking labi.
"Ross!" pagsaway ko sa kaniya.
"Sorry, I can't help it. Let's go on a date after class," pag-aaya niya.
"Ha? May gagawin ako," pagkontra ko sabay isip ng iba pang irarason.
"Please?" At ginamit na naman niya ang magaling niyang mukha upang kumbinsihin ako. He was using his effect on me again. Kahit hindi niya naman gawin iyon ay papayag pa rin ako.
Siya itong ginayuma ngunit parang laging ako naman itong baliw na baliw sa kanya. Kailan ba ako naka-hindi sa kanya?
Mananagot talaga ako kay Yui sa oras na malaman niya ito. I have been neglecting my friend's advice because I keep on listening to my stupid heart.
Indeed, love is so powerful. Indeed, love makes you crazy. Kahit alam mong hindi na tama, you keep on coming back to it.
How could such thing be so powerful that it could actually, literally, drive someone crazy?
Pagkatapos ng klase ay agad akong nag-ayos at nagbihis. Pagkalabas ko ng dorm ay nakasalubong ko si Yui.
Para akong nakakita ng multo dahil sa naging reaksyon ko.
Humarang siya sa daan at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniyang beywang.
"At saan ka puupunta?" Itinaas pa nito kanyang mga kilay kaya't mas lalong hindi ako makahinga.
"A-ano gagala lang," nanginginig kong sagot. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang buhok niyang nakatali.
This is bad. Alam ba niya?
"Hindi mo man lang itatanong kung gusto kong sumama?" She folded her arms this time and raised a brow.
I gave up. Lumuhod na ako rito at inilapat ang pareho kong palad sa isa't isa.
"Yui," pagtawag ko sa kaniya na may pagmamakaawa. Sana naman ay tumalab. Wala na akong pakialam sa mga nakatingin sa amin noon sa gitna ng dorm.
Ngunit tinaasan niya lang ako lalo ng kilay. It took more seconds for her before she gave up, "Tayo ka na."
"Hindi ko na alam gagawin ko sa iyo," bakas sa boses niya ang pagkadismaya.
I was overwhelmed with guilt again. "Sorry," tanging naisagot ko.
"Be crazily in love then. Nabalitan ko ring naghiwalay na sina Macey at Ross, so technically wala ka namang ginagawang masama." She was untying her hair this time at sinuklay-suklay ito gamit ang kaniyang kamay.
Napakagat-labi ako dahil sa sinabi nito. I have been deceiving her countless times.
"Hahayaan na lang kita. But remember that I already gave you my opinion about Ross and that feelings of yours. Kapag nasaktan ka syempre makakatangap ka ng sermon galing sa akin..." Lumapit ito sa akin at ikinulong ako sa kaniyang yakap.
"Pero kaibigan mo pa rin ako, and I'll always be here," patuloy niya.
I have felt an overwhelming emotions nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Yui. Kahit pakiramdam ko minsan ay hindi ko siya deserve bilang kaibigan, I'm still so blessed with her and she cares for me genuinely.
Niyakap ko ito nang mas mahigpit at bumulong, "Thank you."
Gumala lang kami ni Ross sa mall. We went to arcade, KTV, at paikot-ikot lang sa mga stall.
Noong mapagod ay nagpahinga muna kami sa food court. Umorder ito ng shawarma habang ako naman ay bumili ng buko juice para sa aming dalawa.
"Naalala mo pa noong una kang magpraktis mag-bike sa school grounds, tapos nadisgrasya ka? Ang laki ng sugat mo noon sa baba," panimulang kwento niya.
Nakinig lang ako rito habang hinihigop ang buko juice.
"Alalang-alala ako noon sayo, lalo na noong nakita kong umiyak ka," bahagyang natatawa na ito habang ipinapagpatuloy ang kwento niya.
"Noong makalapit ka sa 'kin tinanong mo kung ayos lang ba ako. Tapos sabi ko hindi at mas lalong naiyak," dugtong ko sa kwento niya.
Tuluyan na talaga itong natawa bago muling nagsalita, "Kaya't napatulala at natigilan ako noong bigla mong sinabi kung kumusta iyong bike..."
"Iyon pala umiiyak ka dahil sobrang mahal ng bike na iyon at hiniram mo lang sa kaklase nating hindi mo nakakasundo."
Nakitawa na rin ako sa kaniya. I really missed the times like that with Ross. The way he smiles at me habang inaalala iyong mga memories namin. It was pure and genuine.
Patuloy lang kami sa pagkukwentohan ni Ross, at noong ma-bored ulit kami ay napagpasyahan naming maglibot muli.
Habang naglalakad ay hinagip nito ang aking kanang kamay at may naramdaman akong malamig na bagay sa pagitan ng mga kamay namin.
He let go of my hand and I peeked at the thing he gave me.
It was a necklace with a gold sunflower pendant.
Bago ko pa man maitanong kung para saan iyon ay naunahan na niya ako. "Happy Birthday," he said with full smiles.
He remembered. I was so happy that day. Pansamantala kong kinalimutan lahat ng gumugulo sa isipan ko.
My mind was finally at peace kahit panandalian lang.
I have finally felt fine after so many days, weeks, and months.
Until Ross stopped on his tracks to tie his shoe.
And I saw Chase looking at our direction habang hawak-hawak ang binili niyang drumstick. Mukhang kalalabas lang niya mula sa katapat na Music and Instruments store.
Tumalikod siya na para bang hindi ako nakita at itinapon sa nadaanang basurahan ang drumstick.
Then I was lost again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top