15th Drop - The Saddening Truth
Napatili ako nang mabasa ang text ni Ross.
Good morning, Reese
Kahit na ilang araw na siyang ganoon ay hindi pa rin ako nasasanay. Madalas din naman siyang mag-text at mag-chat sa akin ng ganoon noong highschool ngunit naninibago pa rin ako.
Napahiga ako sa kama at saka idinikit ang hawak kong cellphone sa ibabaw ng dibdib.
If this is indeed not right, why does this feel so good? Tanong ko sa isipan.
Then and there I started to overthink how the next days would turn out.
Hihiwalayan na kaya niya si Macey? Paano ko ba sasabihin kina Mama kapag naging kami na? How would Yui react? How about Chase? Isa-isang pumasok sa isipan ko ang mga iyon at nasampal ko ang sarili dahil dito. Nakakatakot na talaga ang mga naiisip ko.
Wala rin naman akong magagawa hangga't hindi pa nagigising si Audrey. And although I was hesitant dahil a part of me ay ayaw bigyan ng antidote si Ross, I still want her to wake up for Chase.
Pinilit ko na lamang alisin ang mga iyon sa isipan at naghanda para sa klase ko sa araw na iyon.
"Reminders for your midterm exam next week," anunsyo ng propesor namin sa Mathematical Modelling habang isinusulat ang schedule ng exam sa pisara.
Rinig ko ang samot-saring reaksyon mula sa mga kaklase. Ayan na, papalapit na naman kami sa hell months and weeks para sa semester na iyon.
At dahil din sa papalapit na midterms ay hindi na gaanong magiging active ang banda. Tutugtog pa rin naman kami ngunit madalang na lang, priority pa rin namin ang kanya-kanya naming academic fields.
"Oy, group study sa boarding house namin mamaya," pag-aaya ni Mario sa akin at sa iba pa naming ka-blocmates.
That was what I really found amazing sa blockmates ko. No competition, laging nagtutulungan. And I mean in a good and honorable way. Our university's tagline is "Honor and Excellence", and honor always comes first before excellence. We always have that in mind.
We really find group studies effective. Siguro noong highschool ay madalas na hindi effective iyong ganoon. Nauuwi kasi kadalasan sa pag-o-overnight lang at pakikipagchikahan sa mga kaibigan. But college is different. Hindi naman talaga siguro nawawala ang kulitan at kwentuhan sa tuwing may group study meetings pero mas priority ninyo na siguro iyong study talaga. We try to fill-in and teach topics na hindi maintindihan ng iba and vice-versa. It's a give and take scenario.
"You coming?" pagtukoy ni Ross sa aya ni Mario.
"Yep, always present," sagot ko rito.
Inagaw niya ang bag at mga gamit mula sa kamay ko. "Tara," aniya habang inaayos ang mga papel na inagaw niya mula sa akin.
"Miracles do happen," biglang bulyaw ni Mario. Nakalimutan kong nasa harapan pala namin ito. Nahuli na nga pala siya sa balita. Wala namang kaso sa iba ang biglang pagiging close ko kay Ross dahil wala naman silang alam tungkol sa mga nangyari sa amin. They just found it as a friendly gesture.
"Stop staring, tara na sa library," sagot ko kay Mario.
Naramdaman kong lumapit ito sa akin at saka bumulong, "Totoo, ayos na kayo?"
"Sa tingin mo? Chismoso mo talaga, tara na nga," sagot ko at nagsimula nang maglakad.
"Pero bakit parang iba? Hindi ba nagseselos ang girlfriend niyan? Parang boyfriend mo umasta," komento ni Mario habang dikit na dikit pa rin sa akin.
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Paano ko ba sasagutin iyon?
"Hindi naman. Alam naman ng girlfriend niya," mabilis kong sagot, pinagdarasal na sana ay bilhin ni Mario ang sagot ko at tigilan na ang pagtatanong tungkol dito.
Hindi ko inasahan ang naging reaksyon ni Mario dahil bigla itong ngumuso. Napangiwi ako dahil sa ibinigay nitong mukha.
"Sayang, akala ko pa naman magiging totoo na ang LoReese," bulong niya.
Napataas akong kilay ko dahil sa kaniyang sinabi. "Ano?"
"Loris at Reese," pasimple niyang sagot.
Tinignan ko ito at mukhang nadidismaya talaga ito. Kami ni Chase? Bakit parang natutuwa ako?
At bakit parang iba ang naramdaman ko noong banggitin niya ang pangalan nito. Ilang araw ko na nga rin pa lang itong hindi nakikita. Wala muna kasi kaming band activities hanggang matapos ang midterm at hindi ko naman ito gaanong nakakasalamuha dahil nasa kabilang college ito.
"Stop whisphering, the two of you. Naririnig ko pa rin naman kayo," bakas sa tono ni Ross ang pagka-irita.
Nilingon ito ni Mario mula sa likod at saka nagbigay ng peace sign. Pinigilan ko ang mga labi ko sa pagngiti.
Agad din namang nawala ang sayang iyon dahil ipinaalala ko sa sarili na nasa impluwensya ng love potion si Ross.
I am really insanely in love with him.
Speaking of, dahil nabanggit ni Mario ay naalala ko si Macey.
She's making things easier for me lately though ngunit hindi ko pa rin mawari kung bakit biglang bumait ito. She used to hate me just as much as how I hate her. Nakikipagplastikan lang kaya ito? Bakit hindi ko kaagad iyon naisip? She really is something.
Ewan, iyong midterms na muna ang iisipin ko. At gaya ng inaasahan naging busy na ang mga sumunod na araw hanggang sa nagmidterms.
"Hallelujah!" narinig kong sigaw ni Mario matapos ang exam namin sa Programming.
Nag-inat ako ng mga kamay at binti at saka pasalampak na naupo. Tinignan ko si Ross mula sa likod at abala ito sa kanyang telepono. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay binigyan ako nito ng ngiti.
The butterflies never failed to invade my stomach.
Muli kong ibinaling ang atensyon sa katabi kong si Mario.
"Kumusta sina Dexter, May, at Raven?" pagtatanong ko tungkol sa mga ka-banda namin. Ilang araw rin akong walang balita sa kanila.
Sinagot ako ni Mario ng isang makahulugang tingin saka hinawi ang malalim na pula niyang buhok. "Ayiee, ikaw ha. Palusot ka pa, gusto mo lang talagang kumustahin si parekoy Loris."
Namula ako sa sinabi niya. Kahit i-deny ko pa ay curious naman talaga ako kung kumusta sila noon.
"Yieeeee, LoReese," tukso niya pa at pinindot-pindot ang tagiliran ko.
"First year pa iyon."
"Ngekngok mo, para isang taon lang, kala mo naman nasa highschool pa," sagot niya pabalik.
"Ewan ko sa iyo." Tumayo na ako para umalis sa pinagtatambayan naming classroom.
Habang binabaktas ang hallway ay naisipan kong kuhanin ang cellphone ko mula sa bag at saka nag-chat.
Maurice Fordan
Oy!
Teka, ano nga ba ang sasabihin ko rito? Mangungumusta na lang siguro ako tungkol kay Audrey. Napaisip ako kung nakapag-aral ba iyon ng mabuti sa ganoong sitwasyon lalo't hindi pa rin nagigising si Audrey.
Chase Loris Clemente
Oy rin! Namiss kita
Maurice Fordan
Heh. Kumusta?
Chase Loris Clemente
Buhay pa naman, pero mga 60% zombie na. Kumusta exams?
"Sinong ka-chat mo?" Nagulat ako dahil may bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Itinago ko ang cellphone mula kay Ross bago siya sinagot.
"Wala, mga ka-banda lang namin."
"Maurice," nabaling ang atensyon ko sa tumawag mula sa likod.
"Yui!" masayang bati ko rito. Akmang yayakapin ko sana ito ngunit bigla ako nitong hinila sa kung saan at naiwan si Ross sa gitna ng hallway ng CSM building.
Nang medyo makalayo kami ay tumigil na si Yui sa paghila sa akin at saka ako hinarap. Mayroon itong ekspresyon ng pag-aalala sa mukha.
"Nakita ko si Macey sa isang room kanina umiiyak," kwento niya.
Hindi ko alam kung bakit iyon kinukwento ni Yui sa akin ngunit may kutob ako na mukhang konektado iyon kay Ross.
"Baka naiiyak lang talaga dahil sa stress. Alam mo naman graduating iyon," komento ko.
"Hindi ko alam, mukhang dahil kay Ross. Hindi naman iyon basta umiiyak lang dahil sa acads, running for laude iyon," pagkontra niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa kalagitnaan ng CSM grounds.
"Ano ka ba, pwede namang ma-stress at umiyak kahit sino dahil sa acads," pangungumbinsi ko rito.
Binigyan ako ni Yui ng seryosong tingin at naging mas seryoso rin ang boses niya. Huminto siya sa kaniyang hakbang at pinisil ang pareho kong balikat
"Maurice Fordan, paprangkahin na kita dahil kaibigan kita. I really don't like kung paano dumikit si Ross ngayon sa iyo. Kung ako girlfriend noon, malamang magseselos ako kahit na kaibigan ka," aniya.
Natahimik ako sa sinabing iyon ni Yui. Dahil totoo namang ang mga kinikilos ni Ross noon ay hindi lang basta para sa kaibigan. Guilt somehow consumed me. Nilalamon ako nito sa kadahilanang gusto ko rin iyong mga nangyayari.
Kinahapunan ay mag-isa akong nagpunta sa college building namin upang magpasa ng requirement sa isang prof. Habang palabas na ay naabutan ko si Macey na mag-isang nakatambay sa isang bakanteng klasrum.
"Hey," mahinang tawag ko rito.
Pinagmasdan niya ako at saka tipid na ngumiti.
Hindi ba ako niya aawayin? Pagbabantaang layuan ko si Ross? Bakit hindi na lang siya bumalik sa kontrabida niyang turing sa akin noon. Nakakakulo ng dugo ang pinapakita niyang ugali.
"Mag-usap tayo," matalim kong sabi.
Pumayag lamang siya sa gusto ko at isinarado ang librong kanina ay binabasa niya. Dinala kami ng mga paa namin sa rooftop ng CSM building. Walang masyadong tumatambay roon kaya't walang makakarining kong ano man ang mapag-usapan namin.
"What is it?" kalmado niyang tanong. Mas lalo akong naiinis. Looking at how composed and sophisticated she looks with her Jimmy Choo's and designer's dress.
"Aren't you mad at me?" bulyaw ko. Hindi ko na talaga ito matiis.
She looked closely at me and then diverted her stares somewhere else.
"I'm not mad at you. I hate you," pag-amin niya ngunit kaswal niya lang iyong sinabi. Malumanay ang gamit na boses at walang bakas ng mapait na emosyon sa mukha.
"Iyon naman pala. Then show it to me! Stop with this plastic attitude, Macey. Mas sanay ako sa- "
"I got tired, Reese. We both got tired," malungkot ang boses niya habang sinasabi iyon. Mas lalo akong naguluhan sa mga bintawan niyang salita.
"Ha?" Sinong "we" ang tinutukoy niya?
"Ross and I, we were just pretending. Trying to hate you and push you away," pag-amin niya.
Bago ko pa maitanong ang mga bakit sa isipan ko ay naunahan niya akong muli. For a second I was in a maze, gulong-gulo ako.
"We both have reasons, Reese. Trying to push you away. Kaya't kahit magkaiba kami ng rason ay nagkasundo kami. But I guess hindi ka talaga niya kayang pabayaan. He needs to sort out that feelings though."
I stared at her. Tama ba ang lahat ng narinig ko? All that time, Ross was just doing it for a reason? He was just trying to push me away? Ngunit bakit?
"There, I said it. So sana maintindihan mo na."
Hindi niya ma-eexpect na basta ko na lang tanggapin ang mga iyon lalo pa't galing sa kaniya.
"Stop this. Sa tingin mo mawawala ang galit ko sa 'yo dahil sinasabi mo ito ngayon? You think I'll forgive you? You said it yourself you hate me. Why are you stopping now? Huwag kang tumigil dahil hindi rin ako titigil sa pagkamuhi sa 'yo, Macey," madiin kong sinabi sa kanya ang mga salitang iyon.
Hindi ako makapagpokus sa mga sinabi niya tungkol kay Ross dahil mas nangingibabaw ang inis at pagkamuhi ko sa babaeng nasa harap ko. I'm so tired of her making me feel that way.
"Reese, tama na." Mas lalo akong naiinis sa boses niya dahil kalmado pa rin ito habang ako ay parang sasabog na sa nararamdaman ko.
"No, I won't dahil hindi kita mapapatawad sa pagpatay mo sa kuya ko!" I screamed, I screamed as loud as I could. I could feel my nails hurting my palm dahil sa madiin kong pagyukom ng aking kamao.
Matapos kong sabihin iyon ay bigla siyang nanigas at namutla. Unti-unti tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. She was silently crying for seconds, pagkatapos ay hindi ko inasahan ang mga nangyari.
"I did not, Reese! I did not kill, Axel!" Napatulala ako sa naging reaksyon niya. Ang kalmadong Macey ay biglang humahagulgol at noon ay naka-upo na sa sahig habang tinatakpan ang magkabila niyang tenga. She was shaking.
Nanginginig ko siyang tinignan habang hindi ko namamalayang tumutulo na rin pala ang mga luha mula sa mata ko.
"You did! You were the reason he died!" pagpupumilit ko at mas ikinuyom pa ang kamao ko sa galit. How could she act like the victim sa harapan ko? I really despise that woman.
"You stole my kuya away from me," bulong ko at ramdam kong parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Kung hindi siya kasama ni Kuya sa kotse noon, sana ay buhay pa ang kapatid ko. Kung hindi sila nagtalo, kasama sana namin si Kuya.
"I tried to stop him, Reese. I tried so hard..." aniya na humihikbi pa rin.
Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi, "Anong pinagsasabi mo?"
Ilang beses niyang sinubukang pakalmahin ang sarili bago sinagot ang tanong ko. Hirap siya habang ginagawa iyon kaya't ilang minuto rin kaming natahimik.
"H-he kept on saying how much he wants us to die together days before. A-akala ko ibig niya lang sibihin noon ay gusto niyang magtagal kami. I didn't know he was suffering, Reese. I'm sorry," iniharap na niya sa pagkakataong iyon ang basa niyang mukha mula sa pag-iyak.
"I looked pass his struggles. I didn't know he was already at his edge. I'm sorry I was not able to help. I'm sorry I was not able to stop him."
Napaluhod ako nang marinig ang mga iyon. Ilang sandali rin akong nakatulala habang si Macey ay patuloy sa pag-iyak.
"I tried to hate you. Every time I see you, I was reminded of Axel. I was reminded of the pain, of the fact that your brother tried to kill me too. I was reminded that he's no longer here," pikit mata niyang sabi.
I was stabbed by that saddening truth.
All this time, she was mourning for my brother. She tried to hate him and forget him upang mawala ang sakit. But she loves him, at patuloy siyang nasasaktan dahil dito.
Minahal ni Macey si Kuya, at alam kong ganoon din si Kuya sa kanya. Ngunit nangyari iyon sa kanila. I can't imagine kung gaano nasasaktan si Macey sa mga nangyari. And all I did was hate her and put the blame on her. But maybe because just like her I was hurt too.
I didn't know. I didn't know my brother was suffering and struggling. Lagi itong nakangiti at tumatawa. I didn't know he needed help. It breaks my heart a thousand times more than the fact na wala na si Kuya.
Ang sakit sakit dahil hindi ko man lang nalaman na hindi siya okay, na kailangan niya ng tulong. Pakiramdam ko ilang ulit akong pinapatay sa mga narinig ko.
I'm sorry, Kuya. I'm sorry.
Iniwan ko si Macey na umiiiyak pa rin noon sa rooftop. Gusto kong umalis na at takasan ang katutuhanang iyon.
Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gusto-gusto nang tumulo mula sa mga mata ko habang binabaktas ang daan palabas ng CSM building.
Guilt. Pain. Remorse. Anger for myself. Hindi ko na maintindihan ang nararamdam ko dahil sa halo-halong emosyon na lumalamun sa akin.
Nanlabo ang mga paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Natigil ako sa paglalakad at ikinagulat kong may bigla na lang yumakap sa akin.
"Iyak lang," bulong niya at hindi ko na napigilan ang paghagugol sa kaniyang dibdib.
"You were right about Macey. At si Kuya..." I struggled pero pinutol niya ang sasabihin kong iyon at hinaplos-haplos ang aking buhok, "Shhh..."
Sinunod ko siya at patuloy na humikbi sa gitna ng mga brasong iyon.
"Chase," I said in between sobs.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top