14th Drop - Awkward and Crazy Stuffs
MAURICE'S POINT OF VIEW
Nasasaktan pa rin ako sa inasta ni Chase. Kinumpronta ako ngunit mukhang wala naman siyang planong pakinggan ang rason ko. Para bang inisip na agad niya na pinlano at ginusto ko iyong nangyari.
Ngunit napaisip at nag-alala rin ako sa mga sinabi niya tungkol kay Audrey. Kaya siguro ganoon na lang ang naging reaksyon niya.
Pero paano nangyari iyon? Maayos naman ito noong gamitin ko ang potion. Bahala na, hindi ko rin naman maiintindihan ang mundo nila.
"Ayos ka lang?" Alalang-alang si Ross habang tinatanong iyon. Hinawakan pa niya ang magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko ay namula ako sa ginawa niya.
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya bilang sagot.
Napakalakas talaga ng epekto niya sa akin. Kahit simpleng daplis lang ay pinapagkarera na naman niya ang puso ko.
"I really don't trust that guy. May mali talaga sa kanya. I should have known nang magsimula itong dumikit sa iyo," anito habang hawak pa rin ang magkabila kong pisngi. Sinabi niya ang mga iyon habang nakatingin sa mga mata ko.
Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa mga pinaggagawa niya.
Hindi pinalagpas ng tenga ko ang narinig mula sa kaniya. Kung ganoon ba ay binabantayan pa rin niya ako noon? Totoo ba talaga iyong sinabi ni Macey na hindi naman nawala ang pag-aalala niya sa akin?
At iyong naging reaksyon niya kanina. He just punched Chase out of nowhere. Was he looking out for me? Nag-alala ba ito? Was he jealous?
Kikiligin na sana ako sa mga naisip ko nang may maalala ako. Tanga. He's under the influence of the potion you gave him.
Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapatong sa pisngi ko at saka sumagot, "Hindi naman masamang tao si Chase, Ross. May misunderstandings lang kami."
"Misunderstanding, my ass. How could he shout at a girl like that?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Tignan mo siya, binitiwan ang mga salitang iyon habang ganoon naman ako tratuhin noong nakaraan.
Napansin niya siguri ang biglang pagbago ng ekspresyon ko. Ilang sandali niya akong tinitigan na tila ay sinusubukang basahin ang mga nasa isipan ko.
"Sorry," aniya.
"Sige, babalik na ako sa practice namin," paalam ko ngunit pinigilan ako ng mga kamay niya sa pag-alis.
"That, I won't allow. Tara na." Nauna na siyang maglakad ngunit bahagyang napatigil nang mukhang may naalalang nakalimutan niya. Bumalik siya sa posisyon kung nasaan ako at saka ako inakbayan.
"Tara, ako na magpapaalam kay Mario. Sabihin ko may importanteng lakad kami ng best friend ko," pangungumbinsi niya saka ako kinindatan.
"H-ha?" nauutal kong tanong.
Tinignan niya ako sandali at saka tinawanan. Iyong ganoong tawa niya. Namiss ko iyon.
"Joke lang iyon, ihahatid lang kita sa dorm niyo. Magpahinga ka na," aniya at saka nagsimulang maglakad muli habang nakaakbay pa rin sa mga balikat ko.
Pakiramdam ko hindi na talaga mawawala iyong pagtingin ko sa kaniya. Kahit anong gawin niya, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.
Patungo sa dorm ay biglang pumasok sa isipan ko si Macey.
"Ross, kumusta kayo ni Macey?" panimula ko.
"Oh? 'B-bat mo naman natanong?"
Bakit nga ba? Marahil ay naging curious lang ako dahil sa inasta ni Macey.
"A-ano, ayos lang naman kami." Nagtataka ako dahil bigla itong nauutal noong isiningit ko si Macey sa usapan.
Teka speaking of, sabi ni Macey ay masakit si Ross. Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Ross. Saka ko inilapat ang aking palad sa kaniyang noo.
"Hindi ba may sakit ka kanina? Ayos ka na?" tanong ko. Medyo mainit pa ito ngunit mukhang hindi naman na gaanong mataas ang kaniyang lagnat. Pero kahit na, nag-aalala pa rin ako at baka ma-sinat ito.
Binigyan lamang niya ako ng ngiti at saka inalis ang kamay ko sa kaniyang noo.
"Okay lang ako, buti nga pumasok ako ngayong hapon. Edi nakita kita, 'di ba?"
It gave me shivers when he said that. Shet, ang lala ng epekto ng potion na iyon. Malayo sa Ross na kaharap ko noong mga nakaraang araw.
Nagpaalam na ako rito noong nasa harap na ako ng dorm. Hindi pa rin maalis sa mukha nito ang mga ngiting iyon. Pakiramdam ko'y mapupunit na ang mga labi niya sa kakangiti sa akin.
Ano ba ito, alam ko namang ginawa niya ang mga iyon dahil sa potion pero bakit parang masaya pa rin ako? Am I actually happy for what Audrey made me do? Nakakainis na talaga minsan pag-iisip ko. I tried erasing those thoughts.
Gaya ng plano ko ay umuwi ako noong weekend na iyon. Pagkarating ko sa amin ay agad kong kinamusta sina Mama at Papa. Wala talagang kahit anong bakas na iniwan si Audrey, at true enough hindi ito maalala nina Mama. I was thankful though na okay lang sila.
The next week ay parang normal na school days na lang. Except na nakasalubong ko si Chase at pareho kaming umiwas na parang hindi kilala ang isa't isa.
Naabutan namin ni Yui ang mga first year Psychology students sa school gym at naroon din si Chase. Tinitignan lang namin ang isa't isa at saka rin umiwas ng tingin. Napansin iyon ni Yui kaya't agad ako nitong tinanong kung anong meron.
"LQ kayo?" pangungulit niya.
"Pinagsasabi mo? Tawag ka na ng coach mo, saka didiretso na 'ko sa klase namin," sumbat ko at iniwan siya sa kinatatayuan niya.
Matapos ang mga klase ko sa umaga ay niyaya ko si Yui na sabay na kaming mananghalian, agad naman itong pumayag at nag-suggest na doon daw kami sa bagong bukas na kainan malapit sa campus.
Sa kalagitnaan ng panananghalian namin ni Yui ay may lumapit sa amin sa hindi inaasahan.
"Hi," bati ni Macey. Naupo silang dalawa ng kasama sa harap namin.
"Okay lang?" paalam ni Ross, tinutukoy ang pwesto nila noon.
Pinandilatan ako ng katabi ko. Sinasabi ng mga mata nito na paalisin ko noon na rin ang mga nasa harap namin. Ngunit dahil sa isa akong tunay na marupok pagdating kay Ross ay sinagot ko lamang siya ng Sorry at saka tumango sa mga kaharap.
Hindi ito makapaniwala sa ginawa ko at nagpakawala ng naiinis na tunog sa harap nina Macey at Ross.
"Does she know we're okay now?" pagtukoy ni Macey kay Yui.
Pinandilatan naman akong muli ni Yui, malamang ay inis na inis na ito sa akin noon. Nawawala ang pagkasingkit nito dahil sa kaniyang paninilat.
Naturingan siyang kaibigan ko ngunit ang dami ng hindi ko naikukwento sa kanya.
"Sorry na," nakokonsensya kong bulong kay Yui. Ngunit inirapan lang niya ako.
"I see. Hi, I'm Macey," pakilala ng maarteng babae sa kaibigan ko. Ngunit kagaya ko ay isang irap lang din ang natanggap niya.
Mukhang bad trip talaga sa akin si Yui noon. Kasi naman, hindi ko rin basta masabi sa kanya noon kung ano ba talagang nangyayari.
"Here, try this," biglang sabi ni Ross at inilapag ang isang hiwa ng breaded shrimps sa pinggan ko.
Tinignan ko si Macey dahil sa ginawa niyang iyon at nakatitig lang din ito sa nobyo niya. Bahagyang nagulat din ito sa ginawa.
"Reese, kuha kita ng tubig," dagdag niya pa nang mailapag ang ulam sa pinggan ko.
That was it, that was the last straw for Yui at pinalo ang mesa. Tahimik itong tumungo sa counter at nagbayad ng mga kinain namin. It left both Macey and Ross in shock habang ako ay tahimik na nagdarasal para sa buhay ko.
Ilang beses akong napalunok. Kinakabahan dahil kay Yui.
"Is she okay?" pagtatanong ni Ross.
"I don't think so. Alis na kami, bye," mabilis kong sabi at sinundan ang nauna ng Yui sa labas.
"Bye," rinig ko pang tugon ni Macey.
Mabilis na naglakad si Yui. Mabuti na lang at naka-stop ang light for pedestrian kaya't naabutan ko ito.
"Are you not telling me something, Reese?" Mahinahon na siya nang sabihin niya iyon ngunit bakas pa rin sa boses ang pagkapikon.
"That guy is really something. How could he act like that in front of his girlfriend? How could he act like that na parang hindi ka sinaktan ng ilang taon?" Tumawid na kami habang sinasabi niya ang mga iyon.
"Yui... baka gusto lang talagang bumawi ni Ross. Tapos okay lang naman daw kay Macey e."
May kinuha siya mula sa kaniyang shoulder bag at saka itinali ang itim at sobrang tuwid niyang buhok. Ginawa niya iyon na parang handa na itong makipagbakbakan.
Now, Yui is not really liking the idea of it. She rarely ties her hair. Kahit na sobrang init na o kayay pawis na siya sa paglalaro ng Volleyball ay as much as possible ayaw niyang itali ito. She really loves her sleek black hair.
But seeing her tie it then, mukhang wala talaga ito sa mood.
"Isa pa iyang babaeng iyan. Ang plastic. Akala ko ba galit ka sa kanya?" Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bewang nang makapasok kami sa loob ng campus. Mas lalong nanliit ang mga singkit niyang mata. Ang cute rin minsan mapikon nitong si Yui.
"Galit pa rin naman ako sa kanya," mahina kong tugon.
Kaya lang nakokonsensya ako kasi mukhang mahal niya talaga si Ross. Pero galit pa rin ako dahil sa nangyari sa kanila ni Kuya.
"Still, I really don't approve of this. Something is really wrong. Everything is so weird."
Yui really pays close attention to things. Kaya hirap na hirap ako noong magsinungaling sa kaniya.
***
Sa isang klase namin noong hapong iyon, namilog ang mata ko nang makita si Chase na pumasok sa loob ng classroom.
Tinignan ko si Mario at sumenyas sa kaniya kung anong ginagawa ni Chase. Mukhang wala kasi itong planong umalis dahil prente na itong nakaupo sa tabi ni Mario.
"Seat-in, daw," sinagot ang tanong kong iyon ng isa sa mga kaklase at blockmate namin. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Ross ay binibigyan nito ng masamang tingin si Chase.
At bakit naman magkakainteres na mag seat-in si Chase sa klaseng iyon, major namin iyon. At sa pagkakaalam ko, hindi iyon kasali sa curriculum nila.
Sa hindi ko matukoy na dahilan ay lumipat ako ng upuan at tumabi kay Chase.
Ewan, hindi lang siguro mapakali ang curious kong isip.
"What are you doing here?" bulong ko dahil dumating na ang prof namin sa Linear Programming.
"Walang class sa Hist kaya nakiseat-in," agad niyang sagot.
Natahimik na kaming pareho pagkatapos noon.
He leaned at my side na parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya iyon tinuloy at mas piniling makinig na lamang sa propesor.
Magso-sorry ba 'ko sa kanya? Should I say sorry for what happened to Audrey? Should I sorry kasi kinailangan kong gamitin ang potion na iyon at that time?
Gusto ko itong kausapin ngunit pinangungunahan ako ng hiya at pagtatampo sa kaniya. Hindi rin naman ito nag-sorry sa biglang pagsigaw at pag-aakusa sa akin. Bahala na nga.
Nagpatawag muli ng band practice ang magaling naming leader dahil hindi raw nakasali noong nakaraan ang childhood friend nitong si Chase. Yes, talk about bromance.
Maging sa practice ay tahimik lang kaming pareho ni Chase. Tanging ginagawa ko lang ay ang paluin ang drums sa harap ko.
Mukhang nakapansin din ang mga ka-banda namin kaya't mayamaya kaming tinatanong kung ayos lang ba raw kami.
"Bumagsak ba kayong dalawa? 'Bat ganyan mga mukha ninyo?" pagtatanong ni Rave.
"Ulol, wala pang finals. Magmi-midterm pa lang," paalala ni Mario.
"Ulol rin, pwede namang sa quiz bumagsak," sagot ni Raven.
"Ulol back, baka kamo bumagsak sila sa isa't isa," biglang hirit ni Mario.
Napailing na lamang kaming pareho ni May dahil sa dalawa. Mga walang trip.
Nang mag-break ay naiwan kaming dalawa ni Chase sa Music Room. Bibili lang daw ng snacks iyong apat. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
Tahimik niyang iniabot ang isang bar ng Reese's chocolates.
Nagdadalawang isip pa 'ko noong una kung para sa akin ba iyon, ngunit wala namang ibang tao sa room kaya't tuluyan na akong nag-assume na para sa akin nga ang tsokolate. Kapangalan ko pa talaga ang chocolate.
Tahimik ko rin itong tinanggap mula sa kaniya.
Is this a peace offering? I smiled at the thought.
Tanging ang aircon lang sa loob ng Music Room ang gumagawa ng ingay. Hindi na ako nakatiis kaya't ako na ang unang nagsalita.
"She threatened me of hurting my parents," pagbasag ko sa katahimikan. Napalingon siya sa gawi ko dahil doon. "But I'm sorry to what happened to her," dugtong ko.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagsalita, "Sorry rin. Sa nangyari at pagsisi sa iyo."
Chase told me about Audrey's state pati na rin ang mga sinabi ng kapatid nito tungkol sa love potion.
I've had second thoughts nang marinig ang mga iyon. Audrey's real motive is still a question. Sabi ni Chase gusto raw ni Audrey na maghiganti kay Ross but it's really odd na love potion ang ibinigay nito. And I've known Ross for too long, why would he be related and would be associated with someone like Audrey?
He's just a normal human being kagaya ko. Baka napagkamalan lang talaga ito.
In the midst of thinking, a really evil thought crossed my mind habang ini-internalize ang mga kwento ni Chase.
Maybe I don't want to give Ross an antidote. I like the fact that we are finally okay. And eventually if that potion is really effective ay mahuhulog na ang loob nito sa akin.
I maybe also want to see Macey get hurt as I steal her man.
My thoughts started to scare me. Matagal nang minsan ay nawiwirduhan ako sa mga naiisip ko. I'm often not very rational lalo na pagdating kay Ross. Pero these days, I'm starting to get really scared with my thoughts.
Have I gone mad?
"Okay ka lang? You're spacing out," komento ni Chase. Agad namang naibaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Wala may naisip lang," sagot ko.
Out of nowhere ay biglang ngumisi si Chase. Nagtataka ko itong tinignan. Para itong tangang ngumingising mag-isa.
"I need to share something," natatawa niyang sabi.
I leaned at him and attentively answered, "Ano?"
He tried to compose himself before speaking. "I first saw you during the welcome party for the freshmen. Maybe I did have a crush on you dahil ang galing mo mag-drums. Astig na astig kang tignan noon habang nagpe-perfrom kayo," kwento niya na medyo natatawa pa.
Bigla akong may kakaibang naramdam nang sabihin niya iyon. Teka, ano 'to? Natutuwa ba ako?
"Kaso naturn-off ako," patuloy niya at nagpakawala na talaga ng tawa. Bahagya pa niyang ipinatong ang kamay sa kaniyang tiyan na para pang sinusuportahan iyon.
So he did have a crush on me, huh?
"At bakit naman, abir?" Namewang pa ako at humarap dito.
"You were madly in love with Ross. Ang weird. Para kang baliw." Tuluyan na siyang natawa sa kwento niya. Para akong isang comedy film na napagkatuwaan niya. Tawang-tawa ata siya sa ideyang naging crush niya ako sandali.
I grimaced at his comment. Look who's talking about being madly in love. Noong nakaraang linggo nga lang ay halos awayin na niya ako dahil sa nangyari kay Audrey.
"Walanghiya ka." Sinabi ko iyon nang nakangiti at natatawa. Binuksan ko ang bigay nitong tsokolate at kinagatan.
I looked at him and smiled inside my thoughts. Maybe chocolates could really make people happy.
You are really something Chase Loris.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top