12th Drop - To the Disaster

Nanginginig akong bumalik sa kinaroroonan ni Ross. Mula sa malayo ay tanaw na tanaw na ang kaniyang morenong pigura pati na ang malinis na pagkakaayos ng kaniyang buhok.

"Where have you been?" pagtatanong niya. Hawak na niya sa kaniyang kamay ang ticket ng papanoorin naming palabas.

"H-ha?" 

"I asked saan ka galing. Akala ko magsi-CR ka lang," pagkaklaro niya. Narinig ko naman ang kaniyang sinabi. Sadyang hindi lang siguro ako mapakali sa kasunod kong gagawin.

Hindi na ako nakapagpokus sa kaniya dahil sa abala ako noon kaiisip sa mga dapat kong gawin. "Ah, Ross, bibili lang ako ng maiinom natin."

"No, ako na. It's my treat today." Pagkatapos ay ngumiti siya na parang kagaya ng noon. Na parang ayos na ayos kami.

"No!" Bahagya siyang nagulat sa naging reaksyon ko. Kahit ako mismo ay nabigla rin at napatakip ng aking bibig. "Ako na lang, ito lang naman ambag ko ngayon," pangungumbinsi ko.

"If you insist then, samahan na kita..."

"Hindi na, just wait here," sambit ko at dali-daling umalis.

Pumila ako sa isa sa mga stall sa mall para makabili ng maiinom. Marahil ay napagkakamalan na akong weirdo ng mga tao sa paligid dahil mayamaya kong nililibot ang aking mga mata upang masiguradong hindi ako nasundan ni Ross.

"Here's your order, ma'am," masiglang sabi ng cashier sa stall na pinagbilhan ko.

Pagkaabot ko nito ay kinapa ko sa bag ang maliit na bote na ibinigay ni Audrey. I always have it with me. Natatakot kasi ako kapag hindi ko na naman sinunod ang sinabi ni Chase, baka lalong may masamang mangyayari. But then again, there I was at the situation.

Ilang segundo pa akong nakatunganga lang doon habang nakatayo. Sana naman ay okay lang ang mga magulang ko. I mentally prayed for them. Nanlalamig ang pakiramdam ko.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at saka pasimpleng pinatakan ng asul na likido ang inumin ni Ross. Sinigurado kong walang makakahalata nito. Nanginginig pa ang mga kamay ko noon kaya sinubukan kong pakalmahin ang sarili.

"Ross," pagtawag ko sa kaniya.

"Is that mine?" pagturo niya sa inuming hinaluan ko ng gayuma.

Kinakabahan akong tumango. Nagulat ako dahil bigla niya iyong hinablot sa akin at kaagad na ininom.

"Teka, Ross!" Sinubukan ko itong pigilan ngunit hindi ko na nagawa.

"Why?" pagtatanong niya. Wala na, huli na ang lahat dahil mukhang nangalahati na siya sa ininom na juice.

Ilang sandali akong natigilan at napakurap. "How are you feeling? Do you feel weird?" curious kong tanong.

He laughed and combed his hair. Natawa siya na parang aliw na aliw sa naging reaksyon ko. "Mas weird ang tanong mo. Tara na," aya niya.

Hindi ko magwang makapag-focus sa pinapanood namin. Siguro ay ganoon din ang mararamdaman ng iba kung sakali'y sila ang nasa posiyon ko. Kinakabahan ako sa ginawa ko at pati nag-aalala ako kina Mama. Sana naman hindi sila saktan ni Audrey. Ginawa ko naman ang gusto nito.

Habang nakatingin sa kawalan ay nabigla ako nang hawakan ni Ross ang kamay kong nakapatong sa arm rest. Tinignan ko ito ngunit nakapokus lang kaniyang mga mata sa screen.

Ibinaling ko ang paningin ko sa kamay na nakapatong sa akin.

Ito na ba iyon? Umeepekto ba talaga ang potion na iyon? 

At dahil din doon ay wala na talaga akong naintindihan sa palabas. Nang matapos ang movie ay agad akong nagpaalam kay Ross na magsi-CR lang. Marahil ay taking-taka na iyon dahil pabalik-balik ako sa CR.

Agad kong dinial ang numero ni Mama pagkapasok sa loob.

"Oh, Reese. Napatawag ka? Kasama mo ba si Ross ngayon? Pakibati naman kami," tuloy-tuloy niyang bungad nang masagot niya ng telepono.

Ilang beses akong napakurap. Parang walang nangyaring pang-hohostage na ginawa si Audrey. "A-ayos lang kayo diyan, Ma?" pag-aalala ko.

"Oo naman, bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Ah, wala. Sige. Bye, Ma," mabilis kong paalam at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Nang tignan kong muli ang aking telepono ay saka ko lang namataan ang isang unread message. Hindi ko na siguro iyon napansin dahil sa pag-aalala kina Mama.

From: +63956*******

Good girl. You don't have to worry. Your parents won't remember. Good job, girl 😉

Agad na nagsitayuan ang mga balhibo ko nang mabasa iyon. Walang duda na galing iyon kay Audrey. Nakakatakot ang mga kaya niyang gawin. Hindi ko aakalaing pati ang kuhanin ang memorya nila Mama ay kaya niya.

What is she really up to? Up to what extent ang kaya niyang gawin sa dahilang hindi namin maintindihan?

Late na nang makauwi kami, laking gulat ko pa dahil inihatid ako ni Ross sa harap ng dorm. Kumpara sa dating Ross, ilang araw lang ang makalipas, ay ibang-iba ang ugali at trato nito sa akin.

"You have your permit, right?" pagtukoy niya sa permit na kailangan kong ipakita sa guard upang makapasok. Mabuti na lang at nag-secure ako noon para sakaling maabutan ng curfew ay hindi ako magkakaroon ng offense record sa dorm.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Tatalikod na sana akong nang pigilan ako ng kaniyang mga kamay.

"Reese... thank you," mahina niyang tuon. Napakatamis ng kaniyang ngiti pagkatapos.

"Y-you're welcome," nag-aalangan kong sagot.

Pinagmasdan ko siya sa mata. He's the Ross I had lost more than a year ago. He's the Ross I had been longing to be with. 'Di nagtagal ay ngumiti na rin ako, ngunit kaagad din naman iyong naglaho nang maalala ko ang ginawa.

Ang mga ngiting iyon, hindi iyon totoo. It's all fake and with the influence of a potion.

Mas inilapit niya ang kaniyang sarili at hindi ko na napigilan ang pagsinghap nang tuluyan niya akong ikinulong sa kaniyang mga braso. It's been so long since he last did that. Iyong nararamdaman ko, nakakatakot. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"I'm sorry... I want you back in my life, Reese," bulong niya.

Nanubig ang aking mga mata sa narining. How many times have I waited for him to say that? Ang bigat-bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa panahong iyon.

Ilang taon kong hinintay na marinig iyon mula sa kaniya. Ilang gabi akong nagdasal at humiling na maging maayos kami.

How could I easily just accept that apology? Ba't ba hindi ko man lang magawang magalit kahit kaunti noon pa? Why am I so lost in his charms at hulog na hulog ang loob ko sa kaniya?

Am I that crazily in love with him?

Hindi ako nakatulog nang maayos sa gabing iyon.

Si Audrey, wala namang masamang nangyari sa kanya noong ginamit ko ang potion. Nagawa pa ako nitong i-text. Chase has been worrying for nothing, and there I was stuck in the middle of their mess.

I overslept that night. Mabuti na lang at nagkansela ng klase ang aming instructor para sa umaga kaya nama'y hapon na lang ang schedule ko ng klase noon.

Pagkagising ko ay nakaalis na rin ang roommate ko sa dorm at ako na lang naiwang mag-isa. Mayamaya ay may kumatok mula sa pinto ng kwarto. Nagulat ako nang pagbuksan ko ito. Hindi ko inasahan ang mukhang sumalubong sa akin.

"Macey..." pagtawag ko sa pangalan niya.

"Can we talk?" anito. Niyutral lang ang boses nito at wala iyong malditang aura na lagi nitong suot sa tuwing nakakasalamuha ko. Nakasimpleng t-shirt at shorts lamang ito hindi kagaya sa laging ayos na napakasopistikado.

Dahan-dahan akong tumango at pinapasok siya sa loob.

"Your room is more spacious compared to ours," banggit niya kaagad nang makapasok. Nagdo-dorm din siya ngunit kahit kalian ay hindi ko inalam kung saang kwarto siya at wala rin naman akong planong alamin iyon.

"Why are you here?" tanong ko.

Naupo muna siya sa kama ng roommate ko bago sumagot. "Ross was very sick earlier," simula niya. 

Why was she saying that to me? At bakit parang bumait siya. Sa pagkakaalala ko, si Ross ang binigyan ko ng potion at hindi siya.

"He texted pero late ko nang nabasa, so I immediately went to his apartment," patuloy niya. Ano ba'ng gusto niyang iparating sa mga sinasabi niya?

She folded her legs. Saka niya itinukod ang parehong kamay sa kamang kinauupuan. "When I got there, he was asleep. Mabuti at nandoon ang roommate niya para pagbuksan ako. He was also getting better when I got there. But, Reese..." pagtawag niya sa akin.

"He was mentioning your name in his sleep."

Napakagat-labi ako dahil sa kaniyang sa sinabi. I thought I might have an idea for the reason why. And I did that the night before.

"I'm just telling you this because I figured out maybe he missed you, and wanted his friend back kahit umaakto siyang iniiwasan ka." I found so much sincerity behind her voice.

"Aren't you mad at me or jealous?" I asked her.

She pulled her medium-length hair to one side and smiled at me. "No, I trust him. You were his friend and I figured hindi naman nawala ang care niyang iyon sa 'yo. Even when he's with me," she said with all honesty.

Mas lalo akong nakonsensya nang marinig ang mga iyon. She genuinely loves him.

Am I getting in between sa love story nilang dalawa? Why do I feel like I am becoming an evil mistress. Ang feeling ko naman siguro, pero totoong nakokonsensya ako noon.

Kahit anong gawin ko ay naiisip ko pa rin ang mga sinabi ni Macey kahit nakaalis na ito.

Pero hindi ko naman purely kasalanan kung tuluyang mahulog si Ross sa akin dahil sa potion. Audrey made me do it. Paglilinis ko ng konsensya. But who am I kidding? I want it too. At naiinis ako because I want it so much.

I shook all those thought at tinawagan si Yui. I need to talk to her. Lalo pa't baka mabigla siya sa balitang ayos na ulit kami ni Ross.

And sure she was indeed hysterical about it.

"What did you just say? Okay na kayo? Ganoon lang? I really can't believe you, Reese," hindi makapaniwala niyang sabi. Dire-diretso ang inom niya sa juice na nasa harap. Parang isang lagok lang ang ginawa niya roon.

I gave her a guilty smile. "I love him," I told her.

"Yeah, as if hindi ko pa naririnig iyan. I can't stand this, Reese," she muttered and groaned, "You are my friend so I'm telling you this..." She started pointing at me and gave me a very sharp look. Namewang pa ito kahit nakaupo.

"That feelings? I don't think that's healthy anymore. Minsan ba hindi mo nararamdaman na baka toxic na iyang pagkagusto mo sa kanya?" she brutally asked.

I looked at her guilty. Kahit ako ay naiisip na hindi na ako rasyonal minsan. But what can I do? I just can't forget those feelings kahit na subukan ko.

Even if I just told her na magkaibigan na ulit kami ni Ross, Yui knows me better and she's certain it was more than that that I want. Kahit pa siguro gusto ko naman talagang bumalik ang kaibigan ko, I knew I wanted more than that too.

Huminahon na siya at saka nagsalitang muli.

"I don't know how this works from now on, Reese. Knowing too na sila na ni Macey. Please try to protect your heart and stay out of trouble. Payong kaibigan lang ito," aniya.

I'm already in trouble, Yui. I'm sorry.

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil malapit na rin ang klase sa susunod naming subject. After my classes ay dumiretso ako sa Music Room para sa band practice. Saka ko lang naalala si Chase. Tama, I need to tell him what happened.

Na disappoint ako noong ipinaalam ni Mario na hindi raw muna makakadalo sa practice si Chase dahil may emergency.

"Reese, nga pala sabi no'n may sasabihin daw na importante sa 'yo. Aywan ko ba't 'di na lang niya sinabi agad kung ano," anunsyo ni Mario sa kalagitnaan ng practice break.

Noon ko lang naalala ang tungkol sa pagtawag ni Chase. Nawala sa isipan ko ang mga missed calls niya. Bakit hindi na lang siya nag-text?

Lumabas ako sandali ng CHSS building upang subukang tawagan si Chase. To my surprise ay nakita ko itong papalapit na sa building.

"Hey! Buti nakarating ka. Teka..."

Bigla nitong hinigit ang aking kamay at dinala ako sa isa sa mga kubo sa grounds.

"You used it, didn't you?" pang-aakusa niya. Natahimik ako. He looked very pissed.

Did something bad happen to Audrey?

"Chase..."

"Just answer me, Reese!" Nabigla ako sa ikinilos niya. It was no longer the soft Chase I had known. He was very mad. Basta't pagdating kay Audrey ay nagiging ganoon siguro talaga siya. He loves her after all.

Naramdaman kong may kumuha sa akin mula sa mga kamay ni Chase.

"Ross..." Naiinis ako sa sarili ko. Wala na ba talaga akong ibang alam na pwedeng sabihin kung hindi ang mga pangalan nila?

"Huwag kang makialam dito..." Naputol ang sasabihing iyon ni Chase dahil bigla itong sinagot ng kamao ni Ross.

Shit, no. Stop please.

Hinawakan ni Chase ang pumutok niyang labi dahil sa suntok ni Ross. Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat.

Ilang segundo akong pinagmasdan ni Chase bago ito nakapagsalita. "Yeah, you sure did use it," mahina niyang bulong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top