Tomorrow: Fifth
Tomorrow: Fifth
A/n: Una sa lahat, Salamat sa 3.4K na reads. Di ko akalain ng magiging 3K reads sya kasi napabayaan ko na, pero tatapusin ko na to.. Dalawang chapters na lang naman kulang eh.. Salamat po sa mga nagbasa XXDD. Mahal ko si BUI~~
Isang linggo na rin ang nakakaraan simula noong muling operahan si Taehyung. Succesful naman pero hindi pa rin sya nagigising. Ganun pa rin ang itsura nya maraming tubong nakakabit sa katawan nya at mas lalo syang pumayat.
"Yah Andrei, akin yan eh!" sigaw ni Taegyu sa kalaro nyang si Andrei, yung anak ni Suga. Dumaan sila dito kanina pero iniwan nya muna kasi may kailangan syang asikasuhin sa malapit.
"Na, you're wrong. It's mine, look my name was written here" sabi nya sabay pakita nung pangalan nyang nakasulat dun sa notebook na pinag-aagawan nila.
"Wag nga kayong maingay!" sigaw naman ni Taekwon sa kanila na kasalukuyang nagawa ng assignment nya. Sa kanya talaga yung notebook na pinag-aagawan nung dalawa.
"I only wrote your name there but it doesn't mean its yours" depensa naman ni Taegyu.
Narinig ko yung pagbukas ng pinto at biglang sumigaw ni Taegyu at Andrei.
"Tito Jimin!!!" sabay nilang sigaw tapos tumakbo para salubungin si Jimin na may dalang mga supot.
"Tito Jimin!!" panggagaya nya dun sa dalawa. Naglambitin yung dalawa sa paa nya kaya naglakad syang buhat buhat yung dalawa.
"Yah sipag natin ngayon ah!" pansin nya kay Taekwon na nagsusulat pa rin. Determinado talaga syang magkamedal ngayon.
"Miracle kumain ka na?" tanong nya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Naamoy kong parang may amoy mangga dun sa dala nya.
"Oo kanina" sagot ko. "Jimin, may mangga ba dyan sa dala mo? May naaamoy kasi ako?" tanong ko sa kanya pero kumunot naman ang noo nya.
"Mangga? Wala eh" sagot nya. Nadismaya naman ako. Parang gusto kong kumain ng hinog na mangga ngayon.
"Ah baka naamoy mo yung pabango ko. Binuhusan kasi ako kanina ni Ali ng pabango nya. Yung batang yun talaga" paliwanag nya tapos inamoy pa yung damit nya.
"Oo eto nga" dagdag nya pa. Tumango na lang ako.
Hapon na ng umalis si Jimin kasama si Andrei, gusto na rin kasi umuwi nung bata kaya sinabay na nya. Nagtext sa akin si Kuya na papunta na sya dito.
Ilang minuto ang nakalipas ay may kumatok sa pinto. Nakita ko sa labas si Kuya. Inangat nya yung mga dala nya at sinabing pabukas. Tumayo naman ako para pagbukasan sya. Malapit na ako ng biglang manlabo yung paningin ko at umikot yung mga nasa paligid ko. Sunod ko na lang na naring ang isang kalabig at pagtawag sa akin ni Taekwon.
"Mommy" tawag sa akin ng isang maliit naboses kaya nagising ako. Nasa isa akong kwarto na puro puti lahat.
"Mommy" ulit muli nya tapos nakaramdam akong isang maliit nakamay na humawak sa kamay ko. Tiningnan ko kung saan nanggaling yung boses at nakitako si Taegyu sa tabi ko. Uupo sana ako pero pinigilan ako ni Kuya.
"Wag ka munang gumalaw humiga ka lang" sabi nya sa akin habang pinipigilan akong tumayo. Napansin ko rin na may dextrose ako. Bakit?
"Kuya bakit nakadextrose ako?" Tanong ko sa kanya binuhat nya si Taegyu para makasampa sa kama ko.
"Kasi Mommy magiging ate na daw ako" sabi ni Taegyu na nagpalito sa akin. Magiging ate na sya?
"Buntis na si Ate Zhaira, Kuya?" tanong ko sa kanya. Binatukan naman ako.
"Baliw ka ba? Kakapanganak lang nun, anong tingin mo sa akin atat?" sagot nya sa akin. Napakunot naman yung noo ko dahil hini mawala sa isip ko yung sinabi ni Taegyu kanina.
"Buntis ka Miracle, 5 weeks at masyado kang stress nitong mga nakaraang araw kaya ka bumagsak kanina. Kailangan mong magpahinga, Miracle mahina ang kapit ng bata" paliwanag ni Kuya. Napatulala naman ako sa narinig. Masaya ako dahil madadagdagan na naman kami pero naalala ko si Taehyung. Kaya ko ba?
Gumising ako ng matamlay kanina umaga. Isang linggo muli ang lumipas at wala pa ring pagbabago sa kondisyon ni Taehyung. Ganun pa rin, hindi pa rin sya nagigising at hindi din sya nagpapakita ng sign na magigising sya. Inaalagan naman ako ng mga anak ko pati ni Kuya simula nung malaman naming buntis ako.
Ngayon araw yung 10th Anniversary namin. Nakakungkot lang na magcecelebrate kami ng ganun ang kalagayan nya.
Umupo ako sa upuan sa tabi nya at hinawakan ko yung kamay nya at inilagay sa mukha ko. Nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.
"Taehyung, Happy 10th Anniversary sa atin. Tagal na natin no? Hindi ko akalain na tatagal tayo ng 10 years, kala ko kasi susuko na ako sa kakulitan mo eh pero nakaya ko mahal mo kasi ako. Mahal mo ko di ba? Sabihin mo ako lang mahal mo di ba? Baka naman nakakita ka na ng mas maganda sa akin dyan sa panaginip mo kaya ayaw mo ng gumising. Nakakita ka na? Naku lagot ka sa magiging anak natin. Taehyung, buntis ulit ako. Magiging tatay ka ulit, ayaw mo ba syang makita?" tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin ang pagragasa ng mga luha ko. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ulit ang ganitong sakit. Mas masakit nga lang ngayon. Mas masakit isipin na kung iiwan nya kami ngayon ay may mga batang lalaki na walang ama. Bata pa si Taekwon at Taegyu, marami pang bagay ang hindi nila maintindihan.
Patuloy lang ang pagtuloy ng luha ko habang nasa mukha ko ang kamay nya. Maraming nagulo sa isip kahit alam kong bawal dahil hindi maganda para sa magiging anak ko, pero hindi ko maiwasan eh.
Naramdaman kong gumalaw yung kamay nyang nasa mukha ko kaya napatigil ako sa pag-iyak.
Tumingin ako sa mukha nya at nakita kong unti-unting namulat yung mga mata nya. Bumilis ang tibok ng puso ko, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib habang nakikita ko na iminumulat nya ang mga mata nya.
Nung tuluyan ng maka-ajust yung mata nya sa liwanag ay lumingon sya sa akin at dahan-dahang ngumiti. Kung kanina ay naiyak ako dahil sa lungkot, ngayon ay dahil sa saya.
"Taehyung!" tawag ko sa kanya. Naramdaman kong pinisil nya yung kamay kong nakahawak sa kanya.
"Mi-mi-racle". Nauutal na sabi nya. Napangiti ako ng tawagin nya yung pangalan ko.
"Saglit lang Taehyung, tatawagin ko lang yung doktor. Saglit lang ako" sabi ko pero mas hinigpitan nya yung pagkakahawak nya sa kamay ko kahit nahihirapan sya.
"Wag" yun lang ang sinabi nya pero kailangan syang matignan ng doktor.
"Saglit lang talaga ako, babalik rin ako" sabi ko tsaka tuluyan inalis yung pagkakahawak ko dun sa kamay nya at tumakbo palabas. Bago pa ako tuluyang makalabas ay muli ko syang narinig na nagsalita ng 'Wag' pero nagpatuloy pa rin ako.
Tumakbo ako papunta sa Nurse station para tawagin sila. Agad naman silang tumugon at bumalik kami sa kwarto ni Taehyung.
Isang nakakabingi na tunog ang sumalubong sa akin pagdating ko sa kwarto nya. Kaya ba? Kaya ba ayaw nya akong paalisin?
Agad akong napa-upo nung makita kong isang mahabang guhit na yung makinang nakakabit sa kanya. Para akong tinakasan ng kaluluwa. Akala ko makakasama na namin sya, hindi pa rin pala.
----------------------------------
Whaaa!!! This story haven't updated for the last 5 months?? Pero ang dami pa ring nag-aadd neto sa RL nila.. Maraming Salamat po!!!
Epilouge will be posted soon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top