Just One Day : Third
Just One Day : Third
“Pwede ko bang hawakan ang kamay mo” tanong nya sa akin nandito pa rin kami sa garden mga isang oras na kami hindi ko alam kung anong ginagawa nya eh basta ako nakatitig lang sa kanya kinakabisado ko ang bawat linya sa mukha nya sya naman nakapikit lang pero nakangiti parang syang ewan kamukha nya yung isa sa mga kabarkada ni Kuya si Kuya Clifford pag natawa. Eww Creepy.
Ako na ang humawak sa kamay nya pero mas lalo nyang hinigpitan para bang ayaw nyang pakawalan yung mga kamay ko. Tapos pumikit ulit sya.
"Hindi ka pa ba nagugutom?” Tanong ko sa kanya minulat naman nya yung mga mata at tinignan ako.
"Gusto ko kapag kumain ako luto mo” sagot nya sa akin hawak hawak nya parin yung kamay ko nagpaawis na nga eh pasmado kasi ako.
"Saan naman ako magluluto dito ha?” Tanong ko sa kanya
“Edi sa loob may kusina kaya sa kwarto ko” mayabang na sagot nya
“Eh ano namang lulutuin ko?”
“Adobo miss ko na kumain ng adobo mo” sabi nya. Pumayag naman ako. Pumasok ulit kami at nagpunta sa kwarto nya oo nga may kusina susyal iba na talagak rich kid ano?
Habang hinahanda ko yung mga gagamitin ko nagprisinta syang sya ang maghihiwa ng mga sibuyas tsaka yung ibang ingredients hindi ako pumayag kasi mapapagod lang sya pero si Kim Tae Hyung sya kaya ginawa nya parin.
Kabisado pa rin nya kung pano hiwain ang mga yon naalala ko tuloy noon sya din ang nagawa ng mga yan tuwing magluluto kami sa kanila minsan nga may shape pa yung patatas o kaya uukitan nya ng pangalan ko at pangalan nya makakatikim naman sya ng batok galing sa akin sasabihin kong wag paglaruan yun tapos tatawanan nya ako at sasagot ng “hindi ko naman pinaglalaruan eh.”
“Miracle yung kawali sunog na” sabi nya kaya nagulat ako kaya pinatay ko muna yung kawali at bumuntong hininga.
“Iniisip mo naman ako no?” Tanong nya sa akin pero yung tono nang-aasar.
“Oo iniisip ko kung pano ka babalatan ng buhay” sagot ko sa kanya tapos binuksan ko na ulit yung kawali at binantayang mabuti. Pagkatapos kong magluto ng ulam naghain na ako nakasaing na rin pala si Tita kanina. Ang gana nya kumain kagaya lang dati kaya lang hindi din ganun karami yung nakain nya kasi hindi kaya ng katawan nya.
Pagkatapos namin kumain nanood kami ng movie . Pinanuod namin yung Miracle in Cell No.7.
Ako nasa kalahati pa lng ng palabas umiiyak na ako naalala ko kasi si papa dun sa tatay ni Yesung sana hindi nya ginawa kay Mama yun edi sana buo pa kami ngayon at masaya tsaka nakakatouch kasi talaga yung story.
Siya tahimik lang, tutok na tutok ako lalo na nung inako na nung papa ni Yesung yung kasalang di nya ginawa mas lalo naging gripo yung mata. Nung nandun na kami sa part na nagpapaalam na yung papa ni Yesung sa kanya bigla akong nakarinig ng mga hikbi tinignan ko sya at umiiyak din ang loko at ang pangit nya pala kapag umiiyak sa ilang taon naming magkakilala eto ang unang beses na nakita ko sya umiyak.
“Kaya pala ayaw mo ng drama eh ang pangit mo umiyak” asar ko sa kanya sabay singhot at punas ng luha.
Tumawa naman sya “Gusto kong maging kagaya ng tatay ni Yesung”sabi nya sa akin sabay pahid din ng luha nya.
“Gusto mo maging mentally impaired? Wag na mas malalala ka pa kayo dun” sagot ko sa kanya.
“Hindi gusto kong maging tatay na gagawin ang lahat para sa kapakanan ng mga anak nya” seryoso ang pagkakasabi nya nun kaya nagpagtanto kong hindi ito ang oras ng biruan.
“Kaya mo yun magpagaling ka lang wag matigas ang ulo alam ko magiging mabuti kang tatay sa mga magiging anak mo” sabi ko sa kanya natapos na rin pala yung palabas kaya pinatay ko na yung tv at dvd naghari naman ang katahimikan sa aming dalawa.
“Anak natin” pagtatama nya sa sinabi ko naghalo naman ang nararamdaman ko lungkot dahil baka hindi na nya magawa yung gusto nya at konting saya kasi ako pa rin ang gusto nyang maging nanay ng mga anak nya.
“Oo tama anak natin” sabi ko sabay ngiti nagliwanag naman ang mukha nya dahil sa sinabi ko.
Matapos namin manuod naglaro naman kami ng Tic Tac Toe. Favorite naming laruin yun lalo na sa library kapag wala kaming magawa o kaya tinatamad kami. Ilang oras din kaming naglaro nun at palagi syang talo sa akin
“Ang daya mo naman Miracle eh” sabi nya nung matalo ko na naman sya.
“Anong madaya hindi ka lang marunong sabihin kaya talo ka” sagot ko naman sa kanya.
“Marunong ako madaya ka lang talaga” daing nya pa rin
“Hindi ako madaya sorry ka na lang varsity ata ng Tic Tac Toe ang kinalaban mo” sabi ko sa kanya hindi naman talaga ako madaya eh hindi lang talaga sya magaling.
Bigla naman nyang ginulo yung papel na sinusulatan namin
“Daya” sabi nya Tinawana ko na lang sya. Same old Tae Hyung kapag talo sya guguluhin nya kung anong mahawakan nya.
Niligpit ko na lang yung kalat namin at umupo dun sa upuan na nasa gilid na kama nya.
“Miracle anong oras na?” Tanong nya sa kin
Tinignan ko muna yung relo ko sa kamay bago ako sumagot.
“8 :00 na bakit?” Sagot ko
"Sa tingin mo may bituin na sa labas?” Tanong nya ulit sa akin.
“Oo naman gabi na eh” sagot ko
“Samahan mo akong tignan sila” tapos ngumiti sya sa akin.
Could you imagine that the Campus Cassanova is in like with the stars?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top