Just One Day : Fourth

Just One Day : Fourth

 Pumayag ako sa gusto niya matagal tagal din akong hindi nakakatingin sa mga bituin. Nung bata pa ako lagi akong dinadala ni Kuya sa veranda ng kwarto namin tapos titignan namin ang mga bituin maski ang kuya ko gustong gusto ang mga bituin kaya lang di na din namin nagagawa ngayon pareho kaming busy eh busy sya sa trabaho ako sa school.

Lumabas uli kami sa garden ng ospital kitang-kita dito ang kalangitan.

 Tae Hyung tawag ko sa kanya nakapikit kasi sya nakaupo kami sa isa sa mga bench dito sa garden ng ospital.

Alam mo ba? Gustong gusto ko kapag tinatawag mo ang pangalan ko ? Ang sarap sa pandinig sabi nya sa akin sabay mulat  ng mata.

"Chura mo sabi ko sa kanya sabay mahinang sampal sa mukha nya “Eh kapag yung mga linta nga ang natawag sayo hindi pa tapos ang pangalan mo nakalingon ka kaagad eh pang asar ko sa kanya.

Di ah promise gustong gusto ko kapag tinatawag mo ako kaya nga lagi kong pinipilit si Mama tawagan ka eh kasi gustong-gusto kong marining ang boses mo  kinukumbisi nya pa rin ako

O sya sige naniniwala na ako sabi mo eh sagot ko kaya pala lagi nya akong tinatawagan kung alam ko lang edi sana araw-araw kong sinagot ang mga tawag nya.

Napipilitan ka lang eh parang batang pagkakasabi nya.

Hindi ah sabi ko sabay ngiti na malapad . Di na nya ako pinansin at tumingala sya.

Alam mo ba noong bata pa ako gustong gusto kong puntahan ang lugar na yan sabay turo dun sa langit ako naman  tumingala ang daming bituin ngaykn

Akala ko kasi dyan ko makikita si Twinkle. Nakangiting salita nya nakatingala pa rin sya ako naman pasulyap sulyap sa kanya at sa langit.

Bakit gusto mong sundan si Twinkle? Tanong ko si Twinkle daw yung aso nila dati niligtas sya sa pagkalunod kaya namatay ito.

Oo, sya lang kasi ang kaibigan ko noon kaya sobra akong nalungkot nung namatay sya yun yung unang beses na  umiiyak ako, sobrang nagsisi dinako kasi hindi ako nakinig sa Mama ko. hindi na sya nakatingala ngayon nakatingin na sya sa akin.

Tahimik lang ako para kasing may sasabihin sya kaya hinintay ko.

Pero alam mo ba kung ano ang pinaka pinagsisihan ko sa lahat? Tanong nya sa akin umiling naman ako.

Yun yung lokohin at saktan yung taong mahal ko yung lokohin at saktan ka Miracle sincere ang pagkakasabi nya ramdam ko yun. Tumulo na rin ang luha ko maski sya naiyak rin.

Sorry Miracle alam kong napakalaki kong gago para hindi sabhin sayo ang lahat pero hindi ko kayang makita kang nahihirapan dahil sa akin. Hinawakan nya yung kanang kaway ko tapos yung isa nyang kamay pinunasan yun mga luha ko.

Mahal na maahal kita kaya ayokong maging pabigat sayo

Binawi ko yung kamay ko mula sa kanya “Sa tingin mo pabigat ka sa akin? Hindi Tae Hyung kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin at hindi ka din magiging pabigat kasi mahal kita , mahal na mahal kita kaya gagawin ko lahat para sayo pero hindi mo sinabi sa akin alam mo ba yun pinagmukha mo akong tanga may sakit ka pala hindi ka manlang nag-abalang magsabi kanina alam mo ba” huminto ako at pinunasan yung mga luha ko “kanina nung malaman kong may sakit ka tpos hindi ko alam feeling ko ako yung pinakawalang kwentang tao sa mundo kasi hindi ko alam na may malubhang sakit pala yung taong mahal ko pero inuna ko yung galit ko sa kanya inuna ko yung huwag syang initindihin kasi nasaktan nya ako masakit Tae Hyung mas masakit to sana humingi ako ng mabigat nahihirapan na akong huminga ang sakit ng dibdib ko sana hinalikan mo nalang lahat ng babae sa campus sana hinalikan mo na lang silang lahat kesa ganito ka nahihirapan nakikipaglaban para mabuhay”. Niyakap nya ako dun ako umiyak sa dib-dib nya.

Sorry Miracle Sorry paulit ulit nyang sinasabi sa akin yan

Tahimik lang ako pero maya-maya naramdaman ko na lang labi nya sa noo ko pababa sa ilong ko at pababa sa labi ko. Matagal ang paghalik na ginawa nya ito rin ang pinaka matagal sa lahat ng halik na ginawa nya sa akin mula noon.

Nung maghiwalay ang mga labi namin idinikit nya sa noo ko ang noo nya.

I love you Miracle para sayo lalaban ako sabi nya sa akin . Nginitian ko lang sya

I Love You Too  Tae Hyung oo Lalaban Tayo sagot ko pero sa isip lang hindi ko alam hindi ko kayang sabihin.

Hiniwalay nya ang noo nya sa noo ko ata muling tumingala, tumingala din ako  sinandal na namin yung mga ulo namin  sa sandalan netong bench matagal tagal na rin kaming nakatingala ng mag nakita ako Shooting star.

Tae Hyung may nakita akong Shooting Star!! masayang sabi ko sa kanya pero bigla na lang bumagsak yung ulo nya sa balikat ko nagpanic naman ako.

Tae Hyung? Tinatapik ko yung pisngi nya para magising sya pero wala hindi sya nagreresponse.

Tae Hyung ulit ko wala pa rin.

Tae Hyung!! pasigaw na naiiyak na rin ako. “Tae Hyung wag please hindi ko pa nasasabi sayong napatawad na kita huy wag ka namang ganyan Tae Hyung. Sunod-sunod ang patak ng luha ko nagpapanic pa rin ako. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Tita nasa garden lang naman kami ng ospital kaya madali sya naipasok.

Ipinasok sya sa OR “Tita ano pong nangyari sa kanya? Hindi pa naman po sya mamatay di ba? Sunod-sunod na tanong ko kay Tita

Niyakap nya ako “Shhh magiging maaayos ang lahat Miracle magiging maaayos ang lahat yan ang isinagot nya sa akin.

Pero ayaw tumigil ng sistema ko sa pagpapanic “Tita sorry po sorry po napagod ko ata siya masyado ngayon sorry Tita sorry.

Shhh tahan na Miracle kaya ni Tae Hyung yun maniwala ka pangungubinsi sa akin ni Tita.

Isang oras na sila sa OR pero wala pa ring balita iyak pa rin ako ng iyak. Bigla namang dumating yung mga kabarkada ni Tae Hyung tinawagan daw sila ni Tita. Lumapit agad sa akin si Jung Kook at niyakap ako.

Ok lang yan noona kaya ni kuya V yun lalaban yun para sayo sabi nya sa akin. Si Jung Kook ang pinak bata sa barkada nila sya din ang pinaka close ko. Lumapit rin si Suga at Jimin sa amin. Si Kuya Jin at Raphael naman kinakausap si tita si Justin wala OTW pa raw.

Dalawang oras na ang nakalipas ng lumabas yung doctor kinausap nito si Tita at pumasok ulit.

Simula nung pumasok yung doctor dalawang oras na muli ang lumipas napagpasyahan kong magpahangin sa labas kaya lumabas muna ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top