Just One Day : First

Just One Day: First

Salamat ha pumayag ka sa gusto ko sabi nya sa akin habang nakangiti kahit bakas sa kanya na nahihiraoan na sya. Ang laki na ng pinagbago nya, sobrang payat na nya ang laki na rin ng eyebags nya dahil sa hindi sya nakakatulog na maayos.

Oo naman para isang araw lang eh hindi naman siguro ako mamamatay kung pagbibigyan kita di ba? Masungit na sagot ko sa kanya pero kunyari lang yun, gusto kong isipin nya na galit pa rin ako sa kanya. Sa totoo lang galit pa rin ako sa kanya pero nung makita ko sya kanina biglang mawala lahat gusto ko syang yakapin at wag ng pakawalan.

Tumawa naman siya “Hindi ka pa rin nagbabago masungit ka pa rin sabi nya sa akin pero hindi pa rin nawawala yung ngiti nya sa mga labi.

Kung aasarin mo lang ako Kim Tae Hyung uuwi na ako madami pa akong report na nakatambak sa bahay.

Sorry ha na-abala pa ata kita nawala na yung mga ngiti sa labi nya at naguilty naman ako. Sabi ko pasasayahin ko sya ngayong araw hindi papalungkutin. Dapat hindi sya makakaramdam ng lungkot, dapat puro saya.

Ikaw kasi sinisimulan mo na naman ako lumapit ako sa kanya para tignan kung basa na yung likod nya. Sabi sa akin ni Tita bawal daw syang matuyuan ng pawis at mapagod.

Kim Tae Hyung was my Ex-boyfriend. Naging kami for three years and almost perfect ang relationship namin kaya akala ko sya na. Sa lahat kasi ng naging boyfriend sya lang ang umabot ng years, strict kasi si Kuya kaya ayun. Yung first boyfriend ko kasi hipon, maganda lang yung panlabas na anyo wala naman yung ulo.

Si Taehyung? Sya ang cassanova ng campus namin, paiba-iba sya ng girlfriend araw-araw at araw-araw may naiyak na babae dahil sa kanya. Hater nga ako nyan dati paano lagi akong may nakikitang umiiyak sa isang sulok ng campus a ang sasabihin “Ayaw na sa akin ni V yun yung nickname nya pero hindi ko sya tinatawag na ganun, mas prefer ko kasi yung real name nya.

 First year high school ako ng ilipat ako sa Alma Matter nila Kuya Cyd at Ate Ash,  dun ko din sya unang nakilala. Kahit na classmates kami hindi ko sya pinapansin, kung papansinin ko man sya dapat may dahilan.

Kaya nga nagulat ako ng isang araw nung fourth year highschool na kami bigla sya lumapit sa akin at nagsabing manliligaw daw sya. Akala ko naman trip lang kaya pinabayaan ko sya. Binibigyan nya ako araw-araw ng flowers, chocolates at kung anu-anong gifts, tumigil na rin sya sa paiba-iba nya ng girlfriend.

9 months nya ako niligawan kaya napagtanto ko naman na seryoso siya kasi 9 months? Kung sa ibang lalaki baka first week pa lng sinikuan na ako nun, masungit pa naman ako kaya ayun kahit ayaw pa nila Kuya sinagot ko sya nung graduation day namin, para nga syang tanga nun eh sigaw ng sigaw.

Kung saan kami nag highschool dun na din kmi nag-enroll for college. Kahit magka-iba kami ng course at busy sinisiguro namin na may time pa rin kami isa’t–isa’t kaya ang akala ko talaga sya na, minsan kasi nagpaplano na kami eh. Pero pagkatapos ng 3rd anniversary namin nakita ako syang nakikipaghalikan sa isang girl na kung pagtatabihin kami ay walang wala ako..

Alam kong alam nyang nakita ko sila kaya hinitay kong magpaliwanag sya pero wala, wala akong narinig sa kanya. Bumalik na rin sya sa dati, pa iba-iba ng babae every day kaya nagtaka ang lahat dahil hindi pa naman kami break.

Hindi ko na kinaya lahat ng nakikita ko kaya napagdesisyunan kong kausapin na sya, nung una ayaw nya pero napapayag ko sya.

May ginawa ba ako? tanong ko sa kanya. Naiiyak na rin ako sa sobrang pagkalito, hindi ko kasi talaga alam kung saan ako nagkulang at bumalik sya sa dati.

Wala naman, nagsasawa na kasi ako sayo eh sagot nya sa akin. Bigla naman gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko, hindi ko akalain na magsasawa sya dati lagi nyang sinasabi sa akin na ako lang ang gusto nya ako ang pakakasalan nya at gagawa kami ng basketball team kapag nakapagtapos na kami at may maganda ng trabaho pero anong nangyari ngayon?

 "Yun na yun nagsasawa ka na sa akin kaya mo ginagawa lahat ng toh? Paninigurado ko baka kasi mamaya mali lang ako ng rinig eh.

Oo alam mo yun ikaw na lang yung lagi kong kasama kaya ayun nagsawa na ako hindi ko na mapigilan ang hindi umiyak sa lahat ng narinig ko masakit ang sakit.

Yun ba? sige kung nagsasawa ka na sa akin itigil na natin to para maging malaya ka na kahit masakit sa akin kahit ayaw ko sinabi ko sa kanya yun pagkatapos tumakbo ako kung saan kayanin ng mga paa ko masakit sobrang sakit na kaya ka nyang saktan kaya ka nga lokohin dahil lang sa walang kwentang bagay.

Isang buwan ang lumipas matapos yung break up namin di pa rin ako nakaka move on sabagay one month pa lang naman umaasa kasi akong babalikan nya ako at sasabing naJongdae kita natutunan ko sa kabarkada ni kuya Bryan na kapag sinuswerte ka nga naman eh Kuya mo  mahilig kasing turuan ni kuya si Tae Hyung na mang good time yung ganun mahilig kasi syang mangtrip tpos isisisi sa iba pero wala eh tuloy pa rin sya sa pagsama sa iba’t-ibang babae.

Isang araw habang nagpaparaktis daw sila ng basketball bigla na lang syang hinimatay at sinugod sa ospital. Simula nun di na sya nakapasok kahit gustong-gusto kong puntahan sya pinipigilan ko ang sarili ayoko na ulit mahulog sa kanya eh.

Pinanidigan kong wag syang puntahan ngayon graduating na ako at mas lalong naging busy pero araw-araw akong  nakakarecieve  ng tawag mula sa kanya 4 months na  ang nakakaraan simula ng nagyari yung insidente sa gym tuluyan na syang hindi nakapasok hindi ko din alam kung anong dahilan.

JUST ONE DAY CAN YOU PLEASE STAY WITH ME? yan yung sinabi nya sa akin nung napagdesisyunang kong sagutin ang tawag nya, nung una ayaw ko pero merong nagsasabi sa akin na gora teh push mo yan kaya pumayag ako isang araw lang naman di ba?


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ito na lang ang iDe-Dedicate ko sayo kasi hindi pa ako makakapag-update ngayon, hindi pa tapos lahat ng Draft ko naiinis na nga ako eh >.< Naiinggit ako sa mga nag-uupdate.. Haha Inggetera ako De Jokes XD.

Salamat kasi naging Friends tayo ^_^

Yun lang Nobela na XD

 

P.S: Aabangan ko yung bago mong story na MISSION FAILED si Bias bida eh XD De jokes mukhang maganda eh..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top