Epilouge
Epilouge
"I hate you Andrei Samuel Min!" sigaw ni Taegyu sa cellphone nya at pinatay ito saka hinagis sa may center table at padabog na umupo sa may tabi ng Daddy nya.
"Bakit baby?" tanong ng Daddy nya habang nanonood ng T.V. Dalawang linggo na rin simula noong payagan si Taehyung na umuwi dito sa bahay. So far ok naman na sya at medyo nakakarecover na yung katawan nya. Sobrang lakas ba naman kumain kahit medyo marami pang bawal sa kanya since maselan pa yung katawan nya. Gusto na nga run nyang tumulong sa mga gawin bahay na dati sya yung nagawa pero hindi ko pinapayagan dahil makakasama pa sa kanya. Hanggang sa pag-aalaga lang sya kay Taeyong para naman may bonding sila.
Sabado ngayon at walang pasok yung mga bata kaya nandito sila nakakalat sa bahay pwera kay Taekwon na nasa kwarto nya at nag-aaral, kanina pang umaga yun.
"Si Andrei kasi Daddy, sinabi nya kay JB na crush ko sya. Nakakainis talaga yung lalaking yun!" sumbong nya tapos nagpout pa, ginulo naman ni Taehyung buhok nya kay mas lalo iyong nagpout.
"Quiet!" sigaw ni Taeyong kaya napatawa si Taehyung. Kasalukuyan kasi silang nanonood ng Oggy and the Cockroaches kaya ayaw nya ng maingay. Paborito yun ni Taekwon kaya hindi mo sya maiistorbo at bawal kang mag-ingay. Ayaw nyan kasamang manood yung Ate nya kasi sobrang tinis ng boses nito.
"Quiet, quiet ka dyan patayin ko yan eh!"angil ng Ate nya. Heto na naman sila nagsisimula na naman ang World War III.
"Shh Taegyu hayaan mo na yang kapatid mo, tsaka bakit may crush ka na ha? Ang bata bata mo pa! Ako nga 20 na nagkacrush eh" sabi ni Taehyung kay Taegyu. Kumunot naman yung noo ni Taegyu.
"Wag mo ngang niloloko yang bata, baka gusto mong isa-isahin ko lahat ng mga babae mo" singit ko sa kanila habang nilalagay yung binake kong cookies para sa kanila. Agad tumayo si Taeyong at kumuha ng cookies pero agad ding bumalik sa harapan ng T.V.
Umupo ako sa tabi Taehyung at tinignan sya ng masama.
"Oo na 19, 19 ako unang nagkacrush" pagsuko nya.
"Jaira, Hazel, Joana—" inisa-isa ko na yung mga pangalan nung mga naging girlfriend nya dati.
"Oo na! Oo na Grade One! Grade pa lang ako nung nagkacrush ako. Ito talagang nanay mo, selosa" asar nya sa akin. Tinulak ko naman yung noo nya gamit yung daliri ko. "Kung ano-ano kasing sinabi mo sa bata tapos kapag nagsinungaling magagalit ka, eh ikaw nga tong pasimuno" angil ko sa kanya, nagpout naman sya. Kala mo bagay.
"Sorry na!" sabi nya, nagmake-face naman ako sa kanya. Nakakatuwa na nagagawa na ulit namin yung mga dati naming ginagawa. Yung barahan, sigawan at hampasan kahit ako lang sa hampas. Ganyan kami magmahalan eh, brutal.
Humarap sya kay Taegyu at kinalabit ito. Nakikinood na rin kasi si Taegyu dun sa pinapanood ng kapatid nya.
"Yung nanay mo alam lahat yung pangalan ng mga Ex ko, sabi ko sayo stalker ko sya dati eh" sabi nya kay Taegyu na ikibatawa naman nito.
"Seriously? You know all of them?' tanong sa akin ni Taegyu. Nakatikim naman ng mahinang batok mula sa akin si Taehyung. Sorry na mahal ko eh.
"Paano hindi ko makakabisado eh palagi kong naririnig na ipinagsisigawan nila yung pangalan para lang balikan sila netong playboy mong tatay" sagot ko sa kanya.
"Dad, I can't imagine you being a playboy" ani ni Taegyu sa tatay nya. Napa well naman si Taehyung at itinas pa yung mga balikat nya. Para bang sinasabi nyang 'Wala eh pogi ako'
"Your Dad was a cassanova. She have different girlfriends everyday" dagdag ko pa kaya tumingin ng masama sa akin si Taehyung.
"Maka-everyday naman to! Di ba pwedeng every week lang?" depensa nya.
"See? I told you!" sabi ko kay Taegyu.
"Eh sino naman kaya yung nagpaligaw ng nine months? Nahiya pa di pa ginawang isang taon" pang-aasar nya sa akin.
"Bakit sinabi ko bang magtyaga ka? Tapos ako ngayon ang sisisihin mo?" asik ko. Aba may sama pala sya ng loob dahil matagal nya akong niligawan noon!
"Dapat sinabi mo para si Suga na lang sinagot ko noon" dagdag ko ka. Narinig ko yung pagtawa ni Taegyu dahil sa pag-aaway namin.
"To naman niloloko ka lang eh, worth it naman yung Nine months di ba?" sabi nya habang niyayakap ako. Inilis ko naman yung mga kaya nyang nakakapit na sa akin.
"Hindi bitawan mo ako. Ngayon ko lang nalaman may hinanakit ka pala noon, kaya halos lahat ng sulok nung stage pinagtatalunan mo nung sinagot kita" patuloy pa rin sya sa pagyakap sa akin at patuloy naman ako sa pagtaboy sa kanya.
Maya-maya ay biglang namatay yung T.V at padabog na tumayo si Taeyong.
"Aissh so noisy" sabi nya tapos padabog pa ring umakyat sa kwarto nya kaya napatigil kami ni Taehyung sa paghaharutan namin. Hihi kinikilig ako XD
"Manang-mana sayo" sabi ni Taehyung, sinamaan ko naman sya ng tingin.
Biglang may nagdoorbell at nagprisinta si Taegyu na sya na yung magbubukas. Maya-maya ay sumigaw sya.
"Alis! I hate you!!!" Shooo! Andrei Shooo!!" kahit nasa labas sya ay rinig na rinig sa loob ng bahay yung matinis nyang boses. Napailing naman ako. Isa pa rin tong dalawa na to eh. Kapag magkasama sila may World War din na nagaganap. Isang mapang-asar at isang sobrang pikon, ayun gulo ang kinalabasan.
Galit na pumasok sa loob si Taegyu habang sinusundan sya ni Andrei. Itong batang to kamukhang-kamukha ng nanay nya pero yung ugali kay Suga, bully. Pero hanggang asar lang naman sya kay Taegyu, hindi pa umaabot sa puntong sakitan dahil kapag nangyari yun aba kami ng Tatay nya ang talagang magsisimula ng World War III. Isa pa kahit bully ay mabait na bata yang si Andrei, gentleman pero hindi nya nakuha yung pagigiing Stick-to-one ng tatay nya. Nagsisimula ng magpa-iyak ng mga babae ngayon eh.
Nung makita kami ni Andrei ay tumigil sya at binati kami tapos sumunod din kay Taegyu sa taas.
Pagtingin ko kay Taehyung ay magkasalubong yung kilay nya.
"Bakit?" tanong ko. Baka mamaya may kung ano na namang kalokohan ang naiisip nya.
"I smell something fishy" sabi nya, napatawa naman ako.
"Kili-kili mo lang yun. Maligo ka na" asar ko sa kanya. Umiling sya. Napansin kong nahaba na naman yung buhok nya, mayaya nga syang magpagupit bukas, silang tatlo.
"Si Andrei, may gusto ata sa prinsesa ko" sabi nya.
"Ano ka ba! Ang bata bata pa nung dalawa"
"Ganyan din ako sayo dati eh!" sabi nya kaya napa-isip ako. Oo nga ganun din sya sa akin dati eh. Palagi akong inaasar at kung ano-ano pa.
"Mukhang si Andrei at Taegyu ang magtutuloy ng unrequited love nyo ni Suga" sabi nya.
"Sira" ani ko sabay tayo at sinimulang iligpit yung pinagkainan ni Taeyong. Sya lang kumain nung cookies.
Nagluto ako ng hapunan at dito ko na rin pinakain si Andrei.
Habang kumakain si Andrei ay masama ang tingin sa kanya ni Taehyung, siniko ko nga. Hindi kasi makakain ng maayos yung bata kasi nailang sa kanya.
"Andrei, may tanong ako sayo" biglang nagsalita si Taehyung kaya napatingin sa kanya si Andrei. Nakita ko pang napalunok ito, first time nyang nakasabay sa pagkain si Taehyung. Madalas din kasi sya dito nung nasa ospital pa si Taehyung.
"Ano po yun Tito?" kinakabahang tanong nya. Napangisi naman si Taekwon.
"Diretsyahang tanong. Lalaki sa lalaki. May gusto ka ba kay Taegyu?" tanong nya. Napainom naman ng tubig si Andrei sa tanong ng Tito Taehyung nya.
"Dad!" saway ni Taegyu pero sinamaan lang sya ng tingin ng Daddy nya.
"Ano.. po" hindi makasagot agad si Andrei.
"Sagot!" sigaw ni Taehyung kaya lahat kami nagulat.
"Wa-wala po!" sagot ni Andrei. "At bakit?" dagdag ni Taehyung.
"Ayoko ko po sa panget" sagot nito. Napasigaw na naman si Taegyu at napatawa si Taehyung at Taekwon.
"Haha Andrei you're too obvious" singit ni Taekwon.
"Why?"takang tanong ni Andrei kay Taekwon. Tumayo si Taekwon at uminom muna bago sumagot.
"Yan ang palaging sinasabi ng lalaki para hindi mahalatang gusto nila yung babae. Gasgas na yang line na yan, iba naman" iniwan kami ni Taekwon na nakanganga. Saan nakuha ng anak ko yun?
"Yeah he's right Andrei. Better luck next time. Sabihin mo sa tatay mo mas pogi ako sa kanya." segunda ni Taehyung.
"Anong connect?" tanong ko sa kanya pero ipinagpatuloy nya lang yung pagkain.
Pagkatapos kumain ay umuwi na rin si Andrei, natakot ata kay Taehyung. Pinagsabihan ko nga si Taehyung na baka natakot yung bata sagot ba naman sa akin.
"Di yun. At least naliwanagan sya"
Nauna syang pumasok sa kwarto namin dahil pinatulog ko pa si Taekwon sa kwarto nya. Pagpasok ko ay nakita ko sya sa may veranda ng kwarto namin.
"Hoy malamigan ka dyan" sabi ko sa kanya, pinalapit nya ako at binack hug nya ako tapos nilagay nya yung baba ng sa balikat ko.
"I miss this" sabi nya, tumango naman ako. Ilang taon rin ang hinintay para makasama sya ulit.
Maraming pagsubok ang duman sa pamilya namin at nagpapasalamt ako na hindi ako bumitiw. Simula noong bumalik yung sakit nya, yung nalamang kong buntis ako at nanganak. Hirap na hirap ako noon dahil dalawa silang inaalagan ako. Halos wala akong tulog at muntik na rin akong maospital dahil sa sobrang pagod, pero nakaya ko. Nakaya ko para sa kanila. Marami na rin akong nasakripisyo para sa pamilya na to at worth it yun.
Isa pang pinagpapasalamt ko ay hindi din sya bumitaw sa amin. Gumising sya, gumising sya para makasama kaming pamilya nya. Gumising sya para sabay naming makitang lumaki yung mga bata at magabayan sila. Gumising sya para sabay kaming tumanda.
Naramdaman kong mas humigpit yung yakap nya sa akin. "Thank you. Thank you kasi hindi ka bumitiw. Gumising para sa amin" sabi sa kanya. Pinaharap nya ako sa kanya at hinawakan yung mga pisngi ko.
"No, thanks to you. You were always there for me no matter what happen. You're strong that's why I'm proud of you" sagot nya.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "No doubt I love you" dagdag nya pa.
"I love you too" sabi ko. Naramdaman ko na lang yung malambot nyang labi sa labi ko.
"Mom, Dad I will sleep here!" napabitiw kami ni Taehyung nung biglang sumigaw si Taeyong at lumapit sa amin. Tulog na to ha? Bakit nagising?
"Ate and Kuya told me that you will make a baby and I don't like it" nakasimangot na sabi nya.
"Panirang bata to" bulong ni Taehyung kaya sinamaan ko sya ng tingin. Binuhat ko si Taeyong at dinala sa kama dahil halatang inaantok pa. Yung dalawang yun talaga kung ano-anong sinasabi sa kapatid nila.
***
"Taeyong dito ka lang" ayan na naman sa pagkahyper tong bunso ko. Hinila sya ni Taehyung at dinala kung nasaan kami.
"Lolo oh si Taeyong makulit na naman" sumbong kunyari ni Taegyu sa lolo nya. Nandito kami sa sementeryo dahil dinalaw namin yung puntod ni Papa. Tatlong taon na rin simula nung kunin sya sa amin. Nagka-ayos na kami noong mga panahon na ipinagbubutis ko si Taeyong at naging close sila ni Taekwon kaya sobra syang nalungkot noong kunin sya sa amin isang araw matapos kong ipanganak si Taeyong. May sakit si Papa at malala na iyon, para nga hinintay nya lang lumabas yung apo nya.
"Pa, si Taehyung po nagising na" kwento ko. Hindi sila nagkakilala ni Taehyung noon dahil ayoko syang makita dahil sa ginawa nya noon kay Mama pero napatawad ko na sya noon.
"Hello po Tatay" bati ni Taehyung.
Nagdasal kami tapos naglaro sila, ginawa bang palyground yung sementeryo.
"Sabi mo hindi ko nameet si Tatay?" biglang sabi ni Taehyung at napatango ako. Tama naman eh, never silang nagmeet in person.
"Sa tingin ko mali ka" sabi nya.
"Bakit?"
"Naalala ko noong comatose pa ako may napanaginipan ako. May lalaki akong nakita , nakaputi sya at nakangiti. Lumapit sya sa akin tapos tinapik yung balikat ko. Sabi nya 'Anak, masaya akong nakita kita. Maging malakas ka at matatag para sa pamilya mo. Alagaan mo si Miracle at yung dalawa mong anak, gumising ka para makilala mo yung bunso mong si Taeyong' tapos nun nawala na sya. Nakita ko na lang yung sarili kong nakahiga at nakapalibot kayo sa akin. Tapos nung nakita ko yung bata sa unahan ko naalala ko sya, kaya nasabi ko yung pangalan ni Taeyong" kwento nya. Kaya pala alam nya yung pangalan ni Taeyong kahit na hindi nya pa ito nakikilala.
"Ginising ka nya. Tatalunin mo na daw si Sleeping Beauty eh" biro ko pero deep inside nagpapasalamat ako kay Papa.
"Hanggang ngayon ang hard mo pa rin sa akin eh no?" tanong nya tapos niyakap nya ako.
"Syempre naman ikaw lang kaya kong bullyhin eh" ginulo nya yung buhok ko matapos kong sabihin yon.
"See Taeyong? I told you they gonna make a baby and you will not our baby anymore" sabay kaming napatingin sa mga bata noong magsalita si Taegyu. Ang sama ng tingin sa amin ni Taeyong habang yung dalawa nyang kapatid ay tawa ng tawa sa likuran nya.
Lumapit sa amin si Taeyong at hinila paalis sa akin ni Taehyung.
"Don't make a baby!" sigaw nya sa Daddy nya kaya napatawa kaming lahat.
——————————
After 12345678910 years natapos na rin XXD
May nagbabasa pa ba neto?
I decided na gawing light yung epilouge since parang puro paghihirap yung pinagdaanan nila XXDD Pagtyagaan nyo na kung medyo korni..
Feedback po please..Jebal jebal. Para malaman ko kung anong reaksyon nyo..
Anyways salamat po sa lahat ng nagbasa, nagvote, nagcomment, nag-add neto sa RL nila at higitt sa lahat naghintay..
Sana suportahan nyo rin po yung iba kong gawa~~ Hue Hue Plug Ceremony lang XXD
Thank you!!!
P.S: Tagal nung comeback ng mga takas sa mental XXD
Thank you ulit at Saranghae ♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top