Ch9: Almost, but not yet
Malakas ang tibok ng puso ko, halos nahihirapan na ako sa paghinga sa sobrang pagwawala nito. Ayan na, papalapit na siya nang papalapit.
Naglalakad na siya papalapit sa akin hanggang sa…
…sa…
…sa…
"A--"
ETO NAAAAAA!!!!!!!!
“Anong oras na?” Nagising si Enzo.
Napatinngin ako sa kanya na with nakakagulat na mukha. Halos tumigil na ang pagtibok ng puso ko nung mga oras na 'yon, tipong gumuho ang buong mundo ko.
Napansin kong nawala na sa likod ko si John, badtrip. Umalis na siya.
Tumingin naman ako kay Enzo na naghihikab. Namumula mga mata niya at obvious na antok na antok. Isiningkit ko ang mga mata ko para malaman niyang nababadtrip ako. Tumingi siya sa akin, nagtataka.
“O anyare sa'yo?” Natatawa niyang tanong. “Ang panget ng itsura mo! Hahahaha”
Agad agad ko naman siyang binatukan. “Sana hindi ka na lang nagising!”
Napabuntong hininga ako. Ewan ko, nadisappoint talaga ako. Peste naman kasi 'tong si Enzo, ang epal epal nagising pa eh!
“Huy, pansinin mo ako!”
“Bahala ka d'yan, ako naman matutulog!” Bago pa siya makareact, pinatong ko na agad ang ulo ko sa braso ko na nakapatong sa table. Iniusog ko muna 'yung gamit kong laptop. Ewan, naiinis ako! Parang ayokong umalis ng school hangga't hindi lumalapit si John sa akin!
Malapit na kasi ang term break namin kaya panibagong enrollment session na naman 'yon at baka mamaya hindi ko na makita si John sa school. Baka bigla niyang maisipang lumipat ng school eh paano kami magiging close di ba?
Pinikit ko ang mga mata ko, ayoko na. Napapagod na ako sa ganitong set up namin ni John.
Ano ba John, kelan ka ba magpapakilala sa akin?
Hays.
“Atlakfjslkdgjs…” Nakapikit pa rin ako at feeling ko ang bigat ng ulo ko kaya hindi ako bumabangon.
“Ate?” Hindi ko pinansin 'yung nagsasalita, baka kasi hindi ako 'yun at duh, ang kapal naman niya mag ‘miss’ kung kasama ko si Enzo di ba?
“Ate?” Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko at parang medyo niyuyugyog ako. Mukhang ako nga ang ginigising nitong si kuya.
Iaangat ko nasana'yung ulo ko pero parang natigilan ako nung may isa pa akong narinig na boses na talagang nagpatalon sa puso ko bigla.
“John, ano? Gising na?”
John?
Si John 'tong gumigising sa akin ngayon?!
“Hindi pa nga eh” Naramdaman ko na lang, may humawak sa may likuran ko at nakaramdam ako na parang may lumapit na mukha sa may bandang kanan ko. Ramdam ko kasi ang init ng pakiramdam, parang may humihinga malapit sa akin.
“Ate? Yuhoo, gising po” Nakaramdam naman ako na may kumakalabot sa may ulo ko. Yung pakyut na kalabit.
Hala John, bakit? Ano ka ba, wag mo ako manyakin! Hindi pa nga tayo magkakilala eh!!!!!
“Ate? Gising po!” Hala grabe, ayoko na. Kinikilig ako syet hindi ko mapigilang hindi ngumiti omaygahd hinahawakan niya balikat ko omaygahd John, STAAPPEEETTTT KINIKILIG AKO!!!
“Bro, ayaw talaga eh. Tulog mantika” Rinig kong sabi ni John.
“Buhatin mo na lang” Nanlaki ang mga mata ko, ANO DAW, BUBUHATIN AKO?Parasaan ba ito at kailangan pa nila akong gisingin? At nasaan ba si Enzo?! Di ba nasa cafeteria ako kasama siya?!
Walangyang lalake 'yun, mukhang iniwa—
“Ah!!!” Nagulat ako dahil biglang may humawak sa bewang at likod ko at bigla akong binuhat. Nanlalaki ang mata ko hanggang sa nagtama bigla ang mga mata namin ng bumuhat sa akin.
Ito na naman, ito na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
Puso please, hinay hinay lang.
“Ayun, nagising din!” Sabi nung isang lalaki pero hindi ko siya masyadong napansin dahil sa lalaking nagbubuhat sa akin.
Nakatingin siya sa akin habang gusto ko man iiwas ang tingin ko, hindi ko magawa dahil sa titig niyang—nakakatunaw. Habang magkatitigan kaming dalawa, parang nakarinig ako ng background music…
♪ ♫ Boom tarat, tarat
Boom tarat, tarat
Tararat, tararat,
Boom! Boom! Boom!
Wow ha, ang romantic.
“O ano, magtititigan lang ba kayo d'yan?” Dun lang ako natauhan pati na rin ang lalaking nagbubuhat sa akin na hindi si John A. Tan na crush ko. Hindi siya si John, ibang iba siya kay John.
Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nagulat na lang ako…
“ELMO MOSES “MOE” ARROYO MAGALONA?!” Ngiting ngiti si Elmo na nakatingin sa akin at lalo akong nagulat nang matauhan ako kung sino ang nagbubuhat sa akin.
“D-Da—Daann…” Hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang ngumiti sa akin na pagkatamis tamis na hindi ko malaman eh biglang nalaglag ang pan—ga ko.
“Daniel… Daniel John Ford “DJ” Estrada Padilla” Hindi ko alam pero, natigilan ako. Parang may kung anong nagpatigil sa buong katawan ko para magmove hanggang sa binaba ako ni Daniel at nakatayo lang ako sa harap nilang dalawa ni Elmo.
Actually, nasa cafeteria kami pero kaming tatlo lang ang tao dito.
“B-bakit… Bakit nandito kayo?” Pilit kong tinanong kahit nahihirapan ako magsalita sa sobrang saya at kilig na nararamdaman ko.
“Nandito kami para…” Lumapit sa akin si Daniel at amoy na amoy ko ang pabango niya na ubod ng bango. May kinuha naman siya sa bulsa niya at nagulat ako dahil isa siyang maliit na box.
Okay, hindi ako tanga dahil pang engagement ring ang box na 'yon!
“Uhm Zelle…” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumuhod sa harap ko ang isang Daniel John Ford “DJ” Estrada Padilla.
“Will you mar—ouch!”
“Walangya ka DJ!”
“ELMO!” Nagulat ako dahil biglang sinuntok ni Elmo si DJ kaya napaupo sa sahig si DJ. Gumulong din ang singsing na hawak niya kanina. Napatingin ako kay Elmo na may matalas ang tingin.
“Ako dapat ang mag aaya magpakasal sa kanya, anong kinakana kana mo?!” Nagulat na lang ako ng bigla namang tumayo si DJ at sinuntok si Elmo kaya si Elmo naman ang napaatras.
“Hindi lang ikaw ang nagmamahal kay Zelle!”
“Ako lang ang may karapatan magmahal sa kanya!”
Nagsuntukan lang sila nang nagsuntukan at feeling ko naiiyak na ako. OMG OMG OMG, ang haba ng hair ko!
“Sandali lang!” Napahinto silang dalawa sa pagsusuntukan at tumingin sa akin. “Huwag kayo mag away. Bago kayo magsuntukan, bakit hindi niyo muna pag usapan…. Ang hindi maunawaan. Sige na kiss na peace na please, ang bayad niyo sa jeepney kulang pa ng Dyis”
Napatingin naman ng nagtataka sa akin sila Elmo at DJ. Okay sorry, napakanta lang ng Yes Yes Show ng Parokya ni Edgar.
“Wag na kayo mag away…” Okay, inulit ko lang 'yung lyrics eh. “There’s plenty of space naman in my heart. Come, joi—ah!” Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa akin ng sobrang bilis at inilayo ako sa dalawang nag gagwapuhang soon to be husbands ko.
“Zelle mahal ko~!” Sigaw ni Elmo.
“Love kong Zelle~!” Sigaw ni DJ.
Ewan ko pero parang ang bilis ng lahat ng pangyayari. Wala na ako sa cafeteria at nasa isang classroom naman ako habang hingal na hingal dahil sa paghila sa akin ng isang nilalang na hindi ko naman kilala.
“Teka nga, Sino ka ba—” Natigilan ako sa nakita ko.
Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko at hindi ko malaman kung ano ba dapat ang gawin. Naistak ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya na medyo hinihingal din nang biglang…
…tumingin siya sa akin.
“John…” Pabulong kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin habang ako, nagugulat pa rin sa mga nangyayari. Pero, ano nga ba ang mga nangyayari?!
“Buti kilala mo na ako…” Hala, HALA YUNG BOSES NIYA ANG GWAPO. HALA. “…hindi ko na kailangan magpakilala pa, Zelle”
“K-kilala mo ako?” Ano ba puso, maghunos dili ka d'yan! Nakatingin lang siya sa akin, actually--nakatitig siya. Nakakatunaw.
“Syempre, ikaw pa eh ikaw 'yung babaeng gusto—Zelle?” Napataas ang kilay ko sa pagtawag sa akin ni John. Ano ba John, sabog ka ba? Magkaharap lang tayo oy! UMAMIN KA NA KASI!
“Zelle?” Ulit pa niya.
“John?” Nagtataka pa rin ako.
“Zelle?!”
“John!?”
“Huy Zelle gising!” Napadilat ako at medyo ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko. Napaupo ako ng tuwid at nakita ko si Enzo na nakatingin sa akin habang nakatapat sa kanya 'yung laptop. Napatingin ako sa paligid at nasa cafeteria pa rin naman ako.
Panaginip, ang weird naman ng panaginip na 'yun.
“Tara alis na tayo, mag gagabi na” Tumango na lang ako sa pag aaya ni Enzo at tumayo na. Paglingon ko naman sa likod, nagulat na lang ako sa nakita ko.
Nakatayo at naglakad palapit sa upuan niya kanina habang nakatingin sa akin pero…bigla niyang iniwas ang tingin niya pagkakita kong nakatingin siya sa akin.
Sa simpleng gesture niyang 'yun, napangiti agad ako.
Pero napabuntong hinga naman ako. Kahit ba sa panaginip, hindi pa din matuloy tuloy 'yung moment namin? *sigh*
---x
Author's Note:
This is a random chapter. Ginawa ko 'to dahil nakita ko kung sino 'yung susunod kong dededicate-an at si Tineh 'yon. Gusto ko lang ilagay dito si Daniel dahil sa kanya dedicated ang chapter na 'to so ayun. MARAMING THANKS SA PATULOY NA PAGBABASA at PAGCOCOMENT! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top