Ch5: Zelle's words of wisdom
Unang tingin.
'yung senaryo sa cr na nagkatinginan ang mga repleksyon namin sa salamin. Hindi na mawala sa isip ko. Nakakaloko.
Hindi ko siya gusto pero, bakit simula nung araw na 'yun.
Hinahanap hanap na siya ng sistema ko.
“Hindi ka na naman nakikinig sa akin eh!” Napatingin na lang ako kay Enzo na nakaupo sa tabi ko. Nasa caf nga pala kami at naghihintay ng oras… pero ang totoo n'yan.
Hinihintay ko siya…na sana makita ko siya ngayon.
“Nakikinig nga ako, pagpatuloy mo lang 'yan” Napatingin ako sa orasan, alas sinco na at naglalabasan na ang ibang estudyante. May pasok kaya siya ngayong araw? May klase pa kaya siya? Baka nakauwi na 'yun?
“Gusto ko lang talaga makakilala ng taong hindi utak ko pagaganahin ko. Gusto ko kapag nakilala ko 'yung babaeng 'yun, puso ko na pagaganahin ko” Ang drama talaga eh no? Kalalaking tao.
“Sino ba nagsabing puso mo pinapagana mo pag nagmamahal ka? Kahit pagbali-baliktarin mo pa 'yang katawan mo—utak pa din ang masusunod. Utak mo lang ang nag uutos sa sarili mo na paniwalaang puso mo ang nagpapagana sa pagmamahal pero tandaan mo, utak pa din. Utak pa din ang masusunod”
“Ang pessimistic mo talaga” Tinignan ko siya ng mabuti sa mata at napansin kong nailang siya bigla sa akin kaya natawa ako.
“Yan ang hirap sa inyo eh. Minsan sa sobrang optimistic mo, nagiging unrealistic ka na at sa pagiging realistic ko namang tao, nagiging pessimistic na ako. Hindi niyo kasi matanggap ang realidad ng buhay” With matching pagtango tango pa ako sa sarili kong sinabi.
“Dami mong alam!” Bigla ba naman akong binatukan nitong si Enzo. Badtrip. “Pero seryoso, akala ko kasi siya na”
“Eh bakit nga ba kayo nagbreak?”
“Hindi ko pala talaga siya kilala” Napataas naman ang kilay ko.
“Paanong hindi mo kilala eh grade 6 pa lang, kayo na? Pinagloloko mo ba ako?”
“Hindi basta, iba siya sa inaakala ko”
Hinawakan ko siya sa balikat sabay tingin sa orasan, 5:15 na wala pa din siya. Haaayy. “Alam mo, kilala mo siya. Nagkataon lang na nagbabago ang mga tao. Sa hinaba ba naman ng taon ng pagsasama niyo, di ba? Everybody change”
“Iba 'yung change niya eh!”
“Tae ka pala eh. Mahal mo ba?” Natigilan siya sa tanong ko at parang nawala 'yung tension sa katawan niya. Napasandal siya sa upuan niya at nanahimik. “Yan eh, d'yan tayo nagkakatalo. Akala mo mahal mo, hindi pala. Akala mo siya na, hindi pala. Kaya ayoko pumasok sa mga ganyang kashitan. Ang corny na nga, nakakasakit pa at hindi ka pa sure sa nararamdaman mo and to think nagtagal kayo ng…”
Nag bilang ako sa kamay. Grade 6 sila nagsimula at ngayon ay third year na kami. 1st, 2nd—3rd!
“To think na nagtagal kayo ng almost 3 years, hindi ka pa din pala sure na mahal mo siya”
Nagkatinginan lang kami, medyo nagsukatan ng tingin. Napatingin naman ako sa mga taong lumalabas at pumapasok sa cafeteria. Bakit ganun, wala pa rin siya?
“Kaya maraming babaeng natatakot magmahal eh, dahil sa mga kagaya mong—” Bigla niyang tinigil pagsasalita ko at nagreact agad.
“Grabe ka naman! Kagaya ko talaga?” Napangisi ako.
“Okay. Eh di sa mga lalaking hindi nila alam kung mahal ba talaga nila 'yung babae o hindi. Kaya sila natatakot kasi once na nafall na sila, baka mawala 'yung love nung lalaki at masasaktan sila. Ganyan kasi mga lalake eh, makita lang na maganda at sexy, crush lang ligaw na agad. Kaya nga manliligaw eh, para mapatunayan mong gusto mo at mahal mo 'yung babae. Kaya natatakot mga babae magmahal eh…” Napatingin ako sa may entrance ng cafeteria habang may mga estudenyanteng dumadaan. Babalik ko na sana ang tingin ko kay Enzo pero may nakita akong pamilyar na lalaking pumasok sa cafeteria.
“Tulad mo?”
Si John.
Naglakad si John papunta sa isang table na may grupo ng mga estudyante pero bago siya maupo, bigla siyang tumingin sa akin—o sa amin? Teka. Bakit siya tumingin? Hindi na lang ako nagpaobvious at tumingin na lang kay Enzo na nakatingin sa akin na parang may hinihintay.
Ilang segundo ang lumipas, hindi ko na lang alam. Napangiti na pala ako. It was, it was worth the wait. Yung hinintay ko siya kahit hindi ko naman alam kung magpapakita siya sa akin this day, ang galing lang.
“Anong nginingiti ngiti mo d'yan? Hindi talaga nakikinig sa akin oh” Nakakunot ang noo ni Enzo sa akin. Nakangiti lang ako sa kanya at masayang sinabing;
“Tara, uwi na tayo”
"Hay, grabe talaga"
Naglalakad na kami palabas ng school pero magkakahiwalay din kami sa sakayan dahil papunta sa north at ako naman ay sa south. Nakatayo lang kaming dalawa sa sakayan at parang may hinihintay kaming kung ano man 'yun.
“Kanina ka pa lutang, hindi ka ba tatawid?” Ay! Oo nga pala, tatawid nga pala ako. So nagpaalam na ako sa kanya at tumawid na. Sumakay na ako ng jeep at ewan ko, napapangiti pa din ako.
Ang hindi ko din alam, bakit ba hinahanap hanap ko na siya? Nakakainis. Nakakabwisit.
Ano ba Zelle, gusto mo na ba siya?
WATDAHEK. Bakit ko ba 'to tinatanong sa sarili ko omaygahd, nababaliw na ba ako?! Ako magkakagusto sa kanya!?
Hindi ko pa siya gusto no!
Oh wait, sht.
Hindi ko pa siya gusto? Hindi pa? So…
Pwedeng magustuhan ko siya? Lagoat.
---x
Author's Note:
Bumabagal ang quota pero wala akong pakielam, gawa lang nang gawa! Hahahaha. Sa lahat ng tumatawa dahil sa kabaliwan ni Zelle,sana may natutunan kayo sa chapter na 'to (more kalokohan.. hahaha) So ayun, thanks po sa pag babasa at appreciated ang comments! :D
Dedicated to daydreamingfreak dahil sa pagsagot niya sa question sa prologue pero napapaisip ako kung itutuloy ko pa 'yun dahil feeling ko may mga taong mas deserving madedicate-an. So anyways, enjoy! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top