Ch43: Main event

"Just when you think it can't get any worse, it can. And just when you think it can't get any better, it can."
— Nicholas Sparks

~ ~ ~

“May I have this dance?”

Natulala ako sa sinabi niya. Ano daw? May he have this dance?

Okay sige, kanyang kanya na 'yung dance hahahahaha joke. Tumayo na lang ako pero pagkatayo ko at pagkaapak ko sa paa ko na may benda ng panyo niya, muntikan na akong maout of balance dahil sobrang sakit na naman.

“Okay ka lang?”

Gusto ko sana isigaw sa kanya na hindi ako okay pero dahil tinulungan naman niya ako, tumango na lang ako sabay ngiti. Tumawa naman siya ng kaunti na siyang nagpatalon sa puso ko.

Napatingin siya sa gilid at parang nahiya ata siya na nakatayo na kaming dalawa pero magkaharap lang kami at magkalapit. Nagkamot naman siya ng ulo.

“O-okay lang ba na walang music? Wala pala dito 'yung cellphone ko.” Ngumiti lang ako saka tumango kaya napangiti rin siya. Wala pang ilang segundo, minanyak na agad niya ako!

De joke, I mean hinawakan niya 'yung bewang ko pero hindi ito tulad ng hawak nila John at Enzo kanina na sobrang higpit o para bang magkayakap na kami, sa kanya—ang gentle, actually hindi ko nga ramdam 'yung hawak niya at nakaclose fist pa siya, weird.

Hinawakan ko naman 'yung leeg niya at parang nagulat ata siya sa ginawa ko. Teka, mali ba ginawa ko? Tama naman di ba?! Pero pagkahawak ko doon sa leeg niya, nagsimula na kaming magsway—mabagal, parang ang intimate ng datingan at ang tahimik ng paligid hanggang sa marealize ko na lang na nasa may fountain na pala kami.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya at ramdam kong naiilang siya sa akin. Well, ako rin naiilang sa kanya pero ito lang ata ang way ko para hindi ko malimutan ang itsura niya, sa mga mata niya at napansin ko rin…

“May nunal ka pala sa may left eye mo.” Nakangiti kong sabi. Napahawak naman siya sa maskara niya sa may left eye. “Dalawa pa, ang cute”

Ngumiti siya pagkasabi ko nun. Syaks, ang pogi ng ngiti nitong lalaking 'to—at ang weird dahil nakikipagsayaw ako sa lalaking hindi ko naman kilala.

“Bakit ka nakapaa?” Tumingin siya sa may ibaba para siguro tignan ang paa ko pero nakagown ako kaya hindi kita kaya binalik niya ang tingin niya sa mukha ko.

Napatingin ako sa gilid, uhm… anong sasabihin ko? “Masakit kasi sa paa 'yung sapatos ko.”

Tumango tango lang siya as if convincing ang sinabi ko. Well, totoo naman na masakit sa paa 'yung sapatos ko ah! Hindi ako nagjojoke, okay?! Siya kaya magheels!

“Ikaw, bakit ka nakamaskara?” Ngumiti siya at parang natawa sa sinabi ko.

“Malakas trip ko sa buhay” Sumimangot naman ako, wow, convincing ng sinabi ni kuya. Kahanga hanga at dapat bigyan ng award. “bakit ka umiyak?”

Pagkatanong niya, nagbalikan ang lahat sa akin simula sa prom na first dance ko si John, nakasayaw ko si Enzo, nakita ko si Elle at ang bracelet na suot suot niya—na bigay ni John, na kasama ako nung nakita niya ang bracelet na iyon na magbibigay daw siya ng regalo sa taong mahalaga sa kanya--na si Elle.

Nakakainis pa dahil nagmatch talaga ang bracelet sa outfit ni Elle at ang nakakainis pa lalo, bakit 'yung bracelet na nagustuhan ko pa ang binili niya?! Hindi ba pwedeng iba na lang?

Para kasing nung nakita ko 'yun, pinagsigawan niyang si Elle ang gusto niya at hindi ako.

“Nakatapak ako ng thumbtacks” Simple kong sagot.

“Bago pa nun.”

 

“Napuwing ako.”

 

“Bago pa nun.” Napatitig ako sa mga mata niya na parang may gusto siyang iextract sa aking information.

“Ha?”

“Ang sakit na, please…” T-Teka, sinabi ko 'yun kanina ah? “ayoko na, puso… tama na please.”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang linyang 'yun at naalala ko na naman 'yung pag iinarteng ginawa ko kanina. Mula sa nakangiti niyang mukha ay parang sumimangot siya ng kaunti.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan iyon dahil… may mga natuyong luha.

“Masakit ba?”

“A-Ang ano?” Kinakabahan kong tanong.

“Magmahal?”

 

Pagkarinig ko ng salitang 'yun, halos magwala na 'yung puso ko. Hindi mapakali at parang gusto ng kumawala. Magmahal?

♪ ♫ --THREE words (three)
FOUR you... (four)
(I love you) I love you

Narealize ko na may naririnig na akong mahinang tugtog sa may activity area, 1,2,3,4 by Plain White T's. Nakakarelax pero at the same time, nagugulumihanan ang puso ko ngayon at sobrang kinakabahan.

“Anong pinagsasasabi mo? Ha Ha Ha Ha!” Natatawa kong sabi pero ramdam kong ramdam niyang peke lang 'yung pagtawa ko.

“Hindi ka naman iiyak dahil lang sa wala, di ba?”

 

“Pag umiiyak, dahil agad sa pagmamahal? Hindi ba pwedeng mag aaudition kasi ako para sa isang drama?” Natawa na naman siya sa sinabi ko at hindi ko rin alam kung bakit ba siya natatawa sa mga ganito kong banat.

“Nakakatawa ka.”

“Pansin ko nga, tawa ka nang tawa eh” Nakangiti kong sabi.

“Minsan kapag sobrang saya mo, sobrang lungkot rin mararanasan mo. . .” Napaiwas ako ng tingin sa kanya pero hindi pa rin tumitigil ang pagsusway naming dalawa. Ako? Malulungkot… ng sobra?

Never pang nangyari sa akin 'yun—ngayon lang. Dahil lang sa kanya. Kay John.

Huminga ako ng malalim at pumikit na lang saka ko isinandal ang ulo ko sa may dibdib niya dahil nga matangkad siya. Pinakiramdaman ko lang ang heartbeat niya at pansin kong ang bilis bilis nito.

Naramdaman ko ring nawala ang pagiging stiff ng kamay niya sa may bewang ko at parang naging kumportable rin siya.

 

“Uhm, pwede ba kitang… makilala?” Pabulong kong sabi habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa kanya. Ramdam ko 'yung kapayapaan, feeling ko nakocomfort ako kahit na hindi naman kami magkakilala talaga.

 

“Sorry, mas mabuting hindi na lang tayo magkakilala pa” Feeling ko tuloy bumagsak ang aura ko pagkasabi niya ng mga salitang 'yun na para bang ayaw niyang magkakilala kaming dalawa.

“B-Bakit?”

 

“Hindi ako nag aaral dito, malayong magkita ulit tayo” Naitulak ko siya kaya parang tumigil kami sa pagsasayaw at tinignan siya ng masama.

Hindi daw siya nag aaral dito?!

“SINO KA?!”

 

“Sabihin na lang nating. . . ako 'yung nabunggo mo kanina sa loo—”

Napatingin kaming dalawa sa may activity area dahil parang may tinatawag 'yung announcer doon sa loob, may something na prom tapos may queen at bachelor ewan. Nagkatinginan kami nung lalaking nakamask at parang natakot ako—hindi siya taga dito so pwedeng magnanakaw 'tong lalaking to or kidnapper or worst, RAPIST?!

Napatingin ako sa may balikat ko na nakapatong pa rin ang coat niya, OMAYGAHD COAT ITO NG RAPIST! Agad ko itong hinawakan at binato sa kanya na siyang ikinagulat naman niya. Tatakbo na sana ako pero hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.

Omaygahd, 'yung puso ko, sobrang pagwawala na naman ang ginagawa.

“Gusto ko lang malaman mo…” Napatingin ako sa mga mata niya at napansin ko na naman ang dalawang nunal niya na magkatabi sa may left eye niya. “Ikaw, ang pinaka magandang babae na nakita ko ngayong gabi.”

Tumigil panandalian ang pagtibok ng puso ko sa mga sinabi niya at imbis na ako ang umalis dahil nga rapist siya ay siya pa ang naglakad palayo sa akin. Hindi siya pumasok sa activity area, palabas na siya ng school.

Napatingin lang ako sa kanya habang naglalakad na siya paalis, teka, akala ko ba rapist siya? Bakit siya umalis?! Am I not good enough?!

Okay, joke lang.

Nakahinga ako ng malalim ng mawala siya sa paningin ko at napansin ko naman ang sapatos ko na nakalagay sa may gilid ng fountain na para bang hindi ko siya binato kanina. So, siya kaya naglagay nito dito?

Kinuha ko 'yung sapatos ko at bumalik na sa activity area pero nagpunta muna akong cr para tignan ang itsura ko dahil nga sa sinabi niya kanina. Pagkakita ko ng itsura ko, nasira 'yung salamin! Okay joke pero syet,

“ANG PANGIT KO!”

Ang gulo ng buhok ko, gulong gulo na ang buong make up ng mukha ko, 'yung eyeliner ko nagmukhang pang horror, 'yung blush on ko nawala na at 'yung eye shadow ko, sabog kung sabog, para akong panda!

Naghilamos na lang ako ng mukha at pagtingin ko ulit sa salamin, naramdaman ko na naman ang hawak niya sa kamay ko sabay sabing…

…ako daw, ang pinaka magandang babae na nakita niya sa gabing to.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti.

--x
Author's Note:
Salamat sa pagbabasa! :D

Dedicated to iamsix or Baby C. Matagal ko na siyang reader pero minsan lang magparamdam, mas nakikita ko siya sa mga votes--isa sa mga nauuna! Hindi pumapalya!! Salamat!!

At siya lang rin 'yung nakarealize na imposible si John 'yun dahil makikilala 'yun ni Zelle. . . ewan ko lang kung iniisip niyang si Enzo 'yun but then again, hahahaha bakit ba naiisip niyo si Enzo porke't magkasing tangkad?! hahahahahhaha so anyway, baby C. thank you sa patuloy na support yay! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top