Ch41: Heart breaks fast

"You give them a piece of you. They didn't ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn't your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like 'maybe we should be just friends' turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love."
— Neil Gaiman


~ ~ ~

Para akong pinukpok sa ulo na kahit ano pang denial ko, sa isang bracelet lang--alam ko na.

Tinanggal ko ang mga sapatos ko at tumakbo lang ako nang tumakbo sa labas. Nahihirapan na rin akong huminga na feeling ko pinipigilan ko ang paghinga ko. Hawak hawak ko lang ang sapatos ko sa kanang kamay ko at hawak ko naman sa kaliwa 'yung mga rosas na binigay niya sa akin.

“Para saan ba to ha?!” Aakmain ko na sanang ibato 'yung mga rosas pero hindi ko mabitawan. Nanginginig ang mga kamay ko pero hindi ko siya mabitawan kaya ang binato ko na lang, 'yung sapatos ko. “ANG SAKIT MO SA PAA, SYET KA!”

Nakita kong malayo ang nirating ng sapatos ko. Nanghihina pa rin ako, nanginginig at pakiramdam ko gusto ko na lang humiga dito sa lupa na 'to. Napatingin ako sa langit at napansin kong ang payapa na ng gabi, ang ganda ng mga bituin at ang ganda ko sana…

…kung hindi lang ako umiiyak.

Teka, bakit ako umiiyak? Hindi! Hindi ako dapat umiyak. . . pero kasi, nakakaramdam ako ng sakit. Sakit emotionally at physically. Ang sakit ng pagkakadapa ko sa harap niya, ang sakit, ang sakit sa pride, ang sakit sa mukha at katawan, at ang sakit sa puso. Sobrang sakit.

“Bwisit!” Napaupo ako sa kiosk. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa bulaklak. Nanginginig ang mga labi ko at kahit na ilang beses kong punasan ang mukha ko, hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko.

“Plastic na rosas? Shit na 'yan, sa akin plastic na mga rosas lang pero sa kanya, 'yung bracelet?!”

Napahilamos ako sa mukha ko at nasaktan naman ako dahil hawak hawak ko pa rin 'yung mga rosas. Bwisit, galit na nga ako't lahat hindi ko pa mabitawan 'tong mga bulaklak na 'to?!

“AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Shit lang, bakit ang sakit?!” Pinukpok ko nang pinukpok ang dibdib ko habang tulo naman ng tulo ang luha mula sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilan ang paghagulgol. Mula sa upo kong maayos kahit na mahirap, itinaas ko ang dalawa kong paa para tumapak sa kiosk at niyakap ko ang mga binti ko saka ko pinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko.

Saka ako umiyak nang umiyak pero hawak hawak ko pa rin 'yung mga rosas, galing ko, syet.

“Bakit ba kasi hindi ko napansin lahat?” Simula sa mga kakaibang tingin ni John kay Elle, sa mga ngiti ni John--sa way ng pakikipag usap niya kay Elle na parang espesyal. . .'yung drawing niya sa notebook niya na may pangalan pati na rin 'yung sa marriage booth.

Lahat ng 'yun sinasabi na hindi ako si Elle.

Singhot ako nang singhot sa sipon ko dahil gusto nitong tumulo dahil nga nakayuko ako kaya tumingala na lang ako at ibinaba ang binti ko dahil ang hirap rin dahil sa gown ko. “Bakit ka ba tulo nang tulo sipon?!”

Pinipilit kong punasan 'yung luha at sipon ko at nahihirapan na talaga ako dahil wala naman akong panyo kaya ang ginawa ko na lang ay tinaas ko ang laylayan ng gown ko saka ko pinahid sa mukha ko. “Pati tong gown na to napaka walang kwenta, bakit ang dulas!”

Naiinis na ako sa sarili ko at gusto kong hubarin na lang 'tong gown ko dahil napaka walang kwenta. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa mga rosas at tinitigan ko 'yung teddy bear na keychain.

“Bakit ka ba sa akin nakipag kaibigan kung Elle ka naman nang Elle?!” Pinitik ko 'yung teddy bear pero nagbounce back lang siya. Gustong gusto ko na siya sirain pero… “Eh sino bang nagsabing mag expect ka Zelle?!”

Kinamot ko 'yung mata ko kahit parang lalo atang sumakit dahil sa glitters ng kamay ko. “Ang sakit sakit naman nitong glitters na 'to eh!”

Lalo akong naiyak dahil ang sakit kasi talaga! Hindi na rin ako masyadong makahinga dahil sobrang barado na 'yung ilong ko dahil sa sipon. Napatingin naman ako sa sarili ko, sa mga kamay ko, sa paa ko at sa gown ko. “Ang dugyot dugyot ko na…”

Tinakpan ko ang mga mata ko at pinagpatuloy lang ang pag iyak ko.

Eh bakit ba ako umiiyak? Dapat bang umiyak ako? Bakit ba ang ingay ko dito eh ang tahimik naman nitong buong labas na 'to!? Ang ganda ganda pa naman ng itsura tapos may fountain pa sa gitna at talaga namang bagay na bagay sa mga ilaw na nakasabit sa mga puno tapos ako iiyak lang dito?!

“Ikaw kasi John eh, ikaw may kasalanan nito eh…” Tumingin ako sa paligid tapos sa mga bulaklak na hawak ko. “Kung kelan narealize kong ikaw gusto ko tska naman…” may iba kang gusto.

Huminga ako ng sobrang lalim dahil sobrang barado na talaga ang ilong ko. Basang basa na rin ang mukha ko dahil sa luha at pagkapahid ko sa mukha ko, napansin kong parang napasama 'yung make up ko.

Wasak.

Wasak ang puso ko.

Wasak pa pati make up ko.

“Ayoko na...” Pinukpok ko ulit 'yung dibdib ko. “Ayoko na talaga…”

Ito ba 'yun? Ganito ba 'yung naramdaman ni Enzo nung mas pinili ko si John kesa sa kanya? Ito ba 'yung feeling na may gustong iba 'yung taong gustong gusto mo? Ganito ba 'yung feeling na masaktan ng sobra?

Kung ganito pala… dapat pala hindi ko na lang ginanun si Enzo.

Grabe eh, grabe 'yung sakit!

“Ang bilis naman ng karma!” Pasigaw kong sabi. Tumingin ako sa paligid pero tahimik pa rin. Pakiramdam ko para akong isang napaka laking basura sa napaka gandang lugar na 'to.

This should be a romantic place…

…naging mourning area ata dahil sa akin.

“Ang paasa mo John!”

Gustong gusto ko isigaw kay John to. Gusto kong mabingi siya sa sigaw kong 'yun para ang huling maririnig niya ay ang pagiging paasa niya dahil sobra niya akong pinaasa. Gusto kong ipagdiinan sa kanya na paasa siya dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa akin.

“Pero…. Ang tanga mo.” Pabulong kong sabi.

Feeling ko may kumirot sa puso ko pagkasabi ko nun, medyo nahihilo na rin ako kakaiyak at kakasigaw pero parang kailangan ko ring isigaw itong bagay na to.

“ANG TANGA TANGA MO ZELLE!!!”

Hindi na ako masyadong naiiyak pero humagulgol na naman ako pagkasigaw ko. Tinakpan ko ulit 'yung bibig ko dahil nahihirapan na ako.

Bakit ba kasi ako nag expect eh? Yung mga kinikilos ni John… lahat lahat! Bakit ba kasi ganun? Bakit ba sobrang bait niya sa akin?! Hindi ba pwedeng ipagtulakan na lang niya ako palayo para hindi na ako maattach ng ganito sa kanya?

Hindi ba pwedeng maglagay siya sa noo niya ng warning sign na: Wala akong gusto sa'yo Zelle, si Elle ang gusto ko--magkaibigan lang tayo.

Ang tanga ko, sobra…sobra.

Bakit ba kasi Zelle pa ang pangalan ko? Bakit kailangan malapit pa sa Elle? Bakit kailangan maging maganda si Elle, bakit kailangan maging mabait siya, matalino, bakit ba ang perpekto niya pero ako—

Takte, Criselda nga pala pangalan ko.

PERO KAHIT NA!!!

Naiyak ako lalo dahil narealize kong ang panget din ng pangalan ko. Bakit ba lahat na lang? Bakit ba ganito? Naging masiyahin naman ako pero bakit ganito kinakalabasan kapag malungkot ako?

Akala ko ba kapag prom, sasaya tayong lahat, pero… hindi ba ako kasama sa ‘lahat’ na 'yun? Special day ang prom di ba? Bakit pakiramdam ko… sa sobrang special niya sobrang sakit na?

Napatingin ako sa balikat ko na hinawakan ni John kanina, nag init naman ang mukha ko pati na rin 'yung balikat ko na hinawakan niya. Naiyak ako lalo, napaka caring niyang tao na nagfeeling akong may gusto siya sa akin, masyado kong tinignan ng maigi mga sinasabi at kinikilos niya na akala ko meron.

Ang galing ko, ang galing galing ko talaga.

Yung mga ngiti niya, totoo—pero hindi pala para sa akin. Yung kuryenteng nararamdaman ko sa tuwing nagkakadikit mga balat namin—para sa akin lang pala lahat ng 'yun. Yung mga kilig moments na hindi ko mapigilan—ako lang pala talaga ang kinikilig.

Kasi lahat ng pagkagusto ko sa kanya, kay Elle niya binibigay.

Kaya pala lagi silang magkasama… kaya pala pakiramdam ko natethreaten ang love story namin ni John sa tuwing magkasama, magkausap o kahit magkatinginan lang sila ni Elle. Bwisit, ako pala ang threat sa love story nila!

Ay wait, threat nga ba ako? Mukha akong extra eh, mga tipong special participation.

BWISIT TALAGA!

“Aaaahhhh!!! Ayoko na!!!” Pinukpok ko ulit 'yung dibdib ko na sobrang sakit at malakas ang kabog. “Ang sakit na, please! Ayoko na, puso! Tama na please!”

Napatingin ako sa mga rosas at doon sa teddy bear. “At nakangiti ka pa habang nagdudusa na ako dito?!”

Naiirita na ako, nakakainis na. Bwisit na bwisit na ako!

“Peste ka!” Binato ko 'yung mga rosas somewhere at nagulat ako sa biglang nagsalita.

“Aray ko naman. . .” Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses ng lalaki, napapunas ako agad sa mukha ko at nanlaki ang mga mata ko saka ako kinabahan ng sobra.

S-shit.

---x
Author's Note:
Thank you sa pagbabasa ng JOA pati 'yung mga nagkocomment, thank you! Pasukan ko na pero hindi pa naman sobrang busy pero feel kong magiging busy ako ng sobra kaya baka matapos na ito. . . maybe hanggang next week na lang? :)

Pasensya na kung ang OA ni Zelle, ganyan talaga 'yan. . . OA. Hahahahahahahaha!

Dedicated to anne or 013annedadora dahil sa paghahabol niya mula sa AFG tapos dito sa JOA. Nakakatuwa kasi lagi siyang nagpupunta sa mb ko para itanong kung bakit hindi na niya ako pwedeng ifan hahaha kyot kyot. Hi Anne! Thank you ah, nakakatuwa ka at masaya akong reader kita ng mga stories ko. :)

Multimedia section--yung "recent votes" ni Anne--puro stories ko pati pinagbibidahan ko ung Halikan Kita Dyan Eh hahahahaha kyot :3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top