Ch4: Look at the mirror
“Wala akong paki sa nararamdaman mo Lorenzo!” Mag wowalk out na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Nakaupo siya kaya medyo nahila pa niya ako pababa.
Tumayo naman siya at medyo tinulak ako kaya napaupo ako sa upuan.
“Mas lalo na ako Criselda” Inirapan naman niya ako sabay siya ang nag walk out.
NAKO, ang landi nitong lalaking 'to ang sarap kutusan eh.
“Hahaha, ang babantot ng mga pangalan niyo. Bagay kayo!” Napatingin naman ako sa nagsalita sa likod namin na unknown species at nanliit ang mga mata ko. Tinitigan ko siya straight sa mata niya.
“Isa pang sabi n'yan 'yang mukha mo mapupunta sa outer space. LAST MO NA YAN!” Napaatras naman 'yung kaklase namin sa sinabi ko. Buti naman, isa pang joke na ganyan talaga pramis. Hindi niya alam magagawa ko.
Yabang ko eh no, hindi nga ako makapatay ng flying ipis eh. Hahahahaha.
Pumunta na kami ni Enzo sa next class namin at dumiretso na sa sari-sarili naming upuan. Sobrang boring lang ng klase namin kaya nakatingin lang ako sa labas ng pintuan nang biglang…
Nakita ko na naman si John.
At hindi lang basta basta nakita, nagkatinginan pa kami. Haayyy, naiinis na ako sa tingin niyang 'yun ah? Paamo effect eh!
Naiinis pa ako kasi lagi ko na lang siyang nakikita. Parang lagi siyang nakasunod sa akin. Parang.. Parang may gusto siya sa akin? Chos!
“MARIA CRISELDA HINDIMAPANTAYANGKAGANDAHAN, are you listening to me?” Napatingin naman ako sa teacher namin na nag aalburoto na pala sa galit. Aba, hindi ko naman kasalanan na ang boring ng klase niya no?
Dinamay pa niya pangalan ko, kainis. Zelle na nga lang kasi itawag sa akin pinahirapan pa sarili. Jusko. Ewan ko sa kanya. Nagkunwari na lang akong nakikinig sa kanya nang may napansin ako na parang tumatawa.
Pucha, ANO NA NAMAN TINATAWA TAWA NG ENZO NA 'YON?
“Zelle, may pinapabigay sa'yo…” Bulong sa akin ng katabi ko. May binigay siya sa aking papel na nakatiklop na may nakasulat na BUKSAN MO.
Pagbukas ko naman, napatingin ako ng masama kay Enzo na tawa pa din nang tawa. Nako, hatakin ko kaya ngala ngala niya?
Paano ba naman, sinulat pangalan ko with bold letters. (Oo, nakahubad na letra. Hahahaha)
MARIA CRISELDA HINDIMAPANTAYANGKAGANDAHAN
Hay nako, if I know inggit lang 'yan sa pangalan ko eh. Binilog ko na lang 'yung papel at nilukot. Pag tapos na klase namin isasaksak ko 'to sa lalamunan niya pramis.
“MR LORENZO WALANGMAISIPNAAPELIDO JR, anong tinatawa tawa mo d'yan?”
At opo mga kababayan, ako naman ngayon ang tumawa. MUHAHAHA. Buti nga sa kanya. Atleast ako maganda apelido, siya panget.
PS: Sorry po sa mga magulang at mga ninuno ni Enzo, no disrespect intended po. Sa kanya lang kasi hindi bagay 'yung apelido. Ay, Mr. Lorenzo Walangmaisipnaapelido Sr, bagay po sa inyo ang pangalan niyo pramis. Bagay sa Senior, sa Junior lang hindi. Hehehehe.
So natapos na ang boring class namin na syempre, boring. Nag asaran lang kami ng pangalan ni Enzo hanggang sa naramdaman kong kailangan kong magwiwi. So nag cr na muna ako at nagwiwi nga.
Wiwi.
Ay ankyot eh, wiwi. Hahahaha.
Pagkatapos ko magwiwi at paglabas ko ng cubicle, nakita ko si Mia na kaklase ko sa dalawa kong subject. Nag hi at nag hello lang kami tapos naghugas na ako ng kamay. Napansin ko naman na may kausap siya sa labas.
Tumingin ako sa salamin at medyo nagpakyot kaunti pero syempre, kaunti lang kasi baka makyutness overload na ako. So habang nakatingin ako sa sarili ko sa salamin, ewan ko pero napatingin ako kay Mia at napatingin ako sa reflection sa labas.
Nagulat na lang ako sa nakita ko.
Nakatingin lang kasi ako sa reflection sa salamin at nagulat nga ako kasi nakita ko si John. Nakita ko si John na nakatingin din sa akin sa reflection ng mirror.
Halos nagkatinginan kami ng mga 2.34 seconds saka niya iniwas ang tingin niya sa akin at patuloy na nakipag usap kay Mia na nasa tabi ko.
Bakit ganun? Tama ba paningin ko?
Tama bang nakita ko na nakatingin siya sa akin sa salamin? Tinitignan niya reflection ko sa mirror? Nagtama mga mata namin eh, ibig sabihin tinitignan niya ako.
Napatingin ulit ako reflection niya gamit 'yung salamin ng cr at nagulat na lang ako dahil nakita kong tinapik siya ni Enzo sa balikat.
“Uy pre” Bati ni Enzo kay John.
“Uy” Sabay ngiti naman ni John.
Napapikit ako. Once. Twice. Thrice.
SYET. Hindi ako namamalikmata, kilala ni Enzo si John!!
“Hoy Zelle, lumabas ka na d'yan tama na pagpapakyot” Hay nako talaga, nakakainis eh. Pinapahiya ako nitong Enzo na 'to kay John eh!
“Uy sige pre, kita na lang sa class” Nag tanguan pa sila ni John bago kami tuluyang umalis ni Enzo.
Naglalakad lang kaming dalawa sa hallway para bumaba na at makauwi na pero kating kati na ako itanong sa kanya kung bakit sila magkakilala. Ay wait, kita na lang daw sa class? Ibig sabihin magkaklase sila?
HOW COME NA HINDI KO ALAM!?
Ay wait. Kaya pala pamilyar si John sa akin, kasi magkaklase sila ni Enzo!!! Aish. Oo nga no, ang tanga mo Zelle. Bakit hindi mo naisip 'yan?
“Enzo” Tumingin naman sa akin si Enzo. Eh sorry na ah, pero gusto ko lang itanong. “Sino 'yung lalaking kinausap mo sa may CR?”
“Ha? Bakit?” Pagtataka niya.
“Pamilyar kasi…” Weh Zelle, pamilyar? Pamilyar talaga o masyadong pamilyar sa'yo?
“Ah si John A. Tan, kaklase ko sa English” Tumango tango na lang ako sa sinabi ni Enzo. Napatingin ako kay Enzo ng nakangiti. May mapapala din pala ako dito sa lalaking 'to eh. "Bakit? Crush mo?"
Napataas ang kilay ko. "Ha? Hindi ah!"
"Maraming nagkakacrush dun eh" Tinignan ko siya ng medyo nakakunot ang noo ko.
"And so?" kung maraming nagkakacrush sa kanya. Wala akong paki...alam?
---x
Author's Note:
Thank you and happy reading guys! Comments are appreciated--super! Dedicated to love_hatred dahil sa pagsagot niya sa tanong sa prologue. :)
Updates are not scheduled. Basta makita ko 'yung quota ko, update na agad ako PERO 7-8pm lang ako nag uupdate para kyot. May time. So kung aabangan niyo ang update, 7-8 po :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top