Ch38: El ow vi ee
"Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and confused."
— Paulo Coelho
~ ~ ~
Tingin sa kanan:
“Ma-hal-ki-ta, that’s the tagalog of I love you.” Pagpapaliwanag nung lalaki sa kasama niyang babae na mukhang Korean.
“Maharl keeta?” Napansin ko namang napangiti 'yung lalaki at ginulo ang buhok nung babae.
“Close enough.”
Tingin sa kaliwa:
“Makinig ka na kasi ng LOVE radio!” Pansin kong kilig na kilig na sabi ng isa kong kaklase.
“Yung kay papa Jack ba 'yun? Yung nag aadvice?” Nasasabik na reply nung isa pa.
“Oo, dali na mamayang gabi!”
Tingin sa baba:
♪ ♫ Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Bakit kailangan ganyan ang soundtrip ng mga tao? Kitang natutulog ako pero ganyan soundtrip sa classroom?! Anong kalokohan 'yan?!
Tingin sa taas:
“I LOVE YOU RAYNE – Daniel” pansin na pansin na sobrang kinikilig 'yung mga tao dahil sa tarpaulin na nakadisplay sa may gym at 'yung nagkaaminan nung foundation week sa dedication booth ay nandun din. Nag iingay 'yung mga kabarkada tapos may dala dala pang bulaklak.
Lagi silang umeeksena ng ganyan. Hindi ba sila nagsasawa?!
Napapakunot ang noo ko. Mula pagpasok ko sa school, halos 'yan na ang naririnig ko… 'yang love na 'yan, 'yang mahal na 'yan. Nakakainis kasi kinakabahan ako sa tuwing may naririnig akong salitang love! Pero bakit ba ako ganito? Hay nako Zelle, umayos ayos ka ah? Umayos ka talaga!
Naglalakad na ako sa hallway dahil pauwi na ako. Mag isa lang ako dahil una, nahihiya ako kay Enzo at pangalawa, nahihiya ako kay John.
Ito masakit eh, 'yung dalawa mong kaibigan na lagi mong kasama , hindi mo na madalas makasama dahil sa mga nangyayari… pero si John, wala lang, hindi naman niya alam eh… ako lang 'tong nahihiya.
Binagalan ko paglalakad ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki na makakasalubong ko na may kasamang babae, pagtingin ko ng mabuti, si John—eto na naman, kinakabahan na naman ako! Pagtingin ko naman sa mukha nung babae, si Elle, at parang may pinag uusapan sila tungkol sa isang bagay na tinuturo ni Elle sa notebook na dala niya.
Hindi ko alam kung nakikita nila ako pero ako, kitang kita ko sila… at, at… nakakaramdaman ako ng something. Gusto kong umiwas pero bakit naman ako iiwas? Gusto kong pumikit para hindi sila makita pero bakit naman ako pipikit?
Ano ba tong nararamdaman ko?
Malapit na kami magkasalubong nang tumingin sa akin si Elle at ngumiti siya. Tumingin rin sa akin si John at nung magkatapat ang mga mata namin…
…heart, please stay calm.
Ngumiti siya sa akin.
“Saan ka pupunta?” Tumigil kami sa paglalakad, medyo napatitig ako sa kanilang dalawa bago ako sumagot.
“Ah, uuwi na…” gusto ko na lang tumakbo palayo pero, naiistuck ako sa kinatatayuan ko. Ang daming tanong sa isip ko. Bakit sila close? Kailan pa sila naging close? At bakit… bakit… sila magkasama? Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na magtanong. “Kayo? Saan pupunta?”
“Pinapatawag daw ako ni DC,” hindi ko napansin na nagpipigil ako ng hininga. Napaexhale ako ng malakas na mukhang nagtaka naman sila kaya ngumiti na ako.
“S-Sige, bye!” Pagpapaalam ko at nagmamadali na akong maglakad palayo pero nagulat ako nang may humawak sa balikat ko.
“Teka!” Paglingon ko, nakangiti sa akin si John tapos pinatong niya 'yung kamay niya sa buhok ko at ginulo 'yun. “Salamat last time ah, bye!”
Umalis na siya, nagbabye na rin si Elle sa akin at umakyat na habang ako, nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko.
Yung paghawak niya sa balikat ko, 'yung pag ngiti niya, 'yung pag gulo niya sa buhok ko… grabe, grabe. Stay calm lang puso! Huwag ka naman lumabas d'yan sa ribcage ko please lang ayaw ko pang mamatay!
“Huy.” Nagulantang naman ako sa biglang paghawak ng isang nilalang sa balikat ko kung saan ako hinawakan ni John kanina. Gusto ko sana ihagis palabas dahil hindi dapat hinahawakan ng kung sino man ang balikat ko pwera kay John pero paglingon ko…
“Enzo…”
Ngumiti siya sa akin at parang pakiramdam ko, naghahallucinate ako. Ngumiti ba talaga siya? Seryoso?! Yung totoo!?
“Bakit nakaharang ka dito? Uwi ka na?” Tinulak naman niya ako palabas habang ako, hindi pa rin ako makareact. I can't, alam kong dapat nagkakailangan kami pero… anong nakain niya at kinakausap niya ako ngayon?
“Teka—”
“Tara na, libre mo ako!”
Napabuntong hininga na lamang ako at napasapo sa noo. Okay, nagkailangan na nga kami't lahat pero ngayong pinapansin na niya ako, nagpapalibre naman.
Kapal mukha ah?
Sabay kaming umuwi ni Enzo, nilibre ko ba siya? Syempre hindi! Kapal naman kung ilibre ko siya matapos niya ako bigyan ng sobrang daming sakit sa ulo nung nakaraan!
Walang nagbring out ng topic kaya parang walang nangyaring something, back to normal lang kami na nagbibiruan, nag gagaguhan at nagwawalanghiyaan. Mas gusto ko to… sana ganito na lang lagi.
Pagkauwi ko, nagbihis na muna ako then nag online sa facebook baka kasi namimiss na ako ng mga fans kong jejemon… JOKE! Pero ayun nga, nagtingin tingin ako sa facebook hanggang sa napatingin ako sa isang picture—at hindi lang siya basta basta picture, picture ni Enzo at ng isang babaeng pamilyar.
'Yung ex niya!
Napansin kong dated 2 years ago na 'yung picture pero kaya siya nasa newsfeed ay dahil may new comment galing kay Enzo. Tinignan ko muna 'yung ibang comment at 'yung pinaka una ay galing kay Enzo na sinasabi ang…
I love you babe! <3
Watdahek?! Ang landi! Nakakasuka naman to jusko! Pero dated 2 years ago rin 'yung comment na 'yun tapos may ilan pang comments hanggang sa nagcomment ulit 'yung ex ni Enzo at sinabing…
Hala! Ang tagal na nito oh! Hahahahahaha! :))))
At nagreply naman si Enzo ng…
Oo nga! Tinago mo pa kasi sa album mo hahahahaha :DD
Pero may nagcomment din na kakacomment lang na…
Muling ibalik ang tamis ng pag ibig~ ~
Woah, okay. Mukhang close na ulit sila ng ex niya, mabuti para sa kanya 'yan? Uhm so ayun, nag scroll scroll na ulit ako sa newsfeed hanggang sa may napansin akong post ng jejemon fan ko… joke! Hindi ko siya fan pero jejemon siya! Hahahahaha ayoko sana pansinin pero kasi, kapansin pansin 'yung post niya lalo na 'yung caption!
GuYXsTh b@sAhEeN niY0h EtOuh:
Medyo nosebleed.
Paano mo masasabing in love ka na?
Pagkabasang pagkabasa ko nung parang title ng picture, may kung anong nangyari sa may puso ko na hindi ko malaman, parang sinuntok pero hindi masakit at bigla na lang, napangiti ako dahil sa naalala ko.
1. Lagi kang nakangiti sa tuwing nakikita mo siya.
2. Napapasaya ka sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa'yo.
3. Binibigay mo ang atensyon mo sa kanya ng hindi niya hinihingi.
4. Good angle lahat ng angles ng mukha niya kahit sa may butas ng ilong.
5. Daydreaming lagi ang peg kapag walang ginagawa o kapag boring prof.
6. Siya ang kasama mo sa mga day dreaming peg mo.
7. Kakaselos ng bongga kapag may kasama siyang iba at hindi ikaw.
8. Kinakabahan ka sa tuwing nagkakaroon kayo ng physical contact.
9. Nag dodoki doki si Mr. or Ms. Heart sa tuwing ngingitian ka niya.
10. Hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakakausap, nakikita o nakakasama.
Napapangiti ako habang binabasa ito, ewan ko, siguro kasi… ay, wala! Joke lang hahahahaha wala, wala akong—
At pang huli, wala akong binabanggit na pangalan pero...
...siya ang naiisip mo.
BOOM! In love na 'yan!
Nanlaki ang mga mata ko at parang napalayo pa ako sa screen ng computer, shit. Bakit ko siya naiisip? Totoo ba 'to?! Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas na naman ng kabog… nagwawala na naman 'yung puso ko sa loob!
John, bakit mo ba ako ginaganito? Ito na ba 'yung sinasabi nilang "love"?!
---x
Author's Note:
Maraming tenkyu sa pagbabasa ng JOA! Nakakatuwa kasi nagsilabasan 'yung mga team John, may natitira pa rin palang team John hahaha kyot. Yung word art na nakita ni Zelle sa fb ay nasa right side ---> para mabasa ng mas maayos, right click then open image in new tab. :)
Wag niyong kunin 'yan ako gumawa n'yan pinaghirapan ko yan!!! HAHAHAHAHAHA! :))
Dedicated to Araaa dahil team john siya at pangalawa, kasama ako sa mga favorite authors niya eh 'yung mga sikat ng sobra mga andun salikng ketket ako ahihihi! (external link) wala lang, nakakakilig kaya 'yung ganun bakit ba! So Ara, thank you ng marami sa pagbabasa ng afg at sa paglalagay sa akin sa fave authors mo. <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top