Ch37: Arrythmia
"If you will practice being fictional for a while, you will understand that fictional characters are sometimes more real than people with bodies and heartbeats."
— Richard Bach
~ ~ ~
Hindi ako sumagot pa dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Napapikit ako at huminga ng malalim saka dumilat ulit. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na nahihiya na ako dahil baka marinig din niya 'yun.
Hindi ako mapakali, nakakainis.
Pagtingin ko sa kanya, parang may kung ano akong napansin sa kanya… sa may leeg niya. Teka, hindi chikinini pero parang… pasa? Teka, pasa nga ba 'yun?
Medyo nag zoom in naman ang mata ko sa may leeg niya at finocus ito ng mabuti habang nakatingin lang siya sa kabilang side. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko na parang kakaroon lang niya ng pasa sa may leeg!
“Bakit… bakit may pasa ka?”
Hindi ata niya ineexpect ang lahat kaya napaiwas siya sa akin at bigla niyang hinawakan 'yung leeg niya para matakpan pero kitang kita ko naman na.
“H-Ha? Wala ah!”
Napakunot ang noo ko at pinipilit tanggalin ang kamay niya sa leeg niya hanggang sa marealize ko na lang na may something na pasa rin siya sa balikat niya at pagtingin ko sa may braso, meron ding kaunti pero natatakpan ng uniform.
Napatitig ako sa kanya ng mabuti at hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Nakasimangot ako at nakakunot ang noo pero hindi ako galit, hindi ko kasi alam… ewan ko, parang, anong nangyari?
“Anong nangyari sa'yo?” Feeling ko nagchochoke ako sa sarili kong laway, hindi ko maexplain. Parang kanina feeling ko ang cute na namin tignan at ang romantic na ng ambience tapos bigla kong makikita 'yung pasa niya? At bakit ba parang hindi ko napansin 'yan? Lumayo ako sa kanya para iexamine siya at medyo napansin ko rin na may pasa siya sa mukha pero hindi siya ganun kakita. “John…”
Bumuntong hininga si John at inialis ang kamay niya sa leeg niya at parang feeling ko nasaktan ako dahil nakita ko 'yung pasa na parang bang freshly done.
“Sorry kung nakita mo pa 'to…” Hingi ako makahinga, ang hirap… parang ang sakit niya tignan na parang pati ako nararamdaman ko 'yung sakit.
Sumandal siya sa railing at ako, nakatingin lang sa kanya. Lumapit ako sa kanya at unti-unti kong inabot ang leeg niya pero dahan dahan lang dahil baka masaktan siya.
“Masakit ba?”
Pagkatanong ko nun, tumingin siya sa akin sabay ngumiti—'yung ngiti niyang maamo, 'yung ngiti niyang mabait, 'yung ngiting gustong gusto kong nakikita sa kanya… pero, pero obvious na malungkot siya.
AAAAAHHHH, ayoko maging malungkot si John! Ayoko!!
“Uhm, tara na nga!” Umiwas na ako, nakakaramdaman ako ng lungkot. Ayoko ng ganito. Naiinis ako, parang gusto ko siyang yakapin pero… pero hindi naman pwede. Nakakainis, gusto ko siyang icomfort pero hindi ko alam kung paano ko siya ikocomfort dahil wala rin naman ako sa lugar niya at hindi ko alam ang mga nangyari.
Feeling ko ang useless ko ngayon.
Pumunta kami sa blue magic, medyo mahirap pumasok dahil ang daming tao dahil nga malapit na mag valentines day at ang blue magic ay isa sa mga bentang benta tuwing ganitong month. Pagpasok nga namin may nakasalubong kaming lalaki na may dalang napaka laking paper bag eh.
Ang sweet at the same time nakakabadtrip, bakit kamo? Well, nakikita ko naman 'yun sa mga higher levels eh, kasi kadalasan kapag nabigay na ng lalaki 'yung teddy bear or something, 'yung babae na 'yung nagdadala eh ang bigat at ang laki di ba? HASSLE!
But anyway, nagtingin tingin lang kami ni Johnat medyo nababother pa rin ako sa pasa niya sa leeg na kitang kita. Huminga na lang ako ng malalim.
“Siguro ano, magugustuhan ng reregaluhan mo 'yung teddy bear?” Nakangiti kong sabi para magloosen up 'yung dark aura sa paligid namin. Naging awkward kasi eh, bakit kasi pinansin ko pa?!
“Uhm, siguro nga… ano ba cute dito?” Nagtingin kami parehas sa dami ng stufftoys.
“Ay ito! Ang cute, bilog na baboy!” Turo ko sabay hablot dun sa baboy at pinindot pindot dahil sobrang lambot! “Ay teka! Eto pa, ang cute nung frog!”
Wait, natutuwa na ako dito ah? Pinindot-pindot ko lang 'yung mga stuff toys at ang sasarap nilang yakapin! Ang cute!!! Nakakainis lang wala pang nagbibigay sa akin ng stuff toy, gusto ko rin maexperience mabigyan!
“Eto ba, cute?” Napatingin ako kay John na nagsalita agad na kanina pa tahimik. Nanlaki ang mga mata ko at bigla bigla ay bumagal ang tibok ng puso ko.
Duug. Duug. Duug.
Imbis na mukha niya ang makita ko, isang malaking salamin ang tumambad sa akin para makita ko ang mukha kong nashock din. Mula sa likod ng salamin, sumilip siya para tignan ako tapos ngumiti siya.
Dugdugdugdugdugdug!
Napangiti ako at feeling ko, feeling ko sasabog na naman 'yung puso ko. Ang sakit! Ang sakit ng puso ko, shit lang! Nag iinit rin ang pisngi ko na hindi ko malaman.
“Ay ang cute niyo naman! Tignan mo si ma’am, nagblush na!” Napalingon kaming dalawa ni John sa saleslady na bumati sa aming dalawa at ewan ko, initial reaction ko ay lumabas. Shit, ang sakit talaga. Aaahh, tama na heart, tama na!
“Uy teka Zelle, saan ka pupunta!”Hindi ko masyadong pinansin si John. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko na macontain!
“D-Dito muna ako, ano.. mag cCR ako. Kita na lang tayo dito, kung bibili ka hintayin na lang kita dito, t-teka lang ah?” Umalis agad ako na parang nagulat pa siya. Agad agad akong pumasok sa CR at buti na lang, walang masyadong tao.
Napatingin ako sa mukha ko, medyo namumula nga! Ano ba 'yan?! Napahawak ulit ako sa dibdib ko, ang sakit niya pero hindi siya masakit na nakakaiyak, parang sa sobrang bilis kasi eh, nakakapanghina!
“Puso, kalma lang…” Binasa ko 'yung mukha ko at pagtingin ko sa salamin, feeling ko mamamatay ako dahil nakita ko na naman sa utak ko 'yung ginawa niya kanina! Ahhh, bakit kasi ganun! Nakakainis at bakit ganito ako magreact?!
Lumabas ako ng CR ng medyo nahimasmasan na ako pero nagulat ako dahil nandoon lang si John. Ngumiti siya sa akin ng nakatingin sa akin at napansin ko na parang may dala na siyang paper bag, nakabili na siya.
“Okay ka lang ba Zelle?” Hahawakan niya sana 'yung noo ko para siguro tignan kung mainit ako pero nilayo ko 'yung mukha ko. Para kasing ano, hindi ko pa kakayanin na magdikit muna kami ng palad.
“Okay lang ako, ano, medyo sumakit lang ulo ko kanina.” Nakangiti kong sabi pero parang nagtaka siya dahil lumayo ako. Tinignan ko naman 'yung paperbag. “Nakabili ka na?”
Tumango lang siya.
“Oo nga pala, ano bang meron at may regalo pa?” I need to calm down. Zelle, KALMA!
“Ah kasi ano, malapit na kasi 'yung ano…” tumigil siya sandali at nagkamot ng batok. “Birthday ng taong importante sa akin”
“OMG girl, I THINK I'M IN LOVE!” Napatingin kami ni John sa biglang sumigaw na babae na parang tuwang tuwa habang may hawak hawak na rose at bear habang kausap 'yung isang kaibigan niya na kinikilig naman.
A-Ano daw? In love?
“Birthday?” Tumango siya.
Ngayon ko lang narealize, next week na… birthday ko.
Duug. Duug. Duugdugdugdugdugdug!!
---x
Author's Note:
Wala bang mga team John d'yan? Puro kayo galit kay John, awa kay Enzo at inis din kay Zelle! Hahahahahaha salamat sa pagbabasa nitong JOA! At thank you sa mga nagkocomment, nakakatawa at nakakatuwa kayo! Arrythmia ay isang sakit ata, not syor pero pwede niyo iresearch, meaning ay nasa multimedia at the right ---> galing yung meaning sa blog ng tineh ko na si erindizon :)
Dedicated to superkajin, kasi kahit na halos lahat puro team Enzo, team John pa rin siya at napansin din niya 'yung gusto ko sana sabihin na "hindi naninigarilyo si John" kaya plus points hahahahahaha hindi na pinansin ng iba 'yun kasi maka Enzo sila! HAHAHAHA!
Read her comment, click the external link. :]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top