Ch36: Her Feelings
"I wondered what happened when you offered yourself to someone, and they opened you, only to discover you were not the gift they expected and they had to smile and nod and say thank you all the same."
— Jodi Picoult
~ ~ ~
Naglalakad lang ako sa corridor habang nakatingin sa labas, pansin ko kasi na nag aayos na 'yung mga committee para sa prom na gaganapin, February 14. Ramdam ko na nga ang pag ibig kung saan saan dito sa school pero mas naging ramdam ko dahil nga sa prom na gaganapin.
Lahat ng tao excited, bakit ako parang… hindi?
“Naeexcite na ako sa prom!!” Rinig na rinig kong sabi nung babae sa kaibigan niya. “Magtatapat na kaya sa akin si Kyle?!”
“Nako girl, huwag ka masyadong magsaya. Sa prom, marami ring umiiyak sa lungkot!” Natatawang sabi nung isa, binatukan naman siya nung kinikilig.
“ANG NEGATIVE MO!”
Napapangiti ako, wala lang. Kasi sila kinikilig eh, ako kaya, kelan ulit? Si John naman kasi, minsan hindi ko na nakikita at si Enzo? Hindi na kami nakapag usap pa simula nung nag usap kami ng masinsinan.
“Zelle, sorry…” Mula sa katahimikan na sinabi ni Enzo. Naglalakad na kami papunta sa amin, hinatid niya ako pauwi.
“Bakit ka nagsosorry?” Tanong ko naman.
“Sorry kasi… pinipilit kita sa akin.” Napatingin ako kay Enzo, hindi siya nakatingin sa akin pero naramdaman ko na naman ang lungkot.
“Sorry din…” Napahinto siya sa pag lalakad. “Sorry kung… hindi ko masuklian 'yan”
That scene was the most dramatic scene in my life, ever. Ewan ko ba, parang nakokonsensya ako na hindi. I care about Enzo, siya ang pinaka una kong kaibigan dito sa school na 'to pero… ewan ko. May mga bagay siguro talagang minsan mas okay na magkaibigan lang kayo.
Sa sobrang pagkecare ko sa kanya, ayoko na may mangyaring ganun.
“Samahan mo ako!” Nagulat ako sa biglang paghila sa akin ni John na dumating out of nowhere na muntikan ng malaglag 'yung bag ko.
“Uy teka, saan tayo pupunta?” Napatingin ako sa kamay niya na hawak ang braso ko. Ngayon na lang ulit kami nagkadapuang palad, wait, kinikilig na ako! Ahihihihi!
Nagpasama sa akin si John papunta sa SM, hindi ko alam kung bakit pero parang may hinahanap siya na hindi ko malaman. Napapataas lang ang kilay ko, bakit kailangan kasama pa ako?
“Ano ba hinahanap mo, John?” Napatingin siya sa akin na parang nagulat siya na kasama niya ako. NYEH, ano kaya 'yun! Tapos nadisappoint din ako kasi hindi na niya hawak braso ko. Haist.
“Uhm, ano…” Nagkamot naman siya ng batok niya at ang cute ng gesture niyang 'yun! Nagpapacute ba tong lalaking 'to sa akin?! “Nakakahiya kasi ano, kailangan ko kasi ng advice…”
Advice?
“Ha?” Pagtataka kong tanong.
“Ikaw lang kasi 'yung kakilala ko na makakatulong sa akin tapos sa'yo lang ako kumportable na babae, pwede mo ba akong tulungan?” Napapangiti naman ako sa sinabi niya. Kumportable daw siya sa akin! Hay nako John, ano ba! Ikaw talaga eh, ahihihihihi!
“Sige basta huwag lang tungkol sa school at pera” Natawa naman siya sa sinabi ko. Hala? Anong nakakatawa!
“Wag ka mag alala, hindi tungkol dun” Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman, nasa SM kami kaya ayaw kong mag isip ng tungkol sa school at wala akong pera! “Uhm, ano… sa inyong mga babae, anong gusto niyong regalo sa inyo?”
“Regalo?”
“Oo, kasi hindi ko alam kung anong gusto ng babae eh” Ewan ko kung dapat ba akong madismaya or what.
“Depende, ano bang gusto nung pagbibigyan mo?” Napasimangot siya sa akin na ipinagtaka ko naman na parang nag isip pa ata siya.
“Hindi ko alam eh. Ikaw, ano bang gusto mo?”
Nanlaki ang mga mata ko at ewan ko, ang bilis bilis na talaga ng tibok ng puso ko!
Shit, alam ko 'to! Alam ko ang scene na 'to! Ito 'yung scene na 'yung lalaki magpapatulong ng ireregalo sa babae tapos sasabihin niya para sa taong gusto niya pero at the end of the day ay ibibigay niya dun sa babae dahil ang totoo eh may hidden feelings si lalake kay babae!
OMAYGAHD KINIKILIG AKO!
“Uhm, a-ako?” Shit, hindi ko macontain 'yung kilig ko! “Kahit ano!”
Binilisan ko ang paglalakad ko dahil hindi ko na macontain ang kilig na nararamdaman ko. Ngiting ngiti ako nung maramdaman kong nasa likod ko na siya.
SYET SYET SYET THIS IS IT! KINIKILIG AKO! MATAPOS NG ISANG MADRAMANG SCENE MAY GANITONG KLASENG KAECHOSAN?! HAHAHA SYET KINIKILIG AKO HAHAHAHAHA AYOKO NA PLEASE TAMA NA ANG KILIG HAHAHAH—
“Bakit ka ngiting ngiti d'yan?” Napaatras ako at napatakip ng bibig ko. Nanlalaki ang mga mata ko, syet nakita ako ni John na kinikilig! Kailangan kong magpalusot!
Mabilis akong tumingin sa paligid hanggang sa nakita ko 'yung stall ng silver works and then, TING! Bright idea.
“A-Ano, nakita ko kasi ang ganda ng mga bracelets dun, tara!” Inaya ko siya papunta dun at nagtingin tingin lang ako sa mga bracelets. Nagtingin lang ako pati si John pero napatigil ako sa pagtingin tingin ng may makita akong bracelet na para bang sumisigaw sa mata ko.
Silver bracelet siya na may design na pink leaves, ang ganda tignan!
“Nagagandahan ka d'yan?” Napalingon ako sa likod nang magsalita si John, nakangiti siya.
“H-Ha? Ano, ayos lang pero mahal 'yan kaya dun tayo sa iba!” Hinatak ko naman siya palayo doon sa stall. Medyo mahal kasi talaga, nasa one thousand.
Naglalakad lakad lang kami at nagtitingin tingin lang hanggang sa out of the blue, nagtanong si John.
“Nagtapat na ba sa'yo si Enzo?” Unti unti akong napatingin sa kanya na para bang may mali siyang nasabi. Nakangiti lang siya sa akin na parang naghihintay ng sagot.
“Sino nagsabing—”
“Sabi ko naman sa'yo eh, may sinabi sa akin si Enzo” Ngiting ngiti pa rin niyang tanong. Napatulala lang ako, watdahek? Watdahek?! So alam ni John? Alam ni John? Bakit alam niya! Aaaaahhh, ewan ko kung bakit ganito reaksyon ko pero bakit alam ni John?!
“Anong sinabi niya?”
“Secret” Mabilis na sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako, ang daya talaga nitong lalaking 'to. Pasalamat siya pogi siya ah!
“Kaya mo ba tinanong sa akin dati sa five questions 'yung tungkol sa magtatapat kasi… alam mo na lahat?” Pagtingin ko sa mukha niya, nakangiti lang siya sa akin na parang oo ang sagot. Kaya pala, alam na pala niya lahat. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Hinawakan niya ako sa ulo at ginulo ito ng kaunti habang naglalakad kami sa mall. Huwag kang ganyan John, PDA tayo! Baka akalain nila couple tayo!
AHIHIHIHIHIHIHIHI!
“Alam mo Zelle, hindi lahat ng bagay dapat malaman.” Napatahimik ako noon at pati siya, natahimik rin. Nagtingin tingin lang muna kami hanggang sa may nakita akong highschool lang rin dahil sa uniform na parang nagtatry nung electronic cigarette.
“John, naninigarilyo ka ba?” Nagulat ako sa sarili ko sa bigla kong pagtatanong. Nagpipigil ako ng hininga, please say no.
Please say no.
"Natry ko na dati…" Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. Natry na daw niya, natry na daw niya!! Oh hindi!!!! “Pero hindi ko gusto lasa eh”
Napangiti ako at the same time napahinga ng maluwag. Hindi siya naninigarilyo, hindi! Ang saya saya! Good boy ka talaga John, plus points! Ahihihihi!
“Okay lang ba magtanong?” Out of the blue na naman niyang tanong.
“Nagtatanong ka na John…” Natatawa kong sabi. Ginulo naman niya 'yung buhok ko at ngumiti. Hala, ang cute naming dalawa tignan naiimagine ko! Siguro ang dami ng bitter na single ang naiinis sa amin ngayon dito sa mall.
AHEHEHEHEKS!
“Sige eto na, bakit hindi na lang si Enzo?” Mula sa ngiti, napaseryoso ang mukha ko at napatingin sa kanya na hindi naman nakatingin sa akin kundi sa kawalan.
“A-Ano?”
“Nakucurious lang ako kasi nakikita ko mga efforts niya, alam kong sobra siyang magcare sa'yo, nakikita ko sa mga mata niya na gusto ka talaga niya pero bakit ganun?” Feeling ko sasabog na ata ako sa kaba pero nakaramdam din ako ng kalungkutan.
“May tanong ako sa'yo John…”
“Sagot mo sa tanong ko, tanong din?” Nakangiti niyang sabi.
Huminga ako ng malalim at sumeryoso ng mukha, “sinong mas pipiliin mo, taong mahal mo na hindi ka naman mahal o taong mahal ka na hindi mo naman mahal?”
“B-bakit?” Pansin ko sa itsura niya na parang nagulat siya sa tanong ko.
“Naaalala ko nung sa English class niyo, late ka noon. Sa totoo lang, wala talaga akong pakielam sa tanong na 'yun hanggang sa narinig ko 'yung opiniyon mo…” Tinignan ko siya ng nakangiti. “Ang dami kong natutunan dahil sa'yo, John”
Napansin ko namang nanlaki ang mga mata niya na parang nagulat sa sinabi ko. Nanlalaki lang ang mata niyang nakatingin sa mukha ko at napapansin kong ang lalim ng hugot ng hininga niya dahil sa kitang kita 'yung pag inhale at exhale niya sa balikat.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Siguro kasi naniwala ako sa sinabi mo dati…” Napatigil na ako sa paglalakad at nagstay na lang sa may railing nung mall, ganun rin ang ginawa niya.
“Taong mahal mo, 'yun ba 'yun?” Pagtatakang tanong sa akin ni John. Ngumiti lang ako, naisip ko na naman kasi si Enzo.
Sabi niya ang piliin ko ay taong mahal ako dahil aalagaan daw ako ng taong mahal ko pero siya mismo, tumutuligsa sa sarili niyang opinyon o sumasagot lang siya para sa akin pero hindi para sa kanya.
“May nagugustuhan ka na ba Zelle?” Napatigil panandalian ang pagtibok ng puso ko at napatingin kay John na hinihintay ang sagot ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya, ang linis niyang tignan, ang ayos ng itsura niya.
Hindi siya ganun kagwapo tulad ng kagwapuhan ni Enzo pero iba talaga si John tapos ang bait pa niya sa akin hindi tulad ni Enzo na nakakabadtrip. Ibang iba si John, ang laking misteryo niya sa akin at gustong gusto ko siya makilala pa.
Huminga ako ng malalim.
“Siguro…” nakangiti kong sabi.
"Siguro lang?" Pagtataka niyang tanong. Tinignan ko muna ang mukha niya, ineexamine ang buong mukha niya hanggang sa naramdaman ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko.
Oo John, siguro lang... siguro lang kasi hindi ko na sigurado kung pagkagusto na lang ba 'tong nararamdaman ko.
---x
Author's Note:
Salamat sa patuloy na nagbabasa at sa comments, yaaaay! Naaawa kayo kay Enzo pero kay Zelle, hindi? Ayan oh, siya din naman nahihirapan. Kayo talaga ang bad niyo hahahahahaha pero okay lang talaga kung gusto niyong patayin ko na lang siya :))
Dedicated to K o kay McFlurry, kasi kakatayin daw niya ako kapag hindi nagkatuluyan si Zelle at Enzo. ANG SAKIT DI BA? (tapos dinedicate ko sa kanya eh no? hahaha) pero yay, thank you dahil nagdadrama ka na.. hahaha pero thank you kasi pinaplug mo din ang JOA ng walang kapalit nakakagulat ka pati sa status mo etc etc kahit di ko naman sinabi feeling ko tuloy may utang ako sa'yo hahaha kaya eto, dedicated sa'yo ang chapter na itech! :)
Bracelet over there --->
About sa dedication, not syor kung kanino ko idededicate... bahala na lang come what may :)))))
7pm to 8pm ang updates ko hindi man everyday basta 7-8pm, sa ngayon 7:58 na sa akin.. umabot ako ^___^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top