Ch35: His confessions

“Sumunod ka sa akin…”

Nagkatinginan kami ni Mary at parang nagtataka pa ang mukha niya sa inaasta ni Enzo dahil jolly talaga si Enzo pero ngayon, ang seryoso ng mukha. Nginitian ko na lang si Mary at binalik rin niya ang ngiting 'yun tska ako nagpaalam para sundan si Enzo.

Hindi ko rin alam kung bakit napapasunod ako sa sa inuutos niya which is hindi naman talaga ako madalas sumunod sa mga sinasabi niya. Sinusundan ko lang siya hanggang sa lumabas kami ng library, pababa ng stairs at paglakad sa hallway. Walang nagsasalita sa amin, hindi rin niya ako masyadong iniiwan palayo at panay ang lingon niya sa akin, siguro tinitignan kung sumusunod pa ba ako o hindi.

“Uy Zelle!” Nakangiting bati sa akin ni ate Jasmine. “Gusto mo ba sumali sa cotillion sa prom?”

“Ay, hindi ako worthy sa ganyan eh!” Nakangiti kong sabi, kasi masyado akong maganda para d'yan! Muhahahahaha!

“Ay nako Zelle” Sumimangot pa ng kaunti si ate Jasmine. “Ikaw Enzo, gusto mo sumali?”

Napatingin ako kay Enzo tapos kay ate Jasmine na naghihintay ng sagot. Hindi ata napapansin ni ate 'yung aura ni Enzo na parang mangangain na ng tao. Tumingin si Enzo kay ate Jasmine at naramdaman kong parang natakot si ate sa tingin na 'yun.

“Ay uhm…” Napansin ko ang naramdamang awkwardness ni ate Jasmine dahil naglakad na palayo si Enzo tapos tumingin siya sa akin na parang nagtataka rin. Ngumiti lang tuloy ako ng awkward smile ko tapos nagsorry at sinundan si Enzo. Hinabol ko si Enzo hanggang sa makalabas na kami saka ko siya binatukan.

I know, bad mood siya pero ang sama kasi niya eh!

“Bakit mo naman tinignan ng masama si ate Jasmine?!” Tumigil na siya ng paglalakad ng medyo makalayo na kami sa school. Tinignan lang niya ako pero seryoso pa rin 'yung mukha niya, para ngang hindi niya nafeel 'yung pagbatok ko eh.

May kung ano naman siyang kinuha sa bulsa ng uniform niya at nagulat ako sa nakita ko! Nilagay niya 'yun sa bibig niya at sinindihan tapos… tapos…

“Na-naninigarilyo ka?”

 

I can't believe this, si Enzo, naninigarilyo?!

Binuga niya 'yung usok at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nakikita ko o ewan ko. Napatitig ako sa hawak hawak niyang sigarilyo na nakasindi tapos sa kanya na nakatingin sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang... ganyan.

Ang weird.

“Oo, bakit?”

 

“H-Hindi ko alam na… na naninigarilyo ka pala” Hindi na ako makatingin sa kanya ng maayos, bakit ba pakiramdam ko nag iba na si Enzo? Na hindi na siya si Enzo dati?

“Wala ka kasing oras para kilalanin ako…” Napatigil ang paghinga ko ng marinig ko 'yun. Patuloy lang ang paninigarilyo niya habang parehas lang kaming nakatayo, hindi kami malapit sa isa't isa pero hindi rin naman kami malayo.

“Enzo…” Pagtingin ko sa kanya, nakatingin lang siya sa kawalan. “Anong nangyayari sa'yo?”

Tumingin naman siya sa akin ng masama or tumingin lang talaga siya sa akin pero mukha lang masamang tingin kasi parang galit siya? Woohh, nanlalamig na rin pati 'yung kamay ko!

“Ikaw Zelle, anong nangyayari sa'yo?”

A-Ano daw?

Napatigil kaming dalawa, walang nagsasalita at nakatingin lang sa mga sasakyan at mga taong naglalakad. Kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan. Gusto niya akong kausapin pero parang lagi siyang galit, ano ba talaga?

Haist, ang gulo.

Kinakalimutan ko na nga 'yung ginawa niyang pang iiwan sa akin tapos gaganyan pa siya? Sino ba babae sa amin? Paki sabi nga sa akin, sinong babae sa aming dalawa?!

Napansin ko naman na tinapon na niya 'yung parang something nung sigarilyo tapos umupo siya sa parang elevated something, hindi siya upuan talaga pero pwedeng upuan na semento kaya umupo na rin ako. Napansin ko naman sa peripheral vision ko ang paghinga niya ng malalim kasunod ang pagtanong na...

“May gusto ka ba kay John?”

Napatingin ako sa kanya pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin, sa harap pa rin. Hindi ako makapagsalita, parang... parang isang dramatic scene ang nangyayari sa amin ngayon lalo na't malapit na mag sun set.

“Uulitin ko pa ba?” Shit, hindi ako makahinga. “May gusto ka ba kay John?”

Napakunot ang noo ko pero hindi ito dahil sa inis ako or something, napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumingin ako sa harap, titig na titig ako sa batang nag iiskip habang naglalakad.

Buti pa siya, ang saya niya.

Bakit ako, ang payapa ng paligid pero feeling ko may problema ako?

“Tatanungin ko pa ba ulit?” Huminga ako ng malalim, hindi ko inaakala na ang pagtatanong niyang 'yun ang magpapaabnormal ng paghinga ko. “Hindi ko inaakala na ikaw na hindi naman kagandahan masyado, hindi naman matalino ng sobra, hindi babaeng babae at panay ang batok sa akin…”

 

Mula sa batang nag iiskip at masayang masaya sa paglalakad, napatingin ako kay Enzo ng masama. Ano ba? Nilait lait pa ako?!

Pero imbis na mainis ako, kinabahan ako lalo dahil tumingin siya sa akin tapos hinawakan niya 'yung mukha ko. Hinawakan lang niya na parang... parang ewan ko, ang weird. Ang soft ng pagkakahawak niya.

Tumingin siya sa mga mata ko, straight.

“Hindi ko inaakala na ikaw na hindi ko naman talaga kilala… hinahayaan kong saktan ako ng ganito.” Inialis ko pagkakahawak niya sa mukha ko at yumuko na lang, napansin ko namang ngumiti siya mula sa peripheral vision ko at tumingin ulit sa harap.

"Minsan nakakairita pagkamanhid mo eh..." Sabay tawa niya ng kaunti. Napapikit ako ng madiin habang nakayuko, too much. This is too much to take.

Walang nagsalita sa amin ng ilang segundo hanggang sa napansin kong hinawakan niya ang cellphone niya at parang binibigay niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at inutos niya sa aking buksan ko daw.

Pagbukas ko at tumambad sa akin ang wallpaper niya, feeling ko naiipit ang small intestines ko sa big intestines.

"Naniwala ako sa kabidangan na fifteen days..." Picture ko... 'yung wallpaper niya. "Hindi mo ba tatanungin kung ilang araw kong wallpaper 'yan?"

Napatingin lang ako sa kanya tapos ngumisi siya. "Mga ano lang 'yan, 3 days... 15... 38... 67... teka, 90 days ata?" Umakto pa siya na nagbibilang at tumingin pa sa ere na parang nagkocompute. "Teka, nalost count na ako eh."

 

Nanlalamig ang mga kamay ko, hindi ako mapakali at napapansin ko rin na nanginginig na 'yung mga kamay ko habang hawak hawak 'yung cellphone niya. Nakatitig lang ako sa wallpaper niya, picture ko... alam kong narinig ko ng may gusto siya sa akin pero hindi ko naman inaakala na ganito, ganito siya magkagusto.

I mean, sabi na nga niya, hindi ako maganda, hindi ako matalino, hindi ako babaeng babae at hindi ako matino tulad ng ex girlfriend niya na narealize ko na 'yung nakasalubong ko sa ospital nung binisita ko si Enzo, kaya pala pamilyar sa akin 'yung girl dahil nakita ko na siya sa picture sa facebook at siya ang ex ni Enzo...na binisita siya sa ospital.

Kumpara naman sa ex ni Enzo, walang wala ako.

Echos lang, syempre maganda ako no! Pero, kahit na, alam mo 'yun... parang, hindi ako worth it sa ganitong klaseng... confession.

"Nakakatawang nag eeffort ako para sa isang babae, ikaw ang kauna-unahang tao na ako mismo ang nag approach, alam mo ba 'yun? Tapos kahit tumawa ka lang ng walang poise, kahit madapa ka at matapilok sa harap ko o kahit... kahit ang sagwa ng mukha mo..."

Enzo… tama na, baka masapak pa kita sa panlalait mo.

"Napapabagal mo ang paligid ko..." Muntikan ko na malaglag 'yung phone niya pero dahil mahal itong cellphone, napahigpit ang hawak ko. "Naaalala mo 'yung babaeng nahanap ko na pinagana 'yung puso ko? Yung nag iislow motion ang paligid ko kapag nand'yan siya?"

Hinawakan niya ulit ang mukha ko para tignan siya, nakatingin lang ulit siya sa akin.

"Ikaw 'yun Zelle, ikaw 'yun"

Shit, ang sakit na ng puso ko. Feeling ko magkakaheart attack ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko!

Kung ibang babae siguro ang sinabihan niya nito, sobrang matutuwa sila. Kung 'yung mga babaeng gusto siya ang nakarinig nito, siguradong girlfriend na niya ngayon pero ako, ganito, ganito ang reaksyon ko.

Iniba ko ang tingin ko, hindi ko maatim na titigan siya, hindi ko nga alam kung matititigan ko pa siya  pagkatapos nito. Hindi ko rin alam kung magkakausap pa kami pagkatapos ng pangyayaring 'to.

Ayokong nangyayari 'to ngayon, dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari pagkatapos nito.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa mukha ko tapos ngumisi ulit at tumingin sa kawalan. "Bakit kasi hindi na lang ako?"

Tinignan ko siya ng maigi, kitang kita ko sa kanya 'yung lungkot ng aura. Kitang kita ko na naiinis na siya sa akin pero... haist. Napabuntong hininga ako.

"Enzo, kung tatanungin kita..." Napansin kong napatingin siya sa akin na nagtataka. "Anong mas pipiliin mo, taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"

Parang nagulat siya sa tanong ko sa kanya. "A-Ano?"

Tahimik lang ako, inaantay ang sagot niya pero napansin kong natahimik talaga siya at walang masagot.

"Guto ko lang tanungin 'yung opinyon mo talaga, 'yung ikaw mismo ang pagbabasehan..." Huminga ako ng malalim, napapikit dahil sa totoo lang, ayaw kong sabihin ito pero mukhang kailangan. "...hindi 'yung para sa akin na sagot."

"Zelle..." Nagkatitigan kami sa mga mata at ngumiti ako. Kinakabahan ako pero pinapakita ko sa kanya na okay lang ako. Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko.

"Uwi na tayo?" Nakangiti kong sabi.

Dalawa lang ang kahihinatnan nito: oo o hindi.

At wala, wala sa mga 'yun ang gusto kong sagot.

---x
Author's Note:
Salamat sa mga nagbabasa at lalo na sa mga comments! :)

Ipasalvage niyo na nga si Zelle ng matapos na to! Patayin ko na ba? Sabihin niyo lang kung gusto niyo mamatay si Zelle, itatayp ko na 'yun! Hahahahahaha! Pati ako nasasaktan para kay Enzo.

Cellphone ni Enzo at the right ---> share ko lang, ganyan kasi selpon ko. Samsung Galaxy Chat tapos wala lang, ang saya niya gamitin android siya tapos touch screen tapos qwerty rin hehehehe! Edited lang 'yan ah so hindi ganyan na ganyan itsura lalo na 'yung time inedit ko lang at opo, may wattpad talaga kasi di ba si Enzo ang nagpabasa kay Zelle ng story na galing wattpad? Hahahaha!

Dedicated kay Jasmine! Yaaaay sa'yo Jasmine, salamat sa pagbabasa nitong JOA. Kinikilig ako, pramis! Ahihihihi kaw talaga! Lahat na lang ng story ko binabasa mo ahihihihi! Dahilan niya sa pagbabasa ng JOA: click external link.

Ang pinaka nakakatuwang comment dito sa chapter na 'to, idededicate ko sa kanya 'yung next chapter. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top