Ch34: Five questions
Nagkasalubong kaming dalawa sa cafeteria pero wala ni isa ang tumingin, ngumiti o bumati sa amin. Kahapon lang nangyari 'yun at ramdam na ramdam ko na 'yung damage na nangyari sa pagkakaibigan namin.
Dumiretso ako sa library para magpalamig, ewan ko kung nasaan siya at hindi ko maiwasang hindi mainis sa tuwing naaalala ko siya. Bakit? Well, sino bang hindi maiinis sa lalaking pinipilit niya ang sarili niya sa'yo? Sino bang hindi maiinis sa lalaking panay na lang ang sabi ng ‘manhid’ sa'yo at sino ba namang hindi maiinis sa lalaking iniwan ka sa mall ng mag isa?
Hindi ako manhid, okay? Ang sa akin lang… gusto ko kasi, magkaibigan lang kami. No more, no less.
Nakakainis!
“Gusto mo maglaro?” Kinabahan ako panandalian pagkarinig ko ng boses ni John. Napalingon ako at tumabi siya sa akin ng nakangiti.
“Ano namang laro?” Pinipilit kong maging jolly kahit na feeling ko pansin niyang wala ako sa mood at problemado.
“5 questions”
“5 questions? Laro ba 'yun?” Pagtataka ko.
“Depende, pero may twist kasi 'to. Magtatanungan tayo ng 5 questions, salitan pero hindi na pwede maulit 'yung tanong” Napa ‘ow’ na lang ako sabay ngumiti at sumang ayon.
“Sinong mauuna?” Tanong niya, tinuro ko naman siya at wala na siyang magawa kundi sumunod sa gusto ko. “Sige, bakit malungkot ka?”
Ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi niyang huli na niya ako at huwag na akong magtago na masaya ako. Bakit nga ba ako malungkot? Hindi, hindi ako malungkot! Actually, naiinis ako at kaya ako nalulungkot kasi naiinis ako. Teka, tama ba 'tong pinagsasasabi ko?
Pero, anong sasabihin kong dahilan?
“Oo nga pala, bawal ang secrets dito” Nakangiti lang ulit siya at naglabas ng parang libro at nagbuklat buklat na akala mo nagbabasa. Napakunot lang ang noo ko, ano bang gusto mangyari nitong si John? Haist.
Sasabihin ko ba na si Enzo ang dahilan? Sasabihin ko ba na may nangyaring ganun between sa amin ni Enzo? Buntong hininga.
“Dahil sa isang tao…” Pagtingin ko sa reaksyon niya, hindi naman siya mukhang nagulat pero parang napangiti siya lalo na parang sinasabi siguro niyang ‘interesting’. Ang weird din minsan nitong si John eh. “Ikaw, bakit ka nandito?”
“Wala, mukha kasing kailangan mo ng kausap” Napataas lang ang kilay ko sa kanya at naglipat lipat lang siya ng page sa sa libro niya na binabasa niya kuno. “Pwede ba ako magtanong ng kahit ano?”
Sa tanong niyang 'yun, parang kinakabahan ako. Konti lang 'yung kaba pero may something pa rin dito sa may puso ko na hindi ko malaman. “Ako rin ba?”
“'Yan na tanong mo? Oo naman! Pangalawa mo ng tanong 'yan ah” Nanlaki ang mga mata ko ng ngumisi siya sa akin! Hala, ang daya!
“Ang daya naman nun!” Ngumiti siya ng labas ngipin, teka nasisilaw ako!
“Ganun talaga, so ako na ah… hindi 'yun tanong, statement 'yun!” Natatawa na lang ako sa sinasabi niya at pati siya natawa rin ng kaunti pero mahina lang dahil nasa library kami. “Zelle…”
Nawala ang tawa ko nang maramdaman kong parang naging seryoso ang mukha niya. Kinabahan ako kasi parang ang seryoso talaga niya habang titig na titig siya sa akin. Shit naiilang ako!
“Nagkaboyfriend ka na ba?”
WOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHHHH! PUSO, KALMA! KALMA LANG PLEASE, KALMA LANG!
“A-Ano… hindi pa” Syeeet nahihiya ako na hindi ko alam na kinakabahan ako omaygahd sasabog na ba ako?! “bakit mo na—“
“'yan na ba tanong mo?” Ngumisi siya na parang nang aasar. Ang daya naman nito!
“Hindi, uhm… ikaw ba, may girlfriend?” Ang kapal po ng mukha ko. Bow.
“Oy Zelle, bawal nga maulit eh!”
“Ay, eh girlfriend sabi ko hindi naman boy--" Natigilan ako dahil ang sama ng tingin niya sa akin. "Uhm ano… ang daya talaga!” Natatawa lang siya sa nirereact ko. Ang loko nitong si John, nako! Ayaw lang niyang sagutin! Bakit kaya? “Anong tipo mo sa babae?”
Tumigil siya sa paglipat ng page ng libro niya tapos tinignan niya ako sa mukha na para bang inaanalyze niya 'yung itsura ko na nakakailang! Napatingin tuloy ako sa ibang lugar tapos natawa na naman siya ng kaunti.
“Hmm…” Napagkunot noo pa siya na parang nag iisip talaga. Nakakailang pa 'yung tingin! “Parang… ikaw”
“HA?!”
“SSHHHHHhhh!!!” Napalingon kami ni John sa biglang pag “sshh” nung librarian sa amin. Nagsorry lang ako dun sa librarian at nakakunot lang ang noo nito sa akin. Katakot naman!
Pero hindi nawala 'yung kaba sa dibdib ko, actually mas lumalakas.
“Abnormal ka John!”
“Ang cute ng reactions mo eh” Hinawakan naman niya 'yung cheeks ko at nagulat ako sa pag pisil niya nito na para bang nakukyutan talaga siya. Nawawala na rin 'yung mga mata niya sa sobrang pagngiti.
Shit puso, stay calm!
“Ako naman magtatanong! Paano kung may magtapat sa'yo na gusto ka niya ngayon mismo?”
Natigilan ako sa tanong niya, hindi siya masyadong nakatingin sa akin at parang may binabasa lang siya sa libro na kanina pa niya nililipat lipat. Tama ba ang narinig ko? Tama ba 'yung narinig kong tanong niya?
Pwede bang pakisampal ako? Kahit once lang, kailangan ko lang malaman kung totoo pa ba to.
“Oh?” Napatingin siya sa akin at bigla akong nag iwas ng tingin sa kanya. “Hindi mo na sinagot tanong ko…”
“Ha?” Aaaahhhh, yung puso ko ang sakit sakit na sa sobrang kaba! Tama na po please, ang sakit na talaga eh! “H-Hindi ko alam…"
"Walang reaksyon? As in... wala talaga?"
"Uhm, hindi ko talaga alam..." Tumango tango lang siya at ewan ko, natahimik ako. Sobrang kaba ko talaga, grabe.
“Ikaw naman magtanong…” Tumango lang ako pero hindi pa rin ako mapakali. Actually kinakabahan ako na hindi ko malaman talaga, nanlalamig na pati 'yung kamay ko.
“Uhm…” Itatanong ko ba to? Pero paano kung tinanong ko to sa kanya at may maisip siyang something? Oo gusto ko 'tong lalaking nakakausap ko ngayon pero what if makatunog siya na gusto ko siya?
Aish, bahala na.
“M-May nagugustuhan ka na ba?” Gusto ko na lang magtago sa kung saan man na malayo kay John pagkasabi ko nun pero hindi ako makahinga, para bang nagpipigil ako na hindi ko malaman.
“Oo naman” sagot niya sabay ngiti. Shit. Kinakabahan ako lalo. Huminga ako ng malalim. Feeling ko nauubusan na ako ng hininga. “Ako na magtatanong ah?” Tumayo siya mula sa tabi ko at naglakad. Tinignan ko lang siya hanggang sa umupo siya sa may tapat ko. Medyo lumapit siya sa akin at bumulong… “May gusto ba sa'yo si Enzo?”
“H-Ha?” Alam niya? Teka, alam ni John? May alam siya? Bakit niya nasabi 'yan?! “P-Paano mo nasabi 'yan?”
Ngumiti siya. “Yan na ba tanong mo?”
Hindi ko namalayan, tumango ako. Umupo naman siya ng maayos at ewan ko, hindi ako mapakali dahil titig na titig siya sa akin.
“Napapansin ko kasing nababadtrip siya tuwing magkasama tayo, nagseselos ata tska nung nalasing siya noon, parang nagagalit siya sa akin...” Nanlalaki lang ang mga mata ko sa pinagsasasabi niya. “Hindi mo ba nahahalata 'yun?”
Nakatingin lang ako sa kanya, h-hindi ko na alam dapat kong sabihin.
“At tska si Enzo…” Huminga siya ng malalim tapos ngumiti siya sa akin at nagtaka ako sa pagtayo niya kaya napatingala ako dahil nakatingin lang ako sa kanya. Naglakad naman siya dahil pagitan nga namin ang isang table tapos lumapit siya sa akin at may binulong na naging dahilan para mapalaki ang mata ko.
“May sinabi siya sa akin”
“H-Ha? Ano?!” Pagtingin ko sa kanya, diretso na ang pagkakatayo niya at ngumiti sa akin.
“Sorry, nakalimang questions ka na” at ang weird pa nun, naglakad siya palayo sa akin. Sinundan ko lang siya sa paningin hanggang sa makalabas na siya ng library.
Ano 'yung sinabi ni John kay Enzo? Paano ko malalaman 'yun?!
Pero hindi pa nakakaisang minuto, para bang narinig agad ni God ang tanong ko at may humawak ng balikat ko para ata magkaroon na ng kasagutan ang lahat.
"Zelle..." Napalingon ako at nakita ko ang kaklase kong si Mary. Nakangiti siya sa akin kaya nakangiti rin ako. "Mag usap daw kayo"
"Ha? Nino?"
"Ayun oh..." May tinuro siya sa kabilang table at nagulat ako. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ako lang ang tao dito sa library! Kanina pa ba siya d'yan?! "si Enzo"
At eto na naman, kinabahan na naman ako.
---x
Author's Note:
Not syor kung makakapag update ako bukas (?) dahil medyo medyo marami lang akong pinagkakaabalahan pero thank you po sa mga patuloy na nagbabasa! Pasensya na kung laging kawawa dito si Enzo... may dahilan 'yan hahahahahaha at kay John, never mind lalo na kay Elle jusko nananahimik 'yung tao wag kayo magalit sa kanya! Hahahahaha!
Dedicated to Mary, kasi matagal ko na talaga siyang reader! Sa pagkakaalam ko nga eh nung nagsimula ako dito sa wattpad, andyan na siya! (Stalker!!!) hahaha joke lang pero ayun, gusto ko talaga mag thank you kasi active reader pa rin kita, sa mga comments ganito ganyan! *sabay hampas kasi kinikilig*
Dahilan niya kung bakit binabasa niya ang JOA at the multimedia section of click external link for high quality version hahahahaha! Hi Mary, salamat ulit at hindi ka nang iwan! :">
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top