Ch32: Boom! Kapow!
Natigilan ako at napatitig sa pangalan na nabasa ko, nawala 'yung ngiti sa mga labi ko at nawala 'yung kilig na naramdaman ko. Naalala ko lahat ng nangyari nung kinasal kami ni John, simula sa inaayusan ako hanggang sa hinalikan niya ako sa cheeks pati sa awkward smile at pose namin sa mga nagpapicture sa amin. Napatingin din ako sa singsing na binigay sa amin bilang wedding ring at isama pa ang engagement ring na nakasabit sa bag ko kasama ang fortune tablet.
Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig, hindi ko alam kung bakit. Alam kong tapos na 'yun at hindi naman talaga siya big deal pero… si John 'to, gusto ko siya—pero, sa iba pala siya dapat ikakasal?
Hindi pala dapat sa akin?
Napaka big deal nito sa akin na parang nakakainis na.
“Mrs. Tan!” Napalingon ako at napangiti ako ng pilit habang papalapit sa akin si John. Oo, minsan tinatawag niya akong Mrs. Tan at hindi ko maikakaila na tuwang tuwa ako sa tuwing ginagawa niya 'yun dahil masasabi kong close na kami pero… ewan ko, ang laki ng problema ko.
“Uy, mister ko!” Pinipilit kong maging masigla. Tinago ko agad 'yung papel sa bulsa ko at napansin ko naman na tumingin sa akin John nang mapansin niyang may tinago ako na papel. “Ano, uhm, tara na pasok na tayo!”
Hinawakan ko na siya sa braso niya at papasok na sana kami nang biglang may bumunggo sa akin na papasok din ng pintuan.
“Oh, ikaw pala 'yan!” Napatingin ako kay Enzo at napataas ng kilay dahil sa itsura niyang parang sabog. Pansin ko rin na namumula ang mga mata niya na parang kulang sa tulog, at… at…
“Lasing ka ba Enzo?” Tanong ni John kay Enzo. Tumawa naman si Enzo na parang nakakatawa ang sinabi ni John.
“Ako? Lasing? Bakit ako malalasing! Hahahahahaha!” Pinihit niya 'yung door knob ng pintuan ng classroom at pagpasok na pagpasok niya, sumigaw siya ng napakalakas na “Good morning classmates!”
Sabay bagsak niya sa lapag.
“Enzo!” Napasigaw ako pero parang nashock ako at hindi nakalapit sa kanya agad. Nagtilian din ang ilan naming kaklase sa pagbagsak ni Enzo sa lapag. Agad namang lumapit si John kay Enzo pero nung hinawakan niya sa braso si Enzo…
“HUWAG MO NGA AKONG HAWAKAN!” Tinulak niya si John kaya medyo napalayo si John. Lumapit naman ako kay Enzo dahil nagpupumilit siyang makatayo pero parang nadudulas at gumegewang-gewang pa siya. Hinawakan ko siya sa braso, tumingin lang siya sa akin pero hindi niya inialis ang pagkakahawak ko sa kanya.
Buti naman dahil kung tinulak din niya ako, isusubsob ko siya sa floor!
“Tara na Enzo, pumunta tayo ng clinic!” Hindi na siya nagsalita at tumayo na siya pero nahihirapan akong patayuin talaga siya dahil gumegewang nga siya. Lumabas na kami ng pintuan at tutulungan sana ako ni John para alalayan si Enzo pero bigla na lang siya sumigaw.
“Ano ba! Huwag mo nga kasi ako hawakan eh!” Tinulak na naman niya si John at nagkatinginan kami sandali. Ano bang nangyayari kay Enzo? Bakit ganyan ang trato niya kay John?!
“Ako na lang magdadala sa kanya sa clinic, pasabi na lang kay miss” Tumango na lang sa akin si John at ngumiti ng malungkot. Napansin kong tumingin siya kay Enzo pero si Enzo, nakatingin lang sa lapag.
“Sige, ingat kayo”
Mahirap ang buong 10 minutes sa pag aalalay kay Enzo. Matangkad at malaking tao si Enzo kaya nahihirapan akong 5 ft lang ang height para alalayan siya slash buhatin ng kaunti ang body weight niya dahil natutumba tumba siya.
Naglalakad naman siya pero mahirap pa rin kasi eh! Bakit ba ayaw niyang magpatulong kay John?!
“Y-Yung bag ko?!” Kinapa kapa niya 'yung likod niya at nahihirapan ako dahil sobrang likot niya baka bumagsak kami!
“Huwag ka malikot, na kay John, nasa classroom!” Aakma naman siyang tumakbo pero pinigilan ko siya at muntikan na kaming maout of balance.
“Bakit nasa kanya 'yung bag ko?! Baka kung ano na naman ang nakawin sa akin nun!”
“Ano ba, tumigil ka nga!” Binatukan ko siya at nagulat ako dahil bigla siyang nagsuka!
EEEEHHH, ENZO NAMAN BAKIT SA UNIFORM KO PA?!
Sa wakas, nakapunta na rin kami sa clinic. Agad agad akong naupo sa sofa malapit sa pintuan at inupo ko rin doon si Enzo. ANG BIGAT NIYA. Gusto ko na ring maiyak sa nangyari sa akin, bakit kasi binatukan ko siya? Bakit kasi Zelle? Ano bang naisipan mo at binatukan mo ang isang lasing?! Ahuhuhuhu nakakainis, amoy suka na tuloy 'yung damit ko ayoko na!
“Anong nangyari sa inyo?” Pagtatanong nung doctor.
“Uhm…” Napatingin ako kay Enzo na parang hilong hilo na tapos sa sarili ko na may suka ang damit, actually pati uniform niya meron na rin. Kadiri talaga nitong lalaking 'to! “Ano po, nagsuka po kasi siya tapos…”
“Nagsuka?” Lumapit sa amin 'yung doctor at inamoy niya ako tapos si Enzo.
“Lasing siya? Pero bawal pumasok ng school ng lasing ah?” Nanlaki ang mga mata ko. “Nako, mukhang kailangan kong tawagin 'yung discipline coordinator para dito”
“Teka po!” Napatingin naman ako sa biglang pumasok sa clinic, hinihingal pa si John ng tumingin siya sa amin na parang nag aalala.
“Ininom po kasi niya 'yung baon niyang inumin akala po niya c2 lang, alak pala. Hindi po sinasadya ni Enzo 'yung pagkalasing po niya may nantrip lang ata sa kanya…” Nagkatinginan lang kami ni John at sabay tumingin sa doctor.
“Hindi sinasadya? Pero kung ininom niya 'yun, dapat malalasahan niyang hindi c2 ang iniinom niya, di ba?” Napatingin ako kay John tapos diretso lang ang tingin niya sa doctor.
“Ano po kasi… hind—“
“Nakadrugs ba tong lalaking 'to?” Nanlaki ang mga mata namin ni John.
“Hindi po! Ka—“
“Ah pucha! Huwag ka nga magsalita!” Napatingin kaming lahat kay Enzo na biglang nagsalita kahit nakapikit at nakasandal sa pader. Tumingin siya kay John at ewan ko, ang weird! “Kanina ka pa nagsasalita, kanina ka pa dada nang dada! Oo lasing ako ng matapos na to uminom ako bago pumasok, okay na ba?!” Tumayo siya at kahit parang hirap na hirap na siya, pumunta pa rin siya sa may pintuan.
“Uuwi na lang ako, ang iingay niyo!”
“Mister! Matuto kang gumalang!”
“Doc, pasensya na po kayo hindi naman po talaga siya ganyan...” Napatingin ako sa kanilang lahat at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napansin ko naman na nakalabas na ng clinic si Enzo habang humihinahon na 'yung doctor dahil kay John.
Lumabas ako ng clinic at hinabol si Enzo na iika ika na gumegewang pa.
“Enzo, ano bang nangyayari sa'yo bakit ka ba nagkakaganyan?” Hahawakan ko sana siya sa braso niya para alalayan pero bigla niyang tinabig ang kamay ko.
“Dahil sa'yo! Pucha, naaasar na ako sa'yo!” Napatigil ako sa sinabi niya, nakatayo lang kaming dalawa at magkaharap habang hinihingal hingal pa siya. Nagkatinginan lang kami, namumula siya pati ang mga mata niya, nakakatakot siya.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin si John. “Tara Enzo, sasamahan kita makasakay pauwi—“
“Isa ka pang gago eh!”
“Enzo, ano ba!” Nagulat ako sa biglang pagsuntok ni Enzo kay John ng sobrang lakas na napaatras ng ilang meters si John. Nanlaki ang mga mata ko at lumapit kay John. Hinawakan niya 'yung pisngi niya at may napansin akong kaunting dugo mula sa bibig niya.
“Huwag ka ng lalapit sa akin ah, ayoko sa lahat 'yung mga nagnanakaw eh! Kunwaring mabait pero ninanakaw na pala lahat!”
Napakunot ang noo ko sa naririnig ko, anong ninanakaw pinagsasasabi niya?!
“Enzo, anong sinasabi m—“ Ang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Napatingin ako kay John na parang pati siya nagtataka sa inaasal at sinasabi ni Enzo.
“Wala! Uuwi na ako!”
---x
Author's Note:
Yay sa reads at comments! Yaaaaay! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa! :D
Dedicated to sambubble, click external link to read her reason kung bakit binabasa pa rin niya ang JOA. Kilig to the max ako d'yan kaya dapat hindi 'yan mawala dito mehehehe. Thank you Sand dito sa dahilan mo, pramis nakangiti ako habang binabasa 'to ahihihi! Thank you :3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top