Ch31: Kasal, kasali, kalas

Ikakasal ako? Ikakasal ako kay… Enzo?!

Hinila na ako ni kuya na nagposas sa akin pero ibang posas ang gamit kay Enzo at iba ang pumosas sa kanya. Nagkahiwalay kami ng landas at napansin ko na lang na papalapit ako kasama si kuyang nagposas sa akin sa mga babaeng ngiting ngiti sa akin.

“Ikaw na ba susunod?”

Anong… ano 'to?!

Ang bilis ng mga pangyayari, sinabi nilang maghubad daw ako at magbibihis ako ng wedding dress na hindi ko malaman kung saan nila kinuha. Tinutulungan ako ng halos lahat ng babaeng nandito sa de aircon na room na ito. Bakit ba parang ikakasal talaga ako?!

Minake-upan pa nila ako at pagtingin ko sa salamin, feeling ko totoo na 'to.

Pero, sino nagpamarriage booth sa akin? At si Enzo pa?

“Teka ate, hindi kasi ako—“

“Nako, huwag ka na umangal kundi babayaran mo ng 250 'to” Sabi sa akin nung babaeng nag aayos ng buhok ko.

“Ano?! 250 babayaran para lang itigil 'to?!” Ngumiti lang sa akin si ate at pinatayo na niya ako dahil tapos na daw ako.

“Goodluck sa wedding!” Watdahek! Watdahek!!! Ang unfair nitong marriage booth na ito at bakit parang ang sosyal?! Pati hindi ako sanay dito sa heels tapos bakit may ganito pang dress na nalalaman?! Bakit may belo pa, anong kalokohan 'to?!

Pinalabas na ako nung mga babae sa room at napansin kong nakatingin sa akin halos lahat ng taong nakapalibot, una kong nakita si Enzo na seryoso ang mukha pero… kung siya ang ikakasal sa akin, bakit parang teka, naka posas siya sa ibang babae?

So, hindi siya 'yung ikakasal sa akin?

Nakarinig naman ako ng hiyawan mula sa kanan at pagtingin ko, nagulat ako sa nakita ko. Lumulukso na naman ang puso ko sa dibdib ko, oh my… oh my…

“John?” Naglalakad siya papalapit sa akin, nakaayos rin siya na parang ikakasal. Nagkakamot siya ng batok habang papalapit sa akin na parang nahihiya, nakangiti lang rin siya sa akin.

“Ang ganda mo, Zelle” Tumigil panandalian ang pagtibok ng puso ko.

“John naman eh!” Tinulak tulak ko siya pero natawa lang siya.

“Promise, hindi ako may pakana nito” Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako, ang daming nakatingin, naka pang kasal kaming dalawa ni John at ewan ko, jusko ang sakit na naman ng dibdib ko. “Uhm, Zelle…”

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa pagluhod niya sa harap ko!

OMAYGAHD LUMUHOD SA HARAP KO SI JOHN!

“Ano, uhm…” Hindi ako makahinga, hindi ako makahinga!

“Dalian na para kasalan na!” Natatawang sabi nung mga tao pero nakafocus pa rin ako kay John. Napayuko naman siya at huminga ng malalim tapos tumingin sa akin. Ipinakita niya sa akin 'yung kanina pa niya hawak—isang singsing!

“Will you, uhm…” Nakita kong napapikit siya at parang hirap na hirap sa pagsasalita. Tumingin siya sa akin na parang nagsosorry siya tapos pinikit niya 'yung isa niyang mata at mabilisang sinabing, “willyoumarryme,Zelle?”

OMAYGAHD. OMAYGAHD. OMAYGAHD.

“SAY YES! SAY YES! SAY YES!” Nagchachant 'yung mga tao, napatingin ako sa kanila pero pumukaw ng pansin ko ay si Enzo na seryoso pa rin ang mukha kasama ang babaeng nakaposas sa kanya na nakikichant din.

Ugh, Zelle. Focus, nakaluhod si John sa harap mo, gusto kang pakasalan, anong isasagot mo?

“Tumayo ka nga d'yan…” Tinulungan ko tumayo si John na parang kinakabahan din. Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, “itigil na natin tong kalokohang 'to”

Narinig ko namang naghiyawan 'yung mga tao sa paglapit kong 'yun. Pupuntahan ko na sana 'yung mga organizer sa marriage booth para itigil na 'to pero nagulat ako ng hawakan ako ni John sa braso.

Paglingon ko, may hawak na siyang bouquet of roses na mukhang totoo pero parang peke rin. Ngumiti siya sa akin at inilagay ang kamay ko sa braso niya na parang sa mga bride and groom talaga.

Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong, “I won’t take no for an answer” kasabay ay sinuot niya 'yung plastic na ring sa ring finger ko.

“Pero?” Magpoprotesta pa sana ako pero ngumiti siya na siya namang nagpapalusaw sa akin.

“Let’s have fun, minsan lang 'to tska sayang naman 'yung binayad nila para dito. Sayang din dahil ang ganda mo ngayon” Nakangiti niyang sabi sabay bigay sa akin ng bulaklak na hawak niya.

Ang... Ang ganda ko daw!

Tapos nagsimula na 'yung wedding song, tapos 'yung ceremony tapos ako? Pwede na ako mamatay—mamatay sa nerbyos, mamatay sa ngiti ni John, mamatay sa kilig o mamatay sa—

“Ikaw, John, tinatanggap mo ba si Zelle bilang iyong kahati pang habambuhay?” Napatingin ako kay John tapos tumingin siya sa akin ng nakangiti. Naramdaman kong hinawakan kaunti ni John ang kamay ko na nakapatong lang sa braso niya.

“Opo” Napapikit ako ng madiin, ako na kasi 'yung tinatanong at ewan ko ba, feeling ko talaga mahihimatay na ako. Tama na please, tama na!

“Uhm, ano.. opo..ata?” Natatawa 'yung mga tao nung nagsagot ako na parang hindi pa ako sure. Bakit kasi may mga ganito pang kalokohan?!

Sinuot ni John 'yung wedding ring kuno namin sa akin at sinuot ko rin naman ang wedding ring kuno namin sa kanya tapos nagpirmahan ng parang certificate na pauso nila.

“Let us end this ceremony with a kiss” Napatigil ako sa sinabi nung parang pari-kuno.

A-A-Ano daw?!

“Kiss?” Nanlalaki ang mga mata kong tanong dun sa pari. Ngumiti lang 'yung pari at tumango. Napatingin naman ako kay John na parang hindi rin niya alam ang gagawin niya. “Anong kalokohan 'to?”

Ngumiti lalo 'yung pari. “Hindi pa tapos ang ceremony hangga't walang kiss, pero kung ayaw niyo ituloy, magbayad lang kayo ng 250 sa amin”

OMAYGAHD HOWDARETHEM!

Mag rereklamo pa sana ako nang bigla na lang akong nakarinig ng mga hiyawan sa mga nanonood at naramdaman kong may dumapi sa pisngi ko pero sandaling sandali lang 'yun. Napatingin ako kay John na ngumiti lang sa akin na para bang sinasabi na hayaan na namin.

Hindi ako makagalaw nung mga oras na 'yun na para bang nag ooverwhelm ang lahat ng nararamdaman ko na tipong hindi ko alam kung ano ba dapat kong maisip o mafeel sa panahon ngayon.

Nagkareception pa kaming dalawa at kumain ng cake, uminom ng kunwaring wine na c2 naman ang laman, nagpicture kasama 'yung mga gustong magpapicture sa amin na akala mo tourist spot kami ni John.

Poker face at ngiti lang ang binibigay ko sa mga tao hanggang pagkauwi ko pero nung nasa kwarto na ako, isa lang ang ginawa ko.

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!”

Sumigaw ako nang sumigaw, nagtatatalon ako sa tuwa at hinahalik-halikan ko ang marriage certificate namin ni John! Syeeett, kinasal ako kay John! Kinasal ako kay John!!!!!!! Mrs. Tan na ako omaygahd!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi nawala ang kilig ko hanggang sa natapos na ang foundation week at medyo regular class na kami. Naglalakad lang ako papasok ng classroom nang may mapansin akong papel na nakakalat sa daan.

Hindi ko sana papansinin talaga at kunwari hindi ko nakita pero nakita ako ng isang teacher at pinapulot sa akin. Kamusta naman 'yon di ba, siya nakakita pero tinuro pa talaga sa akin para lang pulitin ko, hay nako.

Itatapon ko na sana 'yung papel nang may mapansin akong nakasulat, pagtingin ko sa may taas matapos kong buklatin, nakasulat 'yung “Marriage Booth Form”, pagtingin ko sa mga nakasulat, napatigil ako sa isang pangalan.

John A. Tan

Kinilig ako pagkakita ko noon dahil naalala ko na naman 'yung kasal-kasalan namin pero parang hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman nang makita ko ang pangalan ng partner ni John.

Elle

Na para bang may dumi or nasulatan kaya nagmukhang...

zElle

---x
Author's Note:
Yes I know, paasa ako lalo na dun sa mga akala nila ay si Enzo ang ikakasal kay Zelle muhahahahaha! Gusto ko si John at Zelle ikasal eh, bakit ba! Hahahahahahaha. Picture at the right ---> ang marriage certificate nila. Sorry din kung ganito ka kumplikado ang lahat, pramis naman matatapos na ang complicated life nila eh!

THANK YOU SA MGA NAGBABASA LALO NA SA MGA NAGCOCOMMENT!

Dedicated to sharmaine tubiera, maraming salamat sa pagbabasa ng JOA! Her reason, click external link. Thank you ulit! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top