Ch3: Hear my name

Gwapo talaga si Enzo para sa akin—dati.

Dati nung una, nung hindi pa niya ako kinausap. Siya agad napansin ko sa klase namin kasi matangkad at obviously, angat 'yung itsura niya. Matalino naman at matino. Sabi ko nga sa sarili ko baka maging crush ko siya eh.

Pero hindi.

Nawala kasi ang interest ko sa kanya nung dati, habang kumakain ako kasama 'yung mga kaklase ko na hindi ko pa naman masyadong close sa Mcdo:

“Ang gwapo talaga niya! Ahihihi” Kinikilig 'yung isa kong kaklase na si Kaye, pagtingin naman sa katapat niya eh kinikilig din si Cai.

“Sa akin lang kasi siya nagtetext! Grabe!”

Sabay silang kinikilig at ewan ko, hindi ako makarelate eh.

“Alam mo ba Zelle, first time magkacrush 'tong si Kaye sa isang totoong tao” Pagpapaliwanag sa akin ni Miles na kinikilig din pero matino tino at nakakausap pa. Siya lang ang medyo close ko sa grupo na 'to.


“Paanong totoong tao?”

“Kasi puro KPop mga crush niyan, pero nung nakita niya 'yung kaklase natin. Ay grabe, kinikilig na sa totoong tao!” Tumawa naman si Miles habang ako nakangiti lang. Hindi talaga ako makarelate.

“Ah, sinong kaklase?” Okay, ako na ang chismosa.

“Uy Miles wag ka maingay!” Pilit na pinipigilan ni Kaye si Miles pero hindi nagpapaawat si Miles.

“Si Lorenzo! Yung matangkad na—” Okay. Stop.

At d'yan sa puntong 'yan, nawala na ang interes ko kay Enzo. Simula nga nung kinausap ako ni Enzo at naging friends na kami, kakaiba na 'yung tingin sa akin ni Kaye. Parang kakainin ako.

Parang gusto ko nga sabihin ‘teh, iyong iyo na si Enzo omaygahd hindi ko siya type!’ hahahaha.

Pero basta, iba na 'yung tingin niya tska 'yung tingin nila Cai at Miles sa akin. Obvious na may masamang hangarin 'yung tingin. Hindi naman sa guilty ako for stealing Enzo pero hindi ko naman ninakaw no! Siya kumausap sa akin at sumama kaya parang… alangan insnob-in ko eh hindi ako ganung klaseng tao.

I mean okay, gwapo sa gwapo si Enzo pero—hindi ko siya type.

Nalaman ko pa 'yung ugali niya, ay nako—lalong turn off. Hahahaha. Mas gugustuhin kong magkaibigan na lang kami although nakakabadtrip din kasi lagi niya akong binubwisit.

Oo, hindi inaasar. Kasi nabubwisit ako sa kanya. Hahahaha.

“Tara kain!” At simula nga nun, lagi na siyang nakabuntot sa akin.

So habang kumakain kami sa cafeteria, may mga napapansin akong mga tao na tumitingin sa amin hanggang sa dumating ang grupo nila Miles. Tumingin sila sa akin ng nakangiti na parang may gustong sabihin.

Pero si Kaye, nako. Katakot.

So balik ulit sa pagkain nang may umupo sa tabi ni Enzo na kaklase ata niya pero hindi ko kilala.

“Uy Enzo!” Sabay hampas sa likod ni Enzo kaya medyo nabuga ni Enzo 'yung pagkain niya. Yuck lang. Pero ang nakakatawa d'yan eh si Enzo ang binati niya pero sa akin siya nakatingin.

“Puchang gala ka naman Paul, kita mong kumakain eh!” Medyo umuubo ubo pa si Enzo nung mga panahong 'yan habang 'yung Paul naman eh tumatawa.

“Sorry tol pero—” Lumapit naman siya sa tenga ni Enzo at may binulong: “—girlfriend mo?”

Ako naman ata ang gustong bumuga ng pagkain pero wala akong pagkain sa bibig ko.

Bubulong bulong tapos rinig ko naman? Kutusan ko kaya 'tong Paul na 'to? Pero hindi ko na lang pinansin, kunwari hindi ko narinig.

“Ha? Yan? Kadiri ah! Ang dumi dumi ng bibig mo Paul!” Tawa na naman 'yung Paul. Baliw ba 'yan?

“Asus, talaga ah? Sige 'tol. Sa class na lang” Tinapik niya ulit si Enzo sa balikat at tumayo na.

“Geh, layas na dito!” Sumaludo naman si Paul kay Enzo tapos tumingin siya sa akin sabay ngiti. Nagbabye na lang din ako para kunwari hindi ako rude pero ang totoo n'yan eh gusto ko na siya barilin.

Tumahimik na ulit 'yung table naming dalawa dahil nagkanya-kanya na ulit kami sa pagkain hanggang sa binali ko ang katahimikan. Actually, maingay talaga sa caf pero walang nagsasalita sa amin ni Enzo.

“Uy Enzo”

“Ano?” Ang pag ‘ano’ niya mga kababayan ay may kasamang pagkain na nginunguya. Wala talagang ethics eh.

“Ano bulong sa'yo nung Paul?” Napalunok naman siya ng wala sa oras at uminom pa ng tubig.

“Ang chismosa mo talaga kahit kelan no? Wala ka nang paki don!” Sabay tapik pa sa pisngi ko ng medyo mahina.

“Damot” Sabay irap ko sa kanya. Tumayo ako at kinuha 'yung pinagkainan ko para ilagay dun sa lagayan.

Paglagay ko ng pinagkainan ko sa lagayan ay may isa pang kamay na naglagay ng pinagkainan niya sa lagayan. Napatingin ako sa taong 'yun at nagulat ako.

Eto na naman, nakatinginan ko na naman siya, pero ngayon malapit na kami sa isa't isa. John. Nagkatinginan na naman kami ni John.

Hindi ako ngumiti at hindi din siya ngumiti. Bakit naman kami ngingiti sa isa't isa eh hindi naman kami magkakilala. Nagkataon lang na alam ko ang pangalan niya, at ang mukha niya.

“Hoy Zelle, bilis bilis din” Nakaramdam ako ng pagpatong ng kamay ni Enzo sa ulo ko. Pagtingin ko naman sa harap ko, naglakad na palayo si John.

Aw badtrip, epal talaga nitong si Enzo.

Pero. Hindi kaya… narinig niya na din pangalan ko?

---x
Author's Note:
Ngayon lang ako nakapag update kasi may quota ako pero maliit lang 'yun. Masaya na akong alam kong binabasa niyo ang story ko. Kaya thank you po *u*

Dedicated to MaryleWales. Salamat sa pagsagot sa aking tanong sa prologue! :)

Words are not enough. If you want to help, pray and move.

Sana po ay nasa ligtas po kayong kalagayan mga dear readers, (kahit 'yung mga hindi ko readers at napadaan lang) ang mga pamilya niyo, kaibigan ng pamilya niyo, mga kaibigan at mga kaibigan at mga kaibigan ng pamilya niyo. Take care and God Bless. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top