Ch29: Wishes and fortunes

Sino 'yun?

Ito lang ang iniisip ko buong araw hanggang matapos ang 1st day ng foundation week at ngayon ay 2nd day na. Sino 'yung lalaking 'yun? Sino siya, bakit siya nakipag blind date sa akin at bakit…

Napahawak ako sa pisngi ko.

Bakit niya ako hinalikan?

Pagpasok ko sa school, maraming tao sa ground dahil bawal kami umakyat sa mga rooms. Nagpunta ako kung saan saan at inaya rin ako ng mga kaklase ko na kumain at kung anu-ano pa. Nagtry din kami ng mga palaro para manalo ng prizes pero sobrang hirap ng mga palaro, ang dadaya!

“Try natin 'yung ‘Gawin ko, Utos mo’!” Masayang masaya na sabi sa akin ng kaklase kong si Marie. Umoo na lang ako at pinuntahan si kuya na kanina pa paikot ikot sa ground habang hawak hawak 'yung kartolina na may nakasulat na Gawin ko, Utos mo.

Tuwang tuwa si Marie sa papagawa niya kasi isa pa 'tong medyo malandi pagdating sa crush, pinapakuha niya 'yung panyo ng crush niya na higher year.

Nako Marie, hanglandeh.

Tawa lang nang tawa si Marie habang kinikilig hanggang sa nagulat ako dahil may humawak ng braso ko at bigla akong pinosasan.

Again?

“Criselda Hindimapantayangkagandahan?” Napataas ang kilay ko sa lalaking kilala ako pero hindi ko kilala pero pamilyar siya sa akin na parang nakita ko na siya.

“Bakit? Sino ka po?” Pagtataka ko at pansin ko rin na nagtataka si Marie hanggang sa nanlaki ang mata niya at napasigaw.

“OMG OMG OMG Zelle, may magpapapicture sa'yo! Sa ‘Picture Tayo Crush’ 'tong si kuya eh, di ba?” Tinignan ni Marie si kuya na nakangiti na parang sumasang ayon at ewan ko, kinabahan na naman ako.

Kaya pala pamilyar si kuya! Siya 'yung nagposas kay John kahapon kasabay nung may nagposas sa akin dun sa blind—date… naalala ko na naman.

So nagpaalam na muna ako kay Marie at nagpahatak na kay kuya hanggang sa makarating kami sa parang photobooth na may background na parang pang party na tarpaulin tapos may mga nakasulat na "picture tayo crush".

Naawkward-an ako kasi may lights pa sila at parang machine na camera na hindi ko malaman.

“Oh ito na si Criselda” Nilapit ako ni kuya dun sa isa pang lalaki na nasa harap nung machine. Tinignan niya ako at ngumiti siya, pansin kong hindi ko siya kilala, siguro mga higher batch sila.

Nung ngumiti 'yung lalaking nasa harap ng machine, kinabahan ako. “Ah, cute naman pala… yayaman tayo dito”

Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o mabadtrip sa sinabi nung lalaki. Hinatak naman ako nung lalaking nagposas sa akin at nagulat ako dahil pinosas din niya 'yung parang stante nung tarpaulin sa kabila!

“Dahek ano 'to kuya bakit mo ako pinosas dito?!” Nanlalaki ang mga mata ko.

“Para hindi ka kumawala” Ngiting ngiti niyang sabi at saka ko lang narealize ang lahat nang napatingin ako sa gilid at nagulat ako sa daming nakapila.

“Okay, ready na!” Sigaw naman nung babae na parang nag ooperate nung machine at ewan ko, itong araw na ito ata ang pinaka awkward day ever.

Nakaposas ako sa stante, akward smile at iba iba ang nakakasama ko sa picture. Feeling ko din mabubulag na ako sa parang ilaw nila.

Jusko, ang hirap pala talaga maging maganda.

The next day, hindi naman na ako naposas pa doon sa picture tayo crush. Hindi ko rin kilala 'yung mga nagpapicture sa akin noon dahil kung hindi higher batch, mukhang mga lower batch. May ilan ring grupo na nagpapicture sa akin pati 'yung mga kabatch ko na jinojoke time ako lalo na ng mga classmates ko!

Pagdaan ko sa may booth na 'yun, nalula ako lalo sa dami ng nakapila ng mga babaeng kinikilig, tumitili at parang naghahyperventilate at ilang lalaki na…babae at heart. Pagtingin ko kung sinong nakaposas sa stante, napamura ako sa isip ko pero censored kaya huwag na lang.

SI ENZO!? SERYOSO?

Napailing iling na lang ako at napangiti sa nakita ko, magkano kaya ang ibinayad ni Enzo sa mga babae at lalaking babae ang puso para magpapicture sa kanya? Come to think of it, ngayon ko na lang rin siya nakita ngayong foundation week, day 3 na.

Napansin ko ring medyo mabenta 'yung dedication booth, ang ingay ingay tuloy dito sa ground. Kahapon nga nakarinig ako ng parang nagpropose para maging girlfriend niya 'yung babae, ang daming naghiyawan!

Gusto ko sana makichismis pero nakaposas ako sa stante noon mga panahong nagaganap ang lahat. *insert sigh here*.

Nagpunta ako sa isang part na parang ‘sacred’ place ngayong foundation week, ang “wishing place”. Masasabi ko talaga na maraming uto-uto sa Pilipinas dahil kahit alam naman nating hindi totoo ito, nagpapakatanga at uto-uto pa rin tayo.

Makulay 'tong part na 'to at tahimik, ang dami nilang pakulo… may wishing tree kung saan isasabit mo 'yung wishing leaf na may nakaukit na hiling mo doon sa mga stem. Basta parang isang malaking tree like na walang leaves 'yung nandoon tapos yung mga magwiwish 'yung maglalagay ng leaves doon.

Meron din dito na fortune tablet na parang bibilhin mo 'yung isang token para kumuha ng tablet tapos sasasabihin nito 'yung mangyayari sa'yo or parang fortune cookie ang datingan. Pero 'yung fortune tablet eh parang keychain like na kahoy na may nakasulat na Japanese character ata. Meron ding wishing crane na gagawa ka ng crane gamit 'yung wishing paper na susulatan mo ng winish mo. Ang detalye naman sa mangyayari eh ilalagay mo sa tubig yung paper crane na ginawa mo at kapag nabasa ang buong crane within a minute, magkakatotoo 'yung wish mo.

Meron ding time capsule na ililibing daw nila sa last day of foundation at meron ding ordinaryong wishing fountain na maliit at ang cool pa dito, naka kimono 'yung mga nagseserve! Ankyot nga ng itsura at isa ako sa mga magpapauto ngayon kasi kauto-uto ang lugar na ito. Nakakaamaze.

Nagpunta ako sa parang cashier at bumili ng token na worth 20 pesos para sa fortune tablet. Nagpunta ako dun sa lalagyan ng mga tablets at hinulog 'yung token tapos biglang nagmove forward 'yung isang tablet na parang random, COOL!

Pagkuha ko ng tablet, nasa likod 'yung parang fortune thingy.

The answer to the question you seek shall appear. Very soon.

Answer to the question? Ha, ano daw?

---x
Author's Note:
THANK YOU FOR READING AND FOR POSTING COMMENTS!!! Sana magets niyo 'yung sinabi nung fortune thingy .______. Hahahahahahahahahhahahahahahhaha. Nasa multimedia ang itsura ng fortune tablet, inedit ko lang pero 'yan 'yung token sa spirited away pag magshashower 'yung monsters :D

Dedicated to ashishishi dahil natawa ako nung sinabi niyang parang exam lang 'yung tanong sa prologue haha kyot. (click external link) Thank you rin sa patuloy na pagbabasa ng JOA! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top