Ch28: Blind checkered guy

Tumakbo lang ako nang tumakbo kahit na napapagod na ako. Ang dami kong nabubunggong mga tao at sorry naman ako nang sorry. Kamuntikan na akong masubsob pero hindi, hindi ako titigil sa pagtakbo!

Hindi to pupwede, hindi pwedeng siya!

Ayaw ko sa lahat ay 'yung hinahabol ako tapos ayaw ko magpahuli. Nakita ko si John na naglalakad papunta sa akin at pakiramdam ko maduduwal ako sa sobrang kaba kaya tumingin ako sa likod para tumakbo sana papunta doon para makaiwas pero nakita ko ang humahabol sa akin at hindi ko na alam, nagpapanic na ako.

Anong gagawin ko? ANONG GAGAWIN KO?!

Lumingon ako pabalik kung saan ang direksyon ni John pero nagulat ako dahil nagkabungguan kaming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng mga balat namin sa isa't isa at hindi na naman ako mapakali, nanghihina ako.

Tatakbo sana ulit ako dahil papalapit na ang humahabol sa akin pero pagtapak ko ng kanang paa ko, naout of balance ako dahil bigla itong parang nagjelly. Shit, ganito na ba talaga epekto sa akin ni John?!

Napahawak tuloy ako sa braso niya, ang init!

“Uy, okay ka lang? Saan ka ba pupu—“ Napatigil sa pagsasalita si John at napatingin ako sa braso ko nang biglang,

“Huli ka!” Napatingin kami ni John sa braso ko tapos dun sa taong nagkabit ng posas sa kanang kamay ko. Teka, hindi ito 'yung humahabol sa akin kanina ah?

Lumakas ulit kabog ng dibdib ko sa isa pang nagsalita ulit, “arestado ka John”

Ngiting ngiti na sabi nung isang lalaki na nagposas din kay John. Nagkatinginan kami ni John at ewan ko, nakaramdam ako ng saya pero nawala ang saya kong 'yun nang marealize kong—magkaiba kami ng posas.

“UY TEKA, ANO 'YAN!” Narinig kong sigaw nung humahabol sa akin kanina. “Bakit niyo pinosas 'yang babaeng 'yan? Majejail booth pa 'yan!”

“Hindi pwede, may kablind date 'to eh”

Napatingin naman ako sa kanila ng nagtataka lalo na dun sa pumosas sa akin. “Ano? Blind date?”

 

“Tara John, mabenta ka sa papicture with crush eh, ikaw na lang kaya magbantay doon para hindi kami nahihirapan?” Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita na medyo tumatawa pa na nagposas kay John habang hatak hatak si John na may hawak na fishballs on stick. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin habang palayo siya nang palayo. Ewan ko ah, paksyet na buhay to nanghihina na naman ako.

Hindi ko napapansin, may nagbabangayan pa rin pala sa may tabi ko.

“Eh hindi nga pwede, nakatapak siya ng cross kaya dapat ijailbooth namin siya!”

“Hindi rin pwede kasi! Nandoon na sa room 'yung ibablind date niya eh, kasalanan ko bang hindi mo siya nahabol agad?”

Jusko ang ganda ko pinag aagawan ako ng dalawang lalaki.

“Eh ang bilis niya tumakbo at ang daming tao, huwag ka nga maduga!” Sige lang guys, magsigawan lang kayo.

“Para-paraan lang kasi 'yan 'tol”

“Ano ba, bayaran mo na lang 'yung pyansa niya, 10 pesos” Napakunot naman ng noo si kuya na nagposas sa akin at ngayon ko lang narealize na nakaposas din pala sa kanya 'yung kabilang part.

“Mukha ba akong may pera? Sige barayan mo 'yung blind date, 100 pesos” Nanlaki ang mata ni kuya na humahabol sa akin kanina pa. Medyo hinihingal nga rin siya eh.

“Ah sige, goodluck sa blind date” Tinapik ako ni kuyang humahabol sa akin kanina sa balikat tapos naglakad na paalis.

“Tara na't may blind date ka pang pupuntahan”

At kinaladkad na niya ako papunta sa kung saan man ang venue nila. Badtrip naman, BLIND DATE?! Mga kalandian talaga ng mga tao ngayon nagsisilabasan kapag foundation week eh. Habang papunta sa venue, tinatapak tapakan ko 'yung cross na nakasulat sa ground habang nakatingin dun sa mga nagbabantay ng jail booth at ngumiti ng nakakaloko.

SA AKIN PA RIN ANG HULING HALAKHAK, MUHAHAHAHAHA.

YOU'LL NEVER CATCH ME!

Pagkadating sa venue, tinanggal na nila 'yung posas sa kamay ko at nagulat ako dahil nagtali sila ng panyo sa may mata ko at ginawang piring.

“Teka, ano 'to?!”

“Blind date nga eh” Sagot nung babae na hindi ko na nakikita. Pucha, ang dilim wala akong makita!

Malamang Zelle, tinakpan nga mata mo eh.

Bumuntong hininga na lang ako at inalalayan nila ako papunta sa kung saan man at pinaupo. “May 10 minutes kayo para mag usap, enjoy”

“Bakit?” Ito agad ang unang lumabas sa bibig ko. Bakit ako nandito? Sino nag pablind date sa akin, sa amin? Sino 'tong nasa harap ko? Kung nasa harap ko man siya, hindi ko kasi nakikita eh.

After ilang seconds, hindi pa rin siya nagsasalita.

“Hoy, magsalita ka nga. Bakit ako nandito?” Inaabot ko 'yung mukha o katawan man lang nung taong nasa harap ko o gilid, hindi ko talaga alam hanggang sa nagulat ako sa bigla kong naramdaman.

Naglock ang fingers namin nung taong 'yun.

“Oy ano ba!” Marahas na tinanggal ko 'yung kamay namin sa isa't isa at tatanggalin ko na sana 'yung piring ko nang may pumigil sa kamay ko.

“Pag tinanggal mo po 'yan, magbabayad kayo ng 100” Nanlaki ang mga mata ko as if naman makikita nila pero ano daw?! 100!? Bakit ang mahal!

“Eh minamanyak ako nung kablind date ko eh!”

“H-Hindi kita minamanyak…” May isa namang nagsalita na ibang boses at parang nasa harap ko. Napansin ko kasi na sa likod ko galing 'yung boses ng pumigil ng kamay ko.

Inanalyze kong mabuti 'yung boses niya na parang husky na mababa na hindi ko malaman na parang minamalat kasi nawawala wala 'yung boses o dahil mahina lang 'yung boses niya.

“G-Gusto ko lang hawakan kamay mo”

Kinabahan ako pagkasabi nung lalaki 'yung sentence na 'yun na para bang nanghihina ako. Sino ba 'to? Bakit feeling ko kilala ko siya na hindi dahil hindi naman pamilyar sa akin 'yung boses niya at bakit ba siya nakikipag blind date sa akin?

“I-Ikaw ba nagpablind date sa atin?” Mahinahon kong tanong kahit feeling ko sasabog puso ko sa sobrang kaba.

“Sorry” Napapikit ako kahit na black lang din naman ang nakikita ko. Ewan ko, nakadilat kasi ako pero black nakikita ko so pipikit na lang ako.

Tahimik lang kaming dalawa, walang nagsasalita. Tinago ko na rin 'yung kamay ko sa baba ng table, hindi ako mapakali at pinagpapawisan ako kahit de aircon 'yung room. Ramdam ko pa rin 'yung hawak niya sa kamay ko kahit wala naman na, tae.

“Tapos na po ang 10 minutes, maaari niyo na pong tignan ang inyong partners” Aalisin ko na sana 'yung piring ko pero pinigilan na naman ako ng isang kamay. “Hindi ka pa pwede miss, may gagawin pa sa inyo”

Nakarinig ako ng ilang ingay, may mga kasama rin kasi ata kami dito na nagbablind date din tapos nakarinig din ako ng ilang tawanan at “thank you for coming” na mga nagsasalita.

Napabuntong hininga ako at itinayo ako nung kamay na umaalalay sa akin. Inalalayan niya ako at naglakad ako ng kaunti hanggang sa tumigil ako at ramdam kong may katapat ako, 'yung lalaki siguro na kablind date ko.

Hanggang sa biglang may tumugtog at naramdaman kong may humawak ng dalawa kong kamay at inilagay sa may leeg nung katapat ko at nagulat ako nang ilagay nung lalaki 'yung kamay niya sa bewang ko na para kaming magkayakap!

“T-Teka—“ Aalisin ko sana ulit 'yung piring ko pero pinigilan ulit ako ng isang kamay at feeling ko 'yung lalaking 'yun mismo ang nagpigil sa akin.

♪ ♫ Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair falls perfectly without her tryin'

 

“Kapag tinanggal mo 'yan, magbabayad ka ng 100” Napapikit ulit ako ng madiin at napansin kong diniinan rin ang pagkakatali ng panyo sa akin. Nakakainis, bakit kasi ang mahal!

♪ ♫ She's so beautiful
And I tell her everyday

 

Nagsimula siyang magsway tapos pinipigilan ko pero napapasway din ako tapos nakakainis kasi ang lapit lapit namin sa isa't isa at wala akong magawa dahil magbabayad ako ng 100.

♪ ♫ Yeah, I know, I know when I compliment her, she won't believe me
And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see

 

“Bakit ba kasi?” Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya pero hindi in a romantic way ah! Yung parang yumuko ako at nasakto sa bunbunan ko 'yung dibdib niya, ganun.

“Sorry…” Bakit ba kasi sorry nang sorry to?! Nakakainis.

♪ ♫ But every time she asks me do I look okay?
I say

Tahimik lang ulit kami habang nakayuko lang ako at nakapikit. Nagsusway lang kami at medyo nangangalay na din ako dahil matangkad 'tong lalaking nasa harap ko. Naramdaman ko naman na hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa akin.

♪ ♫ When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are

Pero ang ikinagulat ko, iniangat niya ang ulo ko gamit ang kamay niya tapos naramdaman kong lumapit siya sa akin, as in 'yung mukha niya sa may tenga ko dahil nararamdaman ko paghinga niya.

 

“And when you smile…” Sinasabayan niya 'yung kanta. Malumanay... at parang, sinasabi niya sa akin ang bawat linyang binibitawan niya. “The whole world stops and stares for awhile 'cause girl, you're amazing… just the way you are”

Kumabog na naman ang dibdib ko at feeling ko maiistun pa ako lalo nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Agad agad kong naramdaman ang parang paglayo niya, tinanggal ko naman agad 'yung piring ko but it's too late.

Ang nakita ko lang ay ang likod at tela ng polo ata 'yun na checkered na red.

Pagtakbo ko naman palabas, wala na akong nakitang nakacheckered.

---x
Author's Note:
Oo nga pala, tanong ko lang. Bakit niyo naisip na magbest friends si Enzo at Zelle? Wala naman silang sinabi na best friends sila ah?! Hahahahahahahaha anyway, thank you po sa pagbabasa! Nababasa ko ang mga comments niyo, kakilig :)

Sa right side 'yung picture nung nakita ni Zelle na checkered na damit. :D

Sa mga nagtatanong kung ano ang biglang liko, kapag mga "may alam" or "iba mag isip", ang biglang liko ay yung kunwari magdedate ang magsing irog tapos magbibiglang liko sila papunta sa motel to make, uhm, you know. Nalaman ko to sa mga kaibigan ko hahahahaha :))

Dedicated to PassionateSwimmer, salamat sa patuloy na pagbabasa ng JOA. Dahilan niya sa pagbabasa ng JOA ay nasa external link :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top