Ch27: That feeling begins

Binato ng bote ni Enzo 'yung kaibigan niya pero hindi natamaan kasi umandar na 'yung kotse habang rinig na rinig naman 'yung tawanan ng mga kaibigan niya.

At ang ipinagtataka ko, saan galing 'yung boteng binato niya?!

“Pasensya na dun sa mga 'yun ah, mga abnormal kasi eh” Nagkamot pa ng batok si koya.

 

“Okay lang, sanay na ako sa'yo. Parang ikaw lang sila, times 6 kasi 'yung driver tahimik naman” ngiting ngiti ko namang sabi.

 

“Buti kasama kita, kundi mapapainom na naman ako. Sawang sawa na ako sa alak” Umiling iling pa siya at parang gusto ko ata dukutin 'yung ulo niya at gawing bowling ball.

 

“Paano, broken hearted kaya lasing nang lasing”

 

“Oy hindi ah!”

Defensive po siya.

 

“Ano 'yung biglang liko?” Pagtataka kong tanong. Syempre medyo bagong word sa akin 'yun, kanina ko pa gustong tanungin eh ang daldal kasi, pinapangunahan ako hahahaha.

Nagulat siya sa parang pagtatanong ko (anong nakakagulat sa tanong ko?!) Hinawakan naman niya ako sa magkabilang braso ko at marahas na iniharap sa kabilang side.

 

“Ayan, biglang liko.”

 

“Tae ka, ang sakit kaya!” Sumimangot ako.

 

“Tara, saan ka ba dito?” Hala, biglang iniba ang topic?! Hay nako, ang korni naman nitong epal na 'to nananakit pa hmp.

So naglakad na kami papunta sa may amin at medyo mahabang lakaran 'to kasi kabilang kanto 'to at hindi dun sa binababaan ko talaga.

Tahimik lang kaming naglalakad at ang awkward talaga ng atmosphere naming dalawa. Napapansin ko rin na nagiging orange na 'yung sky, ang cool talaga pag sunset na.

 

“Ang awkward…” Napatingin ako kay Enzo na nagbuntong hininga pagkasabi niya nun, medyo napangiti naman ako at ewan ko, nafeel din pala niya 'yun. Bulong lang siya pero rinig na rinig naman, papansin talaga. “Wala bang playground dito?”

 

“Ha? Para saan? Magdadrama ka?” Natatawa kong tanong.

 

“Magdadrama?” Ewan ko ba pero napangiti ako at that thought. Magdadrama. Once kasi nung napag usapan namin ni John 'yung tungkol sa playground, may isa siyang sinabi na pasadong pasado bilang quotable quote.

 

 

“Ang weird no? Dati nung bata tayo, pumupunta tayo sa playground para sumaya tapos ngayong teenagers na tayo, doon naman tayo nagdadrama.”

 

Come to think of it, tama naman siya. Hay nako John, why full of words and/or phrases of wisdom?! Maipatayo nga kita ng rebulto! Pwede ka na pumalit kay Confucius!

So pumunta na nga kami ni Enzo sa playground kahit labag talaga 'yun sa loob ko dahil medyo out of the way 'yung playground papunta sa amin pero mapilit naman si bruho.

Narealize ko na baka ito 'yung tinutukoy nilang biglang liko na para bang dapat diretso lang kami sa destinasyon namin tapos bigla kaming lumiko ng way kasi may iba kaming pupuntahan? OMG ang brilliant ko lang talaga! Muhahahaha.

Dumating na kami ng playground at nauna ako sa swing na matino dahil ewan ko, nakakamiss lang pumunta sa playground. Siguro ang last na punta ko dito is 6 years ago pa. Naging tambayan kasi 'to ng mga lalaking walang magawa sa buhay, hindi na nag aaral, puro panchichiks ang inaatupag at naging busy din ako sa school.

Bigla kong namiss maging bata oh, biglang nag emo na agad ako!

Tahimik lang ulit kaming dalawa ni Enzo. Nagswing lang ako nang nagswing dahil nag eenjoy talaga ako plus ang hangin at ang ganda lang dahil tumatama sa akin 'yung light ng araw pag medyo malakas sipa ko pero pansin ko naman sa kasama kong 'to, tahimik siya at seryoso.

 

“Narananasan mo namlajhfdowuqnd” Hindi ko na naintindihan 'yung sinabi niya.

 

“ANO!?” Pasigaw kong tanong kasi medyo mataas na ang nasuswing ko. Inulit niya ulit pero hindi ko talaga marinig kaya tinigil ko muna 'yung pagsuswing.

"Anong ANO!?" Tanong niya sa akin with same intense power nung pagsigaw ko ng 'ano'

“Ano ulit?”

 

“Wag na, ang bingi mo eh!” Napakunot naman ako ng noo at agad siyang binatukan.

 

“Adik ka pala kita mong nagsuswing ako tapos lakas mo magtanong at ang hina pa! Ayusin mo kasi!” Napangiti naman siya at parang nagsign na ‘I give up’ at ‘ikaw na nga tama’ body language.

 

“Chill lang! Hahahahaha” Tumawa muna siya, kumunot lalo noo ko tapos nagseryoso siya. “Naranasan mo na bang…”

PUSANG GALA, ANG TAGAL, BAKIT DINEDELAY PA?

 

“Oy antagal, try mo bilisan mag salita” Pagrereklamo ko.

 

“Ay, nakikinig ka pala!” Tumawa na naman po siya mga kababayan, isa pang tawa nito itutulak ko to sa swing ng madapa. (Wow, grabe ang sakit nun hahaha ang badass ko)

 

“Ano kasi, uhm… naranasan mo na bang magmahal?”

Pagkatanong niyang 'yun, bigla akong kinabahan.

 

“H-ha? Bakit mo natanong?”

 

“Wala lang” Mula sa pagkakatingin niya sa akin, tumingin siya sa harap at medyo nagswing pero medyo lang, as in medyo lang talaga. “Hindi pa kasi kita natatanong ng mga ganitong bagay, puro ka kasi kalokohan eh”

 

Bakit ba feeling ko, kailangan kong magseryoso?

 

“Hahahahahahahahahhaha” Wow, seryoso nga Zelle. Good work!

 

“Tae, ayan ka na naman. Kelan ka ba magseseryoso ha?!” Tumigil ako sa pagtawa at ewan ko, nagswing ako ng hindi ganun kalakas pero hindi rin mahina. Yung tama lang na humampas sa mukha ko 'yung hangin.

Ang sarap kasi ng hangin! Ang tamis, hahaha k korni.

 

“Hindi ko alam eh, paano ba malalaman pag nagmamahal na?” Seryoso kong tanong na parang kinabigla niya dahil nagseryoso ako.

Kaya ko naman kasi talaga magseryoso, hello?! Ako kaya ang pinaka seryosong tao na makikilala mo sa tanang buhay mo. Sa sobrang seryoso ko nga eh nabobored na lahat ng tao sa akin.

 

“Ewan ko, siguro kapag gustong gusto mo kasama yung isang tao? Kapag hindi mo kasama, lagi mong naiisip? Apektadong apektado ka sa lahat ng bagay na tungkol sa kanya? Gusto mo siyang makasama—hindi lang bilang kaibigan o kaklase o kapit bahay pero yung karelasyon na? Yung ayaw mong may kasama siyang iba na kahit wala kang karapatan magselos, nagseselos ka pa rin?” Daming sinabi ni Enzo ah?

Tumigil ako sa pagswing dahil napansin kong nakatingin lang siya sa akin na para bang hinihintay talaga sagot ko tapos ngumiti ako ng nakakaloko.

 

“Ewan mo pero ang dami mong sinabi no?” Natatawa kong sabi tapos the next thing I knew, lumapit siya sa akin ng ilang inches, medyo nailang ako sa paglapit niyang 'yun dahil parehas kaming nakatigil ang swing at bigla na lang niya akong…

BINATUKAN!

 

“Ouch”

Sabay sabing, “Kelan ka ba magseseryoso?!”

 

“Seryoso naman ako ah!” Sabi ko habang hinihimas 'yung part na binatukan niya.

 

“Wala kang maloloko dito, Zelle”

Sumimangot ako tapos ngumiti at tumayo na galing sa swing. “Hindi ko alam Enzo, tska di ba parang masyado pa ata tayong bata para intindihin 'yan?”

 

Medyo nataken aback ata siya sa sinabi ko dahil natigilan talaga siya, nakita ko naman 'yung mukha niya na tinatamaan ng sikat ng araw na kulay orange. Ang dramatic ng scene, grabe!

“Wala pa akong nararanasang ganyan eh, tara, uuwi na ako”

Nauna na akong maglakad sa kanya at ewan ko kung napansin ba niya o ano pero sana hindi na napahawak ako sa may dibdib ko dahil sobrang kinakabahan ako at feeling ko nagwiwiggle na 'yung mga legs ko habang naglalakad. Nanghihina ako sa hindi malamang kadahilanan na para bang naging sensitive bigla ang buong sistema ko.

Habang sinasabi niya kasi 'yung tungkol sa pagmamahal na 'yan, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

Ugh, ano ba tong nararamdaman ko!

---x
Author's Note:
Huy kayo naman, iba pa rin kapag 'yung crush niyo ang nilalandi kayo. Laging may after shock 'yan at highschool sila Zelle so yeah, childish to hahaha pinapaliwanag ko lang :((((((((( so happpy reading at thank you sa comments!

Dedicated to sweetestnerd sa dahil sa kanyang dahilan kung bakit binabasa pa rin niya ang JOA. Click external link or just look at the multimedia thingy there over there. Thank you sweetestnerd na ex ni enrique gil na binasted si Daniel Padilla (hahahaha) na tinutwotime si Lee Min Ho at Mario Maurer na asawa si Andrew Garfield tapos crush si Barney, or pwede rin si Kevin Sy. Hahahaha kyot :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top