CH26: Biglang liko

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako. Isa pa, kinakabahan ako!!! PERO BAKIT?! Aaahhh, ayoko na ng ganitong nararamdaman ah? Pramis, ayoko na talaga!

 

“Ako, umiiwas? hindi ah” Bakit ang awkward ng pagkakasabi ko?!

 

“Kinakausap kita pero lumalayo ka rin, ano ba nangyayari?” Napakagat ako ng labi ko at umiwas ng tingin pero hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at tinapat sa kanya. “I'm sorry, kung ano man 'yun, sorry”

Napakunot ako ng noo at inialis ang kamay niya sa mukha ko. Ano ba tong ginagawa niya, naiilang ako!

Nakarinig ako ng parang may humintong sasakyan sa may tabi namin. Hindi ko sana papansinin pero nakarinig ako ng malakas na patugtog kasi binaba 'yung bintana ng kotse at tumambad ang isang lalaki na nakashades.

Hindi ko naman kasi talaga papansinin 'yun hanggang sa…

 

“Bakit kayo nandito?” Napatingin ako sa katapat ko tapos dun sa lalaking nasa may bintana tapos sa katapat ko ulit.

 

“Susunduin ka sana namin, may kasama ka pala…” For the second time, nagsalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. Magkakilala sila?

 

“Uy Enzo, sama ka!” Sigaw nung isang lalaki na nasa loob ng kotse na kasama nung lalaking nakashades.

Nagkatinginan kami ni Enzo tapos nagkamot siya ng batok.

 

“Ah eh, kasama ko siya eh” Tinuro niya ako tapos ewan ko, naawkwardan ako dahil nakatingin sa akin halos lahat ng tao sa loob ng kotse na kinoconsist ng limang lalaki plus 'yung driver na mukhang kasing age lang ata namin o mas matatanda na.

Nakakatakot.

 

“Enzo talaga oh, nagbreak lang kayo ng girlfriend mo may iba ka ng chicks” Ano daw, chicks?! Like, eww?!

 

“Hindi niya ako chicks ah!”

 

“O-Oo nga, hindi ko chicks 'yan! Kadiri” Napatingin ako kay Enzo at sinamaan ko siya ng tingin. Lakas maka kadiri nitong lalaking 'to, IF I KNOW.

“Eh saan kayo pupunta?” Tanong nung nakashades. Tumingin sa akin si Enzo tapos inirapan ko siya kasi paksyet siya.

 

“Ako uuwi na, ewan ko d'yan sa lalaking 'yan saan pupunta 'yan” Maglalakad na sana ako para makatawid hanggang sa bigla bigla na lang nanghawak ng braso si Enzo para pigilan ako.

 

“Sasama ako sa kanya, hahatid ko” WATDAHEK, ANO DAW?!

Tinignan ko ng masama si Enzo at parang nakikiusap siya sa akin gamit ang mukha niya na wag ko siyang iwan. WALA AKONG PAKIELAM.

 

“Sabay na kayo, kahit hanggang kanto lang ng lugar niyo”

 

WHAT?!

But then again, I found myself being surrounded by boys who I don’t really know personally. Naks, umienglish ako oh! Pero nagtataka rin ako kung bakit ako napasabay sa kanila, siguro kasi libre pamasahe? Tama, tipid tipid din kasi malapit na foundation week siguradong maraming mabibili.

EKSAYTED NA AKO FOR NEXT WEEK, WOOOH! 2 days na lang!

Habang nagbabyahe, nagtatawanan at kwentuhan lang sila. Nasa gitna ako tapos katabi ko si Enzo at may katabi akong isa pa tapos 'yung iba nasa likod tapos 'yung nakashades nasa harap katabi nung driver.

Okay lang naman na ako pero napapansin kong nakatitig sa akin itong katabi ko na hindi ko malaman.

 

“Sabi ko na eh” Napatigil kaming lahat sa biglang pagsasalita ni kuyang abnormal at nakatingin sa akin.

 

“Bakit, anyare?” Paglingon sa amin nung lalaking nakashades.

Ngumiti sa akin si kuya na katabi ko tapos tumingin kay Enzo tapos ngumiti lalo nung tumingin sa akin. “The famous Zelle is here”

TEKA, BAKIT KILALA NIYA AKO?!

 

“Zelle?!” Sabay sabay nilang sabi at tumingin sa akin tapos nagtawanan sila. Hala anong nangyari at bakit kilala nila ako?!

 

“Paanong—“ Rinig kong sabi ni Enzo.

 

“Bakit kilala niyo ako?” Nagtataka ko pa ring tanong, kakabahan sana ako pero kasama ko naman si Enzo at close sila pero bakit kilala nila ako?

 

“Eh kasi—“

 

“Kung gusto mo pa mabuhay Zeke, manahimik ka” Napalingon ako kay Enzo, seryoso lang siya tapos nagtawanan ulit 'yung mga lalaki. Hala, may mas aabnormal pa pala kay Enzo?!

Ang kukulit nilang lahat actually, nakakatuwa sila at ang lalakas ng trip nila. Pansin ko rin na si Enzo lang ang tahimik sa kanila at sila naman eh ang iingay.

“Bakit kayo magkasama ngayon? Bakit kayong dalawa lang? Anong gagawin niyo sa bahay niyo?” Dire-diretsong tanong nung isa na medyo mahaba 'yung buhok at parang may hikaw sa right ear niya, tatlo.

 

“Ha? Ewan ko hinabol niya—“ Nacut off ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Enzo.

“Eh ano bang pakielam niyo? May project kaming gagawin”

Nagkangitian naman 'yung mga kaibigan niya at ewan ko, ang weird ng mga tinginan nila.

“Project?” Tanong nung isa rin sa likod na kalbo. Nakangiti lang siya tapos tinignan niya 'yung mga kasama niya sa likod at nagkangitian na naman. “Kayong dalawa lang?”

“Cool” Sabay sabay nilang sabi.

Tinignan ko naman si Enzo ng masama, anong project pinagsasasabi nitong lalaking 'to?! Napansin ko namang nagtetext siya tapos nagtatawanan na 'yung mga kaibigan niya.

Nagvibrate naman 'yung phone ko at ewan ko kung matatawa ako or what kasi siya 'yung nagtext.

“Sino nagtext?” Tanong sa akin nung katabi ko tapos may dalawa rin na tumingin sa may part ko tapos nagulat ako kasi biglang tinulak ni Enzo 'yung mukha nung dalawa sa likod at mukha ng katabi ko kaya nauntog pa siya sa bintana.

“Huwag nga kayo nakikielam sa private life nitong babaeng 'to” Nakakunot na sabi ni Enzo at ewan ko ba, natatawa ako.

Tinignan ko na 'yung message niya at napataas lang ang kilay ko.

Makisakay ka na lang sa akin, please.

Nagreply naman ako.

AYOKO NGA. :P

Hahaha omg I'm so evil.

“Nako Enzo, malay natin baka may boypren pala 'yan tapos tinatago lang niya tapos pina—Araya no ba?!” Napatingin naman ako kay Enzo na tinignan 'yung phone niya tapos sa likod na parang ngumangawa sa sakit ng mukha niya.

Ganito ba talaga sa barkadahan ng lalaki? Sakitan lagi, ankyot nila!

Hindi nagtagal, bumaba na kami ni Enzo sa may kanto, madaling madali nga siya na umalis na 'yung mga kaibgan niya, tinataboy pa na parang hindi kaibigan pero bago pa kami magkahiwalay talaga ng landas ng mga kaibigan niya, may sinigaw pa 'yung nakashades na nakalimutan ko na pangalan dahil hindi naman importante.

 

“Diretso uwi ah, huwag mag biglang liko!”

---x
Author's Note:
Bakit ang bilis ko mag update? Kasi ang dami kong chapters na nasa draft! Muhahahahah >:D Pati kasi umabot agad 'yung quota ko last chapter so mag uupdate ako. Secret pa rin kung ano 'yung quote ko hehehe. Thank you sa mga nagbabasa lalo na sa mga nagkocomment!

Pasensya na din kung pure kalokohan at walang "kilig" scenes to kasi hinati ko 'yung chapter masyadong mahaba kaya 'yung next chapter, magkakasense na pramis hahahaha.

Dedicated to ExNiCrisostomoIbarra o si Anahi dahil sa patuloy na pagbabasa ng JOA. Ang reason niya ay nasa picture sa multimedia section at sa just click external link, nakakalusaw sa kilig ang sagot niya. Dalawang magkaiba pa, ankyot lang. Thank you! :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top